“President Fudd, pag-isipan niyo yang gagawin niyo!”Walang emosyon sa mga mata ni Heaton nang tinitigan niya ang namumula sa galit na mukha ni Verian. Yumuko siya at inilapit sa tenga ng dalaga ang ulo niya. Dahan-dahan siyang nagsalita, “Sabi mo Miss Mont, isa akong businessman. Walang ibang habol ang mga businessman kung ‘di profit; ‘di kami susugal kung wala kaming mapapala. Anong meron ka na kasing halaga at pwedeng kapalit ng villa?”Malamig at manipis ang malalim niyang boses. Pinagmamasdan ng madilim niyang mga mata ang gilid ng mukha ng dalaga. Dahan-dahan naman itong nagsalita pero bawat salita ay sumapul sa puso ni Verian.Wala na siyang pera. Nabuwag na ang Mont Family three years ago. Kung ang katawan naman niya, ni hindi nga ito tinignan ni Heaton kagabi. Ipinahiya pa siya sa mga bisita. ‘Di niya maintindihan kung anong gusto ng lalaki mula sa kanya.Tinitigan ni Heaton ang maganda at maamo niyang mukha. “Kagabi, mukhang experienced ka naman sa pang-aakit?”Ib
Huminga nang malalim si Verian at umupo sa tabi ni Little Jelly Bean. Tinignan niya ito at nagsalita siya, “Little Jelly Bean ang pangalan mo ‘di ba?”Sumimangot ang little munchkin at masama ang tingin sa kanya. “Sinabi ba sa’yo ng principal ang pangalan ko?”“Sobrang cute mo at ang cute ng pangalan mo. Bakit ba kayo nag-aaway ng ibang mga kids?”Nag-krus ng braso si Little Jelly Bean. “Hmphh! Sabi nilang lahat liar daw ako! ‘Di nagsisinungaling si Jelly Bean! Kung ayaw nila makipaglaro sa’kin; ‘di rin ako makikipaglaro sa kanila!”Tumingin sa gilid ang munting bata. ‘Di maiwasan ni Verian na matawa sa batang sinusubukang maging mapagmataas. “Naniniwala ako na ‘di nagsisinungaling si Little Jelly Bean pero ‘di rin kasi tama na manakit ng ibang tao, Jelly Bean.”Nakatingala pa rin at nakasimangot ang cute na bata habang nananatiling tahimik. Nagpatuloy na magsalita si Verian nang malumanay, “Alam kong ‘di mo sila kakayaning lahat kung mag-isa ka lang. Next time, sabihin mo sa’kin
Naglaho ang Maybach sa isang ulap ng abo. Nakatuon ang mapanlamig na titig ni Heaton sa lumalayong hugis sa rear-view mirror. Kumandong sa kanya ang katabi niyang munting bata na may halong kapilyahan. Kumapit sa kanyang daddy ang malalambot nitong kamay. “Daddy, bakit ‘di pwedeng sumama sa dinner si Monty?”Tumingin dito si Heaton. Hinaplos niya ang ulo ng anak niya at maingat na nagtanong, “Jelly Bean, gusto mo ba talaga si Monty?”“Yes!” Kumurap kurap ang cute na bata at tumango nang masigasig. “Dahil ba binigyan ka niya ng candy?”Kahit naman bigyan siya ng mga pagkain at snacks ng mga babae mula sa mayayamang pamilya noon na naka-blind date niya kasama si Little Jelly Bean ay tila ‘di niya sila nagustuhan. Umiiyak pa nga siya minsan kasi ayaw niyang makasundo ng mga ito ng tatay niya. Paano napukaw ni Verian ang puso ni Jelly Bean?Umiling si Little Jelly Bean. Bumuo lang siya ng dalawang bilog gamit ang daliri niya at ipinatong ito sa mga mata niya. Tinignan niya ang ta
Hah, ang lakas rin ng loob niya. Napakaraming babae sa North City na nais makipagtalik kay Heaton. ‘Di rin mabibilang ang gustong maging babae niya. Pero si Verian lang ang may lakas ng loob na sabihing gusto niyang maging si Mrs. Fudd.Saan naman nanggaling ang kumpyansa niya sa sarili?“Tama naman na pagkukulang ko nga ang isang asawa. Pero napakaraming babae na gustong mapangasawa ako. Ano naman ang karapatan mo para makipag-negotiate sa akin, let alone makipagdeal?”Sumagot si Verian bago pa maibaba ni Heaton ang tawag. “Bilang nagpa-interview ka para lang makahanap ng asawa, ibig sabihin lang nun na may pressure mula sa pamilya mo tungkol sa pagpapakasal. Tatanggapin ko ang isang fake marriage. Pagkatapos nun ‘di na kita gagambalain.”Isang fake marriage?Walang emosyon pero bahagyang kumibot ang labi ni Heaton. ‘Interesting din ang babaeng ‘to.’Pinigilan ni Verian ang kaba niya at nagsalita mula nang wala siyang marinig na sagot mula kay Heaton. “Kung magpapakasal ka sa ib
