Share

Kabanata 10

“Wala ka namang ginagawang ilegal, diba?” Pagpapatuloy ni Ling Yiran habang nagsusuot ng medyas at sapatos. Pagkatapos, tumayo siya at naglakad pabalik sa kusina.

Napangiti nalang si Yi Jinli habang pinagmamasdan si Ling Yiran na maglakad, sabay bulong sa sarili, “Hay.. Sana nga Ate, hindi kita mabigo balang araw.”

Simula noong gabing nagkagulo sa club, hindi na mapalagay si Ling Luoyin dahil mula noon, hindi niya maintindihan kung anong nangyari kay Assistant Director He. Kinabukasan, hindi ito na pumasok, at noong sumunod na araw, maging ang direktor ay pinalitan din.

Wala ni isa sa mga crew members ang may ideya kung anong nangyayari. Pero malakas ang kutob ni Ling Luoyin na konektado ang nangyari kay Assistant Director He sa pagbabago ng direktor, kaya habang iniisip niya kung ano ba talagang naging dahilan, hindi niya maiwasang maikonekta ito kay Ling Yiran.

Hindi dito nagtatapos ang lahat… Matapos ang ilang araw, nabalitan nalang niya na kaya pala hindi nagpapakita si Assistant Director He ay dahil naospital ito at mukhang baling bali raw ang kanang kamay nito. Kanang kamay… kung tama ang pagkakaalala niya, yun ang kamay na ginamit ni Assistant Director He sa pagsampal kay Ling Yiran.

“Ano ba talagang nangyayari?” Takot na takot na tanong ni Ling Luoyin sa sarili.

Mula noong sumagot si Assistant Director He ng tawag noong gabing ‘yun, bigla nalang nagbago ang pakikitungo nito kay Ling Yiran. Para naman sa lahat ng nangyari kay Assistant Director He pagkatapos ng gabing yun…Nagkataon nga lang ba ang mga yun? O baka naman….May isang makapangyarihang tao talaga sa likod ni Ling Yiran?

Pero kung mayroon talagang pumuprotekta kay Ling Yiran, bakit hanggang ngayon ay nagpapakakuba pa rin itong magwalis ng kalsada?

Dahil sa lahat ng misteryosong nangyayari, hindi na napigilang ikwento ni Ling Luoyin sa mga magulang niya ang buong detalye ng nangyari sa club noong gabing yun. Nang marinig ni Ling Guohzi na pinain ng bunso niyang anak ang panganay niya, nanlilisik ang mga mata nito at galit nag alit na sinabi, “Paano mo nagawang ipain ang kapatid mo? Wala ba talagang…”

“Iinom lang naman. Ano namang masama doon? Isa pa, ginawa lang naman yun ni Luoyin para sa pamilya natin. Ang pagsikat lang ni Luoyin ang natitirang pag-asa ng pamilya natin. O baka naman gusto mo na umasa nalang tayo jan sa panganay mong ex-convict?” Sabat ni Fang Cuie.

Nang marinig nito ni Ling Guozhi, napayuko nalang siya at hindi na nagsalita.

“Papa, sa tingin mo may tumutulong kaya talaga sakanya? Kasi kung wala, bakit bigla siyang pinakawalan ni Assistant Director He tapos nabalitaan ko nalang na nasa ospital na si Assistant Direktor!” Hindi mapalagay na tanong ni Ling Luoyin.

“Ano namang alam ko sa mga nangayyari!?”

“Ikaw pa rin ang tatay niya. Dapat tanungin mo siya. Kung talagang may backer siya ngayon, dapat lang na sabihan niya tayo bilang pamilya niya. Nagaalala lang naman ako na paano kung masamang tao pala ang mga ka-koneksyon niya, siguradong buong pamilya natin ang madadamay. Diba galing siya sa kulungan? Alam mo naman siguro na iba’t-ibang klase ng tao ang mga nandoon. Anong alam natin sa mga nakilala niya!”

Kung ano ang mga salitang lumabas sa bibig ni Fang Cuie noong oras na ‘yun ay yun talaga ang pinaniniwalaan niya dahil sa estado ni Ling Yiran, sinong makapangyarihan o mayamang tao ang magaabalang tulungan at protektahan ito? Malamang sa malamang, may nakilala itong mga masasamang tao sa kulungan at nakikipagtransaksyon ito ngayon.

Biglang kumunot ang noo ni Ling Guozhi at puno ng pagbabantang sinabi, “Subukan niya lang na dungisan muli ang reputasyon ng pamilya natin. Ako talaga mismo ang lulumpo sakanya!”

Habang nagluluto si Ling Yiran ng gabihan at hinihintay si ‘Jin’ na makauwi, may biglang nagdoorbell, kaya nagmamadali niyang binuksan ang pintuan sa pagaakalang nakauwi na ang hinihintay niya, pero ang hindi niya inaasahan ay makikita niya harapan ng pintuan niya nang sandaling ang kanyang tatay, kasama ang step-mother at half sister niya.

Hindi pa man din siya nakakapagsalita, ay walang anu-anong pumasok ang mga ito sa loob ng apartment niya at walang patumpik-tumpik na nagtanong si Ling Guohzi. “May mga nakilala ka bang masasamang tao sa kulungan? Ngayon palang sinasabihan na kita na kapag may ginawa kang kahit anong makakasira sa pamilya natin…wag mong asahang palalampasin kita!”

“Ano bang ginawa ko para magalit ka sakin?” Walang emosyong tanong ni Ling Yiran sa tatay niya.

