Kabanata 8

To See is to Believe

"Wala bang na ikwento sa'yo ang lola mo tungkol kay Teodore, Faith?"

Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha pagkatapos ay sunod-sunod na umiling. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung tutuusin naman ay napaka-imposible nang lahat ng ito. Napaka moderno na ng panahon ngayon, makabago na ang mga teknolohiya at halos lahat ay kaya nang sagutin ng siyensya, kaya ang lubos na kailangan ko ngayon ay tulong ng isang magaling na sikolohista.

"Faith, are you listening?" 

Umiling ulit ako at sinalubong ang mga tingin niya. "Paano tayo nakakasiguro na totoo nga ang lahat ng nakasulat d'yan?"

"Kaya mo bang ilagay sa alanganin ang buhay ni Gabby para lang makasigurado?" Mapakla siyang natawa pagkatapos ay tuminga.

Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman ang bara sa aking lalamunan, parang maiiyak na naman ako.  "Para na akong mababaliw," bulong ko ngunit sapat lang para marining niya. "Siguro kailangan ko nga ng psychologist, Lev." Tuluyang tumulo ang aking mga luha.

Napaawang ang kanyang labi habang nakatitig sa akin. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin niya sa akin, basta gusto ko nalang umiyak. Napapagod na ako. Hindi pa nga ako nakaka usad sa pagkamatay ni lola ay heto na ako't naguguluhan sa nangyayari sa buhay ko. 

Pinangako ko sa puntod ni lola na pipiltin kong maging maayos ang buhay ko kahit wala na siya. Kahit mahirapan ako o mangulila sa kanya ay pipilitin kong maging malakas ngunit sa nangyayari ngayon sa buhay ko ay mukhang gusto ko nalang rin mawala. 

Napakahirap kasi hindi ko alam kong ano ang paniniwalaan ko. Natatakot akong sumugal ngunit natatakot din akong maniwala, kasi kapag naniwala ako at basta nalang tanggapin na ganoon nga ang mangyayari ay parang tinanggap ko nalang rin na ganoon nga ang tadhana ko— ang maging mamamatay tao at sisidlan ng isang demonyo.

Mas lalo akong napahagulgol sa naisip ko. Yumuko ako sa aking mga palad nang makita ang pag-aalangan ni Levi na lapitan ako. Mas lalo ko tuloy naramdaman na mag isa na lang ako sa buhay. Sa bagay, hindi ko naman siya masisi dahil minsan ko na ring nilagay ang buhay niya sa bingit ng kamatayan.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako umiyak basta't nag angat lang ako ng tingin nang marining ang pagsara ng pinto sa opisina ni lola. 

Wala na doon si levi ngunit nakita ko ang bottled water sa lamesa na may kasamang notes. Suminghot ako at pilit na kinalma ang sarili. Ilang minuto pa ulit ako napatulala doon bago naisipang tumayo, naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko dala ng pag iyak.

Uminom ako ng tubig habang binabasa ang note na naiwan doon.

I'm sorry for being a coward, Faith. 

- Levi

Namuo na naman ang luha sa aking mata ngunit bago pa man mahulog iyon ay pinunasan ko na. Hindi pwedeng pilitin ko si Levi na samahan at tulungan ako sa sitwasyong ito dahil kung tutuusin ay wala naman siyang kinalaman dito. Mas mabuti na nga lang rin siguro ang ganoon dahil malalagay lang sa alanganin ang buhay niya kung totoo nga ang lahat ng nakasulat sa diary na nabasa namin kanina.

Problema ko ito kaya ako lang ang makakatulong sa sarili ko. 

Huminga ako ng malalim at binaba ang iniinom ko. Kinuha ko ulit ang diary at nagbasa doon. 

September 25, 1995 Nuevo Pacto

     Sinubukan kong gawing normal ang mga araw ko dito sa Nuevo Pacto ngunit ang kalungkutan ay hindi maitatanggi sa kaibuturan ng aking puso. Oo nga't si Teodore ang puno't-dulo ng lahat ng ito ngunit dahil sa kapabayaan ko'y naisagawa ang mga alay. Kasali ako sa dapat na sisihin. Sana sa umpisa pa lang noon ay hiningi ko na ang tulong ni Kristel.

     Naglibo't-libot ako sa syudad kanina at ma swerte ako at nakahanap ng murang matutuluyan. Hindi ito kalakihan ngunit sapat lang sa iisang tao. Malinis at maaliwalas, malapit lang din sa pamilihan kaya hindi ako mahihirapang bumili ng aking mga pangagailangan.

