Mababa sa tatlong buwan na lang ang natitira sa buhay ko. Ano pa ang magagawa ko?Malapit na matapos ang aking buhay pero hindi pa ako nai-in love. Gusto kong i-date si Dixon Gregg.Kahit na magsisinungaling lang siya sa akin, sobrang saya ang maidudulot nito.Pinag-uusapan na rin naman, hindi pa ako nasasabik o naiitrato bilang isang tao na importante at mahalaga sa buong buhay ko. Hindi ko pa nararanasan ang pag-ibig. ‘Yon ang dahilan kung bakit madalas akong naiinggit kay Gwen at kung bakit ako kumapit kay Dixon na para bang sinapian ako.Kahit na pahirapan niya ako, tatanggapin ko ito nang buong loob.Sa pagitan namin ni Dixon, ako ay masyadong hindi mahalaga.Nagpakumbaba ako at hindi kailanman lumaban.Hindi umalis si Dixon tulad ng dati niyang ginagawa. Matapos maligo, umupo siya sa sofa dala ang kanyang laptop upang magtrabaho.Tumayo ako at sinuot ang aking sleeping gown, saka tinanong siya, "Magpapahinga ka ba dito ngayon?"Napakatalas ng aking paningin at nakikita ko ang dok
Si Gwen ay para bang nakakita ng multo nang makita ako. Sinimulan niyang tumili nang malakas at sinira ang mga bagay-bagay. Inilagay siya ni Dixon sa kanyang mga braso nang makita niya ‘yon.Ang kanyang dibdib ay palaging mainit at nakakakalma.Unti-unting huminahon si Gwen habang panay ang pagbulong niya sa pangalan ni Dixon. At ang lalaking ‘yon, ang aking asawa, ay kinonsuwelo siya, "Okay lang. Narito ako. Wala siyang gagawin sa’yo."Ang pansamantalang kahinahunan ni Dixon ay pagmamay-ari niya. Humarap siya sa akin at tinanong ako nang malamig, "Ano ang ginagawa mo dito sa ospital? Bilisan mo, umuwi ka."Palagi niya akong sinasabihan na umuwi sa harap ni Gwen.Napalingon ako sa kahinahunan na binigay ni Dixon kay Gwen. Sa sandaling iyon, ginamit ni Gwen ang impluwensya ni Dixon at itinapon sa aking mukha ang isang tasa ng kumukulong tubig. Napasigaw ako sa sakit at napaatras sa gulat. Tumama ako sa ilang mga bagay at malapit nang mahulog, nang may humawak sa braso ko.Tumingin ako s
Nanaginip ako. Naganap ito sa Shaw villa. Nandoon ang aking mga magulang at si Dixon. Pamilyar silang nagu-usap tungkol sa aking ika-23 birthday party.Tumayo ako sa tabi ng sofa habag nakikinig sa pananalita ni Dixon. Mainit at banayad ang kanyang boses. "Gusto ni Carol ang kulay na pula. Palamutihan natin ang lugar ng mga pulang rosas. Tutugtog ako ng piano pagkatapos."Ang mga mata ni Dixon ay puno ng lambing at kahinahunan. Ang araw sa labas ng bintana ay sumikat sa kanya, nagmimistulang siya ay mas gwapo at mas malambing. Nais kong umabot upang hawakan ang kanyang brow bone. Gayunpaman, dumaan lang sa kanya ang aking mga daliri at papunta sa hangin. Sinigaw ko nang malakas ang kanyang pangalan, nagpa-panic. Pero, hindi siya sumagot. Umiyak ako nang hysterically nang maging puti ang lahat ng nasa harapan ko.Namulat ang aking mga mata at nakita kong nasa isang silid ako sa ospital. Suot ko pa rin ang maliwanag na kulay na dress. Nakatayo sa tabi ko si Dixon na may malamig na ekspre
Natatakpan ng makapal na layer ng niyebe, walang mga salita ang maaring magpaliwanag sa ganda ng Wu City. Naglakad-lakad ako sa kalyeng puno ng mga tindahan, habang nakasuot ng gintong gown at isang purong puting mahabang coat. Ang delicate na mga hikaw na pilak na suot ko no’ng araw na iyon ay bagay na bagay sa aking make-up.Ito ay napaka-busy na siyudad. Habang nakatayo sa gitna ng madla na nagmamadali sa bawat direksyon, pakiramdam ko isa akong outsider. Napatingin ako sa lahat ng mga taong dumadaan, habang ang malamig na hangin ay dinadala ang snowflakes at dumadapo sa aking mukha, aking buhok, at aking damit. Gayunpaman, hindi ako nakaramdam ng lamig. Baka manhid na ako. Siguro may mas importanteng bagay akong kailangang gawin. Sinimulan kong sundan ang isang lalaking sakto lang ang hitsura sa kalye.Habang siya ay nakatayo doon na naninigarilyo nang mag-isa, tinipon ko ang lahat ng aking lakas ng loob at lumapit sa kanya dala ang aking bank card sa kamay. Binuka ko ang aking bib
