Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si ‘Jin’, kaya sobrang nag-alala si Ling Yiran na baka may nangyari na dito, lalo na wala itong cellphone para matawagan man lang ito. Kaya nag-aalalang lumabas su Ling Yiran sa kanayang apartment at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa may entrance sa pagbabakasakaling makasalubong niya si ‘Jin’. Pero pagkalipas ng ilang oras, sa wakas naaninag na niyang naglalakad papalapit sakanya ang taong kanina niya pa inaantay. “Jin!’ Sa wakas makakahinga na siya ng maluwag. Samantalang si Yi Jinli naman ay biglang natigilan sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin nalamang sa babaeng tumatakbo papalapit sakanya. Hingal na hingal at namumula ang buong mukha ni Ling Yiran dahil sa sobrang lamig, ngunit bakas sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nito. “Buti naman at nakauwi ka na,” hingal na hingal na salubong ni Ling Yiran. “Ate…. Hinihintay mo ba ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yi Jinli. Hinimas niya ang pi
Pagkalabas nila ng ospital, nagtanong si Gao Congming, “Young Master Yi, gusto niyo po bang dumiretso na sa mansyon, o…?” “Sa Western District tayo.” Sagot ni Yi Jinli. Western District ang lugar kung saan nakatira si Ling Yiran. Walang ideya si Gao Congmin kung hanggang kalian balak ng amo niya na tumira maliit na apartment na ‘yun. Habang nasa byahe papunta sa Western District, biglang may napansin si Gao Congming sa intersection sa may bandang traffic light. “Young Master Yi, si Miss Ling Yiran yung nasa kabilang kalsada na yun, diba?” Tumingin si Yi Jinli sa direksyong tinuturo ni Gao Congmin at nakita niya ang isang payat na babae na nagwawalis sa gilid ng kalsada. Nakasuot ito ng isang reflectorized vest at nakatali ng simple ang buhok nito. Dahil sa lamig ng panahon, sa tuwing humihinga ito ay may lumalabas na usok mula sa bibig nito. Noong oras din na ‘yun, nasaktuhan niya na may isang electric bike ang nagmamadaling hinahabol ang green light at sa sobrang bilis nit
“Wala ka namang ginagawang ilegal, diba?” Pagpapatuloy ni Ling Yiran habang nagsusuot ng medyas at sapatos. Pagkatapos, tumayo siya at naglakad pabalik sa kusina. Napangiti nalang si Yi Jinli habang pinagmamasdan si Ling Yiran na maglakad, sabay bulong sa sarili, “Hay.. Sana nga Ate, hindi kita mabigo balang araw.” — Simula noong gabing nagkagulo sa club, hindi na mapalagay si Ling Luoyin dahil mula noon, hindi niya maintindihan kung anong nangyari kay Assistant Director He. Kinabukasan, hindi ito na pumasok, at noong sumunod na araw, maging ang direktor ay pinalitan din. Wala ni isa sa mga crew members ang may ideya kung anong nangyayari. Pero malakas ang kutob ni Ling Luoyin na konektado ang nangyari kay Assistant Director He sa pagbabago ng direktor, kaya habang iniisip niya kung ano ba talagang naging dahilan, hindi niya maiwasang maikonekta ito kay Ling Yiran. Hindi dito nagtatapos ang lahat… Matapos ang ilang araw, nabalitan nalang niya na kaya pala hindi nagpapakita si
Wala ng nagawa sina Ling Guozhi, Fang Cuie, at Ling Luoyin, kundi ang magkatinginan nalang dahil hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Gusto pa sanang magwala ni Fang Cuie, pero bigla siyang pinigilan ni Ling Guozhi. “Halika na. Siguro ex-convict din ang lalaking yan! Marami talagang klase ng tao sa kulungan. Malay ba natin kung nakulong din yang lalaking yan?” Nang marinig ito ni Fang Cuie, dismayado nitong sinabi, “So, papalampasin nalang natin ‘to?” “Maghintay nalang tayo. Kapag pinag’initan nalang ni assistant Director He si Luoyin, tsaka nalang tayo mag-isip ng susunod na hakbang.” Pangungumbinsi ni Ling Guozhi dahil sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob na hamunin ang lalaking naka engkwentro. Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at pabulong na sinabi, “Talaga bang….ex-convict din ang lalaking yun?” Kahit na hindi niya masyadong naaninag ang itsura ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito ng mahaba nitong bangs, sigurado siyang gwapo ito nang masilip
