Share

Chapter 7

Ava Sofia's POV

Huh? Sinusundo ako?

I pulled my gaze away from Montoya and looked down to Ava Bailey na nakaakap pa rin sa akin at halatang tuwa-tuwa na makita ako.

Napatingin ako kela Sheen at Dave na nakanganga. Nakakapit na nga si Sheen sa braso ni Dave eh! Oh my god! What the heck is happening?

"Tita! I miss you! Did you miss me too?" humagikgik pa siya at humigpit ang akap sa akin. Hindi pa rin ako makaimik sa nangyari.

"Tita! That flower is so beautiful, kanino galing iyan?" tanong pa niya. Nakahiwalay na siya sa akin at nasa harap na siya ng Daddy niya na mataman nakatingin sa akin at sa hawak ko.

Narinig ko ang pagtikhim ni Sheen kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mata, na parang sinasabi na "Umayos ka!" kaya lumunok ako at pinakalma ang sarili ko. Hinarap ko si Montoya at ngumiti.

"Good morning, Mr. Montoya, bakit po kayo andito?" diretso kong tanong. Good thing ay hindi ako nautal! Kundi mayayare na!

Montoya pursed his lips at binuhat si Ava. Nailapit ko pa 'yung hawak ko dahil inaabot ni Ava at halatang nagustuhan ito.

"B-Bailey wants to see you. I told her na pupunta ka naman ng office but she insisted to see you." Montoya said in a flat tone pero mukhang nag-alangan pa siya sa una.

Pilit akong ngumiti at tumingin kay Ava. "Parang kakakita lang natin nung isang araw baby ha? Miss mo na ako agad?"

Tumango ito at biglang akong hinablot para halikan sa pisngi. Nanlaki pa ang mata ko dahil ang lapit ng mukha namin ni Montoya! Halatang nagulat din siya kaya napaatras ang ulo niya. He smells so good! What the hell, Ava Sofia! Narinig ko ang pagsinghap ni Sheen, kaya agad ko ring binawi ang ulo ko kay Ava Bailey. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa ng bata.

"You're so bango, Tita! Just like Daddy!" natatawa niyang sambit at umakap sa leeg ng Daddy niya. Napatikhim ako at tumingin kela Sheen na kanina pa parang matatae sa nakikita.

"Ngayon na po ba natin sisimulan 'yung interview?" I asked him in a low voice. Para akong mauubusan ng hininga!

He nod and look at Sheen and Dave's side. "If you're not busy, we can, but I think, naistorbo ko ata kayo."

Nakita ko ang pag-iling ni Sheen at iwinagayway pa ang kamay. Sheen! "Ay naku! Hindi po sir! Kakain lang dapat kami!"

"Sheen!"

Lalapit na sana ako sa kanila pero umatras siya at kumapit kay Dave. "Ay, una na po kami! Bye, Ava!" sigaw ni Dave na ikinalaglag ng bibig ko at nakita ko ang pagtakbo nila palabas ng building.

What the hell? Iniwan talaga ako? Mga kaibigan ko ba talaga iyon?

Napalunok ako at mariin na pumikit bago hinarap ang mag-ama. "Daddy, bring me down!" narinig kong sambit ni Ava.

"Tita Ava, they are your friends?" bumaba ang ulo ko at tiningnan si Ava.

"Y-Yes, baby! They're my friends, sayang hindi na kita napakilala, nagmamadali kasi sila!" natatawa kong sabi. Tumango naman ito at hinawakan ang kamay ni Montoya.

"Daddy, I'm hungry, can we eat? Let's bring Tita Ava!"

Nanlaki naman ang mata ko at nailing. "Naku, Ava! Nakakahiya at saka—" Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko nang magsalita si Montoya na ikinataas ng kilay ko.

"Join us, it's just the three of us."

