Kabanata 4

Dejavu

Tuluyan akong nagising ng hawiin ni Gabby ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Wala na akong nagawa nang marahas niyang hilain ang kumot na itatakip ko sana sa aking mukha.

"Good morning sunshine! Rise and shine! Today is the first day of being a senior!" hiyaw niya.

Napaka energetic talaga niya sa umaga. Well, Gabriella is not Gabriella without an energy.

Halos nakapikit pa akong bumangon nang hilahin niya ako sa kama.

"C'mon, Faith. Wake up! I already texted Landon, he will be here in 10 minutes. We don't wanna miss the first day prank," wika niya sabay paikot ng kanyang mga mata.

Bumuntong hininga ako. "Okey, maliligo na ako," sabi ko nalang pagkatapos ay dumeretso sa banyo.

Ilang beses na akong nakapasok dito pero natutuwa pa rin talaga ako sa ayos ng kanyang mga gamit panligo. Iba't-ibang amoy ng shower gel kada araw. Kahit hindi ako tumingin sa kalendaryo ay alam kong Lunes ngayon dahil amoy lavander ang bathroom niya.

Kahit binuksan ko na ang shower ay dinig ko pa rin ang kanta ng paborito niyang banda. Paniguradong nag bo-blower na siya sa mahaba niyang buhok ngayon.

"Eight minutes, Faith!" sigaw niya. Napangiti ako. Here comes Gabriella's unlimited look ahead list.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos ng isang napakabilis na pag ligo at nagulat nalang ako nang may nakahanda nang damit sa aming kama.

"Gone are the days with your jeans, t-shirt and sneaker, dear sister. Time to change your looks, TODAY!" masyadong maarte ang kanyang pagkakasabi lalo na sa huling salita.

"Wala namang problema sa mga sinusuot ko, ah?" reklamo ko.

"Dati wala, ngayon meron na. You will about to turn 18 three months from now. And hello, never ka pang nag kaka-boyfriend. It's time to... you know… have some fling."

Awtomatikong umikot ang aking mga mata. "Hindi ko isusuot ang mga iyan, Gabby." Dumiretso ako sa walk-in closet at naghanap ng usual kong sinusuot. Paglabas ko ay nakabusangot na ang kanyang mukha. Palihim akong umismid. Hindi ko na siya pinansin nang marinig ko ang busina ng sasakyan. Si Landon na siguro iyon.

"Girls, breakfast muna. It's still early," sabi ni Tita Liz nang makitang palabas kami ng bahay.

"Sa school nalang, Mom. Let's go, Lexcel Faith Marshall," pasiring na aniya.

Dire-deretso siya sa gate, halatang nagtatampo. Tinatawag niya ako sa buo kong pangalan kapag ganoon.

"Hi Faith," bati ni Landon nang makapasok ako sa backseat ng kanyang sasakyang.

"Someone's ruining my to do list, babe," walang ganang salubong ni Gabby sa boyfriend nang maka upo na siya sa front seat.

Napa-iling na lamang kaming pareho ni Landon.

Tahimik ako buong byahe. Hindi dahil pinapatulan ko ang tampo ni Gabby kundi dahil sa naging panaginip ko. Habang papalapit ako sa skwelahan ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Alam ko noon pa man ay may kakaiba nang nangyayari sa akin ngunit hanggang sleep walking lamang ang nagagawa ko dahil palaging umaalalay si Lola Kristel sa akin, ngunit ngayong wala na siya ay natatakot ako sa kung ano pa ang kaya kong gawin.

Hindi ako naniniwala sa mga ganitong bagay ngunit pagkatapos nang nangyari sa sementeryo ay tila nababaliw na ako.

Ultimo galaw ng daga ay nararamdaman ko, ang simpleng pag lapag ng baso sa lababo ay kinakabahan at nagugulat ako, at ngayong nasa iisang kwarto nalang kami ni Gabby ay sapat nang dahilan para lalong mabaliw ako sa kaba.

"Hey, hindi ka ba bababa?" tawag ni Gabby sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang maramdaman ko ulit ang espasyo sa aking sikmura. Parang hinahalukay ang tiyan ko dahilan upang muntikan na akong maduwal. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang binuksan na ni Gabby ang pintuan para sa akin. She can't get near me right now. Hindi maganda ang takbo ng utak ko.

