Bumukas ang mga pinto ng kotse at lumabas ang ilang dosenang inspector na nakauniporme. Sinubukan silang pigilan ng ilang mga security guard na nasa paligid, pero sinipa sila ng inspector na namumuno sa grupo. Pagkatapos ay nagmartsa sila papunta sa infirmary sa isang diretsong pila. Sumaludo sa harapan mismo ni Harvey ang inspector na namumuno sa grupo. "Sir York! Ako si Jay Bourne, kapitan ng Mordu Police Station mula sa Hengdian district. Tinawagan na ako na Ms. Lynch noon." "Ibigay niyo sa'min ang mga utos niyo!" "Sisiguraduhin namin na gagawin namin ang lahat ayon sa utos mo!" Bahagyang nanginig ang staff pagkatapos makitang lumitaw ang mga armadong inspector. Wala na roon ang kayabangan niya. Hindi niya inasahan na talagang lilitaw ang mga pulis mula sa Hengdian district nang dahil lang sa tawag ni Harvey. "Nawawala ang Apple phone ni Xynthia, Hermes bag, Cartier na relo, mga singsing, pera… at marami pang iba." Kanina, tinanong na ni Harvey ang mga babae tungko
Napakamapagmataas ni Fred. Hindi lang siya isang director, nagmula rin siya sa Hong Kong. Madalas, may hawak siyang awtoridad sa Country H. Kahit ang mga pulis ay hindi magtatangkang hawakan siya. Dahil dito, kampante siya na kaya niyang tapakan ang mga taong nakatayo sa harapan niya. "Ikaw ang director?" Kalmadong tanong ni Harvey. "Tama, ako nga! Sino ka…" Pak! Bago pa matapos magsalita si Fred, lumapit na si Harvey at sinampal siya nang malakas. Sa isang simpleng sampal, namaga na kaagad ang mukha ni Fred. Napahinto si Fred, pagkatapos ay sumigaw sa sakit. Tinakpan niya ang mukha niya at sumigaw, "G*go ka! Ang lakas ng loob mong saktan ako!" "Hindi mo ba alam kung ano ang kamatayan?!" Nanggagalaiti ang mga tao sa likuran niya. "Alam mo ba kung anong lugar to, bata?! Ang lakas ng loob mong manakit ng iba rito!" "Sa tingin mo hindi ka namin kayang tapusin?!" "Maharlika si Director Miller, pero nagtangka lang saktan siya? Tapos ka na!" Tumalon sa galit ang m
Napahinto si Fred. Nagngitngit ang ngipin niya at mabilis na tumawag. Pagkatapos ng sampung minuto, narinig ang tunog ng mga takong mula sa pintuan. Isang magandang babaeng may nakakahalinang katawan at magandang makeup ang pumasok, kasama niya ang mga bodyguards niya. Pumasok ang babae suot ang kanyang mga takong, malamig at kampante. "Fred, narinig ko na mayroong mangmang na lalaking nagdala ng problema sa Hengdian World Studios." "Wag kang mag-alala, makukuha mo ang hustisya. Sinabihan ako ni Young Master Flynn na mamagitan sa bagay na ito." "Gusto kong makita kung sino sa Mordu ang may tapang na banggain si Young Master Flynn!" Ang nakakahalinang babae ay walang iba kundi ang Black Widow, si Faye Goddard mismo. Hindi inasahan ng lahat na lilitaw siya sa Mordu pagkatapos niyang mapalayas mula sa Buckwood, at nagtatrabaho pa rin pala para kay Matthew, ang lalaking namumuno sa Four Masters ng Mordu. Naghalukipkip siya at naglakad papunta sa gitna ng kwarto. Lumapag ang t
Walang-bahalang lumapit si Harvey at tinapik nang mahina si Faye sa mukha. Kalmado siyang nagtanong, “Ikaw pala ang tumutulong kay Fred?” “O-Oo… Hindi…”Pak! Hinampas nang malakas ni Harvey ang kanyang kamay sa mukha ni Faye at sumigaw, “Lakasan mo! Hindi ka ba kumain?”“Hindi!”Nanginig si Faye nang mahimasmasan siya. Lumuhod siya sa sahig, takot na takot.“Sir York, wala akong kaugnayan sa lalaking ito!”‘Sir York?!’Nagulantang ang madla nang marinig nila kung paano niya tinawag si Harvey.Walang nag-akalang ang isang matapang at mapagmataas na babaeng tulad ni Faye ay talagang luluhod sa harapan ni Harvey, at tatawagin pa itong Prince York!Anong nangyayari dito?!“Talaga?” “Ano palang ginagawa mo dito?” nagtanong ulit si Harvey. “Nandito ako upang batiin ka mismo, Sir York. Kung wala ka nang tanong, aalis na ako… aalis na ako…!”Hiniling ni Faye na sana hindi na lang siya nagpunta dito. Pinalipad ng lalaking ito si Matthew sa isang sipa lang. Syempre wala lang
