Share

Kabanata 5 Hintayin mo ako

Binalot si Arianne ng dalawang malakas braso at bigla siyang hinugot nito.

Halos maramdaman ni Arianne ang tubig na nasa katawan na katatapos lang maligo, naamoy rin niya ang mabangong body wash na gamit ni Mark.

Nakasuporta ang katawan ni Arianne sa kamay niyang nakahawak sa dibdib ni Mark, hindi niya napansin na nanginginig na pala ang mga kamay niya.

Agad na tinanggal ni Mark ang mga kamay niyang nakabalot kanina kay Arianne. "Umalis ka dito."

May pagka-paos ang boses ni Mark. Walang ideya si Arianne kung bakit galit na naman ang lalaking ito sa kanya, kaya agad siyang umalis mula sa kwarto na 'yon.

Sobra siyang nagsisi pagkarating niya sa storeroom. Nakalimutan niyang tanungin si Mark tungkol kay Will Sivan.

Habang iniisip niya ang nangyari kanina, tila nawala na ang lakas ng loob para kausapin niya ulit si Mark.

Pagsapit ng umaga, pumasok si Mary sa storeroom na dala ang isang baso ng tubig.

"Ari, inumin mo ang cold medicine na ito." Nagtaka si Arianne Wynn. Hindi naman alam ni Mary na may sakit siya.

At saka, bakit tatangkain ni Mary na bigyan si Arianne ng medisina na walang permiso ni Mark Tremont?

Nakangiting umupo sa dulo ng higaan si Mary na parang pinapakalma niya ang agam-agam ni Arianne.

"Nasa business trip si sir at isang buwan siyang mawawala. Inutos niya ito sa akin bago siya umalis. Inumin mo na ito."

Hindi maintindihan ni Arianne ang nararamdaman niya, pero naramdaman niyang gumaan ang kanyang puso nang marinig niya na pansamantalang mawawala si Mark Tremont.

Agad na inayos ni Arianne ang kanyang higaan at pumunta siya ng eskwelahan pagkatapos niyang inumin ang kanyang gamot.

Pagpasok niya sa studio, personal niyang nilapitan ng dean at inabot sa kanya ang mga kulang na materyales na kailangan niya.

"Miss Wynn, paki-check na lang kung may kulang pa." Nasurpresa si Arianne. "Wa… walang kulang. Kanino…?"

Hindi na nagpaliwanag pa ang dean at sumagot na lamang ito, "Okay, good."

Pagkaalis ng dean, malalim napaisip si Arianne habang nakatitig siya sa mga materyales na natanggap niya.

Malamang hindi si Mark Tremont ang nagbigay nito sa kanya dahil wala siyang oras at wala siyang pakialam sa kalagayan ni Arianne sa eskwelahan.

"Ari, balita ko may anonymous na nag-sponsor sayo. Akala ko hindi agad aasikasuhin ng admin ang mga sponsorships. Mas maganda pa sa akin ang mga paint mo!"

Kinalkal ni Tiffany ang mga materyales na binigay ng dean kay Arianne.

Nanatiling tahimik si Arianne habang inaayos niya ang kanyang mga gamit.

"Uy, sino nga pala yung sumundo sayo kahapon? Kaskasero yung driver! Muntikan ka nang patayin."

Madaldal si Tiffany, iba't iba ang topics na dinadaldal niya kay Arianne, kahit na sumagot man o hindi ito sa kanya.

"Kuya ko siya," sagot ni Arianne. Biglang napatigil ng saglit si Tiffany. "Anong klaseng kuya siya? Ang yaman niya tapos ikaw parang taong kalye ang itsura? Gusto ko siyang makilala sa susunod."

Ngumiti si Arianne. "Huwag mo siyang husgahan. Mabait naman siya. Hindi ko siya biological brother, kaya hindi niya ako obligasyon. Sobra-sobra na ang ginawa niya para sa akin."

Ayan din ang sinasabi niya sa kanyanh sarili. Si Arianne ay isang makasalanan at si Mark Tremont ang nagbigay sa kanya ng bubong sa kanyang ulo, siya ang nag-alaga kay Arianne ng sampung taon.

Sumimangot si Tiffany, pero bigla siyang nasabik habang hinuhulaan niya kung sino ang misteryosong sponsor ni Arianne.

"Sino sa tingin mo ang nagbibigay ng suporta sayo? Alam mo ba, pinaalis ng bansa si Will Sivan ng tatay niya at hindi siya babalik ng ilang taon.

Sa tingin mo siya ang nag su-suporta sa'yo? Isipin mo, bigla kang nagkaroon ng sponsor pagkaalis niya. Parang walang sense kung hindi siya ang mystery sponsor mo."

Nagulat si Arianne, lalo siyang nakumbinse na si Will ang kanyang sponsor at hindi si Mark.

Kumirot ang kanyang puso habang iniisip niya ang lalaki na parang mainit na sikat ng araw dahil sa taglay niyang kabutihan na pinaparamdam. Naisip ni Arianne na kasalanan niya ang pag-alis ni Will Sivan…

Mas relaxed si Arianne noong wala si Mark Tremont. Niyaya ni Tiffany si Arianne na gumala sa birthday niya upang mabigyan naman siya ng masayang weekend birthday.

Alam ni Tiffany na ayaw ni Arianne ng maraming tao kaya wala na siyang ibang inimbita.

Bago sila umuwi, tila parang magic na nagkaroon ng dalawang maliliit na regalo sa mga kamay ni Tiffany. "Regalo namin ito ni Will sa'yo."

Hindi ito tinanggap ni Arianne dahil hindi niya kayang ibalik ang mga regalo na ito na mataas ang halaga. Isang tingin pa lang sa gift boxes ay masasabi mo nang mamahalin ito.

Mahirap lamang si Arianne, ten years na siyang naninirahan sa Tremont Estate kaya marami na siyang nakita para malaman ang mga bagay na ito

"Salamat at sinamahan mo ako buong araw. Hindi mo na kailangang magbigay ng regalo sa akin." Huminga ng malalim si Arianne dahil sa malamig na hangin at sa buhos ng snow.

Pilit na nilagay ni Tiffany ang mga regalo sa kanyang kamay. "Hindi ako nanghihingi ng kapalit kapag mabait ako sa'yo, kaso kabaligtaran ko si Will… Tumayo ka ng maayos, kailangan 'kong tapusin ang pinapagawa niya sa akin."

Kahit na hindi alam ni Arianne ang gagawin ni Tiffany, sumunod siya sa kanyang kaibigan at tumayo siya ng matuwid.

Seryosong tumitig si Tiffany sa mga mata ni Arianne. "Ari, ako si Will Sivan. Gusto kita. Hintayin mo akong makabalik. Kailangan mo akong hintayin."
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wilma Tumbaga Fajardo
Magandang ang kwentong ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status