Nung araw din mismo pagkatapos ng pagpupulong sa unang bulwagan ay nagkaroon naman ng lihim na pag-uusap ang punong ministro at ang prinsipeng si Hagan. Nakaupo nuon sa tabureteng yari sa tabla ang prinsipe habang tangan ang pilak na kopa sa kanan niyang kamay atsaka nag lalango sa mamahaling alak na nuoy kinalakal pa sa ibang lalawigan. Samantala, nakatayo naman ang punong ministro nuon sa tapat ng tarangkahan ng silid habang pinagmamasdan ang ginagawa ng prinsipe."Isang malaking dagok para sa akin ang mga ibinatong salita ng Hari, tila ba may nalalaman sya sa mga nangyayari". Nag-aalalang wika ng Prinsipe, habang ginagapos ng kanyang mga kamay ang pag kakahawak sa kopa na nuoy nag mamarka ang namumula niyang mga daliri dahil sa higpit ng kanyang hawak dito, na kung saan ay makikita sa kanyang mukha ang labis na paninibughong kanyang nararamdaman sa pamangking si shattu. Labis ang kanyang pag kainis sa sarili sapagkat ni kahit minsan ay hindi ni
Isang napaka aliwalas na umaga ang nuoy bumungad sa tagapag-ingat. Samyo din nito ang malamig na hanging pumapasok sa loob ng kanyang silid na kung saan ay nag dadala at nag papakalat sa sariwang halimuyak ng mga bulaklak na mula sa labas.Kaya nga nuong sandaling maaninag nya ang liwanag na ito ay napalingon siya sa kanyang kanan upang abutin ang kasuotan niyang nakatiklop sa ibabaw ng mesang pinaglalagyan ng pantalya."Lady Gania!!""Lady Gania"Napahinto siya ng marinig ang medyo mahinang boses ng isang pakiwari niyay babae. Kung saan habang papalapit ito ay mas lalong lumalakas ang kanyang tinig habang sunod sunod na tinatawag ang pangalan nya.Kakasikat pa lamang nuon ng araw, kaya labis siyang nag taka kung bakit may panauhin na agad na patungo sa kanyang dampa. Sapagkat ang madalas na ginagawa ng mga tao o nang bawat pamilya sa palasyo tuwing umaga, ay nag-aalay ng pasasalamat na muli sil
"Lady Gania, sigurado kabang ayos kalang?" Tanong naman ng prinsessa sa tagapag-ingat na syang pumukaw sa pansin nito. Nung mga sandaling iyon ay lumapit na ito sakanya at umupo sa kanyang tabi. "Ahh....Wala ito kamahalan, Sya nga po pala anu nga po ba ulit ang inyong sadya!?" Tanong niya sa prinsessa kasabay ng alanganin nyang pag ngiti. Iniisip nya kung nasabi na ba ng prinsessa ang pakay niya at hindi nya lang ito narinig dahil sa kakaisip niya sa mga natuklasan nya o hindi pa nito nasasabi ang pakay niyang pag dalaw. Kaya naman, bahagyang lumapit ang prinsessa sa tagapag-ingat atsaka ito bumulong. Nung mga sandaling iyon ay napaatras at napa balikwas naman ng tingin ang tagapag-ingat, kung saan ay nakangiti namang nakatingin ang prinsessa sa kanya. "Su-subalit kamahalan, hindi tayo maaaring lumabas!!!!" Ang hindi pag sang-ayon namang reaksyon ng tagapag-ingat, Subalit kinuha ng prinsessa ang kanyang ka
Nasa katanghaliang tapat na nuon nang maisipin ng prinsipe na lumabas ng kanyang silid upang tumungo sa halamanan at duon ay mag palipas ng oras. May ilang araw narin ang lumipas mula ng matanggap ng prinsipe ang gintong palamuti na nuoy ipinag kaloob sa kanya ng mahal na Hari. At mula pa nung araw na yon ay hindi pa siya nakakapag pasya ng maayos, dahil maraming mga bagay na bumabagabag sa kanya at isa na dito ay; Una, iniisip niya ang kanyang tiyuhin na si Haggan, sapagkat siya ang ikalawang anak ng Hari. Kaya naman, kung may taong dapat na iluklok ang Hari sa trono, ay walang iba kundi ang kanyang tiyuhin, subalit naging taliwas ang mga pangyayari at ito ang labis nyang pinag aalala sapagkat hindi niya maisip kung anu ang mararamdaman ng kanyang tiyuhin sa kanya. Pangalawa, nung mga sandaling makausap niya ang mahal na Hari ay may naramdaman syang kakaiba dito. Sapagkat bukod sa batid niyang malakas pa ang pangangatawan nito, ay nagugulumihanan din siya sa
