Nag-aalala na tinignan ni Xynthia ang kanyang paligid, medypo maputla ang kanyang ngiti. Ang direktor, na si Fred Miller, at nakatayo sa tabi ni Stacy ng dumating ang medical team para gamutin ito. Nawalan ng malay si Stacy pagkatapos matamaan ng bumagsak na kurtina ang kanyang ulo. Kahit na nilapatan na ng pangunahing lunas ng mga medics, kailangan pa din dalhin si Stacy sa ospital. Natakot si Xynthia sa nangyari. Hindi naman siya sikat, at malamang ay hindi siya aasikasuhin kaagad ng mga tao tulad ni Stacy kapag nangyari sa kanya ang ganitong bagay. Baka hindi pa nga siya umabot sa ospital bago pa siya maubusan ng dugo. “Stacy, anong problema?1 Anong nangyari sayo?” Isang lalakeng may malaking tiyan na naka-kurbata, na may kasamang ilang mga babae, ang mabilis na pumasok sa loob. Bakas sa mukha ang taranta nang makita niya ang kondisyon ni Stacy. Ang kanyang mukha ay talagang nakakatakot. Kaagad na lumapit si Director Miller upang salubungin ang lalake, habang ang lahat
Nanigas si Xynthia. Sa sumunod na segundo, galit niyang sinabi, “Mr. Keaton, hindi ko ginawa yun!” “Hindi nga ako makakilos nang malaglag ang kurtina! Takot na takot nga ako!” “Biktima din ako dito! Hindi ko din ginamit si Stacy na pananggalang!” “Hindi mo ko pwedeng akusahan ng ganito!” Malamig na tugon si Seth, “Inakusahan kita? Sa pagitan mo na isang walang pangalan at ni Director Miller, sinto sa tingin mo ang mas kapanipaniwala?” “Kahit na hindi mo tinulak si Stacy, bakit hindi mo siya tinulungan at sinalag ang kurtina para sa kanya?” “Dahil sa siya ang pangunahing bida ng pelikula! Bilang isang supporting character, hindi dapat ay protektahan mo siya?”“Kahit na hindi ikaw ang salarin, tumayo ka lang habang nanganganib si Stacy.” “Ipaliwanag mo ngayon ito sa akin!”Sa kanyang galit, natawa si Xynthia. “Mr. Keaton! Dahil sa sinabi mo na rin lang yan, dapat ay nauunawaan mo na hindi ko tinulak si Stacy.”“Protektahan siya? Hindi naman niya ako bodyguard! Isa lan
Naintindihan na rin ni Xynthia kung bakit siya pinapahirapan ni Seth. Nagngitngit ang ngipin niya at sumagot, "Hindi ko gagawin ang kahit ano sa mga bagay na iyon! At saka wala namang kinalaman sa'kin ang aksidenteng ito sa simula pa lang!" Pak! Sinampal ulit ni Seth ang mukha ni Xynthia. "Meron kang kinalaman kapag sinabi kong meron!" "Isa ka lang hindi sikat na aktres! Paano ka nakakapagsalita sa'kin tungkol sa lohika?!" Malamig na tumawa si Seth. Isa siya sa pinakamalaking real estate tycoons sa Mordu na may daan-daang milyong dolyar na halaga ng assets. Maganda rin ang relasyon niya sa Holt family. Kung gugustuhin niya, pwede niyang ikama ang kahit na sinong aktres sa entertainment industry. Ngunit isang supporting character ang nagtangkang labanan siya. "Sige! Dahil ayaw mong pumili, ako ang pipili para sa'yo!" Hinablot ni Seth ang buhok ni Xynthia at kinaladkad siya papunta sa isang kwarto sa tabi. "Pagsisilbihan mo ko nang maayos. Pagkatapos, luluhod ka sa h
"Hindi ganun ang nangyari!""Malas lang talaga si Stacy!" "Gustong ipasa ni Director Miller ang sisi, at napakawala sa katwiran ni CEO Keaton! Kaya binuhos nila ang lahat ng galit nila kay Xynthia!" "Hindi talaga tao si CEO Keaton! Sa umpisa pa lang ay may binabalak siya kay Xynthia!" Hindi nakapagtimpi ang mga babae at mabilis na ipinaliwanag ang lahat kay Harvey. Sinabi rin nila kay Harvey na muntik nang pagsamantalahan ni Seth si Xynthia. Kung hindi lang sa matibay na karakter ni Xynthia, mas malala pa ang kauuwian niya. Noong una ay galit na galit si Harvey, pero pagkatapos ng ilang sandali ay napakalma niya ang sarili niya. Mabilis niyang naintindihan na ang buong insidente ay nangyari laban kay Xynthia. Parte siguro ng plano ang masaktan si Stacy at ang pagkabayolente ni Seth. Kahit na sino pa ang nagplano nitong lahat, kailangan pa ring maparusahan nina Seth at lahat ng mga taong kaugnay dito sa mga nagawa nila. Bago makapagsalita si Harvey, tinitigan nang m