Nanatili akong tahimik habang si Dixon ay patuloy na nakatitig sa akin, naghihintay ng sagot.Nagmadali ako para bumaba ng bus kaagad nang tumigil ito sa susunod na istasyon. Napanatag ang loob ko nang makita kong hindi siya sumunod. Sumakay ako ng taxi pabalik kung saan ko kukunin ang aking kotse at hinatid ang aking sarili pauwi.Walang tao sa magarbong villa. Naupo ako sa sofa, hindi maka-concentrate sa kung ano pa bukod sa sinabi ni Dixon. "May utang pa rin ako sa kanya na kasal."Sa totoo lang, may utang pa talaga si Dixon kay Gwen na kasal.Tatlong taon na ang nakalilipas, si Gwen ay sumuko kay Dixon tulad ng pagsuko ni Dixon sa kanya.Kahit na tanggihan niya pa ang tatlong milyon at pinilit na manatili sa Wu City sa piling ni Dixon, makikipaghiwalay pa rin si Dixon sa kanya.Tila walang tama at mali sa kanilang sitwasyon.Dapat ay binigyan niya siya ng isang engrandeng kasal tatlong taon na ang nakalilipas.Kinuha ko lang ang pwesto niya at oras na upang ibalik ang lahat sa nara
Ilang araw na umuulan ng niyebe. Ang Wu City ay kumikislap sa ilalim ng city lights at ang lahat ay napapalibutan ng purong puting niyebe. Nakatayo kaming magkaharap sa makitid na eskinita, ang kanyang anino ay umuunat sa haba ng lupa sa ilalim namin. Madali siyang mapagkamalan bilang isang manga character. Narinig niya ang sinabi ko at natigilan. Napatingin siya sa akin nang may pag-usisa pero wala siyang sinabi tungkol sa kung paano ko siya tinawag. Pasimple niyang tinanong ako, "Saan ka nakatira, binibini?"“Sa villa ng pamilyang Shaw…”Bigla kong naalala pagkatapos kong sumagot na hindi pa nakakapunta roon si Dixon, kaya't nagmamadali kong sinabi sa kanya ang address. Binigyan niya ako ng isang mahinang ngiti at hinubad ang kanyang scarf upang ibalot sa leeg ko at naramdaman kong nananatili pa rin ang init ng kanyang katawan.Narinig kong sinabi niya, “Tara na. Ihahatid na kita pauwi.”Mas lalo siyang gumwapo dahil sa ngiti niya…Nagmistulang pininturahan ang kanyang mga mata at ki
Gusto kong makipag-date. Sa katunayan, nais kong may magmahal sa’kin. Sa sobrang desperada ko ay kuntento na ako sa isang taong magpapanggap na mahal ako.Dahil kaunting oras na lang ang natitira sa’kin.Wala akong intensyong sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.Nginitian ko siya at sinabing, “Wala ka nang paki do’n.”Bumalik ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho ulit. Nagulat ako, binuksan ni Dixon ang pinto at pumasok habang umaandar ang kotse, sobrang delikado ng kanyang ginawa. Malakas kong tinapakan ang preno at hindi ko mapigilang sigawan siya, "Nababaliw ka na ba? Maaari kang masaktan!"Walang bakas ng takot sa kanyang mukha. Tinitigan ko siya nang may pagmamalasakit. Sasabihin ko na sana sa kanya na bumaba sa aking kotse nang sinabi niya, "Mahal mo pa ba ako?"Parang siyang nagtatanong, pero naisip kong alam niya na ang sagot.Walangya! Sa loob ng tatlong buwan, magpapakasal siya sa iba, pero nakaupo siya sa aking kotse at tinatanong kung mahal ko pa ba siya.“
Nakatingin sa akin ang mga mata ni Dixon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang mga kilos niya.“Bakit ba siya nagpapanggap na may malasakit siya sa’kin? Divorced na kami…”Hinila ko ang aking kamay sa kanyang palad, sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo. Lagi kong hinangad ang pag-ibig. Dahil mayaman ako, naisip ko na baka pwede na lang na makabili ako ng pag-ibig gamit ang pera ko. Anyway, hindi naman ‘to ang unang beses na may ginawa akong ganito."Huminto ako nang isang segundo habang nakatingin ako sa kanyang malilinaw na mga mata, pagkatapos ay sinabi, "Ipinagpalit ko ang Shaw Corporations para sa ating kasal. Ngayon ay nakikipagpalitan lamang ako ng pera para sa pag-ibig."“Eh ‘di i-date natin ang isa’t-isa.”Sa sobrang gulat ko ay nahulog ang purse ko sa sahig. “Anong sinabi mo?”Ide-date kita at magpapanggap na mahal kita. Ibibigay ko lahat at aalagaan ka na parang ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Papasa