Kabanata 5

The New Guy

"Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin." Hindi ko alam kung makailang ulit ko na nasabi ang mga katagang ito. Siguro ang alam ko nalang ngayon ay ang paulit-ulit na sabihin ang mga ito.

I am feeling helpless. Wala akong magawa nang bumuhos ang mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag dahil sa buong buhay ko ay hindi ko halos maisip na posibleng mangyari ito sa akin.

Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makarating sa opisina ni lola, mabuti na lamang at nakaksunod pa rin sa akin si Levi.

"Hindi ko rin maintindihan, Faith, at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandito ngayon," hinihingal na aniya.

Huminto ako at hinarap siya. Sa uri ng katawan niya ay hindi na ako nagtaka kung bakit siya hinihingal. Nangingitim ang paligid ng kanyang kulay abong mga mata, namumula rin ang matangos niyang ilong at namamalat ang kanyang labi.

"Hindi ako adik kung yan ang iniisip mo," aniya. Tila nabasa ang nasa aking utak. Narinig ko siyang huminga ng malalim at hindi ko maiwasang gayahin ang paraan ng kanyang paghinga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at pakiramdam ko ay malapit na akong mabaliw sa kakaisip kung ano ang nangyayari sa akin.

Umakyat ako sa tatlong baitang na hagdanan at kinuha ang susi sa ilalim ng pasong nasa tabi ng pintuan sa opisina ni lola. Aanyayahan ko na sana siyang pumasok ngunit nakita kong lumaki ang mga mata niya at mas lalong namutla. Kinabahan ako lalo sa anyo niya.

"Levi, please.. Alam nating pareho na ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon," pagsusumamo ko.

Mariin siyang pumikit at makailang ulit na lumunok bago tuluyang pumasok. "F-faith, hindi ko rin alam kung papaano ka tutulungan," aniya sa nanginginig na boses.

"Alam ko, pero alam ko rin na tanging ikaw lang ang nakakaintindi sa mga nangyayari sa akin." Lumapit ako sa kanya ngunit humakbang siya paatras. Humugot ako ng malalim na hininga bago wala sa sariling napa-iling.

Namasa ang kulay abo niyang mga mata at nanginginig ang mga labi. Umiling siya nang makailang ulit bago tumitig sa akin. "Hindi mo ba naaalaala kung anong nangyari dito, Faith?" halos pabulong niyang tanong. Halatang natatakot.

"Dito namatay ang Lola ko, alam ko." Naikuyom ko ang aking kamao habang inaalala ang imahe ng katawan ni lola na naliligo sa sariling dugo. "It's Sandrex! Kailanman ay hindi ko siya mapapatawad."

Umiling siya. "Hindi, Faith, maliban doon."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

Huminga siya nang malalim, tila ba hindi sigurado kung itutuloy niya ang sasabihin o hindi na.

"C'mon, Levi. Hindi mo ako matutulungan kung patuloy mong ililihim sa akin ang mga nalalaman mo," nanginig ang boses ko dahil sa pagpipigil ng galit. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Kahit papaano ay nagiging pamilyar na sa akin ang kasunod na mangyayari sa tuwing nararamdaman ko ang munting espasyo sa aking sikmura na hinihigop ang natitirang ulirat na mayroon ako.

"H-hindi ko rin alam, Faith. Wa-la akong alam sa totoo lang. Sa bawat araw na lumilipas at tuwing nakikita kita ay pinagsisihan ko kung bakit ako pumunta dito," halos hindi ko na marinig ang huling sinabi niya.

Nagmulat ako ng mata at kita ko ang pagsisisi sa mukha niya dahil sa huling katagang sinabi.

Lumunok siya. "N-natatakot ako sa'yo." Naging alerto siya nang akmang lalapit ako sa kanya.

"Sorry sa ginawa ko sa'yo noon sa sementeryo, Lev." Bahagya akong naluha.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong totoong nangyari doon. Parang panaginip lang sa akin iyon ngunit ang mga sugat na natamo ni Levi ay nagsasabing totoo ngang nangyari lahat ng iyon. Ang katotohanang iyon ang dahilan kaya ayaw kong sumugal para sa kaligtasan ni Gabby.

Tumango siya bago nagpatuloy. "Alam ko, Faith... Alam ko. Kaya tutulungan kita kahit ako mismo ay hindi maintindihan ang lahat ng nangyayari."

Mapakla akong ngumiti. "Natatakot din ako sa sarili ko, Levi. Natatakot ako na baka may magawa akong pagsisisihan ko sa huli."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Lumapit ako sa lamesa ni lola at isa-isang binuksan ang mga drawer doon. Ang hirap pala maghanap ng isang bagay lalo na kung hindi mo alam kung anong hinaganap mo.

"Anong hinahanap natin dito?" tanong niya habang isa-isang tinitingnan ang mga libro sa book shelves.

"H-hindi ko alam, sa totoo lang," nahihiya kong turan.

"Hmm... Alam ko ang pakiramdam na 'yan."

Awtomatiko akong napalingon sa gawi niya nang may narinig akong bumukas na pinto. Nahati sa dalawa ang shelves at sa loob niyon ay may iilan pang mga libro akong nakita.

Nagkatinginan kami ni Levi. Hawak niya ang isang makapal at medyo lumang libro na sa tingin ko'y dahilan upang mabuksan ang kwartong iyon. Lumapit ako sa kanya at kinuha iyon. Agad ko itong binuksan nang makitang nakaukit ang pangalan ko doon sa kulay gintong letra.

Sa unang pahina palang ay agad tumulo ang luha ko. Sulat kamay iyon ni Lola kasama ang isang litrato ng buntis na babae at lalaking may kalong na isang sanggol.

Dearest Faith,

If you are reading this, surely I am dead by now and I wanted you to know that it is not your fault. All of these are bound to happen and you need to be strong for only you can stop all of these.

Be brave, honey. Control your anger before it consumes you.

Always,

Kristel

Pumatak ang ilang luha ko sa unang pahina ng libro. Sa ikalawang pahina ay puro pangalan ng mga tao at petsa ang naroon. Siguro ay kaarawan ng mga pangalan na nakasulat doon.

"Diary siguro yan ng Lola mo, Faith."

Pinunasan ko ang aking mata bago tumango. "This is crazy." Pagak akong natawa.

"This is really crazy, Faith," aniya sabay pakita sa akin ng naka sulat sa likod ng litratong hindi ko namalayang hawak na pala niya. "Ang address na ito ay ang lugar kung saan ako nakuha ng mga kinikilala kong magulang ngayon."

Mas lalong gumulo ang utak ko.

"Paanong..."

"This birthmark..." putol niya sa sasabihin ko pa.

Umawang ang bibig ko nang tuluyang maunawaan ang ibig niyang sabihin. Hindi na ako nag aksaya ng oras, ako na mismo ang pumunta sa likuran niya para tingnan ang marka sa may bandang batok niya.

"I-ikaw ang batang ito sa litrato?" nauutal kong sabi habang pinagkatitigan ang kulay tsokolate niyang birthmark sa batok. 

XxXCGTXxX

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status