Kabanata 4 Muling Pagkikita

Mula noong bata pa si Nell, gustung-gusto siyang kalabanin ni Hayley Morton. Hindi siya nabigo na makipag-away kay Nell.

Wala sa mood si Nell na harapin siya, kaya't naglabas siya ng ilang perang papel mula sa kanyang bag at naghanda nang magbayad.

Gayunpaman, pinuntahan siya ni Hayley at hinarangan ang kanyang daanan.

"Bakit ka aalis? C'mon, ipakita mo sa akin. Condom ba o pampadulas ngayon? "

Inabot niya ang kamay upang kunin ang bag ni Nell.

Umatras si Nell, nanlilisik ang mata sa kanya.

"Hayley Morton, sumosobra ka na!!"

"Sumosobra? Haha… ” kumilos si Hayley na para bang may naririnig siyang mahusay na biro. “Nell Jennings! Sa tingin mo boyfriend mo pa rin ang kapatid ko? Wala kang kwenta ngayon! Bakit ka ba nagmamataas? "

Humigpit ang panga ni Nell habang wala siyang ekspresyon.

Kumaway si Hayley. "Ikaw! Hawakan mo ang bag niya! "

"Ano ang point ng pagtingin lang sa bag niya? Hindi ba siya nagbebenta ng ilang mga erotikong produkto? Gabi na kaya, subalit nandito pa siya para magdeliver. Nagtataka ako kung item ba ito o kaya naman tao.”

"Totoo iyan, pero tignan mo naman siya, mukha na siyang patay na isda. Wala namang magkakagusto sa kanya. Bakit hindi nalang natin siya hubaran at suriin kung makakakita tayo ng anumang ebidensya? Hindi ba makakatulong itong linisin ang pangalan ng kapatid mo? ”

Nagningning ang mga mata ni Hayley. "Oh! Gawin natin yan!"

Pinahid ng mga dalaga ang kanilang mga kamay bago sumulong, namumutla si Nell.

Tumalikod siya at agad na tumakbo habang hindi pa sila handa.

Subalit, nakainom siya nang marami, kaya nadapa siya habang tumatakbo nang hindi alam ang direksyong pinupuntahan. Matapos na malabong makita ang mga titik na 'WC' sa pintuan, mabilis siyang sumugod sa loob.

Isang malakas na boses ang agad na sumigaw, "What the f * ck!"

Mayroong dalawang tao sa loob. Ang isa ay naninigarilyo, at ang isa ay gumagamit ng banyo. Halos maihi ang isa sa pantalon nang makitang pumasok siya.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon ni Nell na makakita ng ganoon, kaya't natigilan siya ng ilang segundo. Pagkatapos, napagtanto niya na pumasok siya sa maling pinto at agad na namula.

“P-Pasensya ka na! Maling daan ang napuntahan ko! ”

Nadapa siya at lalabas na sana, ngunit narinig niya ang boses ni Hayley sa labas.

“Saan siya tumakbo? Nasaan siya?"

“Kitang-kita kong tumakbo siya dito kanina. Saan siya nawala? "

“Dapat nasa banyo siya! Punta ka na! Hanapin mo siya! "

Bahagyang namutla si Nell at tiningnan ang dalawang lalaking nasa tapat niya. May pakiramdam siyang pamilyar ang lalaking naninigarilyo.

"Mga ginoo, m-maaari ba akong magtago dito saglit?"

Bagaman ito ay isang mahirap na kahilingan, wala siyang ibang pagpipilian. Ayaw niyang mahuli ni Hayley.

Walang ekspresyon ang mukha ni Gideon Leith. Ang kanyang malamig na mga mata ay sumulyap kay Matthew Starks, na nagmamadaling isinuot ang kanyang pantalon. "Labas!"

Takot na takot si Matthew na nanginginig ang kanyang puso. Lumabas siya na para bang nabigyan siya ng amnestiya.

Nakaramdam ng pagkahilo si Nell at walang malay na sinubukang umabot ng pwedeng hawakan, ngunit biglang bumigay ang kanyang mga binti at nahulog siya paharap.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata bilang paghahanda.

Subalit, ang sakit na inaasahan niya ay hindi kailanman dumating, at isang balingkinitan at makapangyarihang braso ang umunat at sumalo sa kanya.

Bumagsak siya sa mga braso ng lalaki at lalo pa siyang nahilo. Kusang dumulas ang kanyang katawan pabagsak.

Itinapon na lamang ni Gideon ang sigarilyo at hinawakan siya gamit ang dalawang kamay. Tiningnan niya ang lasing na ito at kumunot ang noo niya.

"Nell Jennings, gaano ba karami ang nainom mo?"

Naguluhan si Nell matapos mapansin na alam niya ang pangalan nito.

"Kilala mo ba ako?"

Kalmado ang mga mata ni Gideon. Halos hindi makita ang kanyang emosyon sa kanyang mukha.

Pagkatapos, napaangat ang manipis niyang labi.

"Hindi, hindi kita kilala."

Buhat ni Gideon si Nell palabas ng bar.

