Kabanata 6

Behind that Door

"B-bakit? Papaanong?" Wala sa sariling nai-lapag ko ang diary ni lola sa lamesa na nandoon.

Kanina pa paroon at parito si Levi at nahihilo na ako sa ginagawa niya.

"Ako dapat ang mag tanong niyan," bakas ang pag pipigil ng galit sa boses niya.

"Hindi ko rin alam, Levi. Ngayon ko nga lang rin nalaman na may kwarto pa pala rito," depensa ko.

Sa totoo lang ay bihira akong naglalagi sa opisina ni lola. Hindi ako katulad niya na naniniwala sa mga espirito, other dimensions, higher vibration at kung ano-anong pang kababalaghan na kinu-kwento niya. Ang opisinang ito ay isang napakalaking kalokuhan para sa akin.

"Alam mo bang pinilit lang ako ng mga magulang ko para pumunta rito." Tumigil siya at hinarap ako. "Pinapunta nila ako rito pagkatapos dumating ng isang sulat galing sa Lola mo, Faith."

"Kung ganoon, matagal na kayong magkakilala ni Lola?" nagtataka kong tanong. Bahagyang nanunumbat.

Umiling siya, "Hindi, pero sabi sa akin ni Mama ay ang Lola mo lang ang makakasagot sa nakaraan ko. Ang malas ko lang ay namatay siya bago kami makapag usap," halos bulong nalang ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap.

"I-im sorry…" Napayuko ako. Hindi alam ang susunod na sasabihin.

"Magpaalam ka sa mga Somerheld, pupunta tayo sa address na iyan," pinal na sabi niya.

Tumikhim ako. "Paniguradong sasama si Gabby kapag sasabihin ko. Ayaw kong isugal ang kaligtasan niya."

"Oo nga pala, Faith." Seryoso siyang tumitig sa akin pagkatapos humugot ng malalim na hininga. "Sa tingin ko ay hindi lang ikaw ang may ganoong panaginip. Noong una ay hindi ako sigurado, baka dahil hindi talaga ako naniniwala. Pinalampas ko ang nangyari sa sementeryo dahil baka galit ka lang sa nangyari sa lola mo. Pero ang ginawa mo dito kahapon— "

"Wait," putol ko sa sasabihin pa niya. "Hindi ako pumunta dito kahapon, Levi."

"Kung ganoon ay natatandaan mo ba kung paano ka nakauwi sa bahay nila Gabby kagabi?"

Mas lalong gumulo ang isip ko. Oo nga't wala akong matandaan. Ang huling naaalala ko ay noong nasa hospital pa ako.

Walang lakas akong napasandal sa lamesa. "A-anong ginawa ko?" nauutal kong tanong habang nakatingin sa nanginginig kong mga kamay ko.

"May dala kang gasolina at posporo nang maabutan kita kaya hinapas kita ng kahoy sa ulo bago ka paman makagawa ng pagsisihan mo. I'm sorry," nag aalangan niyang sagot.

"Anak ng—” tanging nasabi ko.

"Ilang ulit ko nang napanaginipan na susunugin mo ang opisina ng Lola mo, Faith. Binalewala ko noong una, ngunit nang naging paulit-ulit na ay doon na ako nag baka sakali at hindi nga ako nagkamali," hinihingal na aniya. Halatang natatakot dahil sa panginginig ng kanyang boses. 

"W-wala akong maalala, Lev," tanging lumabas sa bibig ko.

"Mukha nga, Faith. Pero ang pinagtaka ko ay ang paghilom ng sugat mo sa ulo. Sigurado akong may sugat ka sa ulo kagabi dahil sa ginawa ko."

Napahawak ako sa aking ulo at wala nga akong maramdamang sakit mula doon. Napatitig ako sa kanya at bakas sa kanyang mukha ang pinaghalong takot at pagod. Kaya siguro nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata dahil katulad ko, hindi rin siya pinapatahimik ng kanyang mga panaginip.

"N-napapanaginipan mo rin ba si Gabby?"

Nag aalangan siyang tumango bago nag iwas ng tingin. Napayuko ako dahil sa namumuong luha sa aking mga mata.

What the hell is happening to me?

"Hinahabol mo siya sa hallway ng paaralan n-natin," pumiyok siya.

"I cannot let that happen, Lev. Please, tulungan mo ako," pagsusumamo ko.

"M-may nakikita akong anino na sumusunod sa'yo. Minsan," bulong niya. "s-sa burol ng Lola mo, sa sementeryo, at kahapon. Sa tuwing nakikita ko ang anino na iyon, may hindi magandang nangyayari sa iyo. Pinilit kong lumayo sa iyo ngunit mga paa ko na mismo ang nagdadala palapit sa'yo. Natatakot ako, sa totoo lang, Faith. Minsan mo na akong muntikang mapatay."

