Nang makitang ganito ang pag-iisip ni Nell, wala nang masabi si Gideon sa puntong iyon.Napatanong na lamang siya sa pag-aalala, “Nagugutom ka ba? Magpapakuha ako ng pagkain.”Tumango si Nell. “Sige, magpakuha ka na.”Nang lumabas si Gideon, marahang tumayo si Nell para silipin ang dalawang batang nasa kuna.Nakatikom nang mahigpit ang mga palad ng dalawang bata na para bang mga maliliit na dumpling sila.Natunaw ulit ang puso ni Nell. Tila ba nawala ang lahat ng mga negatibong emosyon at sakit sa kanyang puso.Sampung minuto ang makalipas, hindi lamang pagkain ang dala ni Gideon kundi isa ring doktor.Nang malaman nilang gising na si Nell, agad na tumungo ang doktor para suriin ang sugat ng babae at ang kalagayan ng katawan nito.Gustong siguruhin ni Gideon na walang problema sa kanyang asawa saka siya tatawag ng lactation consultant para tulungan si Nell na magpiga ng gatas sa kanyang dibdib.Sa pagkakataong iyon, sinabihan ng doktor si Nell kung ano ang mga bagay na dapat n
Napailing si Lizzy.“Ganito kaliit ang mga sanggol. Ganyan ka rin noong bata pa.”Gulat na gulat si Viemond nanag marinig ito.Kahit mataas ang kanyang IQ, isa pa rin siyang bata at wala siyang masyadong alam sa kanyang paligid.Matapos ang lahat, kulang na kulang pa siya sa karanasan sa buhay.Sa kanyang opinyon, nakakamangha na may maliliit na mga bata sa mundo.Subalit, dahil nasaksihan ni Lizzy ang pagpapanganak kay Viemond, madali niyang natanggap ang ganitong katotohanan.Nakadikit lamang ang dalawang bata sa kuna, kaliwa’t kanan silang sumisilip sa mga sanggol.Sinubukang sundutin ni Viemond ang pisngi ng kanyang ina, pero agad siyang napaatras nang maramdaman niya ang malambot nitong balat.Mukhang iiyak na sana ito, pero dahil masyado itong inaantok, agad itong pumikit ulit.Pinanood nilang dalawa ang mga sanggol hanggang sa tawagin sila ni Nell.“Kayong dalawa, tama na iyan. Huwag niyo nang istorbohin ang mga kapatid niyo. Dito kayo maglaro!”Agad na sumunod ang m
Pagkaupo ni Cathy, agad na naghawak kamay ang dalawang babae at masaya silang nagkuwentuhan.Wala ng iba kundi pamilya at mga bata ang kanilang pinag-uusapan.Subalit, magkaiba si Cathy at Nell ng pagkatao, nasa bahay lamang si Cathy madalas at wala siyang mga opinyon.Banayad ang kanyang karakter, tradisyunal ang kanyang pag-iisip, at nakaayon ang kanyang prinsipyo sa pagsunod sa kanyang asawa.Kung hindi siya ganito, imposible sanang masaktan siya nila Shaun Jennings at Sylvia Walker.Dati, hindi talaga maunawaan ni Nell kung bakit ganito ang kanyang ina.Hindi niya maintindihan kung bakit hindi lumalaban si Cathy kahit alam niyang tarantado at g*go si Shaun.Kinalaunan, nang magkaroon siya ng anak, tila ba dahan-dahan niya nang naiintindihan ang puso ng kanyang ina.Dagdag pa roon, maswerte lang talaga si Nell na nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki na gaya ni Gideon Leith.Natural lang talaga na hindi siya magdusa pagkatapos niyang ikasal.Subalit, hindi ganito ang tad
Inulit ni Nell ang kanyang mga salita, “Lumabas ka na. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako.”Hindi mapigilang mapangiti ni Gideon sa itsura ng babae.“Sige, mag-ingat ka. Tawagin mo na lang ako.”“Mmhm.”Binuksan ni Gideon ang pinto saka siya lumabas.Pagkatapos ng tatlong minuto, maririnig ang nahihiyang boses ni Nell mula sa loob.“Tapos na ako.”Nang magbukas ang pinto, pumasok ang lalaki, inayos niya ang damit ni Nell, saka niya ito binuhat papunta sa labas.Nakahiga na si Nell sa kama nang biglang nagising ang mga bata sa kuna.Kinuha ni Gideon ang mga bata at sinunod niya ang direksyon ni Nell sa pagpapalit ng diapers at pagpapakain sa kanila.Masyado pang maliliit ang mga sanggol, at dahil kambal sila, hindi pwedeng si Nell lamang ang pinanggagalingan ng kanilang nutrisyon.Kaya, pareho silang sumususo sa ina at umiinom ng powdered milk.Mabuti na lang, malusog ang dalawang bata. Mahigpit ang kanilang hawak sa bote at halos hindi ito mahila ni Nell palayo minsa
“Hoy, anong pag-uusapan nila?”Napatitig si Jante kay Nell at sa pinto.Pagkatapos, bumulong siya, “Gustong ilipat ni Liam ang headquarters niya pabalik ng China. Nag-aaway sila ng mga elders ng Griffins dahil dito, kaya gusto niyang makausap si Gideon para humingi ng payo.”Alam ng lahat na hindi seryosong napalago ng Old Master ang Leith Corporation sa kanyang mga kamay.Matapos ang lahat, nanggaling siya sa military. Kaya niyang pamunuana ang isang hukbo sa digmaan, pero wala siyang talento sa pagnenegosyo.Prangka siyang magsalita at hindi siya marunong magkalkula ng tao. Habang siya ang namamahala sa kumpanya, mas binibigyan niya ng pansin ang mga koneksyon kaysa kumita ng pera.Dahil lamang sa yaman ng pamilya Leith kaya nagawa niyang ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kumpanya.Subalit, iba si Gideon.Isa talaga siyang negosyante at mahigpit ang kanyang estilo pati mga pamamararaan. Dahil dito, nagagawa niyang baliktarin ang isang sitwasyong hindi naaayon sa kanya.Kung gu