Share

" OVEN "

                              CHAPTER  5

       Agad kaming lumabas ng bahay at hinanap namin si Paul sa malapit na kakahuyan. Tinawagan namin ang kanyang phone pero nagriring lang ito at walang sumasagot. Kaya tinawagan ko ai Myla upang tingnan kung nasa loob ba ng tinutulugan ni Paul ang kanyang celphone.

         " Hello sweetheart! Nandito ang kanyang mobile naiwan sa table. Ano gagawin natin? Nasaan na si Paul? Madilim ang paligid mahihirapan kayo na hanapin siya. Bumalik nalang muna kayo dito sa bahay at hihintayin nalang natin si Paul na babalik ." sabi ni Myla sa akin. " Tama ka nga, kasi dilikado para sa amin ang kagubatan hindi namin alam may mga ahas  o anumang hayop na ikamamatay namin. Sige kausapin ko mga kasamahan ko. Bye sweetheart!" sagot ko kay Myla

            "Martin! Makinig kayo. Ipagsabukas na natin ang paghahanap kay Paul. Sigurado nandito lang iyon. Dilikado para sa atin ang maghanap sa kanya sa ganitong oras. Sobrang madilim sa paligid ng gubat hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Tama ba ako?" tanong ko sa kanila. " Tama nga po kayo sir Carlo,  pero ang problema ! Paano kung may nangyari nang masama kay Paul? Ano gagawin natin?" ika ni Noel." May punto ka rin Noel, pero paano din ang kaligtasan natin? Masyadong masukal ang gubat na ito at hindi natin alam kung anong panganib ang nandito sa loob na masasalubong natin. Pag isipan niyong mabuti. Hindi tayo basta basta papasok sa gubat na wala man lang tayong alam kung saan tayo maghanap."paliwanag ko sa kanila.  Maghintay tayo na magliliwanag saka tayo maghanap. Balik muna tayo sa bahay." Bumalik na ako sa kung saan kami dumaan galing bahay. Nakasunod naman sila sa akin. May naririnig akong kaluskos di lang kalayuan sa pinagdadaanan namin kaya agad kong inilawan ito ng flash light. Ngunit wala akong maaninag kaya tuloy tuloy ang paglalakad ko. Pagdating namin sa bahay agad naman binuksan ng mga babae ang pinto. 

         " Ano balita? Nasaan na ba si Paul? sabay na tanong ng mga ito. " Hindi namin alam kung nasaan na siya . Mahirap ngayon na hanapin siya dahil madilim at masukal ang paligid. Napakadilikado para  sa amin. Alam ko nandito lang siya. Kasama namin siya nakaupo diyan sa labas. Nagkwentuhan lang kami habang naninigarilyo. Maya maya nagpaalam na iihi. Kaya tumayo siya at nagpunta don sa tagiliran ng bahay sa likod. Nagtaka kami ang tagal niyang bumalik. Hanggang sa wala na nga. Hinanap namin sa likod pero wala kaming nakita." Kwento ni Martin. " Kanina kasi, habang kami ay nagkukwentuhan. May naririnig akong kaluskos sa likod. May nakita akong parang tao. Nakamasid sa amin. Di ko na pinansin kasi baka dahon lang o anong puno doon sa likod. Tapos nagpaalan na si Paul na magjijingle." kwento ni Tom. " Sa tingin mo ba tao talaga ang nakita mo?"takang tanong ni Martin. " Hindi nga po ako sigurado. Kaya sabi ko parang tao o puno lang. Hindi ko alam." dagdag pa nito. " Magpahinga na kayo, sino ang sasama s Akin magbabantay dito. Kailangan may gising. Sino ang sasama sa akin?"tanong ko sa mga kasamahan ko. " Ako sir Carlo, samahan kita magdamag . Baka darating naman si Paul. Baka namasyal lang siya sa loob ng gubat." wika ni Martin. " Sige, kayong lahat magpahinga na. Kami na bahala dito ni Martin." sabi ko sa kanila. "Sweetheart, pumasok ka na sa kwarto natin  matulog ka na. Kami na bahala ni Martin dito. Huwag kang mag alala. Kilala mo ako at alam mo kung sino ako at ano ang pagkatao ko. " " Alam ko, pero natatakot ako sa mangyayari. Mag ingat ka mahal ko. Huwag mo iwanan ang celphone mo, para matawagan kita kaagad." sabay yakap sa akin at halik sa pisngi." Agad na pumasok ng kuwarto si Myla. Habang nasa sala kami ni Martin narinig ko ang isang napakalakas na sigaw na para bang kinakatay. Para bang pinapatay! Sinasaktan sobrang sakit ng kanyang sigaw.

        " Sir Carlo! Napaano po kayo? Ano ! May narinig ba kayo?" tanong nito sa akin ni Martin. " Ssssshhh! huwag kang maingay. Patayin mo ang ilaw bilis. Dahan dahan lang. Kahit ano makita mo huwag kang maingay. Naintindihan mo ako."bilin ko nito kay Martin. Halatang nanginginig sa takot si Martin. " Ano ka ba Martin ka lalaki mong tao natatakot ka! Kknakabahan ka! Para ka namang bakla niyan! Relaks..huwag kang maingay.