Dumagundong ang puso ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Nababaliw na siguro ako. Isang malaking pagkakamali ang pag hingi ko ng tulong sa lalaking ito kung ganoon nga.

"Kailangan mong lumayo sa lugar na ito, Lev." walang alinlangang sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ulit ang litrato bago umiling. "No, Faith. Ngayon alam ko na kung bakit nangyayari sa akin ito. They can be my parents," tukoy niya sa babae at lalaki sa litrato. "or maybe, I'm related to your grand mother. Alin man sa dalawang iyon, kailangan ko ng kasagutan. At isa pa, tadhana na mismo ang pilit naglalapit sa ating dalawa. Hindi ko rin kayang pabayaan nalang si Gabby kapag totoo nga ang panaginip natin sa kanya."

Marahan akong tumango bagamat nag aalangan. Hindi imposibleng masaktan ko siya kagaya noong una. "A-anong gagawin natin?"

"Basahin ang diary ng Lola mo, baka may makuha tayong sagot sa mga katanungan natin. Siya ang nagpapunta sa akin dito, malamang may rason iyon kung bakit. Sa Sabado tayo pupunta sa address na tinutukoy sa litrato, hindi ako pamilyar sa lugar na iyon dahil noong maligtas ako sa sunog ay nilisan na ng mga magulang ko ang lugar na iyon," aniya.

Tinalikuran niya ako at tinungo ang kabinet na may iilang figurine at iba't-ibang uri ng bagay na hindi ko matukoy.

Napa lunok ako. I'm feeling helpless.

Kinuha ko ang diary ni Lola at nag umpisang magbasa. Ang unang mga pahina ay tungkol sa ilang naging pasyente ni Lola nitong taon. Dinaanan lang ng mga mata ko iyon dahil hindi ko naman maintindihan at sa palagay ko'y walang kinalaman iyon sa nangyayari sa akin. Hinanap ko ang entry niya nitong nakaraang buwan kung saan naging pasyente niya si Sandrex ngunit kagaya ng mga nauna ay wala akong maintindihan. Puro iyon mga problema ng kanyang pasyente at mga improvements sa bawat sesyon nila.

"Wala dito ang hinahanap natin, Lev," naiinip kong saad sabay sarado ng libro.

Buntong hininga lang ang kanyang sagot sa akin. Tumikhim siya bago humarap sa akin. "Isipin mong mabuti kung bakit diyan iniwan ng lola mo ang sulat niya para sa iyo at ang litratong ito. Paniguradong may nakatagong kasagutan dito sa loob kaya gustong sunugin ito ng... kung ano man ang sumasanib sa'yo."

Tumango ako at nagkamot ng kilay. This is impossible. Alam kong hindi ako magaling sa ganitong bagay.

"May susi ka ba sa kabinet na 'to?" maya-maya'y tanong niya. "Hindi ito naka kandado kung wala lang ang mga ito sa loob."

Lumapit ako at pinagmasdan ang ilang nandoon. Sa itaas na bahagi ay may basong gawa sa kahoy na halatang pinaglumaan na ng panahon. May mga nakaukit doon sa salitang hindi ko maintindihan. May hugis tao na naka upo sa loob ng garapong kulay ginto ang takip, sa tabi nito ay punyal na kahoy na silver ang hawakan. Sa ikalawang bahagi ay may mga pilak na hindi ko matukoy kung buhat sa anong panahon, iba't-ibang uri ng paso at palayok na lahat ay gawa sa kahoy na may mga nakaukit na lumang salitang hindi ko mabasa. Iba't-ibang uri at laki ng punyal na gawa sa buto, kahoy at ginto. Sa ibabang bahagi ay mga lumang libro, marami sa mga ito ay halatang sira na dahil sa kulay nito. May mga maayos pa naman na mukhang nitong mga nakaraang taon lamang sinulat.

Kinuha ko ang hairpin sa aking buhok at pinilit buksan ang kabinet ngunit nasira na lamang ang hairpin ay hindi ko pa rin nagawang buksan iyon.

Napatalon ako at napamura ng biglang tumunog ang aking telepono. Sinagot ko ito ng makita ang nasa caller id.

"Yes, Tita?"

"Where are you, Faith? Ang sabi ni Gabby ay wala ka sa school. Are you okey?" nag aalalang wika ni Tita Liz.

Napapikit ako. "May tiningnan lang po ako sa mga gamit ni Lola."

"Oh well.. Do you have a minute? Nandito ang abogado ng Lola mo, hinahanap ka."

“I’ll be there, tita.” Pinutol ko ang linya bago hinarap si Levi.

XxXCGTXxX

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status