GINTONG PALAMUTI

***PRINSIPE SHATTU***

Hindi ko man lang napansing sumapit na pala ang katanghalian dahil narin siguro sa pagod na akin pang nararamdaman hanggang ngayon. Tila ba nananakit din ang aking buong katawan at paki wari koy dahil ito sa pag sasanay namin nila Lady Gania at prinsessa damina kaninang umaga, At ngayon naman ay naririto ako kasama Ng aking ama sa labas ng aming dampa upang makapangaso ng saganun ay may maihanda kami para sa hapunan. Subalit matapos ang una naming pangangaso sa unang pook na aming pinuntahan ay sinundo kami ng Isa sa aming taga pag lingkod, at ayon sa kanya ay utos daw iyon ng aking Ina kaya naman agad na nilisan namin ang pook upang makabalik sa amin.

Makalipas ang ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng aking ama malapit sa aming dampa at sa di kalayuan ay napansin ko ang aking ina na nakatayo sa labas habang naghihintay sa amin ni ama.

Subalit napansin ko din na tila ba may kakaiba Kay ina,sa kadahilanang tila nakasuot sya ng magarang kasuotan na hinabi nuong unang anihan, suot nya rin ang bakyang inihandog sakanya ni ama, kaya napapaisip ako Kung anu nga bang mayroon at tila may dadaluhan si Ina. Ilan pang sandali ay tuluyan na nga kaming nakalapit sa dampa,

"Mahal ko"

Rinig kong bati ni Ina kay ama habang ibinabalik  namin sa lalagyan ang mga gamit na dala namin sa pangangaso.

"Ina bakit ganyan ang iyong kasuotan?"

Pansin ko sa kanyang damit, ang totoo ay hindi talaga ako sanay na makitang nakasuot si Ina nang ganung klaseng kasuotan.

Hindi naman dahil sa hindi naaangkop sa sakanya dahil ang totooy napaka ganda nga niya, isang dahilan kung bakit na papaawang ang bibig ni Ama habang nag tatanggal ng sandalyas na pangaso, kulang nalang ay tumulo ang laway nito kaka titig ki Ina. siguro kasi gaya ko ay nagulat din sya sa kanyang nakita, bibihira lang kasi mag ayos si Ina kaya madalas ay nagugulat si Ama.

"Oo nga Mahal ko? Saan mo ba balak tumungo"?

sagot ni Ama habang nakatingin parin ki ina na may halong pag hahanga, Natatawa nalamang ako ki Ama, dahil kahit itago niya ang kanyang pag hanga ay hindi naitatanggi ng kanyang mga mata.

"Hindi bat ngayon ang binigay na araw ng pagpupulong ayon sa mensahe ng Hari?"

tugon ni Ina na ikinabigla naman ni ama, kaya nga agad na nag madali si ama na pumunta sa paliguan upang agad na makapag linis ng katawan.Samantala ako naman ay umupo sa tabureteng nasa tapat ng aming durungawan at duon ay tinanong ko si Ina kung para saan ang pag pupulong. Gayunpaman, hindi niya masabi kung para saan ito dahil sa biglaan nga daw ang pahayag na ginawa ng Mahal na Hari, kaya naman hindi na ako umusisa pa at sa halip ay nag paalam nala mang akong pumasok sa aking silid upang doon ay makapag pahinga.

Makalipas lang ang isang oras habang naroon parin ako sa aking silid at nagpapahinga ay may naririnig akong naguusap mula sa labas na tila lalaki at babae kaya naman naimulat ko ang aking mga mata. 

"muka yatang napaidlip ako"

Ang naalimpungatan kong bulong sa sarili habang nag kakamot sa aking mag kabilang braso.

"Naririto na pala sila, hindi ko man lang naramdaman ang kanilang pag dating"

 kaya naman bumangon ako ng bahagya at pinakinggan ang kanilang pag-uusap, at ayon nga sa aking narinig, na ako raw ang ipinanukala ng Hari bilang bagong itinakdang prinsipe.

"Ako raw? tsss....paano naman iyon mang yayari?"

ang di makumbinsi kong reaksyon,dahil nga sa akala koy nananaginip lang ako, at panaginip lang ang mga narinig ko.Kaya naman nung sandaling marinig ko na may biglang tumawag na tao mula sa labas ay saka lamang ako natauhan, at saka ko lang napag tatanto na hindi pala yon isang panaginip.

"Sandali!! a-ako itinakdang prinsipe??"

Ang labis na pag kagulat ko sa aking narinig, dahilan kaya ako napabalikwas para bumangon, subalit bigla nalang nawala ang balanse ko kaya naman lumagapak ako sa sahig.