Noong nasa kulungan pa siya, wala ni isang naging kaibigan si Ling Yiran at tanging si Lianyi lang ang dumadalaw sakanya. Ito rin ang umasikaso ng kaso niya, at kung hindi siguro dahil dito, hindi siya makakalabas ng buhay sa kulungan. Si Lianyi ang nagiisang taong nagbigay sakanya ng suporta sa nakalipas na tatlong taon na tinuturing niyang pinaka madilim na yugto ng buhay niya. “Ang life-saving straw…?” Naramdaman ni Yi Jinli na mahalaga si Qin Lianyi sa buhay ni Ling Yiran kaya interesado siyang nagtanong, “Pero, hindi ba parang nakakatawa namang ituring ang isang tao na life-saving straw? Paano kung yung life-saving straw na yun ay bigla ka nalang iniwan, hindi ka malulungkot?” “Hindi yun gagawin ni Lianyi,” puno ng tiwalang sagot ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit siya biglang nailang sa kalagitnaan ng paguusap nila siguro dahil hindi niya gusto yung pakiramdam na may iba pang pinagkakatiwalaang tao si Ling Yiran, na para bang handa rin
“Gusto ko ‘to!” Sabi ni Yi Jinli habang nagsasalita si Ling Yiran pagkatapos yumuko siya para tignan ng malapitan ang cellphone na napili. Hindi nagtagal, may biglang nagsalita galing sa likod nila, “Oh, Yiran!” Paglingon ni Ling Yiran nakita niya si Miao Jiayu na may kasamang babae. Naglalakad ang mga ito papalapit sakanila at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pagshoshopping. Pagkalapit ng dalawa, naalala ni Ling Yiran kung sino ang babaeng kasama ni Miao Jiayu, si Zhao Mantian, isa rin sa mga naging kaklase niya noong high school. “Nagkita nanaman tayo! Boyfriend mo ba yang kasama mo?” Tanong ni Miao Jiayu habang tinitignan si Yi Jinli mula ulo hanggang paa. Noong hindi sumagot si Ling Yiran, biglang sumingit si Zhao Mantian, “Huy, Jiayu, ano ba yang pinagsasabi mo? Ang balita ko mayaman daw ang boyfriend ni Yiran. Eh hindi naman mukhang mayaman ‘tong lalaking ‘to eh.” “Ang gusgusin!” Pagkatapos magsalita ni Zhao Mantian, tinaasan nito ng kilay sina Ling Yiran at Yi Jinli
Sobrang sampal ‘yun para sakanya. Magkahalong galit at hiya ang nararamdaman ni Zhao Mantian, kaya nagmamadali siyang naglakad papalayo, habnag si Miao Jiayu naman ay pahabol na sinundan ang kaibigan. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa nakita niya at pakiramdam niya ay nanunuod siya ng pelikula. Pagkalabas nila ng bazaar kanina, nakakita niya na nagkukumpulan yung mga tao kaya sumilip siya at doon niya nakita na may grupo ng lalaki ang pinagpupukpok na ang sasakyan na sa tingin niya ay kay Zhao Mantian. “Ano kayang nangyari? May nakaaway kaya siya na naghihiganti sakanya?” Nagtatakang tanong ni Ling Yiran. “Pwede!” Sagot ni Yi Jinli. “Pero, hayaan na nga natin sila.” Hinila ni Ling Yiran ang kamay ni Yi Jinli at naglakad sila papunta sa bus stop. Pero biglang huminto si Yi Jinli sa paglalakad kaya napatingin si Ling Yiran dito. Paglingon niya, gulat na gulat siya dhail sobrang putla nito habang nakatitig ito sa bus stop na pupuntahan nila. “Anong nangyari?” Nagaalalan
“Sige sasamahan kita. Dito lang ako matutulog sa sahig sa tabi ng kama kaya makikita mo ako kaagad kapag dumungaw ka,” pagpapanatag ni Ling Yiran. “Kasya naman dalawang tao dito. Ate, pwede bang dito ka nalang din sa kama matulog?” Pabulong na sabi ni Yi Jinli na parang batang nagpapaawa. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa sinabi ni ‘Jin’ kaya ilang segundo din siyang nakatitig lang dito bago siya tumungo, “Sige.” Agad niyang kinuha ang kumot na nilatag niya sa sahig at humiga sa tabi ni ‘Jin’. Sa totoo lang, hindi niya naisip kung bakit siya pumayag na matulog sa tabi ng isang lalaki. Siguro dahil naawa siya nang makita niya ang mukha nito na parang isang babasaging manika na pwedeng mabasag kahit anong oras, kaya para bigla niya itong gustong protektahan. Nang makapwesto na siya sa kama, pinatay niya na ang ilaw, habang si Yi Jinli naman ay hinawakan ang isa niyang kamay. “Jin, kapag may masakit sayo, sabihan mo lang ako ah.” “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Dahil ba ‘to sa ga