Matapos ang gabi ng pag tatapat ng prinsipe ay tila ba naging isang panaginip ang mga pangyayari, at dahil ditoy hindi na muling naalis pa ang ngiti sa mga labi ng prinsessang si Damina. Gayunpaman, sa kabila ng kaligayahan ay nag dadalawang isip parin siya kung tama ba o hindi ang kanyang mga pag papasyang gagawin.
Ang totoo'y labis ang kagalakan sakanyang puso dahil matagal na panahon nya ring inilihim ang pag tatangi niya kay Shattu sapagkat ang buong akala nito'y ang tagapag-ingat ang kanyang iniibig. Kaya naman, bilang pag tugon sa kanyang lihim na nararamdaman ay pinili niyang umiwas na mag bigay ng motibo o kahit na mag tapat sa tagapag-ingat o sa prinsipe dahil sa hindi niya ninais na ito ang maging simula ng kanilang hindi pag kakaintindihan, kaya nga mas pinili niyang manahimik nuon at sa halip ay gumagawa siya ng daan upang makapag usap ang tagapag-ingat at prinsipe ng sarilinan kahit pa masakit ito para sa kanya.
Kaya naman,para sa kanya ang pag tatapat n
***LADY GANIA'S POV*** Ngayong araw nato ay sinasagawa ang unang anihan kaya naman bago pa sumikat ang araw ay tumungo kaagad ako sa kabisera upang magsagawa ng pag iimbentaryo, at bilang tagapag-ingat ay kasama sa aking tungkulin ang paniningil ng buwis. Subalit hindi lang dito natatapos ang lahat sapagkat halos lahat ng magsasakang nag aani ng trigo't bigas ay kailangang pantay ang buwis, gayunpaman ang porsyento ng buwis ay nakaugnay sa kong gaanu karami ang na aani sa bawat hektarya ng lupa ng bawat magsasaka. Kaya naman masasabing pantay pantay ang isinagawang paniningil ng buwis at kung mag kataon mang may mapinsala sa trigo't bigas na naani ay kailangang babaan ang porsyento ng buwis na ipapataw. Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos din ang aking pag iimbentaryo sa mga na aning trigo't bigas, at natapos narin nuon ang pag singil ng buwis sa bawat magsasaka, kaya naman kailangan naring isunod ang pag imbentaryo sa buwis na trigo't bigas na ipapasok n
Nuong gabing tanggapin ni prinsessa Daminaang gintong palamuti ay agaran namang nag pautos ang Mahal na Hari upang itakda ang araw ng pamamangkaw. Kaya naman itinala ang pagsagawa sa parehong buwan ng taon.***PRINSIPE SHATTU'S POV***Ayon sa kautusan ng palasyo kailangang maging pormal at dalisay ang isang lalaking aakyat ng pangangayaw. Kaya naman pasapit pa lamang nuon ang dapit hapon ay tumungo na sa silid ang aking mga tagapaglingkod."Kamahalan, naririto po kami upang ihanda kayo sa inyong pamamangkaw"Wika nuon ng isa sa mga tagapaglingkod,kaya naman akoy tumayo at tumungo sa kasilyas na nuoy nakaharap sa aking salamin, atsaka nila sinimulan ang paghahanda.Kapag ang isang ginoong mamamangkaw ay nag mula sa tapat na angkan ay nilalagyan siya ng mga pilak na palamuti at ito ay mula sakanyang panyapak hanggang sa kanyang buhok. kasabay din nitoy isinusuot sa kanya angabot sakong na puting kasuotan na may nakahabing bulaklak n
Pagkatapos nga ng tuwirang pag hahanda ay nagsimula naman ang ritwal subalit sa simula pa lamang ay nararamdaman na ng prinsipe ang pagbigat ng kanyang mga mata na nuoy pinipilit nya nalamang na idilat. Subalit ilan pang sandali habang nakatuon ang tingin ng prinsipe sa lampara na nuoy nakalagay sa mag kabilang gilid ng haligi ay tila ba dahan dahan nang pumipikit ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa hindi nya na ito napigilan pa kaya naman bahagya na nga siyang nahimbing. Ang totooy hindi siya sanay sa ganitong uri ng mga ritwal dahil simula pa nuong mag kagulang ay palagi na siyang nag sasanay na gumamit ng sandata upang ipag tanggol ang kanyang kaharian. Kaya naman, ang mga ganitong pag kakataon ay di pamilyar para sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay natapos naman ng maayos ang ritwal, Kaya naman ang lahat ay tumungo na sa pag diriwang ng pagpupugay. Sapagkat, sa kaharian ng Virgania ay may kaugalian ang pamamangkaw ng sagradong angkan na kapag
