Share

OVEN

                             Chapter 2

           Nagsidatingan na ang mga tauhan ni Carlo Tavez. Dumating na rin ang piloto na siyang maghahatid sa kanila sa FOREST LAND...Nagulat sila ng doon pala sila ipapadala ng CEO ng kanilang kompanya. Sobrang takot ang nadarama ng bawat isa sa kanila dahil ang forest na iyan lahat ng pumapasok diyan ayon sa kwento ay hindi na nakakauwi.

        " Bakit doon tayo pinagbabakasyon ng boss natin eh... alam naman natin na walang nakakabalik kapag pumasok ka doon.? Halatang may kaba sa dibdib si Myla. " Magandang ideya sweetheart baka ito na ang sagot sa matagal ko nang mga katanungan. Nakapagtataka lang bakit doon tayo ipapadala. Mukhang may iba akong naamoy dito." Ani ni Carlo. Tuloy tayo walang atrasan." Nang biglang may narinig na naman na isang napakalakas na sigaw na kung saan nanggaling hindi malaman ni Carlo. Siya lang ang nakakarinig ng sigaw na yaon. " Ahhh ... narinig ko naman ang isang mahiwagang sigaw. Bakit ba lagi ko naririnig yon bakit? " tanong nito sa sarili. " Sweetheart, tahimik ka diyan. Ano iniisip mo?" Nagtatakang tanong ni Myla. " Narinig ko na naman ang sigaw ... kakaiba ngayon mukhang malapit na siya!" Ano? Anong malapit?" Ready to take off na tayo. guys...andito na ba lahat? Nakangiting tanong ng piloto. Yes sir, kompleto na po." Sagot ni Carlo.  Nagsimula ng umusog ang helicopter at tuluyan na itong lumipad. 

             Tatlong oras pa ang liliparin nila bago marating ang The Forest Land. Habang nasa himpapawid sila. Nakatulog si Carlo dahil sa pagod. Nang siya'y nanaginip.

         " Ano ito? Wow napakagandang oven. Bagong bago pa at mukhang minsan lang ito nagamit."" Carlooooo.... Carloooo... Carlooo... buksan mo akoooo...kailangan kong makalabaaaas..ditooooo...!" Ha? Ano iyon?nagsasalita ang oven?, " Buksan mo akoooo... ikaw lang ang makakabukas sa akin upang makapagluto silang lahaaaat...buksan mo akooooo...hooooh!hoooooh!huuuuuuuh..napasigaw si Carlo..gulat na gulat naman ang mga kasamahan nito sa helicopter.

       " Sweetheart! Napaano ka ba ? Bakit ka sumisigaw?" Takang tanong ni Myla sa kasintahan. " Ako sumisigaw?" Hinsi ah!" sarap nga ng tulog ko anu ka ba?" Ani nito. " Carlo lakas kaya ng sigaw mo akala mo kung minumulto ka na diyan. Ano ba nangyari gulat kaming lahat sayo?" Takang tanong naman ng isa sa kanyang mga tauhan. " Sumisigaw ba talaga ako? Pasensiya na kayo nanaginip lang siguro ako laya ako napasigaw. Wala akong maalala e na nanaginip ako para kasing totoo nakikita ko at naririnig. " paliwanag nito."  Bakit ano ba nakita mo" ? Takang tanong ni Myla. " Wala sweetheart, alam mo naman ako. Kilala mo ako. As usual pa rin. yong naririnig ko." Tugon nito. " Matulig ka nga muna ulit . Pagod ka lang. " ani ng dalaga. " Baka nga siguro. Pero malapit na tayo. Bakit kaya di tayo kinakausap ng piloto? Mukhang tamimi ito, ani ni Diane. " Oo nga, parang may tape ang bibig. Kahit magtanong pa tayo ng magtanong. Ayan pababa na tayo saan kaya tayo dito. Ang kapal naman ng gubat na ito. Nakakatakot tingnan niyo sa bababa. Wow ! Ang ganda ng views. Kitang kita there is a lake at the bottom of this forest. " Puntahan natin iyan sarap diyan maligo. " Ano kaya itong envelop na jnabot ng Piloto?" Akmang buksan na sana ni Carlo ang sobre. " Mamaya muna buksan iyan kapag nahanap niyo na ang resthouse sa gubat na iyan. Pagpasok niyo ng bahay saka mo iyan buksan at unawaing mabuti. Mag ingat kayo. Hihintayin ko ang inyong tawag aftrr 6months. Darating ako. Goodluck. !" Paliwanag ng piloto.