Bumukas ang mga pinto ng kotse at lumabas ang ilang dosenang inspector na nakauniporme. Sinubukan silang pigilan ng ilang mga security guard na nasa paligid, pero sinipa sila ng inspector na namumuno sa grupo. Pagkatapos ay nagmartsa sila papunta sa infirmary sa isang diretsong pila. Sumaludo sa harapan mismo ni Harvey ang inspector na namumuno sa grupo. "Sir York! Ako si Jay Bourne, kapitan ng Mordu Police Station mula sa Hengdian district. Tinawagan na ako na Ms. Lynch noon." "Ibigay niyo sa'min ang mga utos niyo!" "Sisiguraduhin namin na gagawin namin ang lahat ayon sa utos mo!" Bahagyang nanginig ang staff pagkatapos makitang lumitaw ang mga armadong inspector. Wala na roon ang kayabangan niya. Hindi niya inasahan na talagang lilitaw ang mga pulis mula sa Hengdian district nang dahil lang sa tawag ni Harvey. "Nawawala ang Apple phone ni Xynthia, Hermes bag, Cartier na relo, mga singsing, pera… at marami pang iba." Kanina, tinanong na ni Harvey ang mga babae tungko
Napakamapagmataas ni Fred. Hindi lang siya isang director, nagmula rin siya sa Hong Kong. Madalas, may hawak siyang awtoridad sa Country H. Kahit ang mga pulis ay hindi magtatangkang hawakan siya. Dahil dito, kampante siya na kaya niyang tapakan ang mga taong nakatayo sa harapan niya. "Ikaw ang director?" Kalmadong tanong ni Harvey. "Tama, ako nga! Sino ka…" Pak! Bago pa matapos magsalita si Fred, lumapit na si Harvey at sinampal siya nang malakas. Sa isang simpleng sampal, namaga na kaagad ang mukha ni Fred. Napahinto si Fred, pagkatapos ay sumigaw sa sakit. Tinakpan niya ang mukha niya at sumigaw, "G*go ka! Ang lakas ng loob mong saktan ako!" "Hindi mo ba alam kung ano ang kamatayan?!" Nanggagalaiti ang mga tao sa likuran niya. "Alam mo ba kung anong lugar to, bata?! Ang lakas ng loob mong manakit ng iba rito!" "Sa tingin mo hindi ka namin kayang tapusin?!" "Maharlika si Director Miller, pero nagtangka lang saktan siya? Tapos ka na!" Tumalon sa galit ang m
Napahinto si Fred. Nagngitngit ang ngipin niya at mabilis na tumawag. Pagkatapos ng sampung minuto, narinig ang tunog ng mga takong mula sa pintuan. Isang magandang babaeng may nakakahalinang katawan at magandang makeup ang pumasok, kasama niya ang mga bodyguards niya. Pumasok ang babae suot ang kanyang mga takong, malamig at kampante. "Fred, narinig ko na mayroong mangmang na lalaking nagdala ng problema sa Hengdian World Studios." "Wag kang mag-alala, makukuha mo ang hustisya. Sinabihan ako ni Young Master Flynn na mamagitan sa bagay na ito." "Gusto kong makita kung sino sa Mordu ang may tapang na banggain si Young Master Flynn!" Ang nakakahalinang babae ay walang iba kundi ang Black Widow, si Faye Goddard mismo. Hindi inasahan ng lahat na lilitaw siya sa Mordu pagkatapos niyang mapalayas mula sa Buckwood, at nagtatrabaho pa rin pala para kay Matthew, ang lalaking namumuno sa Four Masters ng Mordu. Naghalukipkip siya at naglakad papunta sa gitna ng kwarto. Lumapag ang t
Walang-bahalang lumapit si Harvey at tinapik nang mahina si Faye sa mukha. Kalmado siyang nagtanong, “Ikaw pala ang tumutulong kay Fred?” “O-Oo… Hindi…”Pak! Hinampas nang malakas ni Harvey ang kanyang kamay sa mukha ni Faye at sumigaw, “Lakasan mo! Hindi ka ba kumain?”“Hindi!”Nanginig si Faye nang mahimasmasan siya. Lumuhod siya sa sahig, takot na takot.“Sir York, wala akong kaugnayan sa lalaking ito!”‘Sir York?!’Nagulantang ang madla nang marinig nila kung paano niya tinawag si Harvey.Walang nag-akalang ang isang matapang at mapagmataas na babaeng tulad ni Faye ay talagang luluhod sa harapan ni Harvey, at tatawagin pa itong Prince York!Anong nangyayari dito?!“Talaga?” “Ano palang ginagawa mo dito?” nagtanong ulit si Harvey. “Nandito ako upang batiin ka mismo, Sir York. Kung wala ka nang tanong, aalis na ako… aalis na ako…!”Hiniling ni Faye na sana hindi na lang siya nagpunta dito. Pinalipad ng lalaking ito si Matthew sa isang sipa lang. Syempre wala lang