Share

Kabanata 16

Mefar, Pruyebas, 1561

Pareho kaming naka upo ni Ree sa sahig habang kumakain ng cup noodles at tinapay. Ito nalang talaga ang nakakakain ko simula ng umalis ako kina Gabby. Unhealthy, parang buhay ko.

"Oo nga pala, Faith, may ipapahiram ako sa'yo. Hiram lang kasi kay Lola Pina talaga ito, pinahiram lang din niya sa akin. Basahin ko raw kaso wala naman akong maintindihan," ani niya habang may kinakalkal sa bag niya.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago inabot ang librong hawak niya. "Grimoire?" basa ko sa nakasulat sa cover. Gawa sa kahoy sa takip nito at may susian pa sa gilid ngunit hindi naman naka-lock.

"Ang astig no? Parang artifact,” aniya

"Para saan naman daw ito?"

"Ang sabi ni Lola, diyan daw niya natutunan lahat ng engkantasyon at mga pang gagamot na alam niya ngayon. Minana pa raw niya iyan sa kanyang guro noon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

DMCA.com Protection Status