Share

Kabanata 13 Ang Pagtatagpo

Nanatiling tahimik si Arianne. Pumatong siya sa pader dahil nahihirapan siya sa masakit niyang tiyan.

Masama ang loob ni Tiffany Lane, pero hindi siya pwedeng mag rason dahil kasalanan niya din naman kung bakit sila pinarusahan.

Tumayo siya sa tabi ni Arianne at tiningnan niya ang dorm building na under construction pa. "Alam mo ba na pinagawa ni Mark Tremont ang dorm na 'yon? Ang garbo kamo. Sobrang yaman niya. Wala ang pamilya namin kumpara sa kanya. Ari, nabalitaan ko na bibisita siya ngayong araw sa campus…"

Wala siyang nakuhang sagot kay Arianne. Parang impyerno ang sakit na nararamdaman ni Arianne sa kanyang tiyan.

Sa isang saglit, lumabas ang instructor nila.

"Ang kapal talaga ng mukha niyong dalawa! Pinarusahan ko na kayo pero nagdadaldalan pa kayo? Ilabas niyo ang drawing board niyo at sa corridor kayo mag-drawing! Tingnan niyo kung kaya niyong ipasa ang pinapagawa ko pagkatapos ng klase!"

Nakaangat ang baba ni Tiffany Lane nang magmartsa siya papunta sa classroom para kunin ang kanyang drawing board, habang si Arianne Wynn ay paralisadong nakatayo, lalong lumalabo ang kanyang paningin.

Lalong nagalit ang instructor nang makita niya ang lampang itsura ni Arianne. Bigla niyang tinulak ang dalawa. "Bingi ka ba?! Sinabi ko na kunin mo ang drawing board mo."

Nahulog si Arianne dahil sa pagkakatulak sa kanya ng kanyang instructor.

Pagkalabas ni Tiffany, nakita niya ang nangyari kaya napasigaw siya. "Bakit mo siya tinulak?!"

Nagsisi ang instructor kaya mahinahon siyang sumagot. "Hindi ko siya masyadong tinulak. Hindi ko naman alam na…"

Lumuhod si Tiffany para tulungang tumayo si Arianne, patuloy niyang sinigawan ang instructor. "Yari ka, sinasabi ko sayo! Corporal punishment ang ginawa mo. Hindi ka karapat-dapat maging teacher!"

Nagalit ang instructor. "Gawa ba siya sa Papel? May tao ba na mahuhulog na lang bigla dahil tinulak lang ng konti? Tiffany Lane, huwag kang mag-aakusa kung wala kang magawang mabuti sa buhay mo! Tigilan mo na rin ang pag-iinarte mo, Arianne Wynn! Para kanino ang pag-iinarte mong yan?"

Maririnig sa buong corridor ang mainit nilang sagutan.

May grupo ng tao na naglalakad sa corridor na nakakita sa mainit sa sagutan ng instructor at ni Tiffany Lane.

Nangunguna sa grupo na iyon ay ang dean ng campus, nagalit siya nang makita niya ang sagutan. Matagal na noong pinadala niya ang memo na darating si Mark Tremont, kaya hindi dapat sila magkamali...

Walang emosyon sa mukha ni Mark Tremont habang nakatingin siya kay Arianne Wynn, pero nandilim ang paningin niya nang makita niya ang instructor.

"Wag na kayong mag-away… okay lang ako. Tiff, tulungan mo akong kunin yung drawing board," nanghihinang sinabi ni Arianne Wynn.

Pinigilan ni Tiffany Lane ang kanyang sarili at pumasok ulit siya sa classroom. Tinulak ulit ng instructor si Arianne dahil galit pa rin siya sa dalaga. "Sobrang hina mo. Ipakita mo nga sa akin kung paano ka nahulog!"

Mas malakas ang pagkakatulak niya ngayon kay Arianne.

Hindi makapagsalita si Arianne dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Dumidilim ang kanyang paningin habang hirap siyang buhatin ang sarili niya.

Sa isang saglit, mga malakas na braso ang yumakap sa kanya. Nabuhayan siya nang maamoy niya ang pamilyar na amoy ng taong ito.

"Mark Tremont…" bulong niya. Malabo man pero nakita niya ang galit na mukha ng lalaking ito.

Nagdilim ang paningin ni Arianne at hinimatay siya, bago niya pa tanungin ang lalaki kung bakit siya nandoon.

Namutla ang instructor nang makita niya ang nakakatakot na aura ng lalaki na biglang dumating.

Walang sinabi ang lalaki at umalis ito habang buhat niya ang babae mula sa lapag.

Galit na galit ang itsura ni Mark Tremont, makikita na malapit nang sumabog ang galit na nakaipon sa kanyang mga mata.

Namutla rin ang dean na lumapit kay Mark Tremont at galit niyang tinitigan ang instructor. "Wala kang ginawa kundi manggulo!"

Ang naabutan na lamang ni Tiffany ay isang lalaki na buhat si Arianne Wynn na nawala kaagad sa kanyang pananaw at ang dean na nagmamadaling pumunta sa lalaking iyon habang pinapagalitan nito ang instructor.

Dahil dito, tinulak rin ni Tiffany ang instructor."Hintayin mo lang talaga!"

Pagkatapos nito, mabilis na tumakbo si Tiffany para habulin sila.

Nakayuko habang nakaupo si Mark Tremont sa bench na nasa labas ng emergency ward ng ospital.

Ang aura niya ay lamig at nakakatakot, nakakakilabot sa sobrang lamig.

Nasa tabi niya ang dean at si Tiffany Lane, hindi mapakali ang dalawang ito.

Biglang nagsalita si Mark Tremont. "Kakaiba pala ang mga instructor sa Southline University."
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Luzviminda Secretaria Umpad
maganda ang story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status