"Basura!" Malamig na suminghal si Yoana Mendoza bago binunot ang mamahaling baril na nasa long boots niya at naglakad papasok sa Kyoto Box. "Hangal! "Sino yan?! Ang lakas ng loob mong lumapit! "Hindi mo ba alam na pinaglalaruan ngayon ng master namin ang isang magandang dalaga?!""Pero maganda rin ang babaeng ito. Gusto mong makipaglaro sa'min?" Tumingala ang mga Islander swordsman para tignan si Yoana. Noong una ay puno sila ng galit pero napalitan ito kaagad ng tuwa na para bang nahalina sila sa magandang mukha ni Yoana. Bang bang bang!Hindi na nagsayang ng oras si Yoana na magsalita at kaagad niyang kinalabit ang gatilyo. Ang mga Islander swordsman na nakangisi kanina ay bumagsak sa lapag habang iniinda ang sugat sa binti nila. Mabilis na nanginig ang mga mata ng madla. Ang mga tao mula sa branch ng Dragon Palace, ang mga York mula Hong Kong, ang Briewood Gang, at pati ang Hong Kong and Las Vegas Police Station. Lumitaw silang lahat dito para makita kung paano h
Kahit na mga papuri ang lumabas sa bibig niya, ang mukha niya ay puno ng pagkamuhi at pandidiri habang binanggit niya ang pangalan ng helm. Lalo na't ang branch ng Dragon Palace na walang kahit na anong suporta ng Dragon Palace mismo ay para bang napakaimpraktikal at hindi makatotohanan sa mga mata ng maraming tao. Pakiramdam nila ay baka gumuho ang branch sa kahit na anong segundo. Wala ring masyadong awtoridad ang tinatawag na helm. Naningkit ang mga mata ni Harvey York sa Islander. Isang matandang lalaki ang nakatayo sa likod ng Islander. Ang matandang lalaki ay para bang napakasimple at mapayat na taong nakakalbo na...Pero nang nakita siya ni Harvey, hindi napigilan ng mga mata niya na maningkit. "Ikaw si Aki Kitagawa." Naningkit ang ng mata ni Yoana Mendoza pagkatapos niyang makita ang mukha ng Islander. "Nagtataka ako kung sino ang gumagawa ng gulo sa teritoryo ng branch ng Dragon Palace at nananamantala ng isang babae nang ganito. "Ikaw pala iyon, ang young lor
Bang!Tumayo si Aki Kitagawa pagkatapos marinig ang mga salitang iyon at sinipa ang mababang mesa sa harapan niya. Pagkatapos, dinampot niya ang baso ng sake at simpleng uminom. "Isang patas na pahayag?" interesado niyang sabi. "Helm Mendoza, paano mo kami bibigyan ng patas na pahayag?"!"Ako ang young lord ng Kitagawa Clan at ang disipulo ng Shinkage Way. Pinaglalaruan ko ang mga babae mula sa Country H dahil nirerespeto ko kayo. "B*bo ka ba? Ang lakas ng loob mong manghingi ng patas na pahayag mula sa'kin! "At saka, ang branch ng Dragon Palace ay parang tubig na walang pinagmulan. Inisip mo ba talaga na kapareho kayo ng makapangyarihang Dragon Palace mula sa labas ng border?"Ang isang hamak na branch ng Dragon Palace ay naglakas ng loob na manghingi sa'kin ng patas na pahayag? "Sinong nagbigay sa'yo ng tapang na gawin yun? "Ang baril nahl hawak mo? "O ang first-rate family mo? Ang first-in-command ng pamahalaan ng Las Vegas? "Barilin mo ko kung kaya mo!" Tinuro
Suminghal si Aki Kitagawa. "Ano naman kung oo?" "Kung sa harapan ng dating helm ng branch ng Dragon Palace, magbibigay ako ng respeto! "Pero wala kang karapatan na gawin yun! "Wala ka man lang karapatan na lumuhod at magsalita sa'kin ngayon, lalo na ang maging kapantay ko! Naiintindihan mo ba?!" Humakbang paharap si Yoana Mendoza habang nagpapakita ng malamig na ekspresyon sa mukha niya. Handa na niyang pindutin ang gatilyo. Mabilis siyang pinigilan ni Harvey York at sinenyasan siya na umatras. Pagkatapos ay kalmado siyang naglakad paharap at tinignan si Aki mula ulo hanggang paa. "May mga hamak na Islander na nagtangkang magyabang nang ganito sa teritoryo ng Country H?" Hindi niya gustong mapansin sa umpisa, pero dahil ang Shinkage Way ay isa sa Six Schools of Martial Arts ng Island Nations, hindi kakayanin ng Mendoza family ang sitwasyon base sa kapangyarihan nila. Iyon ang dahilan kung bakit pakiramdam ni Harvey ay kailangang siya na ang humawak sa sitwasyon. Tin