Sa labas ng palasyo ay binaybay ng punong maestro at prinsipe ang masukal na kagubatan at dahil sa sumapit na ang gabi kaya lubhang napaka dilim na ng paligid. At dahil ditoang punong maestro ay gumawa ng isang ilawan na yari sa kawayan at sa pamamagitan ng dalawang batong ikiniskis ay nakagawa nga siya ng sulo. At pagkatapos nito ay nag hiwalay sila ng landas ng prinsipe, subalit hindi naman ito masyadong kalayuan, nag iba lamang ng direksyon ang punong maestre upang mas mapadali ang kanilang pag hahanap. Makalipas pa ang ilang sandali ng paghahanap ay natuntun naman na ng prinsipe ang kakahuyan sa bandang hilaga ng palasyo. Ito ay ang lugar na madalas pinangangasuhan ng kanilang kaharian dahil napaka rami ditong iba’t-ibang mga uri ng hayop tulad nalang ng Usa, Baboy ramo, at kung minsan ay may mga naliligaw din ditong mababangis na hayop kaya naman ipinag babawal ditong pumunta ang mga hindi masyadong pamilyar sa lugar na ito dahil nga sa mapanganib para sa kanilang tumun
Nuong gabing matapos ang pamamangkaw ay nakarating naman sa Mahal na Hari ang patungkol sa pagtatangka sa Prinsessa. Kaya naman, kinabukasan matapos ang pamamangkaw ay nag patawag ang Mahal na Hari ng isang pagpupulong sa unang bulwagan upang gumawa ng masugid na pagsisiyasat.Samantala matapos ang gabing iyon ay hindi na muling pinayagan ang Prinsessa ng kanyang Ama at ng punong maestro na lumantad sa labas ng palasyo. At mula din nuon ay mas hinigpitan pa ang pag babantay sakanya. Samantala,habang nagsisiyasat ang maestro at prinsipe sa labas ng palasyo ay hindi parin mawala ang pangamba ng Hari na maaaring pag pinatagal pa niya ang pagtatakda sa prinsipe bilang bagong Hari ay manganganib ang rin ang buhay nito at ang trono. Kaya naman, muling nag labas ng isang utos ang kaharian , Kung saan ay itinala, na dalawang araw mula nuon ay gaganapin ang sagradong kasalan. At dahil ditoy nag padala ang palasyo ng mga taga pag lingkod sa Dampa ni prin
Malapit na nuon lumubog ang araw kaya naman pailan ilan nalamang ang mga taong nakikita sa loob ng palasyo. At dahil sa mahigpit ang pag babantay sa paligid ng palasyo ay kahit umaga at gabi’y marami paring mga nag babantay sa paligid dahil nga sa hindi parin nahuhuli kung sino ang may sala sa pag dukot sa prinsessa. Samantala,dahil sa pag kabagot ay naisipan ni prinsessa Damina na mag lakad lakad sa labas ng kanyang dampa upang lumanghap ng sariwang hangin dahil nga sa tila ilang araw na syang nakakulong at tuwiran nga siyang naninibago sa mga nangyayari, sapagkat sanay at lumaki siya sa malayang pamamaraan ng pamumuhay tulad nuong isang prinsessa pa lamang siya at hindi itinakdang Reyna. Maya-maya pa habang palabas siya ng tarangkahan ay nasulyapan naman niya ang punong maestro na nag uutos sa kanyang mga tauhan. Kaya naman ninais nya na sana nuong lumapit subalit napahinto siya ng biglang may lumapit sa maestro at dahil duon ay bahagya siyang napa kubli sa malalag
Nuong araw ng pamangkaw ay abalang-abala ang tagapag-ingat ng palasyo dahil bahagi ng kanyang tungkulin ang ritwal at pagdiriwang. Kung saan ay sa kanya dumadaan ang lahat ng pag kilatis sa mga pagkain, sa mga gamit na gagamiting palamuti,mga tela at kabuuang pag-aayos sa bulwagan ng ritwal. Bukod pa duon ay kinailangan pa nuong tumungo sa kaban ng palasyo ang tagapag-ingat upang mag labas ng mga ginto at pilak ng saganun ay makabili sila sa pamilihan ng mga alay para sa ritwal dahil nga si Lady Gania ang tagapangasiwa sa kaban ng buong Bayan ng Virgania. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit natagalan siyang makapag ayos sa sarili upang makahabol sa pamamangkaw ng prinsessa at prinsipe. Nang matapos ang pag hahanda ay nag simula na nga ang nasabing pamamangkaw, Kaya ang tagapag-ingat ay nag madaling tumungo sa kanyang Dampa upang makapag palit ng kasuotan at dahil iba ang kasuotang ginagamit niya bilang isang tagapag-ingat ay kinailangan niyang palitan ang lahat ng kanyang
*****SA DAMPA NI PRINSIPE HAGGAN***** “Kamahalan naririto po si ministro menggue” Ang abiso ng tagapag bantay ni prinsipe Haggan mula sa labas ng kanyang silid. May ilang araw naring walang ginagawang pag kilos ang prinsipe mula ng dukutin sa pamamangkaw ang prinsessang si Damina. “Papasukin mo” Ang tugon ni Haggan. Nakaupo siya nuon sa maliit na mesa habang tahimik na nag babasa kaya ng malaman na nasa labas ng kanyang silid ang ministro ay iniligpit na niya ang kanyang mga aklat atsaka siya lumipat sa malaking mesa na nasa tapat lang ng kanyang tarangka. Hindi naman ganun kalaki ang Dampa ng prinsipe, subalit hindi rin ito maliit. Ang totooy katamtaman lamang ang kabuuang luwag ng kanyang Dampa para ihanay ito sa tatlong bahagi. Ang una ay ang balkonaheng nasa kanlurang bahagi ng palasyo, na kung saan ay maaaring tumanggap ng tatlo hanggang anim na panauhin, Ang ikalawa ay ang silid na pinag lalagyan ng kagamitan ng kanyang na