Pak, pak, pak! Walang awa si Larry. Hinampas niya nang malakas ang mukha ni Fred, sinampal ito nang mahigit isang dosenang beses. Ang bawat sampal niya ay punong-puno ng lakas. Tuwing tinatamaan si Fred, napapasigaw siya sa sakit.Pinanood ni Harvey ang lahat nang naniningkit, hindi nagsasalita. Nagtaka siya.Patuloy na sinampal ni Larry si Fred habang nagsasalita. “Hindi naman malaking bagay na may mga taong nagpupunta dito para gumawa ng gulo.” “Ang problema ay masyado kang walang kwenta! Hindi mo lang hinayaang magwala ang mga tao, pinapasok mo pa dito ang mga walang kwentang tao! Tingin mo ba hindi ako mahihiya?!”Natural, may ibang iniinsulto si Larry. Hindi mapigilan ni Jay na magsalita, “Ikaw…” Kinumpas ni Harvey ang kanyang kamay, sinenyasan si Jay na manahimik. Gusto niyang makita ang gagawin ni Larry. “At ilang beses ko na bang sinabi sa’yo?! Hangga’t maaari layuan mo ang babaeng ‘yan!” “Isa lang siyang babaeng sumsama sa maraming tao! Pwede siyang magyabang ka
“Tama, tinamaan si Xynthia. Pero hindi man lang siya napuruhan nang sobra. Mababaw na sugat lang ‘yun, hindi man lang niya kailangang magpunta ng ospital.”“Medyo marahas si Seth, pero makatwiran naman ang damdamin niya. Sinusubukan lang niyang kumuha ng hustisya para sa asawa niya.”“Atsaka, wala pang malay si Stacy ngayon. Hindi tama para sa’yo na gumamit ng karahasan para lutasin ang problema mo!” “At para naman sa katotohanan, naunawaan ko na ang buong sitwasyon. Isa lang itong aksidente na wala sa ating gustong makakita.” “Kaya bata, bibigyan kita ng respeto ngayon.” “Kailangan mong palagpasin na lang ito para magkasundo pa tayo sa hinaharap, ano?” “Nauunawaan mo ba ang sinasabi ko?”Hindi pa rin matukoy ni Larry ang tunay na pagkatao ni Harvey, kaya nagpapakita siya ng paggalang imbes na dayhas.Ayos lang sa kanyang magbayad kahit paano upang maayos ang gusto na ito kung papayag si Harvey na hayaan na lang ito.Higit sa lahat, nadamay na ang mga pulis. Kapag lumala a
Kinatok ni Harvey ang lamesa gamit ng kanyang kanang kamay. Lumingon siya nang bahagya at sinabi, “Kung ganoon…” “Sinasabi mong hindi sang-ayon sa mga kondisyon ko?”“At sinasabi mong hindi mo ako bibigyan ng hustisya?”Ngumiti si Larry.“Bata. Sa panahong ito, nabibili ng pera ang kapayapaan…” “Kaya hindi ako makakapayag sa tinatawag mong hustisya.” “Syempre pwede kang kumilos nang mag-isa at pagsisihin ako sa desisyon ko kung galit ka pa rin.”“Kapag ginawa mo ‘yan, baka ako pa ang humanap ng hustisya para sa’yo. Malay mo.”Punong-puno ng inis ang mukha ni Larry. Para sa kanya, medyo kahanga-hanga ang pagkakaroon ni Harvey ng koneksyon sa mga pulis.Sa kabila ng kakayahang ito, pakiramdam ni Larry na masyado pang bata si Harvey para takutin siya.“Ang lakas!”“Magaling!” Tumango nang bahagya si Harvey.“Ito ang unang pagkakataong may bumastos sa akin nang ganito mula noong magpunta ako ng Mordu.” “Sana hindi ka lumuhod sa harapan ko at magmakaawa bukas.”“Nakakaba
Walang pakialam si Larry sa mga pagbabanta ni Faye. Kahit na medyo mayaman si Faye, para kay Larry, isa lang siyang linta sa entertainment industry ng Hong Kong.Bakit siya matatakot sa isang taong kinatatakutan ng isang hamak na linta?At para naman sa sagot ng mga pulis, natanong na niya ang dahilan kung bakit nangyari ito. Si Benjamin Lynch, na ilang araw na lang ang natitira para mabuhay, ay naalis ang kanyang lungkot at karamdaman at lumakas na ulit sa Mordu. Bilang isang miyembro ng Lynch family, muling umangat ang katayuan ni Jay. Natural, walang magtatapang na galawin siya. Sa madaling salita, hindi malaki ang suporta ni Harvey, at hindi rin siya malakas. Sadyang maswerte lang siya. Sa pag-angat ni Benjamin, wala nang makakakontra kay Jay sa mga pulis.Pagkatapos matukoy ang sitwasyon, muling naging kalmado ang mukha ni Larry.Sinindihan niya ang isa pang sigarilyo at humipak, at pagkatapos ay inutusan niya ang kanyabng mga tauhan.“Una, hanapin niyo ang address