"Look, Faith. I'm sorry. Sorry kung pinilit kita kanina. Gusto ko lang naman na tulungan kang makalimot sa mga nangyari nitong nakaraang araw. My bad, I know, I should not force you to change the way you are. So, I'm sorry, okey?" Ngumiti siya.

"S-sorry, sumama lang ang pakiramdam ko," sabi ko nalang.

"Kumain na muna tayo sa canteen. Malamang hindi ka sanay na hindi nag a-agahan," nag aalinlangan pa si Landon na tapusin ang kanyang gustong sabihin.

Tumikhim ako pagkatapos ay tumango. Muntikan pa akong matumba pagkababa ko ng sasakyan mabuti nalang at kaagad umalalay ang dalawa.

"Faith, namumutla ka. Dapat kumain muna tayo sa bahay kanina. Hindi ka pala nakakaalis sa inyo kapag hindi nakakakain," halos bulong nalang ang huling pangungusap ni Gabby ngunit dinig ko pa rin.

Mabuti na lamang at malapit lang ang canteen sa parking area kaya naka upo kaagad kami sa bakanteng lamesa. Wala pa masyadong tao dahil mag aala-sais pa lang ng umaga.

Alam ko sa sarili ko na hindi gutom itong nararamdaman ko at natatakot akong aminin sa sarili ko ang posibleng mangyari sa akin kapag hindi ko napigilan ang matinding galit at takot na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Gabby basta't nakita ko nalang siyang pumunta sa counter, siguro ay para pumili ng pagkain.

Heto na naman ang pakiramdam na iyon. Tila may kung ano sa loob ko na gustong kumawala. Nanginginig na ang mga kamay ko kaya ipinasok ko ang mga ito sa bulsa ng aking jacket bago tumakbo palabas ng canteen. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nandilim na ang aking paningin.

Nagising ako dahil sa hapdi galing sa aking kaliwang braso at awtomatikong tumambol ang aking puso ng makita ang lapis na bumaon doon. Napasigaw ako sa sakit ng tanggalin iyon sa pagkakabaon ngunit agad naagaw ang atensyon sa boses galing sa labas ng classroom na humihingi ng tulong.

This can't be happening!

Tumakbo ako palabas ngunit napasigaw na lamang ako ng makita ang lalaking nakaitim na dinukot ang puso ni Gabby.

……………………………………………………………………………..

"Good morning sunshine! Rise and shine! Today is the first day of being a senior!"

Habol ko ang aking hininga pagkabangon ko. Nanginginig pa aking mga kamay habang sinusundan ng tingin si Gabby na binubuksan ang kurtina sa aming kwarto.

"I already texted Landon, he wil be here in 10 minutes. We don't wanna miss the first day prank," wika niya sabay paikot ng kanyang mga mata.

Uminit ang sulok ng aking mga mata.  Oh my god! What the hell is happening to me!

"Faith, are you with me?" sita ni Gabby sa akin.

Pa simple kong pinunasan ang aking mga mata bago tumango. Patakbo akong pumasok sa banyo at ang amoy ng lavender shower gel ay lalong nagpaiyak sa akin.

Nagmadali akong naligo at lumabas ng kwarto. Hindi na ako nagulat nang may nakitang mga damit sa ibabaw ng kama. Ngunit imbes na pansinin iyon ay dumeretso ako sa walk-in closet para mag bihis at sinigurado ko talaga na magkaiba ang damit ko ngayon kumpara sa damit ko sa aking panaginip.

Nakatalikod man ay alam ko na ang reaksyon ng kanyang mukha.

"Gone are the days with your jeans, t-shirt and sneaker, dear sister. Time to change your looks, TODAY! You will about to turn 18 three months from now. And hello, never ka pang nag kaka-boyfriend. It's time to you know—”

"May number ka ba ni Levi?" putol ko sa litanya niya.

"Oh," tanging naisagot niya bago kinuha ang kanyang cellphone at may pinindot doon.

Tumunog ang aking telepono at agad akong lumabas ng kwarto ng makuha ang numerong kailangan ko ngayon.

XxXCGTXxX

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status