Kabanata 6 Sertipikasyon

Hinimas ni Gideon ang kanyang kilay habang nagsisimulang kumirot ang ulo niya.

Matapos ang mahabang sandali, tuluyan na siyang bumuntong hininga at pinalambot ang kanyang tono. "Bitawan mo ko, dadalhin kita sa loob para makapagpahinga ka na."

"Ayoko."

Pinulupot ni Nell ang kanyang mga braso sa leeg ni Gideon at inilibing ang mukha nito sa kanyang dibdib na parang bang nalulunod at nakahawak na lamang siya sa huling piraso ng lumulutang na kahoy.

Sa loob ng anim na taon, tumanggi si Jason na hawakan siya.Iniisip niya lang na dahil sa respeto at pag-aalaga niya ito.

Pero nalaman na niya ngayon na dahil sa wala siyang appeal at hindi siya nakakaakit. Sa kanyang mga mata, sa ilalim ng kanyang balat, hindi siya naiiba sa isang lalaki.

Lalong nasisira lamang ang pride niya habang iniisip ito..

Upang may mapatunayan, niyakap niya ang lalaki at hinalikan muli ang labi.

Sa pagkakataong ito, hindi malambing ang halik na ibinigay ni Nell. Talagang diniin niya ang kanyang labi sa lalaki, dahan-dahan niyang pinapahid at dinidilaan ang loob ng bibig nito. Pumahid pa ang makapal na pilikmata ng babae sa mukha ni Gideon na siyang dahilan para makaramdam siya nang kaunting kiliti.

Nanigas ang buong katawan ni Gideon.

Isa-isang pumutok ang mga tali sa kanyang isipan.

Matapos labanan ang tukso, natalo na siya at inabot na niya ang kamay niya upang hawakan ang baba ng bibig ni Nell. Huminga siya nang malalim. “Nell Jennings! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? ”

Inalis ni Nell ang kanyang labi kay Gideon at napaungol sa paghawak nito sa kanyang bibig. Tumingin siya sa lalaki ng may pag-aakusa na para bang isang nasugatang tuta..

Kampante niyang sinabi, “Alam ko! Gusto kong ikama mo ako! ”

Ngumisi si Gideon sa galit at tawa.

Madilim ang kanyang mga mata at ang kanyang boses ay nakakasindak.

"Sigurado ka ba?"

Napatulala saglit si Nell bago tumango.

“Sige! Pagbibigyan kita. "

Sa 2nd floor ng Leith Gardens.

Malakas na bumukas ang pinto sa kwarto. Nilagay niya si Nell sa kama at pinuno ito ng halik. Nakakalat na ang kanilang mga damit sa sahig.

Mahinang bumuntong hininga si Nell. Nag-aalab ang kanyang katawan at nahihilo ang ulo. Hindi niya masabi kung nasa panaginip siya o sa realidad.

Narinig niya ang magandang boses ng lalaki sa kanyang tainga. “Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Sigurado ka bang gusto mo itong gawin? "

Tumango si Nell.

Hinugot ni Gideon ang drawer sa tabi ng kama at kumuha ng isang dokumento.

"Sige pero pirmahan mo muna ito. "

Tiningnan ito ni Nell ng may malabong  mga mata. "Ano ito?"

“Isa itong sertipikasyon, isang uri ng paggalang na ibinibigay ng isang lalaki para sa kanyang paboritong babae.”

Blangko siyang tumingin sa kanya at hindi niya masyadong naintindihan kung ano ang ibig sabihin nito, ngunit pinirmahan niya pa rin ang dokumento..

Habang nakatingin sa dalawang malinaw na salita sa papel, napangiti si Gideon at ibinalik ang dokumento sa drawer. Muli, hinalikan niya si Nell.

Napuno ang silid ng munting ligaya nila..

Kinabukasan, nagising si Nell sa sakit.

Napakasakit ng kanyang katawan, pakiramdam niya ay nasagasaan siya ng maraming mga trak. Masakit ang kahit anong bahagi niya..

Nahirapan siyang umupo sa kama at napansin na lang niya na tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan.

Nakita niya ang tasa ng tubig sa tabi ng kama, kinuha niya ito at ininom nang hindi iniisip.

Nang dumaloy na nag mainit na tubig sa kanyang tiyan, dahan-dahang bumabalik ang mga alaala niya kagabi.

Kinusot niya ang kanyang ulo, hindi niya maalala nang malinaw na sumakay siya sa isang kotse kasama ang isang lalaki. Tila may nagawa rin siyang kamangha-mangha matapos ng magkasunod na tawag mula kina Jason at Celine.

Napatalon si Nell at mariing itinaas ang kumot.

Bagaman handa siya para rito, hindi niya maiwasang matakot nang makita niya ang dami ng chikinini sa buong katawan niya.

'Ahhh—! Paano ito nangyari?'

Hinila niya ang buhok niya sa pagkadismaya. Doon lang, biglang tumunog ang isang 'click'.

Nagulat si Nell at dali-daling hinila ang kumot sa sarili.

"Sino iyan?"