Niyakap niya ang leeg ng lalaki sa kalasingan habang pulang-pula ang mukha. Kalahating nakapikit din ang kanyang mga mata. Lasing na lasing na talaga siya.

Inilagay siya ni Gideon sa back seat at saka pumasok rin.

Sinimulang paandarin ni Matthew ang sasakyan at magalang na nagtanong, "Saan po tayo pupunta, Mr. President?"

"Leith Gardens."

"Okay po!"

Habang minamaneho ni Matthew ang sasakyan sa tahimik na kalye, lasing na lasing si Nell kaya nahilig ang kanyang ulo sa bintana. Wala na rin siyang lakas para mag-isip.

Isang katangian na mayroon siya tuwing lasing ay ang pagiging tahimik. Natutulog lang siya.

Ito ang dahilan para hindi niya mapansin ang kanyang sitwasyon, lalo naman ang mapagtanto na may lalaki sa tabi niya.

Malabo ang kanyang pag-iisip at hindi niya mawari ang lahat. Mayroon din siyang naramdaman na bakas ng sakit na madalas na naiiwan matapos uminom.

Sa sandaling iyon, tumunog ang cellphone sa kanyang bag.

Kumunot ang noo niya at hinalungkat ito bago niya nasagot ang tawag.

"Hello?"

"Nell Jennings, nabalitaan ko kay Hayley na iniwan mo ang Lihua Bar kasama ang isang lalaki?"

Si Jason Morton iyon.

Napadilat ang kanyang mga mata. Tila ba naiiyak siya.. "Ano naman? Talagang sinabi niya pa sa’yo? "

Malamig at mabigat ang tono ni Jason. "Alam kong nadismaya kita ngayon, ngunit hindi mo dapat dungisan ang sarili mo dahil dito. Anong uri ng lugar sa palagay mo ang isang bar? Paano mo nagawang… ”

Wala sa mood si Nell na makinig sa kanya at agad itong pinutol. "Ano ang punto mo?"

"Nasaan ka na ngayon? Magpadala ako ng susundo sa iyo. ”

"Pinayagan ka ba ni Celine na gawin iyon?"

"Si Celine ay hindi kasing sama ng akala mo. Palagi ka niyang tinuturing na tunay na kapatid.. Kung may nangyari man sa iyo, siya ang pinakamasasaktan. "

Napasinghot ng tawa si Nell..

Ito ang unang pagkakataon na napagtanto niya na mayroong mga walang hiyang tao sa mundo.

Patuloy na binababa ni Celine ang pamantayan sa kakapalan ng mukha.

“Kung ganoon, sigurado akong hindi niya sinabi sa iyo na tinawagan niya ako kanina. Nagyabang siya na ninakaw niya ang boyfriend ko at ginamit niya pa ang bata sa kanyang tiyan para patunayan iyon!”

Nang hindi man lang nag-iisip, tumugon ni Jason, "Imposible iyan!"

Natawa na lamang si Nell.

Huminga nang malalim si Jason. Unti-unting naiinip ang kanyang tono.

“Nell, ano nga ba ang gusto mo? Hindi pa nagsasabi ng masamang salita si Celine tungkol sa iyo. Matapos niyang malaman na nasa bar ka, pinakiusapan niya ako na tawagan ka kaagad. Nag-aalala siya para sa iyo, pero ikaw ano bang ginagawa mo?

“Paulit-ulit mong inaakusahan siya nang masama. Inaamin kong maraming mga bagay ang mali sa amin, ngunit ikaw ba ay nasa tama?

"Lagi mo siyang binubully sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mas maganda mong family background. Sa tuwing hinihiling ko sa iyo na samahan mo ako sa mga party, nagdadahilan ka. Sinabihan kita na tumigil na sa trabaho mo, pero binigyan mo ako ng walang kwentang dahilan at sinabing lahat ng trabaho ay pantay?”

“Nell, may status ako at may pakialam ako sa aking reputasyon. Hindi ko maipapaalam sa mga tao na ang aking kasintahan ay nagbebenta ng mga erotikong produkto, ‘di ba?”!

"Naiisip mo lang ang tungkol sa iyong sarili at hindi mo binigyan ng pansin ang nararamdaman ko, at sinisisi mo pa rin ang iba kahit sa pagkakataong ito?"

Nanginginig si Nell sa galit.

Hindi niya akalain na mag-iisip ng ganito si Jason.

Binully niya si Celine?

Hindi niya gustong kasama si Nell sa mga parties?

Pinahiya niya siya sa pagbebenta ng mga erotikong produkto?

Saglit na namula ang mga mata niya. Sunod, bigla siyang tumawa sa mahinang boses. Natawa siya sa kabalintunaan ng lahat.

“Iyan pala ang iniisip mo! Maganda iyan! Tandaan mo ang sinabi mo ngayon! Hindi kita kailanman patatawarin. Sa nalalapit man na panahon o sa malayong kinabukasan, magsisisi ka!”

Pagkatapos, binaba niya ang kanyang cellphone.

Tahimik lamang sa loob ng kotse.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status