Kabanata 12

Ruby 

Nagising ako dahil sa nakapasok sa sinag ng araw mula bintana ng opisina ni lola. Kaagad nabuhay ang kaba ko nang mapagtantong sa sofa ako nakahiga dahil ang huling naalala ko ay nakasandal ako likod ng pintuan. 

Agad akong napabangon at tiningnan ang kalendaryo sa cellphone ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makompirmang isang gabi lang ang nag daan at mag aala-sais pa lang ng umaga.

Napasandal ulit ako sa sofa habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Napalunok ako nang maalala ang mukha nang babaeng sumakal sa akin. 

Nakita ko na siya noon, dito rin sa opisina ni lola. Siya ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay noong isang linggo. Siya iyong babaeng may suot na pulang kapa at may hawak na punyal na gawa sa kahoy habang lumuluha ng dugo. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa pagkakasakal niya sa akin ay may pu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status