Natatakpan ng makapal na layer ng niyebe, walang mga salita ang maaring magpaliwanag sa ganda ng Wu City. Naglakad-lakad ako sa kalyeng puno ng mga tindahan, habang nakasuot ng gintong gown at isang purong puting mahabang coat. Ang delicate na mga hikaw na pilak na suot ko no’ng araw na iyon ay bagay na bagay sa aking make-up.Ito ay napaka-busy na siyudad. Habang nakatayo sa gitna ng madla na nagmamadali sa bawat direksyon, pakiramdam ko isa akong outsider. Napatingin ako sa lahat ng mga taong dumadaan, habang ang malamig na hangin ay dinadala ang snowflakes at dumadapo sa aking mukha, aking buhok, at aking damit. Gayunpaman, hindi ako nakaramdam ng lamig. Baka manhid na ako. Siguro may mas importanteng bagay akong kailangang gawin. Sinimulan kong sundan ang isang lalaking sakto lang ang hitsura sa kalye.Habang siya ay nakatayo doon na naninigarilyo nang mag-isa, tinipon ko ang lahat ng aking lakas ng loob at lumapit sa kanya dala ang aking bank card sa kamay. Binuka ko ang aking bib
Nanatili akong tahimik habang si Dixon ay patuloy na nakatitig sa akin, naghihintay ng sagot.Nagmadali ako para bumaba ng bus kaagad nang tumigil ito sa susunod na istasyon. Napanatag ang loob ko nang makita kong hindi siya sumunod. Sumakay ako ng taxi pabalik kung saan ko kukunin ang aking kotse at hinatid ang aking sarili pauwi.Walang tao sa magarbong villa. Naupo ako sa sofa, hindi maka-concentrate sa kung ano pa bukod sa sinabi ni Dixon. "May utang pa rin ako sa kanya na kasal."Sa totoo lang, may utang pa talaga si Dixon kay Gwen na kasal.Tatlong taon na ang nakalilipas, si Gwen ay sumuko kay Dixon tulad ng pagsuko ni Dixon sa kanya.Kahit na tanggihan niya pa ang tatlong milyon at pinilit na manatili sa Wu City sa piling ni Dixon, makikipaghiwalay pa rin si Dixon sa kanya.Tila walang tama at mali sa kanilang sitwasyon.Dapat ay binigyan niya siya ng isang engrandeng kasal tatlong taon na ang nakalilipas.Kinuha ko lang ang pwesto niya at oras na upang ibalik ang lahat sa nara
Ilang araw na umuulan ng niyebe. Ang Wu City ay kumikislap sa ilalim ng city lights at ang lahat ay napapalibutan ng purong puting niyebe. Nakatayo kaming magkaharap sa makitid na eskinita, ang kanyang anino ay umuunat sa haba ng lupa sa ilalim namin. Madali siyang mapagkamalan bilang isang manga character. Narinig niya ang sinabi ko at natigilan. Napatingin siya sa akin nang may pag-usisa pero wala siyang sinabi tungkol sa kung paano ko siya tinawag. Pasimple niyang tinanong ako, "Saan ka nakatira, binibini?"“Sa villa ng pamilyang Shaw…”Bigla kong naalala pagkatapos kong sumagot na hindi pa nakakapunta roon si Dixon, kaya't nagmamadali kong sinabi sa kanya ang address. Binigyan niya ako ng isang mahinang ngiti at hinubad ang kanyang scarf upang ibalot sa leeg ko at naramdaman kong nananatili pa rin ang init ng kanyang katawan.Narinig kong sinabi niya, “Tara na. Ihahatid na kita pauwi.”Mas lalo siyang gumwapo dahil sa ngiti niya…Nagmistulang pininturahan ang kanyang mga mata at ki
Gusto kong makipag-date. Sa katunayan, nais kong may magmahal sa’kin. Sa sobrang desperada ko ay kuntento na ako sa isang taong magpapanggap na mahal ako.Dahil kaunting oras na lang ang natitira sa’kin.Wala akong intensyong sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.Nginitian ko siya at sinabing, “Wala ka nang paki do’n.”Bumalik ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho ulit. Nagulat ako, binuksan ni Dixon ang pinto at pumasok habang umaandar ang kotse, sobrang delikado ng kanyang ginawa. Malakas kong tinapakan ang preno at hindi ko mapigilang sigawan siya, "Nababaliw ka na ba? Maaari kang masaktan!"Walang bakas ng takot sa kanyang mukha. Tinitigan ko siya nang may pagmamalasakit. Sasabihin ko na sana sa kanya na bumaba sa aking kotse nang sinabi niya, "Mahal mo pa ba ako?"Parang siyang nagtatanong, pero naisip kong alam niya na ang sagot.Walangya! Sa loob ng tatlong buwan, magpapakasal siya sa iba, pero nakaupo siya sa aking kotse at tinatanong kung mahal ko pa ba siya.“
