Puot at Galit
Isang malakas na sampal ang nagpagising sa akin.
"What the hell is wrong with you?" singhal ni Gabby sa akin.
Tuluyan akong nahimas-masan ngunit naroon pa rin ang bilis ng kabog ng dibdib ko at hindi ko mawari kung ano ang dahilan.
Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa. Dahan-dahan akong umayos ng upo at doon ko lang napansing nasa loob na pala kami ng opisina ni Lola.
"Anong araw na ngayon?" kinakabahan kong tanong. Baka ilang araw ko na namang hindi kontrolado ang sarili ko.
"Sabado," si Levi ang sumagot. "Galing tayo ng Mefar kung saan—"
Tharia,1431"Ang ganda naman ng ngiti natin, Binibining Tharia."Natigil ako sa pagtitig sa kulay dilaw na tulip na bigay ni Theodore kanina sa batis. Ilang buwan na rin kaming palihim na nagkikita sa batis at kahit papaano ay masaya't kontento na ako roon.Alam kong kapag malaman ni Ama ang relasyon ko sa isang alipin ay siguradong papatayin niya ito. Kung bakit kasi pinanganak ako sa isang maharlikang pamilyang walang kasiyahaan at kalayaang umibig?"Galing ba iyan kay Ginoong Theodore, Binibini?"Napangiti ulit ako bago tumango. Kahit si Agnes na aking alipin ay napangiti na rin habang sinusuklay ang aking buhok. Tanging si
Tharia,1431"Nawala ka kaagad kagabi sa piging ni Binibining Lilia. Masama ba ang iyong pakiramdam, Binibining Tharia?"Napalunok ako at akmang bubuhatin ang buslo ng mga halamang gamot na gagamitin sa panggagamot mamaya sa bukid ngunit naunahan ako ni Theodore. Humugot ako ng malalim na hininga bago nag pasi-unang nag lakad pabalik sa kanilang kubo. Kung hindi lang ako nakapangako sa kanyang Ina na tutulong sa panggagamot ngayong araw ay hindi ako pupunta ngayon dito."May gumugulo ba sa iyong isipan?" tanong niya nang makasabay sa paglalakad ko. "Kamusta nga pala ang kapatid mo?"Siguro'y alam na niya ang ginawang pag takas nila Jacob at Agnes. Kung tutuusin ay parehong magka
Tharia, 1431 Labis ang aking kasiyahan nitong mga nakaraang araw dahil sa ginawang paghahayag ni Theodore ng kanyang damdamin sa akin. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap. Sa ngayon ay sapat na sa akin ang malaman iyon. Hindi na niya kailangan pang ipagsigawan sa buong bayan na ako ang kanyang sinisinta at hindi si Rebecca Marshall dahil sa huli, ang pinakamahalaga pa rin sa akin ay ang kanyang kaligtasan. Ngunit hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang katotohanang may alam si Rebecca tungkol sa relasyon namin ni Theodore, sigurado akong may gagawin siyang ika-papahamak ko at ng taong lubos kong iniibig. Naging abala kami nang sumunod na mga Linggo. Lumaganap na kasi sa bayan ang epidemyang pinaniniwalaan ng lahat na pumatay sa aking kapatid na si Jacob. Wala na akong maisip na ibang paraan para pagtakpan ang ginawang pagtatanan ng aking kapatid at ni Agnes kaya sinabi k
YakapKumunot ang noo ko dahil sa mga patak ng tubig sa aking mukha. Mas lalo pang nalukot ang mukha ko dahil hindi ako makagalaw at ang ingay ng paligid."Faith! Please, huwag. Huwag naman ngayon. Please, bumalik ka."Minulat ko ang aking mga mata at napagtantong yakap-yakap ako ni Ree habang umiiyak."A-anong nangyayari?" tanong ko sa paos na boses.Giniya ko ang aking paningin at gumulat sa akin ang mga nagkalat na papel sa silid. Maging ang cabinet na naroon ay natumba. Si Levi ay yakap din ang umiiyak at nanginginig na si Gabby."Salamat sa Diyos, buhay ka!" ani Ree bago ako niyakap ulit. Hinayaan ko siya sa ganoong ayos habang pilit na inaalala ang mga nangyari.Galit ako. Galit na galit ako dahil sa nalaman ko pagkatapos ay tinatawag nila ako sa pangalang Tharia.Bahagya akong gumalaw dahilan upang il