"Ha? Huwag—"

"Yehey!" Biglang pumalakpak si Ava at inakap pa ang Daddy niya. Bumagsak na lang ang balikat ko sa narinig. I want to back-out! Gusto ko magpalamon sa lupa! Bakit naman kasi iniwan ako rito!

Napansin ko sa paligid na may napapalingon sa amin, lalo na 'yung iba kong kaworkmate na nanlalaki pa ang mata. Paano ba naman kasi! May hawak akong bouquet tapos kaharap ko pa 'tong mag-ama na 'to. Mamaya mapagkamalan pa kaming — argh! Ayoko nang banggitin! Mag-iinit lang ang ulo ko!

Bumuga ako ng hangin at tumingin kay Montoya na mataman na nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. Ang hirap!

Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay niya na parang sinasabi na "Ano na?"

"Kaso pwede ko po bang iakyat muna ito sa taas? Dahil mabigat? At saka kukunin ko na rin po ang tablet ko, andoon kasi ang notes," paliwanag ko. Sinusubukan kong mag-po kahit na magkasing-edad lang kami at kahit na gustong-gusto ko siyang sungitan at tadyakan sa inis!

"Tita Ava! That's okay! Bring that with you, ang ganda kaya!" ani Ava.

Nginuso ko ang bouquet at tumingin sa kanya, "Nakakahiya kasi.."

"Bring that with you, let's go, gutom na ako." Montoya said at nauna nang maglakad sa amin. Wala sa sariling naiangat ko ang kamao ko sa ere na nakasarado ay kunwaring susuntukin siya kahit malayo pero bigla siyang humarap kaya natigil sa ere ang kamay ko. Bwiset talaga!

"Let's go, Bailey." He called his daughter at sumulyap sa kamao ko. He smirked and turned his back again from us. Naibaba ko tuloy iyon.

Ava hold my free hand and jump with joy. "Tara na po! I'm so excited! Pinilit ko pa si Daddy to see you this quick!" dagdag pa niya at nilapit sa pingi ang back hand ko na parang kinikilig.

Ngumuso naman ako dahil ang sweet ng batang ito! Buti na lang hindi nagmana sa tatay niyang kapatid ni satan! Ang nagpapagulo ng isip ko ay bakit kailangan pa pumunta rito? Eh, pupunta naman ako sa office ni Montoya mamaya!

Umirap na lang ako at sumunod sa paghila sa akin ni Ava papasok sa isang Restaurant na nasa building namin, doon din kasi pumasok ang Daddy niya. Agad naming natanaw si Montoya na nakatayo sa isang four seater na table seat.

"Daddy, I want chicken ha!" sigaw ni Ava kahit papalapit pa lang kami sa Daddy niya.

"And I want to sit with Tita!" dagdag pa niya.

"Baby, take it slow. Hindi naman makakaalis si Sof— I mean Tita A-Ava mo," he said. Halatang pinigilan ang sarili na tawagin akong Sofia.

Don't call me that, jerk! I swear, sasamain ka talaga sa akin! Tinulak kasi agad ako ni Ava para makaupo malapit sa bintana. Naupo naman ako at nilapag ko sa may mesa ang bulaklak.

Umupo naman sa harap namin ni Ava Bailey si Montoya at may inabot samin na menu. Buti na lang at nasa bulsa ko ang wallet ko at may laman kahit papaano!

Binuksan ko 'yung menu at namili. Napansin ko ang paghawak ni Bailey sa braso ko at halatang gusto makita ang menu kaya pinantay ko iyon sa kanya para matanaw niya.

"Ano sa'yo baby?" I asked her. She flipped the pages at nang makahanap ay tinuro niya iyon.

"I want chicken and vegetable deluxe!" masaya niyang sambit.

"How about you, Tita?" she asked at tumingala pa para mahabol ang mata mo. I smiled at her at tinuro ang salad at striploin steak. Buti naman at kumakain ng gulay itong bata na 'to! May ibang bata kasi na umiiyak talaga bago mo sila mapakain ng gano'n.