Nakatingin sa akin ang mga mata ni Dixon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang mga kilos niya.“Bakit ba siya nagpapanggap na may malasakit siya sa’kin? Divorced na kami…”Hinila ko ang aking kamay sa kanyang palad, sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo. Lagi kong hinangad ang pag-ibig. Dahil mayaman ako, naisip ko na baka pwede na lang na makabili ako ng pag-ibig gamit ang pera ko. Anyway, hindi naman ‘to ang unang beses na may ginawa akong ganito."Huminto ako nang isang segundo habang nakatingin ako sa kanyang malilinaw na mga mata, pagkatapos ay sinabi, "Ipinagpalit ko ang Shaw Corporations para sa ating kasal. Ngayon ay nakikipagpalitan lamang ako ng pera para sa pag-ibig."“Eh ‘di i-date natin ang isa’t-isa.”Sa sobrang gulat ko ay nahulog ang purse ko sa sahig. “Anong sinabi mo?”Ide-date kita at magpapanggap na mahal kita. Ibibigay ko lahat at aalagaan ka na parang ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Papasa
Matagal na kaming magkakilala ni Summer, bago ko pa man makilala si Dixon Gregg, kaya alam niya ang feelings ko sa simula pa lang.Alam niya na meron lamang akong isang password para sa lahat at ito ay nauugnay sa araw nang una kong makilala si Dixon.Ika-27 ng Disyembre, 2009. ‘Yon ang unang araw na nahulog ang mga niyebe.“Carol, namumutla ka na. ‘Wag mong piliting ngumiti.”“Hindi naman. Palagay ko ay sobrang lamig lang.”Medyo mas matagal akong nakipag-chikahan sa kanya sa tea house tapos umalis na. Habang pauwi na ako sa bahay, may hindi na pamilyar na numero ang tumawag sa akin.Sinagot ko ang phone at tinanong, "Sino ‘to?"“Ako ‘to, si Mrs. Gregg. Si Gwen Worth.”Nanuya ako at sinabing, “Hindi pa kayo kasal.”Huminto si Gwen nang isang segundo at patuloy na sinabi nang malakas, "Alam ko. Ganito ko lang talaga tawagin ang sarili ko. Ako dapat ang naging asawa ni Dixon at inagaw mo ang titulong ‘to mula sa akin sa loob ng tatlong taon. Caroline Shaw, hinintay ko siya at pinanood k
Hindi na madalas umulan ng niyebe sa Wu City nitong mga nakaraang araw. Sa halip, naging normal ang pag-ulan. Inilagay ko ang aking phone sa tenga at narinig ang banayad na reklamo ni Dixon. "Bumubuhos ang ulan dito sa labas. Basang-basa ako. Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?"Nang pakinggan ko siya nang mabuti, naririnig kong parang medyo malungkot siya.Lumingon ulit ako sa aking kwarto, “Bakit mo ‘ko pinuntahan?”“Caroline, nakalimutan mo ba na ako na ang boyfriend mo ngayon?”So naaalala niya pa nga…“Akala ko pinagsisihan mo eh.” sabi ko.“Bakit? Kasi hindi kita tinatawagan?”Sinabi kong oo nang may mababang boses at may pagkadismaya."Silly girl. Hindi ba sinabi ko sa’yo na may aayusin akong company affairs? Kung walang lang sanang ibang importanteng magaganap sa mga susunod na buwan sa kumpanya, hindi na ako umalis sa piling mo." Huminto si Dixon at sinabi sa isang banayad na boses, "Pero kung may kailangan akong puntahan, sasama ka sa’kin."Halos matunaw ang puso ko sa kany
Katawa-tawa lang si Dixon. Hindi tatagal ang aming relasyon ng higit dalawang buwan. Pagkatapos ng dalawang buwan, siya ay ikakasal sa ibang babae, at ngayon ay tinatanong niya ako kung mahal ko siya?Isa pa, ang aming dalawang-buwan na relasyon ay isang akto lamang para sa aming dalawa.Nagmistulang charity para sa’kin.Inikot ko ang mga braso ko sa leeg niya at sinabing, "Alam ko. Alam mo yun. Ang pamilya Shaw ay mayaman at makapangyarihan. Syempre pinili ko na magpakasal sa sa’yo noon dahil mahal kita."Simula sa umpisa’t hanggang sa dulo, hindi ko itinago ang katotohanang minahal ko siya.Nang marinig niya ‘yon, ngumiti si Dixon. Mahigpit niya akong hinawakan sa kanyang mga braso at marahang hinaplos ang aking likuran gamit ang kanyang palad, nakangiti sa mahinang tinig, "Caroline, mahal kita."Natigilan ako at tumingin sa kanya nang hindi makapaniwala.Makalipas ang ilang sandali, napagtanto ko na sinabi niya nga pala na magkukunwaring siyang mamahalin niya ako, makikipag-date siy