Share

Breaking The Billionaire (Filipino)
Breaking The Billionaire (Filipino)
Author: Josephia

Prologue

Ava Sofia POV

I felt Dominic's arms encircling around my waist. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko sa galaw niya na iyon. Kahit ilang buwan na ang tinagal ng relasyon naming dalawa ay naiilang pa rin ako at hindi sanay.

Paano ba naman kasi? Si Dominic Montoya ito! 'Yong pinakasikat at gwapo sa campus namin. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Kilala ang pamilya niya dahil sila ang may-ari ng Montoya Airlines.

At hindi ko aakalain na siya pa ang magiging first boyfriend ko! Matagal na rin akong may gusto sa kanya. First year high school pa lang ako ay nakikita at napapansin ko na siya. Lagi niyang kasama 'yong mga kaibigan niya. Sikat din siya dahil mahilig siyang kumanta at sumasali siya sa mga contests at minsan ay nagpeperform siya kapag may mga event dito sa campus.

"Wait lang babe, punta lang akong banyo." Dominic whispered and kissed my cheeks. Tumango naman ako at tiningnan siyang naglakad papunta sa isang pasilyo.

"Ava? Drinks?" nag-angat ang tingin ko nang makita sa aking gilid si Jacques hawak ang isang glass na may laman.

"Don't worry, it's just a juice!" nakangiti niyang sambit. Inabot ko naman iyon dahil may tiwala naman ako kay Jacques. Jacques Conde is just like Dominic, both came from rich family at maganda ang lahi.

"Where is your boyfriend?" he asked habang nasa mga nagsasayaw ang tingin.

"Nagpunta lang cr," mahinang sagot ko tama lang na marinig niya. Tumango siya at bumaling sa akin.

"Is he really serious with you?" Napakurap naman ako sa tanong niya pero hindi ako nakasagot. Nagpaalam saglit si Jacques dahil tinawag siya ng schoolmate namin.

Andito kami ngayon sa bahay ng kaibigan ni Dominic dahil birthday nito. Andito rin ang ibang taga campus at kakilala namin.

"What the hell!" bulalas ko nang maramdaman na may tumapon na kung anong malapot sa buong katawan ko, napatayo pa ako.

Nakarinig ako nang tawanan at sigawan sa nangyari. "Freaky Ava! Ang taba mo talaga!" Umangat ang tingin ko na marinig ang boses ni Bianca. Nasa hagdan siya at kasama niya ang isa niyang alipores na bitbit ang isang timba.

Nakapalibot na sa akin ang mga tao at balot na ng tawanan ang paligid. Gusto kong umalis sa pwesto pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Dominic, where are you? Nag-iinit na ang mata ko sa nangyayari.

"Ava? Bianca! What are you doing?!" Jacques shouted at hinila ang braso ko kahit puno ng slime.

Biance laughed, "Jacques! Ava's knight in shining armor! Sorry, but you're late!" she exclaimed. Hinanap ng mata ko si Dominic at ganoon na lang ang sakit sa dibdib ko nang makita siya sa likod si Bianca at malamig ang matang nakatanaw sa amin.

"Masyado kang natutuwa sa kung ano ang meron sa inyo ni Dominic but let's put this show to an end." Hinigit niya ang braso ni Dominic at kumapit siya rito.

"Dominic will never fall in love with you. Diba, baby?" Tumingin siya kay Dominic at nakita ko ang pag-iling nito. Napamura sa tabi ko si Jacques at hinigit pa ako. Pinigilan ko siya.

"No! Dominic, you said you love me!" I shouted.

Natahimik ang paligid, maging ang tugtog ay nawala. He said he loves me! He saved me from Bianca's bullying acts. He courted me! He made me feel so special and loved! I gave him my sweetest yes!

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko siyang magsalita na ikinaguho ng mundo ko. "It was just for a show. Hindi ko alam na mahuhulog ka pala talaga," malamig niyang sambit.

"Kahit kailan hindi ako papatol sa isang kagaya mo, Ava."

Jacques cursed at Dominic. Nagpahila na ako sa kanya at dinala niya ako sa labas ng bahay. Huminto kami sa isang kotse at inabot niya sa akin 'yung coat niya. Nagsimulang magsitulo ang mga luha ko at humagulgol ako sa harapan niya.

This is the first time that my heart shattered into a million pieces by someone na pinagkatiwalaan ko. I gave my heart to him and all I ever did was to love him, at hindi ko akalaing palabas lamang ang lahat ng iyon.

How could he do this to me? Habang nasa kotse ay nakatingin lang ako sa labas. Jacques insisted to drive me home at pumayag naman ako.

I will never forget this night where my heart got broken. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga taong iyon, ang mga taong nanakit sa akin. And someday, they will going to pay for what they did to me.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yu Rii
hello, napadaan lang hehe
goodnovel comment avatar
jen_26jen
Tapos Sa huli sila PA din kahit ginawa ka NG TANGA. Magsama kayo NG author. Katangahan...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status