     Mabait si Ginoong Melchor, ang may ari ng tinutuluyan ko ngayon. May katandaan na rin siya ngunit hindi pa naman makakalimutin. Kasama niya ang kanyang anak na si Anita doon sa ibaba. 

     Bukas ay susubukan kong puntahan ang address na binigay sa akin ni Ginoong Melchor. Hindi ko akalaing kilala pala sa lugar na ito si Kristel. Natutuwa ako't masagana ang naging buhay niya dito.

September 28. 1995 Nuevo Pacto

     Nagkita kami ni Kristel kanina sa harap ng munisipyo. Malaki ang kanyang pinagbago't halos hindi ko na siya makilala. Ang dating kulay itim niyang mga buhok ay kulay tsokolate na ngayon. Masyado na iyong maiksi ngunit bumagay naman sa korte ng kanyang maliit na mukha. Mas lalong lumitaw ang ganda ng kulay tsokolate din niyang mga mata at makakapal na kilay -

Pabagsak kong naibaba ang diary dahil sa nabasa ko. Alam kong kulay berde ang mga mata ni lola at manipis ang kanyang mga kilay. Natural din ang kulay tsokolate niyang mga buhok dahil sa kanya ko nakuha ang ganoong ding kulay na mayroon ako.

Awtomatikong nailagay ko ang aking mga kamay sa aking tainga nang may marinig akong mga boses. Palakas iyong nang palakas at nag e-echo sa loob ng silid. Napaluhod ako nang halos sigaw na ang mga iyon.

   

 Nagkita kami ni Kristel kanina sa harap ng munisipyo. Malaki ang kanyang pinagbago't halos hindi ko na siya makilala. Ang dating kulay itim niyang mga buhok ay kulay tsokolate na ngayon. Masyado na iyong maiksi ngunit bumagay naman sa korte ng kanyang maliit na mukha. Mas lalong lumitaw ang ganda ng kulay tsokolate din niyang mga mata at makakapal na kilay— kasing kapal ng kanyang pag mumukha! 

"Sino ka!" Sigaw ko rin habang nakabaluktot at tinatakpan pa rin ang aking tainga dahil sa lakas ng sigaw na aking naririnig. Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang biglang mag patay-sindi ang ilaw sa buong opisina ni Lola. 

                Hindi ko matanggap ang kasiyahan niya gayong nalulugmok ako sa kahirapan. Wala siyang karapatan na maging maligaya dahil pinabayaan niya kami! Kung hindi siya umalis, malaki ang posibilidad na hindi naisagawa ni Teodore ang mga alay! Malaki ang posibilidad na buhay pa ang aking anak!

Tumigil ang pag sigaw at ang tanging naririnig ko na lang ay ang lakas at bilis ng aking hininga at maging ang kabog ng aking puso. Nang ibuka ko ang aking mga mata ay patay na ang mga ilaw ngunit may kaunting liwanag pa rin dahil sa poste sa labas at  liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana. 

Marahan akong bumangon. Muntikan pa akong matumba dahil sa panginginig ng aking mga binti. Ngunit ganoon nalang ang kaba ko nang makarinig ng mga yabag papalapit sa akin. Nasisigurado kong hindi si Levi iyon dahil ang mga yabang ay tunog  paang naka-takong.

Paika-ikang lakad dahil mas mabigat ang apak ng isang paa kaysa isa. Mas lalong kumalabog ang puso ko at halos hindi na ako humihinga nang tumigil ito sa pag hakbang hindi kalayuan sa aking kinaroroonan.

Ayaw ko mang lumingon ngunit awtomatiko ang pag hakbang ng aking mga paa.  Pigil ko ang aking paghinga  at ramdam ko ang lamig ng pawis sa aking noo. 

Napaatras ako ngunit lamesa na ang nasa likod ko, agad akong napahawak doon nang nag-angat ng tingin sa akin ang babaeng may mahabang buhok na nakasuot ng kulay puting damit na sumasayad hanggang sahig. May suot siyang pulang kapa na may hood at may hawak na patalim na gawa sa kahoy sa kanang kamay. 

Ramdang kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Maging ang lamig at kuryente sa batok ko ay ramdam ko rin. Literal na nanginig ang labi ko nang makita ko siyang ngumisi ngunit nanlilisik ang dumurugo niyang mga mata. 

Mariin akong napapikit at malakas na sumigaw nang mabilis siyang lumapit sa akin habang nakataas ang kutsilyong nakatutok sa direksyon ng puso ko.

XxXCGTXxX

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status