Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
Habang pinipitpit ang kanyang mga kuko gamit ang isang tiyani, hindi niya na napigilan ang sarili na sumigaw kasabay ng pagragasa ng sariwang dugo mula sa kanyang bibig, na tila ba isa siyang mabangis na halimaw. May ilang babae na nakadamit pampreso na nginungudngod ang isang babaeng naka damit din ng pampreso na walang kalaban-laban. Walang magawa si Ling Yiran kundi titigan na lamang na isa-isang pitpitin ang kanyang mga daliri. At dahil dito, nabalot ang selda ng isang kasuklam suklam ang amoy ng dahil sa malansang dugo na dumadaloy mula sa kanyang mga daliri. “Ang dating magaling na abogado, ay daig pa ang putik ngayon.” Galit na sabi ni Lin Yiran sa kanyang isip. Bigla niyang iniangat ang kanyang ulo at nanlilisik na tinignan ang nakangising babae na nasa kanyang harapan. Sinong magaakala na ang isang sikat na artista, na ang buong akala ng lahat ay inosente, pero sa totoo pala’y napaka itim ng budhi. “Hao Yimeng, bakit?” tanong niya na may nanginginig na boses. “Pina
“Sh*t! Tignan mo naman tong lalaking to. Mukha namang walang binatbat at isa pa, mukha rin siyang mahirap, kaya bakit ako masisindak?” Dumura si Sun Tenyang at agresibong naglakad palapit sa lalaki para suntukin sana ito. Pero bago pa man niya mailapat ang kamao niya sa lalaki, bigla siyang hinawakan nito ay nginudngod ang mukha sa semento. Kawawang Sun Tengyang! Nang makita ito ng mga kaibigan ni Sun Tengyang, nagmamadaling tumakbo ang mga ito papalapit para bugbugin ang misteryosong lalaking bigla nalang sumulpot. Ang sumunod na pangyayari, nakita nalang ni Ling Yiran na walang kahirap-hirap na binugbog ng lalaki ang tatlong kaibigan ni Sung Tengyang. Sa hindi kalayuan, may isang sasakyan na nakaparada sa isang madilim na eskinita. Habang nakaupo sa loob ng sasakyan, kinakabahang nanunuod si Gao Congming sa eksena at pabulong na nagdadasal, “Sana hindi mawala sa sarili si Young Master Yi” Kapag tuluyan ng nawala sa sarili si Young Master Yi, hindi talaga maganda ang mangy
“Nagugutom ka ba? Paghahandaan kita ng makakain,” alok ni Ling Yiran. Mula noong makita niya ito kanina sa labas, hindi niya pa ito nakitang kumain. Kaya Nagluto ng noodles at itlog si Ling Yiran para may may mahigop itong sabaw. “Ito oh, kumain ka muna, pero dahan-dahan lang kasi medyo mainit,” aniya. Yumuko ang lalaki at tahimik na hinigop ang ginawang sabaw ni Ling Yiran habang si Ling Yiran naman ay pinagmamasdan lang ang lalaki. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang lungkot na nararamdaman niya sa tuwing uuwi siya sakanyang apartment ay hindi niya naramdaman ngayon. Hindi kaya dahil may kasama siya ngayon? Nang matapos ng kumain ang lalaki, hinugasan ni Ling Yiran ang mga plato. “Hindi ako makatulog ng hindi makatulog. Sana okay lang sayo.” Tanong ni Ling Yiran. Mula noongang makalaya siya sa kulungan, nakaugalian na niyang matulog ng nakabukas ang mga ilaw. “Okay lang,” Humiga si Ling Yiran kama niya, habang si “Jinli” naman ay humiga sa banig na inihanda niya para ri
Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at bigla namang dumampi ang malakas na sampal ni Ling Guozhi sa mukha ni Ling Yiran. “Anong pinagsasabi mo jan! Nagmaneho ka at bumangga ng tao kaya ka nakulong. Nang dahil sayo, napuno ng kahihiyan ang pamilya natin. Wala ka ng mapupuntahan. Gusto mo bang masira na rin ang kinabukasan ng kapatid mo kagaya mo?” Galit nag alit na sambit ni Ling Guohzi. Pandidiri at pagkasuklam sa anak ang makikita sa mga mata ni Ling Guohzi. Sa tuwing naiisip niya ang mga panahon na sobrang lakas nila sa pamilyang Xiao, at kung gaano siya respetuhin ng mga kamag anak at mga kaibigan niya noong mga panahon nay un, lalo lang siyang nagagalit sa anak niya. Sobrang sakit ng pisngi ni Ling Yiran nang dahil sa sampal ng tatay niya, pero pinilit niya pa ring magpanggap na kalmado, na para bang walang nangyari. “Gusto ko lang naman talagang mag alay ng insenso sa nanay ko, pero ngayon, wala na akong dahilan para manatili dito. Hinding hindi niyo na ako makikita sa
“Kasi…” Nilunok ni Ling Yiran ang natitirang siopao na nasa kamay niya habang hinihintay si ‘Jin’ na matapos sa sinasabi nito. Hindi ganun kasarap ang siopao na dala ni ‘Jin’. Siguro kung ang dating Ling Yiran ang tatanungin, hindi niya talaga ito magugustuhan, pero ngayon, pwede ng pagtiyagaan. Ang importante sakanya ngayon ay ang malamanan ang kanyang sikmura. “Marami kasi tayong pagkakapareha. Pareho tayong inabanduna at ang mga kabuhayan natin ay mas mababa pa sa pinaka mababa sa lipunan. Wala ng gugusto at magaaruga sa atin, pero ngayon kapag kasama na natin ang isa’t-isa, maalagaan kita at maalagaan mo rin ako, tama?” Magkakahalong pag-asa, pangungumbinsi, at pag-aalangan ang mababakas sa ngiti ni Ling Yiran kay ‘Jin’. “Ah ganun ba? Marami pala tayong pagkakaparehas….” Pabulong na sabi ni *Jinli* Habang nakatitig kay Ling Yiran, napangiti siya na para bang isang tigre na nagaantay na malaglag sa bunganga niya ang kanyang biktima nang marinig niya ang sinabi ni Ling Yiran
“Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sayo,” sagot ni Ling Yiran. Dahil sa impluwensya ng alak, walang anu-anong lumapit si Assistant Director He kay Ling Yiran at sinampal ng malakas ang mukha nito. “Kapag sinabi kong uminom ka, uminom ka. Bakit ba napaka taas ng tingin mo sa sarili mo eh talunan ka naman?!” Habang nagsasalita, kinuha niya ang bote ng alak at pinilit ipalaklak sa bibig ni Ling Yiran. Gusto sanang pumalag ni Ling Yiran, pero masyadong malakas ang lalaking nasa harapan niya, dagdag pa na tinutulungan ni Ling Luoyin ang lalaki. Natuwa si Assistant Director He sa pagtulong ni Ling Luoyin kaya muli itong nagsalita, “Luoyin, ang talion mo talaga. Kakausapin ko ang director para bigyan ka ng mas maraming screen time.” Malamang dahil sa magandang balita na narinig ni Luoyin, lalo pa siyang ginanahan na itulak si Ling Yiran. “Maraming Salamat po Assistant Director He. Bobo po kasi yung ate ko, pagpasensyahan niyo na po.” Medyo marami rin ang alak na pwersadong
Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si ‘Jin’, kaya sobrang nag-alala si Ling Yiran na baka may nangyari na dito, lalo na wala itong cellphone para matawagan man lang ito. Kaya nag-aalalang lumabas su Ling Yiran sa kanayang apartment at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa may entrance sa pagbabakasakaling makasalubong niya si ‘Jin’. Pero pagkalipas ng ilang oras, sa wakas naaninag na niyang naglalakad papalapit sakanya ang taong kanina niya pa inaantay. “Jin!’ Sa wakas makakahinga na siya ng maluwag. Samantalang si Yi Jinli naman ay biglang natigilan sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin nalamang sa babaeng tumatakbo papalapit sakanya. Hingal na hingal at namumula ang buong mukha ni Ling Yiran dahil sa sobrang lamig, ngunit bakas sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nito. “Buti naman at nakauwi ka na,” hingal na hingal na salubong ni Ling Yiran. “Ate…. Hinihintay mo ba ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yi Jinli. Hinimas niya ang pi