Kamukha"Explain what happened, Faith," utos ni Levi habang paroo't-parito sa aking harapan at hinihilot ang sintido."H-hindi ko alam." Naramdaman ko ang marahang pag pisil ni Ree sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya."Ayos lang kung hindi mo maalala, Faith. Maiintindihan namin, huwag lang iyong hindi mo alam kasi ayaw mong alamin dahil natatakot ka," paliwanag ni Ree.Oo nga pala't nangako ako sa kanyang iiwasan na ang pag gamit ng salitang “hindi ko alam.”Humugot ako ng malalim na hininga't pilit inalala ang nangyari."Galit na galit ako," panimula ko ngunit nagsimula ring nag-unahan ang mga luha sa aking mata. Agad pinunasan iyon ni Ree gamit ang kanyang hinlalaki bago pa man mag-abot si Levi ng panyo. "Pagkatapos may narinig akong mga bulong, tinatawag akong si Tharia—"
IisaNagdaadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa kwarto ni Gabby o maiiwan nalang sa labas. Base sa naging sagutan namin kanina ay hindi niya gugustuhing makita pa ako."Papasok ba tayo?" tanong ni Ree bago humikab, halatang pagod.Ilang ulit muna akong kumurap ngunit bago pa man ako nakasagot ay nakita na ako ni Tita Liz nang lumabas ang nurse mula sa silid ni Gabby.Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok. Umaasa nalang ako na sana ay tulog si Gabby para walang sigawang mangyayari. Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa ginawa kong pag sampal sa kanya. Alam ko sa sarili kong pinaglalaruan lang kami ng mga masasamang elemento. Kung sana ay naging mas malakas lang ako at mas inintindi lang ang asal ni Gabby ay hindi sana aabot sa ganito."How are you, Faith? Ilang araw na kitang hindi nakikita sa bahay.""A
La Verde, 1431 "Tharia!" Nagitla ako dahil sa sigaw ni Ama. Nasa hapang kami ngayon at nag-aalmusal. Simula ng mawala ang kapatid kong si Jacob ay naging mainitin na ang ulo ni Ama. Hindi nga lang ako sigurado kung dahilan ba iyon ng pagkawala ng aking nakakatandang kapatid o dahil nawalan siya ng katuwang at tagapag-mana sa kanyang mga kalakal. Malaki ang inunlad ng aming kalakal simula ng si Jacob ang nagpatakbo niyon sa kabisera at mas lalo pa sanang uunlad kung natuloy ang pag-iisang dibdib nito sa anak ni Ginoong Delcan. "Walang katotohanan iyon, Ama," sabi ko pagkatapos ibaba ang kubyertos at nagpunas ng bibig. "Siguraduhin mo lang, Tharia! Isang malaking kahihiyan ang nakikipaghalubilo ka sa mga taga bundok," aniya pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. "Maaari na ba akong umalis, Ama?" gusto ko sanang sabihin na nawalan na ako ng ganang kumain ngunit ayaw kong mas uminit pa ulo ng aking gobernador-heneral.
Kakampi Ilang oras na kaming nasa biyahe patungong Luminos ngunit wala ni isang nagsalita. Si Ree ang nagmamaneho habang si Levi ay tahimik din sa aking tabi habang nasa daan ang buong atensyon. Sa kabila ng pagod ay hindi ko nagawang matulog sa byahe, ang isip ko’y nanatili sa tanong ni Ree kanina. Maging ako hindi ko halos maisip ang rason kung bakit ko hinalikan si Levi. Hinilot ko ang aking sentido, sobrang sakit na ng aking ulo at ang pananahimik ng dalawa kong kasama ay hindi nakakatulong. Magsasalita na sana ako ngunit na unahan ako ni Ree. “Nandito na tayo,” ani niya. Umirap ako, ni hindi niya man lang ako nagawang tingnan, mas lalo tuloy akong nairita. Kanina pa nakakunot ang noo ko habang naririnig ang bawat nguya niya ng baong biscuit na hindi niya man lang nagawang ialok sa amin. “Hindi ka ba baba riyan?” Pinagbuksan niya ako ng pinto. Humugot ako ng mamalim na hininga bago bumaba ng vintage car ni