Share

" OVEN "

                            CHAPTER 3     

    

             Ang saya namin. Ang dami naming nahuling mga wild na manok at baboy ramo. Kaming lahat na mga kalalakihan ay may tig lilimang bitbit na manok at tig iisang baboy ramo kung tawagin. Ibig sabihin mga wild animals mga nahuli namin kung sa english. Kanya kanya kaming dala. 

           " So paano guys! Tara na balikan na natin mga babae sana marami din silang napitas na mga prutas upang di muna tayo lalabas ng bahay sa loob ng isang buwan".sabi ko sa aking mga tauhan sabay tawanan. " Sobra ka naman po sir Carlo, baka nakalimutan mo sampu tayo! Hahaha ...isang linggong budget lang po itong huli natin."paliwanang naman ni Tom Quar isa sa pinaka gwapo kung tauhan. Nagtawanan naman  ang lahat. Habang pabalik kami kung saan namin iniwan ang mga kababaihan kasama na ang mahal kung syota na napakaganda, napakabait, napakamalambing. Bigla akong napahinto sa paglalakad. Bigla akong may nakitang tao na umaapoy at mukhang sunog na sunog naagnas. Nakatingin siya sa akin at parang nagmamakaawa. Natulala ako kaya ng lumingon si  Martin Asenti agad niya akong binalikan at kinalabit. " Sir Carlo? Sir Carlo! Ano po nangyari sainyo? Tatlong beses niya ako tinapik bago ako natauhan. " "Martin bakit?" Bigla kung tanong nito kay Martin. " Ano po nangyari sainyo Sir? Bakit po kayo napahinto sa paglalakad?" tanong nito sa akin. " Bigla kasing sumakit mga paa ko kaya huminto muna ako at nakiramdam kung bakit sumasakit." sagot ko naman nito sa kanya. " Tara na Martin nawala na ang sakit ng mga paa ko iniwan na tayo. Saan na sila?" agad kung tanong nito. Ngunit ang totoo hinahanap ko ang aking nakikitang tao kanina. Sino ang taong iyon at bakit ganoon ang nangyari sa kanya? Sunog ang kanyang mukha at nag aapoy ang buong katawan. Ano ang nangyari sa taong iyon? " Sir! Okey na po ba pakiramdam niyo? Bakit po parang napakalayo ng tingin niyo po? Sino po ang hinahanap niyo?" Di agad ako nakasagot. Maya maya pa'y  naririnig na namin ang ingay ng mga mga kasamahan namin. Tanaw ko na ang mga prutas na napitas nina Myla. Ang dami. Nang makarating na kami. Agad akong niyakap ni Myla at hinagkan sa labi. Nagsigawan naman ang mga kasamahan namin." Sweet naman ni Myla, parang sampung taon di nagkikita kung makahalik at makayakap kay Sir Carlo. " pabirong sabi Engrid Dioz sabay tawanan ang lahat.

            " Ganoon talaga Miss Engrid basta mahal niyo ang isa't isa. Kahit isang minuto lang na di mo makita ang iyong mahal hinahanap muna. Palibhasa wala kang kasintahan".  pabiro kung sabi ,sabay tawananan ang lahat. " Halina kayo, magdidilim na. Inabot na tayo ng dilim . Kailangan makarating agad tayo ng bahay bago totally magdilim ang paligid. Kanya kanya na kayong magbuhat ng mga napitas niyong mga prutas. Halina kayo! Huwag na tayo mag aksaya ng oras." agad kaming umalis na sa gubat. Dali dali naming binaybay ang masukal na daan pabalik sa bahay. 

