CHAPTER SEVEN – He Smiles

ICE’S POV

Araw ng sabado, niyaya ako ni Richard na pumunta ng mall. Bago lumabas ng MUP, pumunta muna kami sa officer on duty para mag log.

“1300H na ngayon, dapat makabalik kayo ng 1800H” paalala ng naka-duty.

Tumingala ako sa langit, makulimlim at parang uulan. “Rich, uulan ata”

“Oo nga. Wala akong payong. Meron kaba?” tanong ni Richard sa akin.

“Meron kaso tinatamad ako magbitbit”

“Lagay mo nalang dito sa bag ko” sabi ni Richard sabay pakita ng backpack.

“Sige. Kukunin ko lang sa room.”

Kinuha ko ang payong sa room ko at nilagay iyon sa backpack ni Richad pagkatapos ay umalis na kami para pumunta ng mall.

----

“Richard? Ikaw bayan?” Tanong ng isang babae habang naglalakad kami ni Richard sa mall

“Liz, anong ginagawa mo dito?” sabi ni Richard na parang nagulat

“Namamasyal. Actually, kasama ko si Bianca. Wait” lumingon-lingon ang babae na parang may hinahanap “Bianca! Come here!”

Dali-daling lumapit ang isang magandang babae tapos niyakap si Richard.

“Babe, andito ka pala. Na-miss kita” narining ko na sabi ng babae.

Hindi paman pinapapakilala ni Richard pero parang alam ko na kung sino ang babae sa buhay niya. Tiningnan ako ni Richard tapos nagsalita.

“Ice, si Bianca pala, girlfriend ko at si Liz kaibigan nya. Babe, si Ice batchmate ko.”

“Hi Ice” nakangiting sabi sakin ni Bianca

Habang naglalakad, nasaksihan ko ang sweetness nila Bianca at Richard sa isa’t-isa. Aaminin ko, nasasaktan ako. Nanghihina ako. Gusto kong umiyak pero pilit kong pinipigilan ang mga luha na pumatak galing sa aking mga mata. Pinipilit kong ngumiti sa kanila kahit ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Umasa ako. Akala ko may chance na magugustuhan ako ni Richard pero mali ako. Akala ko lang pala lahat iyon.

Pumunta kami sa foodcourt ng mall. Magkatabing umupo sina Richard at Bianca. Naupo naman kami ni Liz sa bakanteng upuan kaharap nila.

“Bibili lang ako ng meryenda” paalam ni Richard

“Samahan na kita” sabi ko

“Huwag na. Dito ka nalang”

Pagkaalis  ni Richard, tumayo naman si Liz at nagpaalam na pupunta muna ng CR. Naiwan kaming dalawa ni Bianca. Naiilang ako. Di ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin. Patingin-tingin ako sa paligid para maiwasan si Bianca ng bigla siyang magsalita.

“Ice, okay kalang ba?” tanong ni Bianca sakin “Kanina kapa kasi tahimik”

“Oo, okay lang ako. Di kasi ako masyadong masalita. Sorry”

“I see. Iagi ba kayong magkasama ni Richard?”

“Hindi naman palagi. Bakit?” tanong ko

“May napapansin kabang ibang babae na umaali-aligid sa kanya kapag magkasama kayo?”

“Wala naman. Saka, halos lalake naman ang nasa MUP kaya wala akong nakikitang babae na umaali-aligid sa kanya.”

Nguniti si Bianca “Sabagay”

“Bakit mo naman naitanong?”

“Worried lang kasi ako. Mula kasi ng pumasok si Richard sa MUP, hindi na kami masyado nagkikita.” Paliwanang ni Bianca

“Ilang years na kayo?” tanong ko

“3 years na. First boyfriend ko siya at first girlfriend niya ako. Same kami ng high school na pinasukan. Ice may favor sana ako. Kung pwede pakibantayan naman sya para sa akin.”

Hindi na natuloy ang usapan namin ni Bianca ng bumalik na si Liz at di katagalan ay dumating nadin si Richard na may dalang pagkain. May dala siyang tatlong halo-halo para sa kanya at sa dalawang babae tapos siopao naman para sa akin.

“Bakit siopao kay Ice?” tanong ni Bianca kay Richard

“Paborito niya kasi yan”

“Gusto ko din sana ng siopao”

“Bianca, gusto mo palit nalang tayo? Sakin nalang yang halo-halo at sayo itong siopao?” sabi ko

Ngumiti si Bianca “Sige. Salamat”

“Bibilhan nalang kita uli ng siopao Ice” sabi sakin ni Richard

“Hindi na. Okay nato sakin. Gusto ko din kumain ng halo-halo” sagot ko.

“Babe, after natin kumain samahan mo naman ako” narinig ko na sabi ni Bianca kay Richard

“Saan?”

“Sa department store. May bibilhin lang.”

“Okay. Ano Ice? Department store tayo?” wika ni Richard habang nakatingin sakin

“Huh? Naku, kayo nalang. Maglilibot-libot nalang muna ako.” sagot ko

“Oo nga. Date muna kayo. Sasamahan ko nalang din si Ice.” Sabi ni Liz.

Pagkatapos kumain, pumunta na ng department store sina Richard at Bianca. Sinamahan naman ako ni Liz na maglakad-lakad pero nakakaramdan na ako ng walang gana. Gusto ko na umuwi. Parang di ko na kaya na makita uli sina Richard at Bianca na magkasama. Nasasaktan nako.

“Ice, okay kalang?” tanong sakin ni Liz

“Oo naman. Bakit?”

“Para kasing matamlay ka”

“Sa totoo lang hindi ako okay. Masama kasi pakiramdam ko.”

“Hala! Paano nayan?”

“Liz, okay lang ba kung mauna na akong umuwi?” paalam ko

“Okay lang naman. Ano hanapin muna natin sina Richard at Bianca?”

“Huwag na siguro. Ayaw ko din na maesturbo sila. Sabihin mo nlanag mamaya pag nagkita kayo na umuwi nako”

“Okay. Mag-iingat ka”

Umaambon na ng lumabas ako ng mall. Dali-dali akong nag-abang ng masasakyan.

----

Malakas na ang buhos ng ulan ng bumaba ako ng jeep. Pumasok muna ako sa isang convenient store. Medyo malayo pa ang kelangan kong lakarin bago makarating sa MUP. Nakalimutan ko ang payong ko na nasa bag ni Richard. Sa lakas ng ulan, siguradong mababasa ako. Naisip ko na magstay muna sa convenient store hanggang sa tumila ito.

Halos isang oras na ako sa loob ng convenient store pero hindi parin humihina ang ulan. Pagkatingin ko sa relo ko, 1815H na pala. Naku! Papagalitan ako nito. 1800H dapat ang balik ko sa dorm. Si Richard kaya? Nakauwi na?

Lumabas ako ng convenient store at balak ko na sanang suungin ang malakas na ulan ng may makita akong familiar na mukha na nakatayo at nakatingin sa akin. Si sir Kirby, hinihingal at basang-basa ng ulan. Pero pinagtataka ko, bakit basang-basa siya ng ulan gayong pagtingin ko sa kanang kamay nya, may dala siyang nakatuping payong. Napatingin ako pabalik sa mukha ni sir Kirby at nakita ko na ngumingiti siya. Hindi lang basta ngiti. TODO AND NGITI. First time ko siya na makita ng ganoon. “Mas gwapo pala si sir Kirby pag ngumingiti” nasabi ko saking sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status