"Kamahalan, anong nangyayari dyan? ayos ka lang ba?"

 Ang rinig kong pag-aalala ni Ina sa labas, at maya-maya pa ay narinig kong papalapit na siya sa tarangkahan ng aking silid dahil sa yabag ng pag hakbang niya habang papalapit.

Tatayo na sana ako dahil sa nakakahiyang ipakita sa kanya na ang itinakdang prinsipe ay may pag ka lampa. Kaya aakma na sana ako ng tayo ng hindi ko napansin ang maliit na laruang bilog na yari sa yantok, ito ay kadalasang  ginagamit sa larong may binabato sa gitna. Kaya naman, tamang pag bukas ni Ina ng pinto ay sakto ring nadulas ako sa bilog na laruan nayon. Isang dahilan na muli akong lumagapak ng malakas sa sahig. 

"Oh kamahalan, mag-ingat ka nga!" 

Ang nag-aalalang sabi ni Ina, gayunpaman, sa kabila ng pag-aalala ay napansin kong tila nag pipigil siya na tumawa, dahil sa hindi niya napipigilan ang bahagyang pagngiwi ng kanyang bibig.

"Ina bakit parang hindi naman talaga kayo nag-aalala, tingnan nyo ngat tumatawa pa kayo." 

Ang sabi ko naman habang hinahaplos ang aking mga braso't binti. Samantala si Ina naman ay hindi na napigilang tumawa, pati tuloy ako ay nadala narin sa pag tawa niya kaya naman sa halip na mainis ay nag tawanan nalang kami.

"Sya nga pala, kagagaling lang dito nang tagapag lingkod ng Hari, nais niyang tumungo ka sakanyang silid ngayong gabi."

Ang pag-iiba naman ni Ina sa usapan.

At dahil nga sa hindi ko maaaring pag hintayin ang mahal na Hari ay , nag palit lamang ako ng maayos na damit upang sa pag harap sa kamahalan ay desente kong maipapakita ang aking sarili. At gayun din, pag katapos na pag katapos ko ay agad kong binaybay ng mag-isa ang patungo sa silid ng Hari.

Ang totoo ay nais sana ni Ina na samahan ako ni Ama, dahil nga sa mapanganib na para sa akin ang mag lakad ng mag-isa. Gayunpaman, ay hindi ako pumayag dahil bukod sa kaya kong ipag tanggol ang aking sarili ay gusto ko ring gawin ang aming ginagawa nila Lady Gania at prinsessa Damina nuong mga bata pa lamang kami. At ito ay ang mag lakad habang hinahabol ang aming mga anino, nakakabata man isipin, subalit nakakatuwa parin itong gawin.

Makalipas ang ilang sandali habang patuloy parin sa paglalakad papasok sa pasilyo ay napansin ko Ang di maitagong katahimikan ng paligid.

"Ganito pala ang palasyo kapag sumapit na ang pag lubog ng araw. Napaka tahimik ng paligid at talaga nga namang nakakaaliw ang liwanag ng mga pantalya sa bawat pasilyo ng palasyo" Ang naaaliw kong bulong sa aking sarili habang nakatingala sa mga pantalyang nag sisipag liwanag.

Maya-maya pa ay narating ko na rin ang pasilyong papasok sa silid ng Mahal na Hari, at  habang  papalapit ay may napansin akong isang matipunong lalaki na lumabas ng silid.

"May panauhin ang Mahal na Hari sa kanyang silid!?" 

Pabulong ko sa aking sarili habang patuloy parin sa pag lalakad at Ilan pang sandali ay nakatayo na ako sa harap  ng silid ng Hari, Kung saan ay bago ko lang napagtanto na ang matipunong lalaki pala na nakita kong nakatayo kanina sa harap ng pinto ,  ay ang punong maestro  ng palasyo,  Si pinunong maestro Pitan ang bunsong kapatid ng Hari.

"Prinsipe Shattu?" 

Pagulat na bungad ng maestro habang nag palingon-lingong nag tataka kung bakit ako lang mag-isang nag lalakad.

"Mahal na prinsipe bakit kayo naririto sa ganitong oras ng gabi, at mag isa pa kayo kamahalan!?"

Magkahalong pagtataka at pangamba ang nakita kong nakapinta sa mukha ng punong maestro.

Alam nyo bang bukod sa Hari ay isa si punong maestro Pitan sa mga taong hinahangaan ko, kaya nuon paman at maging hanggang ngayon ay malaki at mataas parin ang pag galang ko sa kanya.

"Papasukin mo sya Maestro, ipinatawag ko sya upang makausap"

Tugon naman ng Hari Mula sa loob ng kanyang silid kaya naman binigyan ako ng daan ng punong maestro upang tuluyang makapasok sa loob.