"I also want salad!" aniya, my forehead creased.

"You also want that? May vegetables deluxe ka na kaya, baka hindi mo maubos 'yon? Sayang naman!" paliwanag ko sa kanya.

"If you want, let's just share!" dagdag ko pa. Mabilis naman siyang tumango at pumalakpak.

"Tapos tag-isang rice tayo, uubusin mo 'yon ha? Bawal magtira!" she laughed at what I've said, kaya mahina rin akong natawa.

"Matakaw po ako! I can finish a two cups of rice!" pagmamalaki niya at tinaas pa ang dalawang daliri.

Sinundot ko naman siya sa tagiliran. "Weh? Totoo ba iyan? Baka naman pinapaubos mo lang sa mga yaya mo!" she shooked her head and pouted her small red lips.

"Nope! Matakaw po talaga ako, look! I have a big tummy!" Hinawakan pa niya ang tiyan niyang halatang pinabilog niya. Nilagay ko ang kamay ko para hawakan iyon pero natawa lang siya. May kiliti siya!

Bigla naman niyang hinawakan ang tiyan ko at kinapa iyon. "Ikaw, tita? Bakit wala kang big tummy like me? Look! It's flat!" diniin niya pa ang kamay niya sa stomach ko pero flat talaga iyon kaya mas natawa ako.

I touched again her fluppy tummy and smiled at her. "I also have this kind of tummy when I was a teenager!"

Namilog ang mata niya. "Really? Just like this one or mas malaki pa po?" she asked.

"Mas malaki pa diyan!" sambit ko. Kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka pero hindi na ako nagsalita.

Nakarinig kami ng pagtikhim kaya napatingin ako sa pwesto ni Montoya. Masyado ata kaming natuwa ni Bailey sa pagkekwentuhan at hindi namin napansin na andito pala ang Daddy niya. Inirapan ko na lang siya at tinaas ang kamay to call the waiter's attention.

Umorder naman kaming tatlo. Ilang minuto ang nakalipas at dumating na rin ang order. Nakita ko pang hinawakan ni Montoya 'yung flowers at nilagay sa tabi niya dahil ilalagay ang pagkain sa mesa. Walang nagsasalita sa amin kanina habang naghihintay, kami lang ni Bailey ang naguusap.

Sa private school pala siya nagaaral malapit lang din sa kung saan kami tumitira! She's already in grade two pero six years old pa lang siya! Tapos everyday ang pasok niya at minsan may nagsusundo lang sa kanya na tauhan ng Tatay niya, if his dad is not busy, ito ang magsusundo kay Bailey.

"Tita, your flower is so beautiful. I also love tulips! Sino po ang nagbigay sa iyo no'n?"

"Ha? Ano?" Napatingin ako sa kaharap ko na seryoso sa kinakain niya.

"From my friend, Bailey."

"Friend?"

"Ahm, yes baby," sambit ko.

Tinulungan ko naman siya sa chicken niya buti na lang at may boneless sila para hindi na rin mahirapan si Bailey sa pagkain. Mangha na mangha pa ako sa kanya habang kumakain siya ng gulay! So cute! I wanna take her home!

"Eat, finish your food, don't stare too much at my daughter." Nanliit ang mata ko nang marinig ang boses ni Montoya.

Nakatingin pa siya sa akin habang sumusubo! Paepal! Ang damot, titingin lang naman! I pursed my lips when I saw him moved one plate papunta sa harap ko.

"Also eat that, ang payat mo na, Sofia."

Biglang nag-init ang ulo ko nang marinig ang pangalan na "Sofia". I tilted my head and angrily looked at him. He's just looking at me na parang wala lang! The nerve of this guy!

"Call me Ms. Hidalgo or whatever you want, just don't call me that!" I hissed.

Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya and looked at me, confidently and cockily before saying something that make me want to punch him.

"So, can I call you baby, then?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhiebz L'Ballera Basa
ilove it...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status