Nanginginig ang mga mata ni Verian. Nakatuon ang mga mata niya sa painting na may title na ‘A Family of Three’.“Jelly Bean, pakiramdam mo ba lonely ka?”Ipinatong ng bata ang baba niya sa kanyang kamay habang kumikislap ang malaki at itim niyang mga mata. Seryoso siyang tumango at malungkot na nagsabi, “Yes! Walang friends si Jelly Bean at ‘di rin ako binibisita ni mommy dahil nasa Mars siya! Yung mommy ni Cherry maganda mag-braid ng buhok araw-araw, gusto ko rin ng mommy na tutulong sakin mag-braid ng hair ko!”‘Di mapigilan ni Verian na ngumiti. Inangat niya ang kamay niya para haplusin ang ulo ng little munchkin, “Maikli ‘yung hair ni Jelly Bean, mahirap i-braid ang maikling buhok.”Sumimangot si Little Jelly Bean. Para siyang pinagtaksilan nang sumagot ito, “Ginagawang maikli ni daddy yung hair ko kasi walang marunong magbraid ng hair ko. ‘Di marunong magbraid si daddy. Daddy is stupid.”Natawa nang malakas si Verian. Pumasok sa isip niya ang itsura ni Heaton na sinusubukang
Sa president’s office sa Fudd’s building.Napahawak si Kush sa ilong niya at nagtatakang nagtanong matapos ibaba ni Heaton ang tawag, “Boss, pinagkakatiwalaan mo ba talaga kay Miss Mont para iwan si Little Jelly Bean sa kanya? Kahit na naitagong mabuti ang pagsilang kay Little Jelly Bean sa nakaraang tatlong taon, marami pa ring mga tao ang nagbanta na kikidnapin si Little Jelly Bean.”Kalmado lang na naupo sa itim na executive chair niya si Heaton. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa mesa at pinagtagpo ang mga daliri. “Gusto kong gamitin ang pagkakataon para malaman ang intensyon niya. Ginagawa niya ba ‘to para sa pera o talagang clueless siya?”…Busog na busog si Little Jelly Bean pagkakain sa KFC. Tila lumaki ang tiyan niya at nag-burp pa ito.Kumuha ng tissue si Verian at pinunasan ang labi niya. “Busog ka na? Tara na?”Nag-ring ang cellphone ni Verian bago pa sila makatayo. Si Heaton Fudd ang nasa caller ID.Sinagot niya ang tawag. Malinaw ang boses ng lalaki at nakakagay
Mukhang kalmado sa labas at in love ang itsura ni Verian habang nakatingin ito kay Heaton. Sa katotohanan, mabilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Kapag inalis ni Heaton ang kamay niya at itinanggi ang relasyon nila sa harap ni Wanelle at Jensen, baka magpakain na lang siya sa lupa. Tumulong naman si Little Jelly Bean – inunahan niyang magsalita si Heaton gamit ang cute at malambing niyang boses. “Daddy, uwi na po tayo! Ayaw namin ni Monty sa kanya!”Nakatuon lang ang mga mata ni Heaton sa magandang mukha ni Verian. May munting bakas ng panunukso sa mga malamig niyang tingin. Inangat niya ang kamay niya para makaalis sa kapit ni Verian. Halos tumalon ang puso ng babae at sumama ang kutob niya…‘Di niya inaasahan na sa susunod na sandali ay may naramdaman siyang bigat sa balikat niya –Niyakap ng mahabang braso ni Heaton si Verian at Little Jelly Bean at may marahang ngiti sa mukha nito.“Sige. Umuwi na tayo.”Nataranta si Verian. Sa kabila ng pagkagulat nina Jensen at Wanell
Fudd Family Mansion.Nang dalhin ni Kush Xavier ang DNA report sa mansyon, si Nancy Xander lang ang nakita niya sa sala sa baba.“Director Xander, nakauwi na po ba si Boss?”Sumilip si Nancy sa yard. “Wala pa ‘yung sasakyan niya, baka sinundo niya muna si Little Jelly Bean. Assistant Kush, may kailangan ka ba?”Hawak ni Kush ang isang brown paper file sa kamay niya at nagdahilan na lang siya. “Ah wala naman po. Isang document lang na kailangang personal i-review ni boss. Dadalhin ko na lang po sa study niya.”Umalis din si Kush matapos iwan ang DNA report sa study. Pagkatapos nun, pumunta si Nancy sa study ni Heaton at binuksan ang brown paper file at nakita niya ang DNA maternity test report. [The result of the comparison between the DNA of Verian Mont and Cherie Fudd showed a similarity of 99 percent.]Nanginig ang mga mata ni Nancy nang makita ang litrato ng babae sa profile. Tunay ngang ina ni Little Jelly Bean ang nakabangga niyang babae nung isang araw?Naglaho siya nang