Bago pa makapag-react si Mary, bumuhos na kaagad ang mga ulap ng bagyo sa mien ni Tita Shelly. “Ex-cu-se me? Sinong nagturo sayo na tawagan ang iyong kasambahay na ‘Lola?’ Grabe, baka akalain ng ibang tao na apo mo talaga siya!”Napasimangot si Mary kay Arianne nang makita niya ang walang galang na ugali at tono ni Shelly. Gayunpaman, inipon ni Arianne ang kanyang pasensya at ipinaliwanag, "Ang pamilyang Tremont ay walang 'older generation' sa loob ng maraming taon, at dahil si Mary at Henry ay naging bahagi ng pamilya sa loob ng mahabang panahon, sila ang maituturing na lolo at lola dito. Hindi ba wala namang masama kung tawagin ni Smore si Mary na lola? Iyon ang tanging paraan kung paano sila tatawagin. Hindi ito isang bagay na kailangan pagtaluhan. Halika, Smore. Si Mama na ang magpapaligo sayo."Si Shelly ay karaniwang may sapat na kamalayan sa sarili para huminto bago pa maging malala ang sitwasyon, pero ito ay isang exception. Hindi niya ito kayang bitawan. "Sinabi mo na ang pa
Tumango si Smore na parang nalilitong siya. “Okay, Mama... Um, papakinggan ko ang lahat ng sasabihin ni Mommy, wag ka nang magalit, okay?”Ginulo ni Arianne ang buhok ni Smore. “Hindi galit sayo si Mama. Pero gusto ko sana na makipaglaro ka at maging mas mabait kay Lola, okay? Alam kong napakabait ng trato ni Lola sayo, pero malulungkot siya kung titigil ka sa pagsama sa kanya dahil lang sa nangyari kanina. Masasaktan si lola at iiyak siya sa sobrang lungkot, alam mo ba iyon?"Habang nag-uusap sila, binuksan ni Mark ang pinto ng kanilang kwarto at sinabi, “Hello! Pinaliliguan mo si Smore?"Dahil hindi niya nailabas ang kanyang galit kay Tita Shelly, ang kanyang galit at nakadirekta kay Mark. Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang hindi siya sinasagot.Nataranta ang kawawang lalaki nang makita siya, “Ano 'yon—? Anong ginawa ko ngayon?"Ngumisi si Arianne sa kanya. "Oh, wala ka namang ginawa, eh. Ginawa na ito ng iyong pinakamamahal na tita para sayo. Hindi ako nakipag-away sa h
Nakangiting tumayo si Tita Shelly mula sa kanyang kinauupuan at umakyat sa hagdan.Inakala ni Arianne na ang papalapit niyang mga yabag na pabalik na si Mark. Tatawagin na sana niya ito upang kunin ang tuwalya ni Smore mula sa labas nang mapansin niya ang puting malambot na indoor slippers ni Shelly sa kanyang harapan.Napansin ni Shelly si Smore na malapit nang matapos sa kanyang pagligo at kinuha niya mismo ang tuwalya ng bata bago niya ito binalot. "Sino ang bata na ‘yan na malinis at mabango, hmm?" sabi niya. “Halika, hayaan mong tingnan ni Lola ang malinis mong mukha! Hmmm, napakabango mo, dear! Si Smore ang pinaka-cute, pinakamabangong bata sa buoooong mundo!”Hindi tumawa o ngumiti. Sa halip, tumingin siya sa kanyang nanay at pinagmasdan ang kanyang ekspresyon ng malapitan.Medyo nabigla si Arianne nang makita ito. Sinong mag-aakala na ang isang bata sa kanyang edad ay matututong magbasa ng mukha ng ibang tao bago ito kumilos?Pagkatapos ng munting paglalaro nila ni Smore,
Maingat na kumilos si Mark, ngunit napansin ito ni Shelly. Sa loob ng isang segundo, ang kawalang-pag-asa ay dumaan sa kanyang mga mata at ilang sandali pa ay nawala ito…Ang natitira na lamang sa halip ay ang kanyang boses na naging kasing talas ng kutsilyo habang tumatayo siya. "Anong sinabi ko sayo? Sinabi ko sayo na hindi ka pwedeng maging isang mahina na hinahayaan ang isang babae na maging master mo sa lahat ng pagkakataon! Ang ginagawa niya ngayon ay lampas na sa kanyang limitasyon! Ang bahay na ito ay pag-aari ng mga Tremont, at siya? Siya ay isang ampon lamang na inampon at pinalaki dito salamat sa iyong kagandahang-loob. Anong karapatan niya na tratuhin ka ng ganito? Pwede siyang maging mataas sa paligid ko, pero hindi niya pwedeng gawin iyon sayo. Sa totoo lang? Pinagtiisan ko siya para sa iyong kapakanan mula nang dumating ako, pero sa palagay niya ay magagawa niya ang anumang gusto niya dahil mahal na mahal siya ni Mr. Tremont, hindi ba? Kailangan na itong matapos! Tuturu