"Sige na. Tama na ang satsat. Sugod! Atakihin mo siya!" Minamaliit ni Aki Kitagawa si Harvey York. Hindi siya umaasa na may ipapakita si Harvey. “Hyah!”Kaagad na inihampas ni Kinoshita ang gilid ng kamay niya sa pulso ni Harvey. Halatang balak niyang balian si Harvey. Pak! Inihampas ni Harvey ang palad niya paharap nang hindi man lang umiiwas at naunang lumapag ang atake niya. Walang martial art ang walang butas at tanging bilis lang ang paraan para manalo. Sa tunog ng isang malakas na sampal, dumilim ang paningin ni Kinoshita. Kaagad siyang tumalsik pagkatapos niyang nakaramdam bigla ng kirot sa mukha niya. Bang!Bumangga ang katawan nya sa sulok ng kwarto nang yuping-yupi ang mukha niya. 'Paanong naging posible yun?!' Sobrang natulala sina Aki at ang iba pa. Isang eksperto si Kinoshita ng Shinkage Way! Kahit na hindi siya isang God of War, nasa tuktok siya ng lahat ng mga King of Arms! Ang pinakamataas na King of Arms ng henerasyon ay napalipad sa isang samp
Nagulat nang sobra sila Yoana Mendoza at ang ibang mga miyembro ng Dragon Palace… Nanghina ang mga Islander na nandoon habang mukhang nababahala. Hindi sila makapaniwalang ang isang makapangyarihang taong tulad ni Kinoshita ay hindi man lang papalag. Paulit-ulit siyang sinampal ni Harvey York sa puntong namaga nang husto ang kanyang mukha at natanggal ang kanyang mga ngipin.Para kay Kinoshita, maging ang mga ngipin niya ay mahalaga. Inalagaan niya ang mga ito na parang mga anak niya. Ang sinumang magsabing dilaw ang ngipin niya ay bubugbugin niya nang husto.Paanong hindi siya nagalit pagkatapos matanggal ng kanyang mga ngipin?Malinaw na hindi ito normal! Ang mga tao ng Shinkage Way ay mga makapangyarihang tao kahit sa Island Nations. Bakit siya magpipigil sa ganito kaliit na lugar na tulad ng Hong Kong? Alam ng lahat kung gaano kalakas si Elder Kinoshita. Ito ang dahilan kung bakit nagulat silang lahat, at ito ang dahilan kung bakit nanghina silang lahat.Nagulat si Yoan
Masyadong matindi ang titulong ito. Maraming Kings of War sa mundong ito, ngunit sobrang bihira ang Gods of War. Sila ay mga maalamat na nilalang, kahit sa ordinaryong buhay.Napakabihirang makakita ng God of War sa mundong ito bukod sa militar.Sa madaling salita, si Kinoshita, na isang King of Arms, ay nagagawa ang kahit anong gusto niya.Ngunit kumpara sa isang God of War, ang magagawa lamang niya ay lumuhod. Wala nang ibang paraan.“Isa ka ba talagang God of War?”Tinitigan ni Aki nang masama si Harvey at hindi makapaniwala.Tumingin pabalik si Harvey nang hindi sumasagot nang diretso.“Lumuhod ka muna bago ka magsalita.” Nanginig sa galit si Aki bago sumigaw, “Ang kapal ng-”Bang!Hindi nagsayang ng oras si Kinoshita at lumuhod siya sa sahig, tapos inilapag ang kanyang spada sa harapan niya, ipinapakitang wala siyang balak na masama.Nagtinginan ang ibang mga Islander bago sila lumuhod sa sahig.Wala namang halaga ang pagluhod para sa mga Islander na ito. Higit sa l
Kasunod nito ay narinig ang isang malakas na tunog. Pagkatapos mapatingin ng lahat sa gulat, kaagad na tumalsik si Aki sa sampal ni Harvey.Kahit gaano pa kayabang si Aki, wala siyang laban sa sampal ni Harvey.Anumang titulo, atake, at Bushido Spirit na mayroon siya, ay gumuho sa sampal ni Harvey. Bang!Bumagsak sa sahig si Aki nang mabitawan niya ang kanyang spada. Isang itim na bakat ng kamay ang makikita sa pisngi niya.Bago pa mahimasmasan si Aki, humakbang paharap si Harvey at muli siyang sinampal sa mukha.Tumalsik si Aki habang sumisigaw siya sa sakit.Pak! “Hindi ba ikaw ang young lord ng Kitagawa Clan?!” “Hindi ba sabi mo isa kang disipulo ng Shinkage Way?!”“Anong meron sa Whirlwind Slash mo?!”“‘Diba balak mong alisin ang kahit anong kahihiyang dadating sa’yo?!”Nagsalita si Harvey habang patuloy niyang sinasampal ang mukha ni Aki. Umuungol sa sakit si Aki habang nangingitim ang kanyang mukha.Pak! “Ano ngayon kung ipahiya kita?!” “May mga Islander pan