Inulit ni Nell ang kanyang mga salita, “Lumabas ka na. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako.”Hindi mapigilang mapangiti ni Gideon sa itsura ng babae.“Sige, mag-ingat ka. Tawagin mo na lang ako.”“Mmhm.”Binuksan ni Gideon ang pinto saka siya lumabas.Pagkatapos ng tatlong minuto, maririnig ang nahihiyang boses ni Nell mula sa loob.“Tapos na ako.”Nang magbukas ang pinto, pumasok ang lalaki, inayos niya ang damit ni Nell, saka niya ito binuhat papunta sa labas.Nakahiga na si Nell sa kama nang biglang nagising ang mga bata sa kuna.Kinuha ni Gideon ang mga bata at sinunod niya ang direksyon ni Nell sa pagpapalit ng diapers at pagpapakain sa kanila.Masyado pang maliliit ang mga sanggol, at dahil kambal sila, hindi pwedeng si Nell lamang ang pinanggagalingan ng kanilang nutrisyon.Kaya, pareho silang sumususo sa ina at umiinom ng powdered milk.Mabuti na lang, malusog ang dalawang bata. Mahigpit ang kanilang hawak sa bote at halos hindi ito mahila ni Nell palayo minsa
“Hoy, anong pag-uusapan nila?”Napatitig si Jante kay Nell at sa pinto.Pagkatapos, bumulong siya, “Gustong ilipat ni Liam ang headquarters niya pabalik ng China. Nag-aaway sila ng mga elders ng Griffins dahil dito, kaya gusto niyang makausap si Gideon para humingi ng payo.”Alam ng lahat na hindi seryosong napalago ng Old Master ang Leith Corporation sa kanyang mga kamay.Matapos ang lahat, nanggaling siya sa military. Kaya niyang pamunuana ang isang hukbo sa digmaan, pero wala siyang talento sa pagnenegosyo.Prangka siyang magsalita at hindi siya marunong magkalkula ng tao. Habang siya ang namamahala sa kumpanya, mas binibigyan niya ng pansin ang mga koneksyon kaysa kumita ng pera.Dahil lamang sa yaman ng pamilya Leith kaya nagawa niyang ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kumpanya.Subalit, iba si Gideon.Isa talaga siyang negosyante at mahigpit ang kanyang estilo pati mga pamamararaan. Dahil dito, nagagawa niyang baliktarin ang isang sitwasyong hindi naaayon sa kanya.Kung gu