Kabanata 12

Namumula si Wendy habang si Harvey ay nakatitig sa kanya ng diretso. Nahihiya siya. Siya ay sobrang arogante sa harapan ni Harvey kagabi at kinasusuklaman pang makaupo ito. Subalit, siya ngayon ang nakatayo dito ngayon, inaantay ang kanyang utos.

Nakatitih si Harvey sa kanya ng ilang sandali. Gayunpaman ang dating kaklase na ito ay mukhang medyo mayabang, ang kanyang paguugali ay hindi ganun kasama.

Kalmado niyang sinabi ng maisip niya ito. “Hindi kita tatanggalin sa trabaho dahil dito. Para sa iyong promosyon, ipakita mo kung ano ang kaya mo, saka tayo magusap pagnagawa mo iyon.”

Hindi na niya siya pinansin matapos sabihin ito. Kakakuha niya pa lang sa kumpanya at hindi niya pa naiintindihan kung paano ito tumatakbo. Bakit naman niya sasayangin ang oras niya sa pagsasalita ng kalokohan kay Wendy?

Kahit na maganda si Wendy, nakakita na si Harvey ng mas magagandang babae, kahit papaano ang kanyang asawa—si Mandy ay mas maganda sa kanya.

Ang presidente ng York Enterprise ay nagbago. Ang lahat ng kasalukuyang investments ay tinigil. Subalit, mayroon silang nadagdag na limang bilyong dollars para mag invest sa maatas na kalidad na mga proyekto.

Ang balita ay parang kidlat sa lupa, kumalat sa buong Niumhi sa loob ng maikling panahon.

Alam ng lahat na ito ay malaking pagbabago sa pwersa ng kilalang mga pamilya sa Niumhi.

Kung may pamilya na makakakuha na maginvest ang York Enterprise sa kanila proyekto, ito ay mabilis na lalago at sa huli sila ay magiging isa sa pinakakilalang pamilya sa Niumhi!

Ang Zimmer family ay sigurado na hindi mananatiling walang pakialam. Si Senior Zimmer ay kaagad na nagpatawag ng family dinner at tinanong ang lahat ng miyembro ng pamilya na dumalo.

Mabilis na tinawagan ni Mandy si Harvey. Sinabihan niya si Harvey na umuwi at maghanda na dumalo sa dinner ng magkasama.

Nagmadaling umuwi si Harvey. Samantalang, si Wendy ay nakaupo na sa kanyang pulang Porsche, walang pasensyang nakatingin sa kanyang phone.

“Honey, late na ako.” Tumatakbo si Harvey papalapit kay Mandy.

Nakasuot ng halter dress si Mandy ngayong gabi, na may natatanging rose brooch sa kanyang dibdib.

“Ang Heart of Prague?” Medyo kuminang ang mga mata ni Harvey. Alam niya kung saan nanggaling ang bagay na ito. Hindi niya inaakala na magugustuhan niya ang bagay na binigay niya sa kanya ng sobra na hindi niya na mapigilang gamitin ito ngayon.

Subalit, si Mandy ay hindi masayang nakatingin kay Harvey. Mayabang niyang sinabi, “Kung patuloy mo akong titignan ng ganito, dudukutin ko yang mga mata mo...”

“Okay...okay...” Nagulat si Harvey. Hindi niya inaasahan si Mandy na mahuli siya. Kung kaya naman, nagmadali siyang ilipat ang kanyang tingin sa ibang direksyon.

“At saka, ngayong gabi ang family dinner. Magpakabait ka lang. Huwag mo akong ipahiya.”

“Sige, alam ko naman.” Pumasok si Harvey sa kotse. Nakarinig siya ng sigaw mula sa kanyang likuran bago pa niya malagay ang kanyang seat belt.

“Harvey nakasuot ka ng punit-punit na damit para sa family dinner? Bakit ka amoy hot pot? Huwag mong sabihin na nakuha mo ang mga damit na ito mula sa basurahan” Ang mukha ng kanyang mother-in-law—si Lilian ay lalong nagiging mayabang. Mas lalo niyang tinitignan ang kanyang live-in son-in-law, mas lalo niyang kinaayawan ito.

Nakasuot si Lilian ng maiksing evening goiwn, ipinapakita ang kanyang balingkinitang mga binti. Siya ay mature at sexy, elegante at disente, mapagbigay at nakakaakit.

Ang pagaayos ni Harvey ay sobrang pangit kumpara sa kanya.

Gayunpaman, ayaw makipagtalo ni Havey sa kanya. Ngumiti lang siya at nanahimik.

Si Lilian ay nanginginig sa galit at sinabi, “Tanga ka ba o bingi? Para kang basura! Paano na lang nagawang pakasalan ka ng anak ko? Ito’y kamalasan sa pamilyang Zimmer!”

“Mother, huwag ka nang magalit. Masisira ang make-up mo.” Si Mandy na nagdridrive ay huminga ng malalim at sinabi. Wala siyang masabi sa itsura ni Harvey.

“Paanong hindi ako magagalit? Naiingit ako na tignan ang son-in-law ng ibang tao. Bakit ganito ang son-in-law ko?” Tinuro ni Lilian si Harvey. “Sinasabi ko sayo. Huwag mong isipin na ayos lang kung hindi ka magsasalita. Kukuha ka ng divorce certificate kasama ang asawa mo bukas ng umaga. Ito ang iyong kabayaran, naiintindihan mo?”

Naglabas ng isang kamay ng 100 dollar bill si Lilian mula sa kanyang handbag at tinapon ang mga ito sa mukha ni Harvey.

Nakaupo si Harvey doon, hindi kumikilos na para bang hindi niya ito naintindihan.

Kahit na naaawa si Mandy sa kanya, galit pa din siya ng makita niya ang walang pakialam na paguugali ni Harvey. Kung kaya niya lang maging mas matalino, hindi siya mahihiya ng ganito.

Pinigilan ni Mandy ang kanyang kagustuhang palabasin si Harvey sa kotse.

Sa gate ng Zimmer Villa, ilang dosenang kotse ang nakaparada doon. Ang lahat sa mga ito ay kilalang luxury cars.

Ang hall ay puno na ng mga tao pagdating nila.

Ang nakababatang kapatid ni Mandy—si Xynthia ay dumating na din. Subalit, nakasuot siya ng kanyang school uniform ngayon. Magiging huli na kung magpapalit pa siya pagkatapos ng kanyang klase.

Gayunpaman, ang school uniform ay naglalabas ng kanyang natatanging aura ng kabataan. Ang magkakapatid ng Zimmer family ay ang pinakamaganda sa lahat. Si Xynthia ay siguradong magiging maganda pagtanda niya!

Umupo sila at ang ibang mga miyembro ng pamilya ay lumapit para mangamusta. Sa panahong ito, si Harvey ay parang isang invisible man. Walang sino man ang tumingin sa kanya.

Wala siyang paki. Ang kanyang katayuan sa Zimmer family ay ganun naman talaga. Nandito siya ngayon gabi para makisali sa saya. Kung kaya, mas makakabuti na kumain ng marami kaysa sa kung ano pa man.

Subalit, mayroon pa din na gustong pahirapan siya. Si Xynthia ay umupo sa kanyang tabi at mayabang na sinabi, “Loser, alam mo ba, simula bukas, kailangan mong umalis sa pamilyang Zimmer?”
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Roselita Pait
magandang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status