          Binaba na mga gamit namin at isa isa namin itong binuhat. Hinanap namin ang bahay muna. Ngunit di pa rin namin nakita. Magdidilim na sa gubat. Kaya nagpasya kaming magpahinga na muna at  maglatag ng mga tent namin. Nagluto kami ng makain at nagsiga kami ng apoy.

       ' So excited here, yong mga hindi partner dito magpartner na lang muna kayo kasi mahirap mag isa hindi pa natin kabisado ang gubat na ito. Mamaya baka may mga mababangis na hayop na maligaw dito sa kinaroroonan natin." Paliwanag ni Carlo. " Oo nga naman, walang malisya na. So paano deal na ba ? Tanong naman  ng isa pang tauhan ni Carlo. "Sige, payag kami basta  walang malisya . Alam naman natin may mga asawa na tayo." Tugon ni Noel. Sumang ayon naman ang mga kasamahan nito na walang mga partner. Nagkasundo ang mga ito kaya  limang tent na lamang ang aming  itinayo. Masaya kaming naghapunan. Tawanan...kantiyawan ngunit lingid sa kaalaman ng mga kasamahan ko ako'y kinakabahan dahil nararamdaman ko na may panganib na paparating.  Parang nakikita kong may mga matang nakamasid sa amin sa dilim. Naririnig ko ang mga panaghoy ng mga taong mukhang pinahirapan bago namatay. Mga guni guni nang aking isipan na sa pagkakaalam ko ay parang totoong nangyayari. 

         " Carlo! Bulagta sa akin ni Noel. Bakit tahimik ka? Ano ba iniisip mo? Siguro nagbibilang ka na kung ilan ang magiging anak niyo ni Myla!" Hahahaha! Nagtaqanan ang lahat. " Anong biro 'yan Noel! Hahahaha mukhang totoo na ' yan nga ang iniisip ni Carlo. Hahahahha! Tawanan ulit ang lahat. " Tama ka nga Noel iniisip ko kung paano ko gagawin na ang una naming anak ay magiging lalaki at kamukha ko! Hahahahha. Tawanan ulit. " Haaaay! Kayo talaga kung ano ano na ang mga iniisip niyo!nakangiti na rin si Myla. Nang biglang may narinig silang isang malakas na sigaw...

        "Aaaaaaaaaaah!aaaaaaaaaaaah! aaaaaaaaaaaaaaaaah! " Ano  'yon? Ang lakas! Magsipasok kayo sa tent bilis at tumahimik kayo. Mukhang malapit lang dito sa atin ang sigaw." Ika ni Carlo. Tumahimik ang lahat. Nawala na ein ang malakas na sigaw na mukhang malapit lang sa kinaroroonan  namin. Kaya nagmatyag ako. 

     " Mga babae matulog na kayo kaming mga lalaki magbabantay sainyo." Huwag kayo matakot nandito kami. " paalala ni Paul Lambert.  " Uwi na tayo ayoko na dito. " nanginginig na sa takot si Nikki Koi. " Huwag kayo matakot hayop lang iyon, ganyan talaga kapag nansito ka sa gubat ang dami mong maririnig. Sana mahanap na natin ang resthouse ni boss para komportable na tayong lahat." Ani naman ni Myla.  " Matulog na kayo! Magbabantay kami." Wika naman ni Martin. Kaya naman nawala ang takot ng mga babae dahil may sandigan sila. Nandiyan ang mga lalaki upang bantayan sila.  Natulog na ang mga babae. Samantalang kaming mga lalaki ay dilat na dilat pa ang mga mata. Tatlong oras pa ang lumipas . Nang inaantok na rin kami.  Kaya sabi ko sa mga kasamahan ko. 

       " Guys matulog na tayo mukhang wala naman ang mahiwagang sigaw na ating naririnig." Wika ni Tom.  " Oo nga, sige antok na din kami. Agad na humiga na sina Martin Asenti; Tom Quar, Noel Luchi, Paul Lambert , at saka Ako... nahiga na rin ako agad naman nakatulog  ang apat. Samantalang ako ay hindi pa rin dinadalaw ng antok. Parang may kung anong mahiwagang lakas na humila sa akin at bumangon ako. Lumabas ako ng tent naglakad patungo sa dereksyon na hindi ko alam. Nakita ang isang malaking rest house malapit lang sa kinakatayuan ng aming mga tent. Kaya agad ako natuwa at napasigaw ako dahil nakita ko na ang hinahanap namin na bahay. Papasukin ko na sana ang bahay ng biglang naalala ko ang sobreng binigay sa akin ng aming CEO. Ang bilin niya kasi sa akin na bago ko buksan ang pintuan ng bahay ay buksan ko muna ang sobre at basahin kung ano ang nakasulat ng sobre. Kaya dali dali akong bumalik kung saan kami nagpahinga. Agad ko hinising ang aking mga kasamahan lalong lalo na si Myla ang aking mahal. Tamang tama lang at may araw na pala. Kaybilis ng oras alas sais na pala ng umaga. Kaya sabi ko sa kanila bumangon na dahil tanghali na. Agad naman na gumising ang mga ito at inayos niligpit mga gamit isa isa. 

