Kabanata 55

Truth

Unti-unting kinain ng dilim ang liwanag, ang huni ng mga ibon ay unti-unting napalitan ng pang gabing insekto, habang nanatili akong nakatayo sa harap ng lalaking tinawag akong anak. Hindi ko alam kung ano ang isasagot, hindi ko alam kung ano ang iisipin dahil ang taong minsan kong kinamuhian ay tatawagin akong anak.

Ito ba ang dahilan kung bakit niya inako ang kasalanang hindi naman niya ginawa? Matagal na ba niyang alam na anak niya ako? Bakit siya lumayo? Bakit hinayaan niyang ako pa ang maghanap sa kanya.

Binalot kami ng mahabang katahimikan. Napakahaba na tila ba nagawa ko pang makita ang buhay ko simula pagkabata hanggang sa ngayon. Kahit kailan ay hindi ko kinuwestiyon at naramdamang may kulang sa pagkatao ko, ngayon lang. Nagayon kung kailan narinig kong may tumawag sa aking 'anak', unang pagkakataong may tumawag sa akin ng ganoon at hindi ko alam kung ano ang isasagot.

"Pasok muna kayo,"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status