Nakaupo nuon ang reyna sa harap ng hardin habang tinitignan ang mga bulaklak sa paligid, at namangha siya sa pisikal na anyo nito na syang nag bibigay ng ibat-ibang halimuyak at ganda sa buong palasyo. "kamahalan, naririto lamang po pala kayo."Ang tugon nuon ng isang babae na nakasuot ng mamahaling kasuotang hinabi gamit ang telang enkahe na abot hanggang sakong.Nung mga sandaling iyon ay napangiti ang reyna, sapagkat nasa harap nya nuon ang isang taong nag papasaya at nag papalakas sa kanya na tulad ng mga bulaklak sa kapaligiran na nag bibigay ng kapayapaan. Abot hanggang langit ang kagalakang kanyang nararamdaman nang mga sandalinng iyon, sapagkat batid niyang ang pag mamahal na kanyang nararamdaman ay higit pa sa kaibigan o kapatid kaya naman nag pasya siyang katulad ng kanyang asawa ay Iibigin niya ang taong ito anuman ang mangyari."Nag papahangin lamang ako lady gania."Tugon nuon ng reyna habang tangan ang kanyang matatamis na ngiti. "Halikat samahan mo ako" Punong utos
Nakaupo nuon ang Hari sa harap ng maliit na mesa habang abalang abala sa kanyang mga gawain nang ipag bigay alam nito ang pag dating ng tagapag lingkod. Dahilan upang mapukaw ang buong pansin ng hari, kaya naman, napatigil ito sa kanyang ginagawa atsaka pinahintulutan ang tagapag lingkod na makapasok sa loob.At nang makapasok nga ang tagapag lingkod ay agad naman itong lumuhod upang mag bigay ng pag galang atsaka nag salita patungkol sa kanyang pakay."Paumahin sa abala kamahalan, subalit mahalaga pong malaman ninyo na ngayon na po ang araw na mag sisilang ang reyna."Nang sandaling marinig ito ng hari ay agad itong napatayo mula sa kanyang pag kakaupo, na tila ba hindi na ito agad mapakali."Sabihin mo nasaan dinala ngayon ang reyna"Sagot nito habang tangan ang halo-halong emosyon ng galak at kaba sa kanyang mga mata. Ang totooy, halos ilang linggo narin siyang nakakulong sa kanyang silid at ang buo niyang mag hapon ay nakatuon lamang sa mga gawain niya para sa palasyo.Ito din ang
Habang ginagawa nuon ang pag babasbas sa prinsipe ay bigla namang dumating sa silid ng reyna si binibining Namie na anak ng dating panganay na prinsipeng si Na-il. Humahangos ito dahil sa labis na pag mamadaling mapuntahan agad ang reyna sa kanyang silid."Mahal na Reyna, kailangan po nating makaalis sa dampa ngayon."Sabi nito, sabay ng pag punit sa mamahaling tela na nuoy naka tabing sa higaan kung saan nakahiga ang reyna at nag papahinga, ginagamit ito upang ipang takip. Nung mga sandaling iyon ay bahagyang napaangat ng katawan ang reyna sa kanyanag higaan habang tangan ang labis na pag tataka sa kung anong nangyayari."Subalit bakit kailangan nating umalis?"Tanong naman ng reyna habang sinusundan ng tingin si Namie na nuoy paroo't parito na tila ba hindi mapakali habang nag lalagay ng kaunting pagkain sa bayong na kanyang hawak. Maya-maya pa, ay tumungo na nga ito sa reyna upang alalayan ito ng dahan dahan pababa ng kanyang higaan."Mamaya ko nalang ipapaliwanag kamahalan, kailan
"Sabihin mo sino ito? nababatid mo ba?"Tanong nuon ng reyna pag katapos nitong uminom ng tubig. Nung mga sandaling iyon ay binalot ng katahimikan ang paligid na kung saan binalikan ng binibini ang kanyang mga nasaksihan.*****FLASHBACK*****Nakaupo nuon ang binibining si Namie habang nag babasa ng aklat sa kanyang balkonahe, at habang tahimik itong nakatuon sa aklat ay bigla nalamang niyang naramdaman ang pagkati ng kanyang batok. Nung mga sandaling iyon ay napaisip siya dahil madalas iyong nangyayari kapag may hindi magandang bagay na magaganap, tila ba isa itong senyales sa kanya ng isang paparating na kamalasan at suliranin, samantala ng mapansin nya ang bagay na ito ay bigla nalamang pumasok sa kanyang isipan ang mahal na reyna. Dahilan upang sumang-ayon ang kanyang mga paa na lumakad at bisitahin ito.Kaya naman, dahil sa malakas na pag udyok ng kanyang sarili ay nag madali siyang mag palit ng kasuotan, batid niyang hindi dapat niya balewalain ang mga bagay tulad ng kung ano ang
Habang pawis na pawis at habol hininga nuon na nakaupo sa isang madilim na sulok ng balon ang reyna ay tahimik itong napapainda dahil sa labis napag hilab ng kanyang tiyan. Napapaulos siya at napapasipa ng kanyang binti dahil sa sakit na kanyang naramdaman. Maya-maya pa nang ipinosisyon na nuon ng reyna ang kanyang katawan upang ihanda ang sarili sapag labas ng bata, ay bigla namang dumilim ang paligid kung saan tinakpan ng araw ang liwanag ng buwan at kasabay nito ay ang pag labas ng ikalawa niyang anak na prinsessa.Mula sa isang basket na inihulog ng binibining si Namie bago ito umalis ay kinuha ng reyna ang isang tela upang gamitin itong pambalot sa bata. Pagkatapos ay naupo ito sa bandang kanang sulok ng balon habang karga karga nito ang kanyang anak.Ninais sana nuon ng reyna na sumigaw upang maka hingi ng saklolo nang saganun ay makalabas sila sa balon, subalit nag aalangan ito na maaaring nariyan pa ang mga tumutugis sa kanila. Nuong mga sandalling iyon ay napapaisip siya na k
“Mag bigay pugay sa bagong Prinsipe ng Virgania” Ang sabi nuon ng hari habang iniaangat ang prinsipe upang tanda ng pag tanggap.“ Mabuhay ang bagong prinsipe ng Virgania!”Tugon ng mga tao sa kapulungan habang nakayuko ang mga ito bilang tanda ng pag galang at pag bubunyi.“Kamahalan!”“Mahal na Hari!”Ang pag hahangos ng punong tagapagbantay ng hari, dahilan upang matigilan ang lahat. Kaya naman, napalingon nuon ang hari sa kanya habang tangan ang pag kainis dahil sa bigla nitong pang abala sapag diriwang ng pag tanggap"Paumanhin sa abala kamahalan, subalit nawawala po ang mahal na reyna!"Tugon ng tagapag bantay habang nakayuko ito at nag bibigay ng pag galang. Kaya naman, agad na ipinasa ng hari ang prinsipeng sanggol sa tagapangalaga nito at inutusang bumalik sa silid nito kasabay din ng pag tatalaga ng mga kawal na mag babantay dito. Samantala, ang hari naman ay tumungo pabalik sa silid kung saan nag silang ang reyna.Habang nag lalakad pabalik ay inuusisa ng hari sa tagapag ba
Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga
Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b