     " May magandang balita ako sainyo. Natagpuan ko na ang bahay na kung saan doon  tayo tutuloy. Doon na lang tayo magluto ng almusal at makapagpahinga pa tayo ng maayos at safe." Balita ko sa kanila. Tuwang tuwa naman ang mga ito. Agad kaming umalis sa lugar kung saan kami nagpalipas ng gabi. 

       " Sumunod kayo sa akin dito ang daan". Ani ko sa kanila. " Paano mo nalaman na dito ang daan sir Carlo? Takang tanong ni Tom Quar. " Basta nalaman ko lang kasi hindi ako natulog kagabi hinanap ko ito. Kaya di na tayo mahihirapan pa. Bilisan niyo. Para di tayo maabutan ng init. " sumunod silang lahat sa akin. Tuwang tuwa sila ng makita na nila ang bahay.

      "Wow! Ang ganda ng bahay ang laki! Mukhang hindi ito resthouse. Parang ospital. " ani ni Engrid Dioz. " Oo nga, mukhang hospital parang hindi naman sa sobrang laki nito parang labolatory. " takang sabi ni Alicia Tey. " Huwag na kayo mag alinlangan  pa. Bahay ko 'to may angal ba. Hahahaha...!" Pabirong sabi ni Nikki Koi. 

        Kinuha ko ang sobre sa loob ng aking bag. Agad ko naman itong binuksan at binasa. Ang nakasulat doon 'wag ko daw ipagsabi sa kanila o hindi ko puwedeng sabihin sa kanila. Dapat ako lang ang nakakaalam kahit pa ang girlfriend ko . Kaya agad ko isinara ang envelope at itinago ito sa aking bag.  Hindi ko na sinabi sa kanila kung ano pa  ang nilalaman ng sobre. Agad kong binuksan ang main door at agad ako nagtungo sa kusina. Agad kong hinanap ang oven . At doon nakita ko ang isang malaking oven . Bagong bago pa ito at hindi pa masyadong nagamit kasi wala pang kalawang.  Hindi ko ito binuksan ayon sa nakasaad sa sobre . Agad akong bumik sa kanila sa labas. " Guys, ano pa hinihintay niyo. Pasok na kayo sa aking mansiyon mamili na kayo ng mga room niyo. Mag ayos muna tayo maglinis ng buong bahay. Sino ang magluluto?" Aba walang sumasagot mukhang hindi nagutom ang mga ito. Kaya di ko na sila tinanong ulit. Tinawag ko si Myla. Gusto ko dito lang kami sa baba. Para mas malapit sa kusina. " Sweetheart, dito na lang tayo sa kwarto sa baba. Hayaan na natin sila sa taas. Sa tingin mo.?" Sige sweetheart, wala naman problema sa akin mahalaga magkasama tayo." " Salamat sweetheart. Di ka pa ba nagutom?" Tanong ko. " Hindi pa, mag ayos muna tayo ng room natin. Maya na tayo mag isip ng makain. Para mamaya makapagpahinga na tayo ng maayos. Isipin mo 6months. Oh my goodness. Paano ang anim na buwan . Ano ang gagawin natin dito?"wika ni Myla. " 'yan ang ating tutuklasin. " sagot ko. Sige na, hakutin ko muna mga gamit nato pumasok ka na sa kuwarto buksan mo mga bintana linisin muna natin bago natin ilagay mga gamit natin. Icheck ko muna ang mga plug ng ilaw kung gumagana baka mamayang gabi wala tayong ikaw  " ani ng kasintahan. " Yes sweetheart.Ako na bahala maglinis ilagay mo lang diyan sa labas mga gamit natin ako na bahala mag ayos." I love you." Sabay halik sa pisngi ko. Ang lambing talaga ng aking girlfriend. Ngayon lang kami magkakasama sa isang room kaya medyo kinakabahan  ako baka ano ang mangyari. Kaytagal akong nagpigil sa sarili dahil nirerespeto ko ang kanyang pagkababae. Ayoko kasi magalaw siya ng maaga gusto ko makasal muna kami. Kasi iyan ang pangako ko sa kanyang mga magulang na iingatan ko si Myla.  Natapos ko na maghakot ng mga gamit. " Balikan ko ang kusina. Ang ingay ng walo kung kasamahan sa taas. Ano kaya ipinagagawa nila." Bulong ko sa aking sarili. Nasaan kaya ang main switch dito. Oh! Andun pala sa dulo. "  nakalagay sa sobre huwag na huwag ko bubuksan ang oven. At huwag na huwag akong pumunta sa under ground. Bakit kaya may ano doon? Saan kami magluluto kung hindi ko bubuksan ang oven.  May isa palang kalan dito. Kaso parang lumang luma ito. Try ko nga itong buksan para dito na magluto . Para masunod ko ang bilin ng sulat na 'yon. Bulong ko pa rin sa aking sariii.

