Kahit na natatakot si Robin sa katayuan ni Kait, kumunot pa rin ang noo nito at nangatwiran, “CEO Walker… o hindi kaya, Chairman Walker, trabaho ito ng Dragon Cell. Isa ka lang negosyante, hindi isang tauhan ng gobyerno. Hindi naangkop para sa’yong makisali sa ganito, tama?” “Alam ba ni Senior Anton Walker na pinagtatanggol mo ang isang tagalabas?” Kalmadong sumagot si Kait, “Hindi ko kailangang ibalita ang lahat ng ginagawa ko sa aking lolo. Atsaka, boyfriend ko si Harvey. Kasama ako lagi sa mga ginagawa niya!” “Madadamay ang Walker family sa sitwasyong ito, kahit anong mangyari!” Palihim na kinurot ni Yvonne si Harvey sa sinabi ni Kait.Umirap si Harvey at tahimik na tumitig sa kisame.‘Di naman ikaw ang asawa ko, kaya bakit mo ako kinukurot nang ganyan?’ Kumirot nang husto ang mga mata ni Robin sa tapang ni Kait. Natural mararamdaman niya ang matinding galit sa tono ni Kait.Kahit anong mangyari, hindi madaling kalabanin ang Walker family.Ngunit ganito rin kalakas ang
Habang tulala ang lahat sa biglaang pagdating ni Yona, walang-bahala itong lumapit kay Robin. Minata niya si Robin at seryosong sinabi, “Hindi ko alam kung sapat na ba ako para respetuhin mo.” “May karapatan ba akong sampalin ka!” Pak! Hinampas ni Yona ang kanyang palad sa mukha ni Robin.Kaagad na sumigaw ang mga tao niya, “Captain!” “Captain?” kalmadong sinabi ni Yona. “Noon, pero hindi na ngayon.” “Tinawag na mismo ni Sir Lynch ang master ng Dragon Cell. Mula ngayon, wala nang kinalaman si Robin Walker sa Dragon Cell!” Ang isang simpleng pangungusap ay sapat na upang patunayan ang matinding impluwensya ni Yona. Lumalabas na pakana ni Benjamin Lynch ang pagpunta niya! Sa madaling salita, sinusuportahan ni Benjamin Lynch si Harvey! Si Robin na nagpapakahirap bumangon, ay namutla nang husto nang mapagtanto niya ito. Alam na alam niyang lagot na siya. Hindi lamang nasira ang maganda niyang kinabukasan, baka mahila niya pa pababa ang buong pamilya niya!Ngunit wala
Sa harap ng panlalait ni Yona, napuno ng takot at galit ang mukha ni Robin. Pagkatapos ng ilang sandali, tinikom niya ang kanyang bibig at sumigaw, “Tara na!” Natural, alam na alam niyang panalo si Harvey sa lakas at rason. Kapg nagpatuloy pa siya, maaari siyang mamatay. Sa sandaling aalis na si Robin kasama ang mga tauhan niya… Lumapit si Harvey nang nakahalukipkip. “Young Master Baker, kailan ko sinabing makakaalis ka na?” Nanginig nang husto ang katawan ni Robin. Lumingon siya para titigan nang masama si Harvey habang nagkakaskasan nang husto ang mga ngipin niya.“Huwag kang sosobra, Harvey York!” “Hindi mo ba alam ang hangganan mo?!” “Kung hindi dahil sa Lynch family, wala ka lang!” Pak! Lumapit si Harvey at hinampas ang kanyang kamay sa mukha ni Robin.Isang pulang bakat ng palad ang kaagad na lumitaw sa mukha ni Robin, na ngayon ay namamaga na na parang isang baboy. “Kailangan ko bang ibalita sa’yo kung anong kaya ko?” Pak! “May kinalaman ba sa’yo ang pa
Kaagad na sumuko si Robin at sinimulang ihampas ang kanyang ulo sa sahig.Ang Longmen at Dragon Cell ang mga pundasyon ng Country H. Kahit na pareho silang nasa magkaibang sistema at magkaiba ang nakaatas sa kanila, ang kanilang katayuan ay magkatumbas.Si Robin ay isa lamang kapitan ng first squad ng Dragon Cell. Kahit na masasabing mataas pa rin ang kanyang katayuan, talagang mababa siya kumpara kay Harvey, ang bagong branch leader ng Longmen sa Mordu.Sa madaling salita, kung gustong tapusin ni Harvey ang buhay ni Robin, hindi lamang mabibigo ang Dragon Cell sa pagpigil sa kanya. Baka tulungan pa siya ng mga ito.“Kunin niyo silang lahat at baliin niyo ang isa sa mga kamay nila.” “Para naman sa taong ito, lumpuhin niyo siya.” Walang emosyon si Harvey. Sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay sapat na upang malagot si Robin at ang mga tao nito. Maraming mga disipulo ng Longmen ang pumasok at pinosasan sila Robin at ang mga tao nito. Walang naglakas-loob na magpumiglas d