       Krrrrŕak...!krrrrrrrak!krrrrrrak!...isang malakas na ingay ang nanggaling sa kusina. Mukhang may pilit na binubuksan na kung anong gamit ang nandoon na matagal nang hindi nagagamit. Agad akong gumapang patungo ng kusina upang tingnan kung ano ang ingay na iyon. Nagulat ako sa aking nakita.

        " Oh! My God! Whaaat the hill it is! Oh noooooo!" Napasigaw ako ng malakas kaya napatakbo si Martin sa kinaroroonan ko. " Sir  Carlo bakit? Whats going on here? " agad nitong tanong. Nang aking tiningnan nawala na ang nakita ko kanina. Nagsara na ulit ang oven! Nanginginig ako sa takot. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa. 

       "Sir Carlo! Ano ba ang nakita mo"? Paulit ulit na tanong ni Martin sa akin. " Wala Martin. Akala ko kasi may ahas iyon pala daga lang." Pagsisinungaling ko nito. " Tara balik na tayo sa sala! Saglit lang punta muna ako ng banyo!" sabi ko nito. " Bilisan mo lang natatakot ako dito. Puwede ba sasama na lang ako. " nagmakaawang sabi nito. Na parang bata na takot iiwanan. Kaya pinasama ko na sa loob ng kwarto namin. Agad ako na pumasok ng banyo. Samantalang si Martin naiwan muna sa labas ng banyo namin ni Myla. Habang nasa loob ako ng banyo naisipan kong sumilip sa maliit na bintana ng banyo. At makikita mo ang labas. Agad ako kumuha ng upuan at pumatong. Dahan dahan kung binuksan ang maliit na bintana ng banyo na crystal. Habang ako'y nagmamasid nakita ko ang isang lalaking nakaitim at hinila hila ang isang tao papasok doon sa masukal na bahagi ng kagubatan. Hindi agad ako nakakilos. Dahil kilala ko kung sino ang hila hila nang isang lalaking nakaitim. Bago paman  maipasok sa masukal na bahagi ng  kakahuyan ang lalaking hinihila. Ay agad ako napatakbo palabas ng banyo at kwarto dumeretso na ako sa labas ng bahay at sinundan ko ang lalaking nakaitim.! Hindi ko na pinakinggan pa si Martin at Myla na nagulat sa aking pagtakbo palabas. Hinanap ko ang taong nakaitim. Agad naman na dumating sina Myla at Martin. " Ano ba ginagawa niyo dito bumalik kayo ng bahay at isarado niyo ang pintò! Sabi ko sa kanila. Agad naman silang bumalik ng bahay saka ginising ang mga kasamahan. Nag alala sila sa akin  dahil mag isa lang ako sa gubat. Hinanap ko ang taong nakaitim na may hinihilang tao at malakas ang kutob ko na si Paul iyon. Kaya dahan dahan akong naglalakad nagmamasid. Pinag aralan ko ang bawat dadaanan ko. Sa kaliwang bahagi may nakita akong parang nayemas na mga damo kaya kumaliwa ako at sinundan ang bakas na iyon. Wala akong nakita na kahit na anong bagay doon . Maya maya pa'y may narinig akong isa umuungol na tao na para bang namimilipit sa sakit. Agad akong umupo dumapa at pinakinggan kong mabuti kung saan banda ang ungol na iyon. Maya maya pa'y nagulat ako sa aking nakita.

        " Paul! Paul! Ano nangyari saiyo? Si Paul nakita ko na. " Anong nangyari saiyo? Bakit duguan ka?" Agad kung naitanong sa kanya  habang  inaalalayan ko siyang makabangon. Halos  hindi siya makapagsalita at  makakilos. Ang dami niyang sugat  sa katawan at may sugat din sa ulo. " Paul ! Andito ako si Carlo! Huwag kang matakot ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya ngunit hindi aiya makapagsalita dahil sa daming sugat ng katawan . Agad kung tinawagan si Myla. 

      " Pumunta kayo ngayon na mismo dito sa likod kayo ng bahay dumaan may mga marka diyan at putol na mga sanga sundan niyo iyan ako ang gumawa niyan bilisan niyo." sabi ko kay Myla. Agad kong ibinaba ang aking mobile. 

          

Imelda Aviles

Biglang nawala si Paul . Saan na nagpunta ang lalaki. Ano na ang nangyayari sa kanya. Bakit siya nawala. Hindi alam ng kanyang mga kasamahan kung ano na nangyari kay Paul. Agad nilang kinatok ang pintuan dahil naka lock pala iyon at hindi nila alam kung sino ang nagpadlock. Agad naman na binuksan nina Myla at Carlo ang pinto. Doon nila nalaman na nawawala na nga si Paul. Agad naman na lumabas si Carlo at tumulong sa paghahanap. Ngunit madilkm at napakadelikado para sa kanila ang paghahanap ng ganoong oras ng gabi dahil hindi nila alam ang pasikot sikot sa gubat at hindi rin nila alam kung anong panganib ang masasalubong nila. Kaya mas minabuti pa nilang bumalik nalang ng bahay at ipasabukas na ang paghahanap kay Paul.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status