       Binuksan ko mga switch ng ilaw at pagkatapos sinubukan kong buksan ang isang lumang oven. Gumana namannat saka malakas pa rin ang gas. Ibig sabihin may malaking tangke ito bakit sa tagal ata na panahon bakit hindi nauubos. O baka may nakatira dito.  Ano kaya kung buksan ko iyong bagong oven ang ganda noon. Sigurado akong magrereklamo mga kasamahan ko kapag nakita nila itong lumang oven.  Ang dami pa naman nilang dalang pagkain. Ang ganda kasi nitong oven may kasamang kalan. Gas range ang tawag dito.  Nagluto ako  almusal upang makakain na labat. Hindi  alam ni Myla na nagluluto ako. Siguro naamoy nila ang mabango at nakakagutom na amoy galing kusina.   Kaya kanya kanyang baba ang mga ito.

       " Ang bango naman 'yan nakakagutomnpiwede na ba tayo kumain sor Carlo?" Pabirong sabi ni  Alicia Tey. " Sure, pakitulungan niyo na lang ako dito sino available diyan. Pakilinis muna ng mgga kalat. Linisin niyo muna ang kusina bago natin ilapag ang niluto kung pagkain.  Maganda kasi malakas ang tubig malakas ang apoy kaya di ko na naisip na maglinis. Naisip ko magluto na. Pakilinis na rin ng refrigerator.  Tingnan niyo na lang kung saan puwede ayusin. Tapos na ba kayo sa taas?" Tanong ko kay Alicia. " Hindi pa nga e, bumaba lang kami ni Nikki paano nagutom kami. Tamang tama nagluluto ka na pala." Hehehe sabay ngiti nito. " Talagang naamoy namin ang masarap na amoy ng pagkain kaya kami bumaba. Nakakagutom na kasi sir Carli. "Wika naman ni Diane. " Nasaan nga pala si Myla? Tanong ni Nikki. " Nandoon pa sa room namin naglilinis. Sabi ko kasi linisin muna. E... siya  na daw bahala kaya sabi ko hanapin ko muna ang main switch para hindi mainit. Mabuti naman dito ko nahanap sa kusina. Nakita ko ang gasrange e di  nagluto na ako. Nagutom na rin kasi ako. Sinubukan ko kung gumagana. " paliwanag ko sa kanila. 

         Maya maya pa ay tapos na ang aking niluluto. Pinaayos ko na sa kanila ang mga pagkaing niluto ko.  Pinatawag ko na rin ang iba pang kasamahan namin upangbkakain muna bago ipagpatuliy ang paglilinis. At planuhin kung ano ang aming dapat gagawin sa loob ng anim na buwan.  Tinawag ko na rn si Myla.  Nang kompleto na kaming sampo. 

        " Let's eat guys, masarap 'yan ako nagluto niyan. Kaya di kayo magsiaiasi kapag natikman niyo ang aking menu." Pabiro kung sabi. " Talaga naman masarap magluto ang sweetheart ko kaya mahal kita e.". Tugon naman ng aking minamahal na kasintahan.  Ang saya namin kumain haloa naubos ang niluto kung pagkain . Puro delata lang naman ininit ko lang hahaha. 