"Kamahalan, ayon po sa inyong kautusan ay naririto napo ako"

Nanginginig na bati ko sa Hari kasabay ng pagyuko bilang tanda ng pag galang

Ang akala koy hindi ako kakabahan, yon bang magiging normal lang ang lahat dahil parehong mga Lolo ko ang mga kasusap ko. Pero, iba pala, mali ako nang akala. Iba pala talaga yong mararamdaman mo kapag nasa harap ka ng mga taong magigiting, pakiramdam ko tuloy, ilang sandali lang ay bibigay na ang binti ko dahil sa sobrang kaba.

"Shattu aking apo, pumarito ka".

Utos ng Hari, kaya naman bahagya akong lumapit sa kanya, at dahil nga sa siyay naka higa ay medyo lumapit pa ako nang kaunti.

" Nais kong Kunin mo ito"

sabi nito kasabay sa pag abot sa gintong palamuti.

"Ahh.....para saan po ito kamahalan"

Ang nagugulumihanan ko namang tugon kasabay ng pag abot sa ipinagkaloob nyang palamuti. at dahil sa hindi ko naman alam kung para saan ito ay nagawa ko itong paikutan ng tingin

"Kamahalan, Isa itong tanda ng pag-aasawa, at dahil kayo ang itinakdang prinsipe kailangan nyong ipagkaloob ang palamuti sa babaeng inyong nais na maging reyna."

Paliwanag naman ng punong maestro, dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko.

"Po-po!!!?A-asawa!? Ah-anu pong ibig nyong sabihin kamahalan!?"

Pagulat na tugon ko, kasabay sa palaisipang hindi naman siguro nya ako paaasawahin dahil lang sa ako ang itinakdang prinsipe hindi ba? Hindi nga kaya?

"Base sa iyong reaksyong labis na pagka gulat ay mukang hindi pa nga naipapabatid  ng iyong ama't ina ang patungkol dito. Ganunpaman, dahil ikaw na ang bagong itinakdang prinsipe kailangan mong tanggapin ito 

"Su-subalit kamahalan hindi bat napaka bata ko pa para sa ganito kabigat na tungkulin at Isa pa po narito pa ang aking tiyuhing si prinsipe Hagan?"

Paliwanag ko naman. Sa totoo lang yon ang una kong iniisip kanina, na kung bakit ako ang napili ng Hari, samantalang malakas at buhay pa ang ikalawa niyang anak.

"Mahal na prinsipe kahit kailan ay hindi pa nabigo ang ating kamahalan sa pag pili ng mga taong pagkakatiwalaan, subalit sa iyong sinasabi ay tila ba pinagdududahan mo ang kakayahan ng Mahal na Hari."

"Ahhh...hi-hindi Naman po sa ganun kamahalan Ang akin lang po...

Mag sasalita pa sana ako upang mag paliwanag, subalit agad namang sumagot ang mahal na Hari

"Matatanggap mo ba?"

Ang muling tanong  ng Mahal na Hari, kaya naman napatuon ako sakanya,Subalit labis akong nag taka kung bakit tila may nababakas ako sa kanyang mga mata. Kaya naman nuong mga sandaling yon ay napaisip ako

"Bakit nga kaya tila may pag-aalala na nakapinta sa mukha ng mahal na Hari, na kahit pa pilit nya itong ikubli ay malinaw ko paring nababasa ito. Bakit nga kaya?"

Ang masidhi kong pananayam  saking sarili habang nakatingin parin sa Hari." Sa anong dahilan kaya!? 

 Gayunpaman, ay napilitan akong sumang ayon sa lahat ng sinabi ng mahal na Hari, paki wariy koy may iba pang dahilan ang ginagawa nyang ito, dahil sa nakikita ko na para bang may nais syang ipahiwatig sa kanyang mga ipinag-uutos. Subalit kung anu man yon ay hindi ko alam.

Ilan pang sandali matapos ang pag-uusap ay agad narin akong umuwi, Gayunpaman, habang nag lalakad ay may mga bagay parin na hindi maalis sa isip ko, At dahil nga sa wala ako sa aking sarili, ay hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng aming dampa. Tila parang napaka bilis kong nakarating sa aming dampa?,pagtataka ko at dahil nga sa malalim na ang gabi at batid ko ring tulog na sina ama, dahil sa wala na akong nakikitang lamparang nakasindi ay pumasok nalamang ako ng dahan-dahan upang hindi maka tawag pasin.

At matapos nga ang gabing iyon na tila ba panaginip ay nagising parin ako sa katotohanang may nakaatang na naresponsibilad sa aking balikat na kailan may hinding Hindi ko matataksan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status