          Habang kami naglalakad pauwi. Napansin kong parang may sumusunod sa amin. Kaya dahan dahan akong nagpaiwan sa kanila upang di nila mapansin na sinadya ko talagang magpaiwan. Nang tuloy tuloy lang ang kanilang pag uusap habang naglalakad pauwi. Saka ako tumigil saglit at hinanap ko ang nakita kung aninong sumusunod sa amin. Ilang segundo pa'y wala naman ako napansin. Kaya umalis na ako at sumunod sa kanila. Hindi nila napansin na nasa hulihan na nila ako. Pagdating ng bahay. Kanya kanyang upo sa sahig ang mga kasamahan ko. Kaya naisipan kung paakyatin nalang sila sa kani-kanilang mga kwarto sa taas.

           " Umakyat na kayo lahat sa kuwarto niyo sa itaas maligo na kayo at magbihis. Ako na bahala dito magluto ng hapunan natin. Sige na, alam kong pagod na kayong lahat kasama ako hahaha. " Ako na bahala dito magluto. Myla sweetheart pumasok ka na rin sa kuwarto natin at maligo. Ako na bahala dito." Sabi ko kay Myla. " Maligo lang ako saglit at babalik agad ako tutulungan kita sweetheart. Dalawa tayo maghanda ng hapunan." sagot naman ni Myla. " Kami din maligo lang saglit at magbihis tutulong din kami". sabi naman nina Alicia Tey at Nikki Koi. " Ako na bahala dito. Sige na umakyat na kayo. Tatawagin ko nalang kayo kapag tapos na ako magluto." Sabi ko sa kanila. Kaya nagsi akyatan na ang walo. Samantalang si Myla sa kwarto namin dito sa baba. Ayoko kasi sa taas. Ang ingay ng mga tauhan ko. Mabuti dito sa baba. Malapit lang ang kusina kapag nagugutom o nauuhaw.

        Mag isa kung kinatay muna ang manok na ihahanda ko para sa hapunan namin  sa gabing ito at isang baboy.  Maya maya bumalik si Myla. Nakabihis na. Ang bilis niya. " Sweetheart ba't ang bilis mo naman ata maligo." Taka kung tanong sa kanya.." Naghalf bath lang ako para mabilis. Wala ka kasing katulong dito. Pinaakyat mo ang lahat." Hayaan muna sweetheart, kaya ko naman ito. Konti nga lang ito e. Parang di mo ako kilala sanay ako sa ganitong  gawain . Nakalimutan mo na yata na sa slaughter ako dati nagtatrabaho.Pagkakatay ng mga hayop ang trabaho ko para lang makakain at makapag aral." paalala ko sa kanya.. " Opo naalala ko na. Pero tutulungan pa ein kita. Hindi ko kayang pabayaan ka. Love kaya kita." Ani nito sabay halik sa aking pisngi. " Bakit panay halik mo sa akin sweetheart? Gusto muna yata magkaanak sa akin?" Pabiro kung sabi sabay tawa. " Ikaw naman naglalambing lang eh. Suge na nga maghihiwa na ako ng sibuyas. Gaano ba karami lulutuin mo?" Tanong nito. Nagkatay ako ng tatlong manok at isang baboy. Yong baboy gawin nating chop at iihaw natin sa labas. Itong manok gawin kung tinola. Magsaing kna muna sweetheart damihan mo alalalhanin mo sampu tayo." Utos ko sa kanya. Bait talaga ng girlfriend ko. Walang reklamo. Sunod lang nang sunod sa mga sinasabi ko. Talagang mahal na mahal ako. 

        " Sir Carlo ako na ang mag ihaw sa labas. Magsisindi lang ako ng apoy.  Kayo na bahala magtimpla at hiwa." wika ni Paul Lambert habang pababa ng hagdan. Naririnig niya pala ang pinag uusapan namin ni Myla.  Agad nitong kinuha ang oleng at dinala sa labas ng bahay. " Paul sindihan mo muna ang ilaw sa labas. Tingnan mo kung gumagana. Kapag hindi gagawa nalang tayo ng ilaw . Marami dito kompleto." Utos ko kay Paul.  Mabuti na lang  at gumana ang mga ilaw sa labas.