"A-ako!?"Ang pagtatakang tugon ng tagapag-ingat. Nung mga sandaling yon ay napansin ng prinsipe ang biglang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Lady Gania.Tila ba namumula ang kanyang mga pisngi, napansin din niya ang pamumuo ng pawis sa mukha at mga kamay nito.Kaya naman, naisip ng prinsipe na maaaring nabigla ang tagapag-ingat sa itinanong niya kaya ganito ang reaksyon nito sa kanya.Ang totoo'y matagal na panahon na nga silang tatlo na mag kakasama, subalit ni minsan ay hindi nila nakita ni prinsessa Damina na nagkaroon na ng pagtatangi sa ginoo si Lady Gania. Kaya inisip ng prinsipe na ito nga ang dahilan kaya tila ba naiilang ang tagapag-ingat sa ganitong usapan. Kaya nga napatawa nalamang ang prinsipe dahil tila ba mali siya nang tinanungan, subalit napatingin naman sa kanya si Lady Gania kasabay ang pag tataka dahil sa pagtawa ng prinsipe."Ahhh...ba-bakit tila nata
Habang nakaupo sa isang silya ay naka dungaw ng bahagya sa durungawan nang kanyang silid ang prinsessa kung saan ay isang napaka aliwalas na kapaligiran ang pumupuno sa tanawing kanyang napagmamasdan. Nakaharap sa bundok ang durungawan ng prinsessa kaya naman walang dudang puro mga luntiang puno ang kanyang nakikita, sa kabila pa nitoy naririnig niya ang huni ng mga ibon na tila ba umaawit habang ang lamig naman na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang mukha. Ang totooy hindi makapaniwala ang prinsessa dahil sa bilis ng takbo ng oras, iniisip niya na parang kanina lang ay kasama niya si Lady Gania na tumungo sa balon ng kahilingan. May ilang araw narin na tila hindi nila nakikita ang prinsipe. Kaya nga napuno siya ng panghihinayang dahil hindi man lang nila nakasama ang prinsipe na humiling sa balon, na samantalang dati ay mag kasama pa silang tatlo na tumatakas sa pag sasanay upang makatungo lamang sa balon, mag hagis ng pila
Habang nakahilig sa Mesa ay bahagya nagising si Lady Gania ng bumungad sakanyang mukha ang sinag ng araw. Kaya naman, napatayo siya sa di mawaring reaksyon ng Makita ang napaka gulo nyang silid. "Tila nasobrahan ata ang aking pag ka lango" Ang sabi niya sa sarili atsaka na patingin siya sa kanyang kasuotan na nuoy gusot na gusot. Subalit bigla siyang napa hawak sa kanyang sintido ng maramdaman ang pag lagitik nito at dahil sa sobrang sakit ay napaupo siya saglit habang minamasahe ang kanyang noo. Ang totoo’y hindi talaga siya sanay uminom, sadyang napilitan lamang siya dahil sa isang bagay na hindi niya halos matanggap. Isang bagay na tila mas masakit pa na malaman ang kanyang buong pag katao. "May tao ba riyan sa labas??" Ang nuoy tawag niya mula sa loob ng silid at maya-maya pa ay pumasok naman ang isa sa mga tagapag lingkod. "ah-anu po iyon Lady Gania!?...........
Matapos ang gabi ng pag tatapat ng prinsipe ay tila ba naging isang panaginip ang mga pangyayari, at dahil ditoy hindi na muling naalis pa ang ngiti sa mga labi ng prinsessang si Damina. Gayunpaman, sa kabila ng kaligayahan ay nag dadalawang isip parin siya kung tama ba o hindi ang kanyang mga pag papasyang gagawin. Ang totoo'y labis ang kagalakan sakanyang puso dahil matagal na panahon nya ring inilihim ang pag tatangi niya kay Shattu sapagkat ang buong akala nito'y ang tagapag-ingat ang kanyang iniibig. Kaya naman, bilang pag tugon sa kanyang lihim na nararamdaman ay pinili niyang umiwas na mag bigay ng motibo o kahit na mag tapat sa tagapag-ingat o sa prinsipe dahil sa hindi niya ninais na ito ang maging simula ng kanilang hindi pag kakaintindihan, kaya nga mas pinili niyang manahimik nuon at sa halip ay gumagawa siya ng daan upang makapag usap ang tagapag-ingat at prinsipe ng sarilinan kahit pa masakit ito para sa kanya. Kaya naman,para sa kanya ang pag tatapat n