Share

Kabanata 2142

Galit na nagsalita si Rosalie, “Bata! Sino ka para bastusin ang pamilya Schulz!”

Ngumiti si Charlie, “Oh? Binabastos ko ba sila? Sinasabihan na kita bago pa mahuli ang lahat, sisiguraduhin kong magmamakaawa si Cadfan Schulz at Sheldon Schulz sa mga paa ko balang araw!”

Nakaramdam ng bagting si Rosalie sa ulo niya at para bang sasabog na siya!

Si Cadfan ang lolo niya at si Sheldon ang ama niya!

Salamat sa brainwashing ng nanay niya simula kabataan niya, matagal niya nang hinahangaan ang ama niya.

Kaya, sa pagkakataong ito, gusto niyang patayin si Charlie para sa pang-iinsulto nito sa tatay niya!

Hinatak niya ang isang maliit na kutsilyo mula sa kanyang baywang at nagsalita siya sa isang malamig na boses, “Bata, maghanda ka nang mamatay! Tanggapin mo ito!”

Sumunod, umamba si Rosalie habang galit na galit papunta kay Charlie!

Sa pagkakataong ito, nilalamon siya ng kanyang galit kaya wala na siyang paki kung sino ang mas malakas sa kanilang dalawa o kung sino ang mananalo sa laban.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status