Bumukas ang pinto ng kwarto at isang payat na tao ang lumakad nang may matatag na mga hakbang.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Nell.

Dahil malabo ang mga alaala niya kagabi, hindi niya maalala kung anong klase ng lalaki ang kasama niya kagabi..

Si Gideon Leith ay nakasuot ng isang itim na suit at puting t-shirt sa ilalim. Nakasara ang mga butones nito nang maayos, at talaga nga namang ang gwapo niya at marangal tignan. Ganoon pa man, malamig na ang dating ng kanyang pagkatao.

Hawak niya ang isang hanay ng mga damit na pambabae sa kanyang mga kamay. Kahit nakita niyang gising na si Nell, walang gaanong ekspresyon ang mukha niya.

Inilagay niya ang mga damit sa kama at marahang sinabi, "Magpalit ka at bumaba para kumain ng agahan."

Tinawag siya ni Nell.

"Tungkol sa ... Kagabi ..."

Tumalikod si Gideon sa kanya at ang mga labi nito ay napangiti nang hindi halata, subalit malamig ang siyang sinagot nito.

"Mag-usap tayo sa baba."

Tapos, lumabas na siya. Magalang rin niyang sinara ang pinto.

Saglit na natigilan si Nell bago siya biglang nahulog sa kama. Kinuha niya ang unan at idiniil sa mukha niya, at tahimik na tumili.

Kahit na malabo ang kanyang memorya, naalala niya pa rin ang mga pira-piraso nito. Hindi niya nga alam ang gagawin matapos niyang mapagtagpi ang mga ito.

'Ahhh! Nakakahiya!'

Gayunpaman, kahit ano pang pagsisisi, walang paraan upang ibalik ang oras. Kaya't, pagkatapos niyang mataranta ng ilang sandali, kalaunan ay bumangon siya mula sa kama at kinuha ang mga damit bago pumasok sa banyo.

Habang naliligo, nakita niya ang makapal na tuldok ng mga pasa sa buong katawan niya at namula muli.

Matapos maligo, nagbihis na siya at bumaba upang makita ang lalaking nakaupo sa sopa sa may sala.

Napakalaki ng silid, at tulad ng kwarto sa itaas, dinisenyo ito sa isang monochrome modern minimalist style. Marangya subalit may pagpipigil. Ang mga bintana rin nito ay French windows na siyang bukas na bukas. Sumimoy ang hangin mula rito at pinalamig nang bahagya ang silid.

Marahil dahil sa narinig niya ang mga yabag, lumingon si Gideon. Isang kislap ng pagkamangha ang sumilay sa kanyang mga mata nang makita ang babaeng nakatayo sa hagdan.

Suot ni Nell ang itim na knee-length dress na dinala niya para sa kanya. Bahagyang bukas ang kwelyuhan nito at may nakatali na itim na laso sa leeg niya. Dala ng kanyang matangkad at magandang katawan, mukha siyang simple ngunit kaakit-akit.

Nanlalim ang mga mata ni Gideon at bumangon siya upang naglakad papunta sa dining hall.

HInabol siya ni Nell. Sa wakas ay naabutan rin niya ang lalaki bago sila makapasok sa dining hall.

"Sir, tungkol sa nangyari kagabi... Humihingi ako ng paumanhin. Nalasing ako."

Hinila ni Gideon ang upuan upang makaupo si Nell sa kabilang dulo. Marahan siyang sumagot, "Ayos lang."

Pagkatapos ng isang sandali, idinagdag niya, "Ginawa ko rin ang bahagi ko."

"Ha?"

Naguluhan si Nell, ngunit may isang lalaki na lumakad mula sa labas bago niya maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

Lumakad siya kay Gideon at magalang na iniabot ang dalawang pulang notebook. "Mr. President, tapos na. ”

Inilipat lamang ni Gideon ang isang pahina saka inabot ito kay Nell.

"Tignan mo."

Natigilan si Nell, mukhang pamilyar sa kanya ang pulang notebook na ito. 'Bakit kamukha nito ang…'

Napatalon ang kanyang puso, dinukot niya ito at hindi mapigilang mapanganga nang makita ng kanyang mata ang dalawang malinaw at nakakagulat na mga pangalan sa tuktok ng notebook kasama ang isang larawan na may pulang background.

"A-Ano'ng nangyayari dito?"

Sumulyap sa kanya si Gideon.

Kung ikukumpara sa pagkabigla niya, parang mas kalmado siya. Inilagay niya ang sertipiko ng kasal sa kanyang mga kamay at sinabi sa malalim na tinig, "Nakalimutan mo ba kung ano ang pinirmahan mo?"

Bumilog ang mga mata ni Nell. "Ano ang pinirmahan ko?"

"Heh!" Tila ba alam na niya ang reaksyon ni Nell, tinapik ni Gideon ang mesa. Kaagad na nagbigay ng isang dokumento si Matthew Starks.

Tiningnan ito ni Nell. Nasa dokumento ang dalawang malalaking salita na malinaw na nakasulat dito: Marriage Application.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Earlny G. Dorenn
awiiiiiiitttt grabe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status