       " Mamaya kapag makapagpahinga na tayo, lalabas tayo, maghanap tayo ng karne sigurado ako maraming wild animal dito. May freezer naman dito kaya may paglalagyan tayo. Maghanap na rin tayo ng mga prutas. Tapoa bago magtakip silim babalik agad tayo dito para hindi tayo mawala.  Lagyan natin ng matrk ang daan patungo dito para alam natin saan tayo babalik." Paliwanag ko sa kanila. " We agree. Hanapin na rin natin ang river na nakita natin ng nasa himpapawid tayo. Sige pero dapat hindi muna tayo lalayo dito baka gagabihin tayo kapag lumayo tayo  kailangan isa isa muna ang gawin natin. Kung ano ang pakay natin today iyon lang muna ang ating gagawin. At ito ang tandaan niyo. Walang hihiwalay sa atin kailangan  sama sama tayong lahat ok. Para maiwasan ang diagrasya kung sakali.  Ito suhestiyon ko lang sa ating lahat . Dahil ayokong may mawala sa atin at may masamang mangyari.  Maliwanag ba?". Maliwanag sir Carlo." Pagsang ayon ng lahat.  

     Maya maya pa'y natapos na rin ang aming pagkain. Agad na niligpit ng mga babae ang hapag kainan naghugas ng mga pinagkainan namin. Malikot ang aking mga mata. Lagi nakatutuk ang aking paningin sa magandang oven. Parang gusto ko itong buksan . Ngunit ayon sa sulat  huwag huwag kong buksan ang magandang oven. Itoy kabilin bilinan ng aming CEO.  Sa isip ko ano kaya ang nasa oven na ito bakit ayaw papabuksan o ipagalaw. Itoy nakatakip ng telang itim  sa bandang itaas. Sa harapannnaman ay walang takip kaya makikita mong maganda pa at bago ang oven.  Para kasing may kung anong  magnetic na humihila sa akin para buksan ang oven. Kaya umalis na ako ng kusina.  Dali dali akong pumasok ng kwarto namin ni Myla at nagpalit ako ng damit.  Maya maya pa'y pumasok na rin si Myla. 

          " Sweetheart ready na ang lahat. " ani nito. " Sige magdala ka ng jacket mo sweetheart sigurado malamig na dito mamaya pagdating ng dilim. Yong flash lught magdala ka at ang lighter. Magdala na rin ako ng mga kailanganin sa jungle.  Tara lets go. Nasaan na ba sila. Nasa labas na . " ani nito. 

       Umalis na kaming sampo. Bawat daanan namin  ay nilalagyan namin ng mark.  Pinuputol namin ang mga kahoybna maliliit upang mas safe ang aming dadaraanan. " Saan ba tayo patungo? Tanong ni Engrid. " Ang mapa na binigay ni boss asan" tanong ni Noel. " Nandito sa akin!" Sagot naman ni Paul. " Ano gagawin mo diyan bakit hindi mo ilabas. Hahaha. Ilabas mo para malaman natin saan ang ating dereksyon kay laqak ng forest na ito hindi natin alam saan tayo. North, East, West, South." Tugon ko.

          Tiningnan ko ang mapa at sinundan namin ang direksyon patungong  kanan sa North. Ang ingay namin. Ang daming prutas na kaming nakikita. 

        " Hindi pala tayo magugutom dito ang daming prutas.  Ilagay niyo sa mga lalagyan natin. Mag imbak tayo ng mga pagkain upang di tayo lalabas ng ilang araw.  Ang kailangan natin makuha ngayon prutas at karne. Walang hihiwlaay sainyo. Saan kami doon kayo. Maliwanag?" Sabi ko sa mga kasamahan kong babae.  Agree naman silang lahat at mabuti masunurin ang mga ito. Maya maya pa'y may nakita na kaming wild  goat. Mayroon din wild pig at mayroon din mga wild chicken ang dami.  Kaya pinaupo namin ang mga babae. At pinatahimik. 

          " Girls dito lang kayo huwag na huwag kayong aalis.  Babalikan kayo namin dito.  Kailangan may makuha kaming karne kahit saan diyan sa kanila.", ani ko sa mga babaeng kasama namin.  Kaya agad kaming umalis na mga lalaki at sinubukan namin maghunting na ng mga hayop. Nakahuli kami ng sampong chicken. Pero yong mga ibang hayop di namin mahuli huli napakabilis tumakbo. Kaya nagdesisyon akong bumalik na sa bahay.  Binalikan namin ang mga babae. At mabuti naman at nadoon lang sila talaga naman hindi sila umalis.  Ang dami na rin nilang kuhang mga prutas . May saging pa . Ang saya talaga namin super excitement ang aming adventure.  

        

         

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status