Kinuha ni Harvey ang selyo at tinignan ito bago kalmadong nagsabi, "Dahil pakay ako ng mga Islander, syempre ililigpit ko sila." "Sapat na siguro to para ipaghiganti ka." "Isa pa. Manatili ka muna kasama ni Aiden sa ngayon kung wala kang ibang mapuntahan." Walang ekspresyon si Harvey. Totoo na kalaban si Macy, pero talentado siya at maparaan. Ngayon na mag-isa na lang siya, walang kukupkop sa kanya maliban kay Harvey. Kung magawa ni Harvey na panatilihin sa panig niya si Macy, tiyak siya na magagamit niya siya sa mga importanteng sitwasyon. Syempre, hindi ito kasama sa plano. Nagsisimula pa lang ang lahat kaya walang nakaaalam kung magagamit niya ito o hindi. … Hindi nagtagal ay malapit nang maghapunan. Lumabas si Yvonne mula sa kwarto. Ang isang magandang babaeng kagaya niya na nakasuot ng nightgown ay napakagandang tignan at hindi maikukumpara kahit na gaano pa kaganda ang itsura at katawan ng iba. Sa ngayon, tuluyan nang gumaling si Yvonne. Namumula ang mukha n
Tinignan ni Harvey ang matangkad at gwapong lalaki sa harapan niya at napansin niya ang magandang nameplate na nasa dibdib niya na may nakasulat na "Robin Baker". Kumunot ang noo ni Yvonne. "Muka sa Baker family ng San Francisco, ang First Squad Captain ng Dragon Cell." Nang nabanggit ang Baker family, kaagad itong naintindihan ni Harvey. Ang kalaban naman nila ngayon ay si Sam Baker, ang pinsan ni Hugh. Gustong-gusto siguro ng Baker family ang ulo ni Harvey. Hindi naisip ni Harvey ang isang mukhang pangkaraniwang top rated family ay magiging ganito kalakas. Lumabas na kahit ang mas nakababatang henerasyon ng pamilya nila ay nagawang makapasok sa Dragon Cell. Nang hindi nagdadalawang-isip, tahimik na nagpadala ng text si Harvey. “Harvey! Yvonne!”Kumumpas si Robin para senyasan ang mga tao niya na palibutan sina Harvey at ang iba pa sa villa. Pinagpatong niya ang mga braso niya sa dibdib niya at nagsabing, "Nakatanggap kami ng report!" "Binali mo ang braso't binti ng i
Bang!Hindi na nagsayang pa ng oras si Harvey at sumipa siya paharap. “Harvey!”Kaagad na pinigilan ni Yvonne si Harvey at nagmamadaling sinabi, “‘Wag kang magpadalos-dalos!”Hindi kilala ni Harvey kung sino si Robin, pero alam ni Yvonne ang reputasyon ni Robin. Ito ang First Squad Captain ng Dragon Cell na may lisensyang pumatay, isang malupit na pinuno. Sinadya nitong sampalin si Yvonne dahil gusto nitong makita ang magiging reaksyon ni Harvey.Kapag talagang pumalag si Harvey, siguradong ‘magkakamali ng putok’ ang mga baril ng Dragon Cell. Kahit ang isang makapangyarihang taong tulad ni Harvey ay hindi mabubuhay dito. Walang magawa si Harvey kundi tumigil dahil sa babala ni Yvonne. Naningkit ang mga mata niya at tinitigan nang masama si Robin habang sinasabi, “Tatandaan ko ang pagsampal mo sa kanya.” “Maniwala ka, pagsisisihan mo ‘yan.” “Ano? Sasampalin mo ba ako pabalik?” Tiningnan siya ni Robin nang mapagmataas. Simple lamang ang plano niya: gusto niyang pilitin
Kahit na natatakot si Robin sa katayuan ni Kait, kumunot pa rin ang noo nito at nangatwiran, “CEO Walker… o hindi kaya, Chairman Walker, trabaho ito ng Dragon Cell. Isa ka lang negosyante, hindi isang tauhan ng gobyerno. Hindi naangkop para sa’yong makisali sa ganito, tama?” “Alam ba ni Senior Anton Walker na pinagtatanggol mo ang isang tagalabas?” Kalmadong sumagot si Kait, “Hindi ko kailangang ibalita ang lahat ng ginagawa ko sa aking lolo. Atsaka, boyfriend ko si Harvey. Kasama ako lagi sa mga ginagawa niya!” “Madadamay ang Walker family sa sitwasyong ito, kahit anong mangyari!” Palihim na kinurot ni Yvonne si Harvey sa sinabi ni Kait.Umirap si Harvey at tahimik na tumitig sa kisame.‘Di naman ikaw ang asawa ko, kaya bakit mo ako kinukurot nang ganyan?’ Kumirot nang husto ang mga mata ni Robin sa tapang ni Kait. Natural mararamdaman niya ang matinding galit sa tono ni Kait.Kahit anong mangyari, hindi madaling kalabanin ang Walker family.Ngunit ganito rin kalakas ang