       Pagkadaka'y nagsibabaan na ang mga ito. Ang iingay. Agad na tumulong sila sa pagkakatay ng mga natirang manok at siyam na baboy. Kailangan linisan muna ang lahat bago namin mailagay sa freezer. Masaya naman ako dahil lahat sila ay tumulong. Kaming dalawa ni Myla ang nagluluto sa loob . At sa labas naman sina Paul at ang iba pa ang nag iihaw. Maya maya pa'y malapit na maluto ang aking tinolang manok. Luto na rin ang kanin. 

       " Paul ! Paul! tawag ko kay Paul.. tapos ka na ba diyan sa pag ihaw?" " Saglit nalang ito at matatapos na din." Sige, tapos na ako dito. Nakahanda na sa mesa  ang mga pagkain. " sabi ko kay Paul. Pagkadaka'y pumasok na rin ito kasama pa ng iba at dala na nila ang napakabangong inihaw na porkchop. " Tamang tama ang ginawa mong sauce Sir Carlo. Ang sarap".  wika ni Noel Luchi. Halatang gutom na gutom na ang mga ito. Kaya sabi ko kumain na kaming lahat. 

         Habang tahimik ang lahat sa pagkain, at sarap na sarap ang  mga ito. May naririnig akong kaluskos sa kusina. Tumayo ako at aking tiningnan. Napakalaking ahas. Hindi ako sumigaw para hindi magpanic ang mga kasamahan ko. Kumuha ako ng isang maliit na bakal at pinalo ko sa ulo ang ahas. Agad naman na nagsipuntahan ang ito sa kusina. Laking gulat nila ng makitang isang malaking ahas ang aking pinatay. Sigawan ang mga babae at hindi na nakatapos pa ng pagkain . Takot na takot.ang ito.

        " Relaks kayo!  huwag  kayo matakot kaya nga ako di nagsabi dahil ayokong matakot kayo . Tapos pinuntahan niyo talaga ako . Kumain na kayo don ako na bahala dito." Utos ko sa mga tauhan ko. " Hindi ka ba natatakot Sir Carlo? tanong ni Engrid na halatang takot na takot. " Naku sisiw lang sa akin ito. Kaya sige na tapusin niyo na pagkain. At nang makapagpahinga na tayong lahat." Sabi ko sa kanila. Hindi na kumain pa ang mga babae. Agad kong itinapon sa labas ang napakalaking sawa. Saan nanggaling ito at paano nakapasok ng bahay sarado naman lahat ang pinto at mga bintana. Paglabas ko ng pintuan isang lalaking umaapoy ang katawan at sunog na sunog ang mukha ang tumambad sa aking harapan. Nabigla ako at di ako nakapagsalita. Kinuha nito ang sakong ibinalot ko sa ahas at umalis na siya papalayo. Gulat na gulat ako. Hindi ako nakapagsalita. 

Imelda Aviles

Masayang nagpunta sa gubat sina Carlo Tavez kasama ang kanyang mga tauhan at ang nag iisang pinakamamahal niyang kasintahan. Ang dami nilang nakuha ng mga prutas at mga pangbulam nila. Habang naglalakad si Carlo Tavez may nakikuta siyang isang taong nag aapoy ang katawan nito at sunog na sunog ang mukha. Kaya siya'y nagtataka. Kaya njya ito hinanap ngunit biglang nawala. Nang pauwi na sila nakita na naman niya ang taong nag aapoy. Nagpaiwan siya sa habang masayang naglalakad pauwi at nagkukwentuhan ang kanyang mga kasamahan at hindi pansin na binabagalan niya ang kanyang paglalakd. Nang nakita niyang malayo na ang mga kasamahan nito ay agad na hinanap nito ang misteryusong tao. Ngunit wala siyang makita. Pagdating nila aa kanilang tinutuluyang bahay bakasyunan ay agad naman nitong pinaakyat sa taas mga kasama nito. At siya na ang naghahanda sa kanilang hapunan. Sino ang taong nakikita niya na nag aapoy?

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status