“May inutusan ka bang balian ng kamay si Assistant Director He? Gusto niya lang namang makipag inuman sayo, at hindi ka naman niya ginalaw. Bakit galit na galit ka kaagad? Nabaliw ka na ba mula noong nakulong ka? Akala mo ba pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mong gawin dahil may mga nakilala kang kampon ng kasamaan sa presinto?” Galit na galit na sigaw ni Ling Guohzi.

“Mukhang totoo nga ang karma. Dapat lang yun sakanya. Isa pa, kung sa tingin mo walang masama sa makipag inuman sa lalaking yun, bakit hindi nalang yang magaling anak mo ang sabihan mong makipag inuman doon. Bakit ako pa?”

“Dahil may malaki kang utang sakanya! Kung hindi dahil sayo, sana…”

“Kung hindi dahil sakin, diba hindi siya kukuning bida noon? Kaya huwag na huwag mong sasabihin sa akin na may utang ako sakanya, dahil kahit kailan hindi ako nagkaroon ng kahit anong utang sa kahit kanino!” Galit nag alit na sagot ni Ling Yiran.

“Ate, kahit kalian hindi kita sinisi. Hindi mo kailangang sigawan si papa.” Sabat ni Ling Luoyin, na para bang siya ang aping api.

Agad-agad namang niyakap ni Fang Cuie ang anak at tinignan si Ling Yiran na may nanlilisik na mga mata. “Yiran, wag mong dalhin dito ang galit mo sa kapatid mo. Ayaw ka lang naman ng papa mo na mapahamak. Kapag nakulong ka ulit, paano nalang ang reputasyon ng pamilya natin!?”

“Ano pa bang punto ng usapang ito? Makinig ka. Pumunta ka ngayon din kay Assistant Director He. Kahit pa lumuhod ka sa harapan niya, gawin mo ang lahat para humingi ng tawad sakanya. Hindi mo pwedeng sirain si Luoyin dahil jan sa ugali mo, naiitindihan mo? Kapag talagang nasira mo ang kinabukasan ni Luoyin, makikita mo talaga ang gagawin ko sayo!” Galit na galit na utos ni Ling Guozhi.

Natawa nalang si Ling Yiran. Sa tingin ba talaga ng tatayniya na uto-uto siya at pwede nalang siyang mauutusan nito ng ganun ganun nalang? O ganun talaga kapag may kinikilingan ang isang magulang, wala itong pakielam sa pakiramdam at kahihiyan ng iba nitong anak?

“Kahit kailan, hinding hindi ako hihingi ng tawad sa kahit kanino. Kung wala na kayong ibang sasabihin, makakaalis na kayo dahil hindi kayo welcome dito,” Pasinghal na sagot ni Ling Yiran.

Nang marinig ni Ling Guozhi ang sinabi ni Ling Yiran, lalo lang itong nagalit. “Anong tingin mo sa sarili mo!?”At bigla niyang ininagat ang kamay niya, na aktong sasampalin niya ito.

Dahil sa gulat, biglang napaatras si Ling Yiran, pero pagkahakbang niya, bigla niyang naramdaman ang kirot mula sa namamaga niyang bukong-bukong.

Hindi pa ganun kagaling ang paa niya na nainjured nang dahil sa electric bike!

Nakikita na ni Ling Yiran na dadampi na ang kamay ni Ling Guozhi sa mukha niya pero wala siyang hindi niya alam kung paano siya iilag, kaya pumikit nalang siya pero nang akala niyang tatamaan na siya ng kamay ng tatay niya, may isang kamay ang biglang humawak sa kamay nito.

“Jin!” Malakas na sigaw ni Ling Yiran, na para bang nagtatawag ng kakampi. Maging siya ay hindi rin niya inaasahan na darating si ‘Jin’ sa saktong oras.

Nanlilisik ang mga mata ni Yi Jinli habang isa-isang tinitignan ang tatlong taong nasa harapan niya at ayon sa sa mga impormasyong nakuha niya patungkol kay Ling Yiran, alam niya na ang lalaki ay ang tatay nito, samantalang ang dalawang babae ay ang stepmother at half sister nito.

“Labas!” Galit niyang sabi.

“Sino ka sa palagay mo para pigilan akong saktan ang sarili kong anak?! Tabi jan!” Pasinghal na sabi ni Ling Guozhi, habang ang kamay niya ay halos mapuputol na sa sobrang higpit ng hawak ng lalaki.

At biglang hinila ni Yi Jinli si Ling Guozhi at saka ito itinulak ng malakas palabas ng apartment.

Dali-dali namang sumunod sa labas sina Fang Cuie at Ling Luoyin para tulungang tumayo si Ling Guozhi.

“Yiran, bakit hinahayaan mo yang lalaking yan na ganituhin ang tatay mo?” Galit na sigaw ni Fang Cuie.

“Sino ba yang lalaking yan?” Gigil na gigil na tanong ni Ling Guozhi. “Ah.. Ang galing mo talaga Ling Yiran. Pagkatapos mong makulong, ngayon may karelasyon ka namang basagulero…”

Bagmat puno ng galit, hindi na maituloy ni Ling Guohzhi ang sinasabi niya dahil napangibabawan siya ng hindi maipaliwanag na takot habang tinitigan ng lalaking nasa harapan niya, na para bang isa itong mabangis na halimaw na kapag nagpatuloy pa siya sa pagsasalita ay bigla nalang siyang kakainin nito ng buhay.

"Bang!"

Walang anu-ano, malakas na ibinalibag ni Ling Yiran ang pintuan ng kanyang apartment.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status