Habang tulala ang lahat sa biglaang pagdating ni Yona, walang-bahala itong lumapit kay Robin. Minata niya si Robin at seryosong sinabi, “Hindi ko alam kung sapat na ba ako para respetuhin mo.” “May karapatan ba akong sampalin ka!” Pak! Hinampas ni Yona ang kanyang palad sa mukha ni Robin.Kaagad na sumigaw ang mga tao niya, “Captain!” “Captain?” kalmadong sinabi ni Yona. “Noon, pero hindi na ngayon.” “Tinawag na mismo ni Sir Lynch ang master ng Dragon Cell. Mula ngayon, wala nang kinalaman si Robin Walker sa Dragon Cell!” Ang isang simpleng pangungusap ay sapat na upang patunayan ang matinding impluwensya ni Yona. Lumalabas na pakana ni Benjamin Lynch ang pagpunta niya! Sa madaling salita, sinusuportahan ni Benjamin Lynch si Harvey! Si Robin na nagpapakahirap bumangon, ay namutla nang husto nang mapagtanto niya ito. Alam na alam niyang lagot na siya. Hindi lamang nasira ang maganda niyang kinabukasan, baka mahila niya pa pababa ang buong pamilya niya!Ngunit wala
Sa harap ng panlalait ni Yona, napuno ng takot at galit ang mukha ni Robin. Pagkatapos ng ilang sandali, tinikom niya ang kanyang bibig at sumigaw, “Tara na!” Natural, alam na alam niyang panalo si Harvey sa lakas at rason. Kapg nagpatuloy pa siya, maaari siyang mamatay. Sa sandaling aalis na si Robin kasama ang mga tauhan niya… Lumapit si Harvey nang nakahalukipkip. “Young Master Baker, kailan ko sinabing makakaalis ka na?” Nanginig nang husto ang katawan ni Robin. Lumingon siya para titigan nang masama si Harvey habang nagkakaskasan nang husto ang mga ngipin niya.“Huwag kang sosobra, Harvey York!” “Hindi mo ba alam ang hangganan mo?!” “Kung hindi dahil sa Lynch family, wala ka lang!” Pak! Lumapit si Harvey at hinampas ang kanyang kamay sa mukha ni Robin.Isang pulang bakat ng palad ang kaagad na lumitaw sa mukha ni Robin, na ngayon ay namamaga na na parang isang baboy. “Kailangan ko bang ibalita sa’yo kung anong kaya ko?” Pak! “May kinalaman ba sa’yo ang pa
Kaagad na sumuko si Robin at sinimulang ihampas ang kanyang ulo sa sahig.Ang Longmen at Dragon Cell ang mga pundasyon ng Country H. Kahit na pareho silang nasa magkaibang sistema at magkaiba ang nakaatas sa kanila, ang kanilang katayuan ay magkatumbas.Si Robin ay isa lamang kapitan ng first squad ng Dragon Cell. Kahit na masasabing mataas pa rin ang kanyang katayuan, talagang mababa siya kumpara kay Harvey, ang bagong branch leader ng Longmen sa Mordu.Sa madaling salita, kung gustong tapusin ni Harvey ang buhay ni Robin, hindi lamang mabibigo ang Dragon Cell sa pagpigil sa kanya. Baka tulungan pa siya ng mga ito.“Kunin niyo silang lahat at baliin niyo ang isa sa mga kamay nila.” “Para naman sa taong ito, lumpuhin niyo siya.” Walang emosyon si Harvey. Sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay sapat na upang malagot si Robin at ang mga tao nito. Maraming mga disipulo ng Longmen ang pumasok at pinosasan sila Robin at ang mga tao nito. Walang naglakas-loob na magpumiglas d
Dumating si Yona at umalis sa isang iglap. Kinuha niya pa ang bangkay ng ninja na mukhang palaka bago siya umalis upang mapagtakpan si Harvey. Pagkatapos magbigayan ng numero, magkapatid na kaagad ang turingan ni Kait at Yvonne sa isa’t isa.Kumirot ang mga mata ni Harvey nang makita niyang masyadong malapit ang dalawa. Sa isip niya, nagtataka siya kung hindi lang ba karaniwan ang relasyon ng dalawa.Mabuti at hindi na nagtagal pa si Kait dahil sa posisyon nito bilang CEO at chairman ng Walker Corporation. Dahil sa dami ng kanyang trabaho, kaagad siyang nagpaalam at umalis.Sa sandaling iyon, si Harvey at Yvonne na lamang ang natira sa villa.Nang magsasalita na si Yvonne, tumunog ang kanyang phone. Tumatawag si Hazel.Hindi man lang binigyan ni Hazel ng pagkakataong magsalita si Yvonne, at nagsimulang magsalita ng walang-tigil.Isa lamang ang punto ng pagtawag nito: bilang utang na loob kay Garry, nagsagawa ng pagsasalo si Hazel noong araw na iyon.Isa si Yvonne sa mahahalaga