Dumating si Yona at umalis sa isang iglap. Kinuha niya pa ang bangkay ng ninja na mukhang palaka bago siya umalis upang mapagtakpan si Harvey. Pagkatapos magbigayan ng numero, magkapatid na kaagad ang turingan ni Kait at Yvonne sa isa’t isa.Kumirot ang mga mata ni Harvey nang makita niyang masyadong malapit ang dalawa. Sa isip niya, nagtataka siya kung hindi lang ba karaniwan ang relasyon ng dalawa.Mabuti at hindi na nagtagal pa si Kait dahil sa posisyon nito bilang CEO at chairman ng Walker Corporation. Dahil sa dami ng kanyang trabaho, kaagad siyang nagpaalam at umalis.Sa sandaling iyon, si Harvey at Yvonne na lamang ang natira sa villa.Nang magsasalita na si Yvonne, tumunog ang kanyang phone. Tumatawag si Hazel.Hindi man lang binigyan ni Hazel ng pagkakataong magsalita si Yvonne, at nagsimulang magsalita ng walang-tigil.Isa lamang ang punto ng pagtawag nito: bilang utang na loob kay Garry, nagsagawa ng pagsasalo si Hazel noong araw na iyon.Isa si Yvonne sa mahahalaga
Pagpasok ng bulwagan, sinuri ni Harvey ang paligid. Napagtanto niyang hindi ang buong bulwagan ang kinuha salungat sa sinabi ni Hazel. Mukhang ang sinasabing pagyayaya ni Hazel ay para lamang sa isang pwestong inupahan niya.Maganda ang mga negosyo dito, at napuno ng musika ang paligid. Kahit na hindi pa hatinggabi, hindi nito napigilan ang lahat na magsaya nang husto.Makapal ang amoy ng usok at pulbo sa ere. Napakabaho ng amoy nito kapag nagsama, ngunit nasanay na dito ang mga taong madalas magpunta rito.Huminto si Hazel at ang mga bantay niya sa isang pwesto kung saan maraming mga gwapong lalaki at magagandang babae ang nakaupo. Pagpasok nila Harvey sa loob, isang Islander na nakasuot ng damit na panligo ang gumulong at huminto sa harapan nila. Mukhang kakaiba ang tingin nito.Bago pa makakibo dito si Harvey, ilang mga binata ang lumabas ng pwesto at binugbog ang Islander.Ang taong nangunguna dito ay walang-iba kundi si Steven Walker mismo. Dala niya ang isang bote ng alak
Ng nakaupo na ang lahat, merong kakaibang nangyari.Ang mga upuan ay puno, pero si Harvey ay walang lugar para sa kanya.“Ah, hindi ba’t ito si Harvey York! Ang bayani na gumawa ng malaking bagay para sa kumpanya!”“Hindi kita makikilala kung hindi ka nakatayo doon!”Natawa si Steven, hindi man lang kumilos.“Ngunit dapat ba nandito ka, Harvey? Sa tingin ko hindi ka namin inimbita. Hindi ka din namin binigyan ng upuan.”“Bakit hindi ka umalis dito ngayon at tumigil na istorbohin ang lahat?”Ang kilala sa internet na mga babae ay nanlamig na ngumisi sa mga sinabi ni Steven.‘Hindi ba alam ng bodyguard kung ano ang kaya niya?’‘Hindi naman siya dapat nasa high class na lugar tulad ng Paramount.’‘Hindi niya alam kailan aalis kahit matapos malaman na walang upuan para sa kanya. Bakit siya nakatayo lang doon? Iniisip niya ba na siya ay isang modelo o kung ano pa man?’Sumimangot si Yvonne at tumugon, “Young Master Walker, tama? Si Harvey ay nandito para protektahan ako. Kung hin
Iniisip ang sitwasyon, sinabi ni Harvey, “Young Master Walker, ang Islander na iyon ay hindi ordinaryong tao.”“Sa tingin ko dapat tayong pumunta sa ibang lugar.”“Ang banquet ngayong gabi ay para kay Young Master Duncan. Huwag tayong gumawa ng gulo.”“Hindi ordinaryong tao? Ano mismo ang ibig mong sabihin niyan?”Si Steven ay medyo takot noong una, pero ang mga salita ni Harvey ay parang caffeine injection direkta sa kanyang dugo.“Isa lang siyang baboy na Islander! Ano ang magagawa niya?”“Ang uncle ko ay ang vice branch leader ng Longmen ng Mordu!”“Mga disipulo ng Longmen ay dadating para tulungan ako sa isang tawag lang, kaya huwag kang magalala tungkol dito!”“Kahit na kung wala ng iba pa, isa din akong disipulo ng Longmen mismo!”“Hindi na tayo nabubuhay sa sinaunang panahon, Harvey. Hindi ito panahon kung saan dati tayong lumuluhod sa mga mananakop!”“Kailangan mong tumayo para sa sarili mo!”“Isa ka lang probinsyano, kung sabagay. Naiintindihan ko na kung takot ka s