Hindi man lang nagalit si Arianne. Ito ay isang hindi pagkakaunawaan, at nangangailangan ito ng mahabang paliwanag.Siya ay parang nanghihina nang kinaladkad niya ang isang upuan at umupo. "Sa buong paggalang, Tita Shelly, sa palagay ko ay nagkakamali ka," sabi niya. "Tama ka. Ang tatay ko ay isang inosenteng biktima na hindi dapat namatay sa nangyaring trahedya. Pero ang sakit na dulot ng pangyayaring iyon ay mas mabigat para sa damdamin ni Mark kaysa sa akin, at mali para sa akin na akusahan siya bilang isang kriminal at maghiganti sa kanya. At saka, tinatawag ko siyang 'Mark' dahil ito ang kinasanayan ko! Hindi ibig sabihin nito na hindi ko siya mahal."Sa totoo lang, hindi mo dapat ginagawa ito ng walang basehan at paranoid na mga akusasyon. Ilang taon ko na siyang kasama, Tita Shelly. Nalampasan na ni Smore ang kanyang second birthday. Kung ang intensyon ko noon ay patayin siya, marami na akong pagkakataon para gawin ‘yon. Jusko, magkasama kami kada gabi. Anong pumipigil sa akin
Nanginginig sa galit si Shelly. Padabog siyang lumabas ng kwarto at sinara ang pinto habang papalabas.Humiga si Arianne sa kanyang kama at nagpakawala ng mahabang hininga na kanina pa niya pinipigilan. Kung magiging totoo siya sa kanyang sarili, natakot siya nang subukan siyang sampalin ni Shelly. Kung sinampal talaga siya ng babaeng iyon, ang kanilang away ay magiging malala nang higit pa sa isang simpleng pagtatalo. Bilang middleman, haharapin ni Mark ang isa sa mga pinakamagulong suliranin sa kanyang buhay.Lumalabas na ang tanging dahilan kung bakit pinigilan ni Shelly ang kanyang sarili ay para iligtas si Mark sa gulo na maidudulot ng kanyang aksyon. Sa isang paraan, napatunayan nito kung gaano kahalaga si Mark kay Shelly.Kapansin-pansin na wala si Tita Shelly habang nag-aalmusal sila.Inutusan ni Arianne ang kanilang yaya na tingnan siya sa itaas, ngunit ilang sandali lang ay bumaba na ang dalaga. "Sinabi ni Mrs. Leigh na hindi siya kakain ng almusal at hindi siya magta-tra
“Wala akong naramdamang kalungkutan noong mamatay ang asawa ko. Natuwa pa nga ako sa totoo lang; Malaya na ako sa wakas. Wala na akong ibang gusto kundi ang tumakas doon, at hindi ako huminto hanggang sa tuluyang nakauwi ako. Pero pagkatapos kong makauwi ay may na-realize ako na isang dahilan kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit sa kanya. Patay na siya pero hindi mo mapigilang magalit. Iniisip ko na sana sinira ko ang kanyang mukha at dinurog ang mga buto niya. Doon ko natutunan, hindi mo kayang bitawan ang tunay na galit nang ganoon kadali; halos imposible ito. Kaya ang pinagtatako ko ay kung paano titigil si Arianne na hindi magalit sayo? Paano naging posible para sa kanya na hindi magalit sayo at sa halip ay pinalitan niya ito ng pagmamahal sayo? Hindi ko maintindihan. Hindi ako naniniwala…”Sa puntong ito, nawalan na ng kontrol si Shelly sa kanyang mga emosyon hanggang sa tuluyan na siyang umiyak.Kumuha si Mark ng tissue para sa kanya. “Naiintindihan ko ang nar
Nakahinga ng maluwag si Mark. "Oh, kaya pala! Naiintindihan ko. Sige na magpahinga ka na. Papasok na ako sa trabaho."Makabuluhan na ngayon ang lahat—masama ang loob ni Shelly sa pagkamatay ng kanyang kapatid lalo na’t meron silang buddy-buddy relationship sa kanyang ina. Ang lahat ng ito ay makabuluhan, at kung magiging totoo si Mark, wala siyang pakialam na alamin ang malalim na drama sa pagitan ng kanyang ina at ng kanyang tiyahin. Ito ay isang away ng nakaraan henerasyon at nabubukod na siya dito. Hindi na kailangang dalhin ito sa labas mula sa ilalim ng alikabok.Bukod pa rito, anong klase ng sakuna ang posibleng mamuo sa pagitan ng isang ordinaryong magkapatid na katulad nila?Habang papunta sila sa Tremont Tower, nagtanong si Arianne habang nasa loob sila ng sasakyan, “So, anong sinabi sayo ng tita mo? Kung may kinalaman ito sa anumang bagay na hindi ko dapat marinig, laktawan mo na lang ang bahaging iyon."Humarap si Mark sa kanya saka sinabi. "Bakit mo naisip na may sasabi