Share

Chapter 8

"O-ONYX! Hehe. Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isa sa mga lalaki.

"Bitawan niyo si Rosanne."

Dahan-dahan akong binitawan ng lalaking nakahawak sa akin. Mabilis akong naglakad ulit. Walang lingunan akong nagpatuloy sa paglalakad. Mali-late na ako at nakakainis dahil bad shot agad ako sa mga teachers ko ngayon.

"Rosanne!" Ikinagulat ko nang may humawak na naman sa braso ko. "Ayos ka lang?"

Nilingon ko ito at saka nginisian. "Bitawan mo ako kung ayaw mong sa'yo ko ibaling ang pagka-badtrip ko."

"I'm s-sorry." Agad na binitawan ni Onyx ang braso ko.

Wala itong nasabi nang simulan ko na ulit ang paglalakad. Nagmamadali kong tinahak ang daan papunta sa PNHS. Halos takbuhin ko pa nga ang gate sa pagmamadali.

Nang makarating sa gate ay agad kong naalala ang assignments kong ginawa kagabi. Nadala ko ba ang mga iyon o naiwan ko sa study table sa kwarto? Napairap ako sa kawalan dahil sa sarili ko na namang katangahan.

Habang naglalakad at nagmamadali papunta sa classroom ay binuksan ko ang bag at sinipat kung nandoon ang mga notebook na sinagutan ko ng assignments. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita doon ang mga kailangan ko. Mabuti naman.

Nang akmang isasara ko na ang zipper ng bag ay saka naman may bwisit na bumangga sa akin. Napabuntong-hininga ako saka tiningnan ang mga notebook kong nalaglag na sa sahig. Kung minamalas ka nga naman. Kanina pa akong umaga nakakahalata, ah. Ano bang mayroon sa araw na ito at hindi ako tinitigilan ng kamalasan?

"Sorry, hindi ko sinasadya," dinig kong pagsasalita ng lalaki. Pinulot din nito ang mga notebook kong nalaglag.

Nang tingnan ko ito ay napasinghal ako nang makilalang si Angelo ito. Hindi na lang ako nagsalita pa at nagmadali na lamang kunin ang mga notebook.

Nang marinig ang bell ay mabilis akong tumakbo papuntang classroom. Dinig kong tinatawag ako ni Angelo pero hindi ko man lamang siya nilingon dala ng pagmamadali. Pasalamat na lamang at nakaabot pa ako sa pagsisimula ng unang period.

"Bakit ganiyan ang hitsura niyan? Parang hindi naligo, ang haggard lang bhie."

"Ano ka ba, maligo man iyan o hindi chaka pa rin iyan."

"Kunsabagay."

Hindi na naman nakatakas sa pandinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa akin. Blangko ang ekspresyon ko silang tiningnan dahilan para magsibalikan sila sa mga ginagawa.

"You need to write a short story, minimum of 500 words. You will pass it before lunch break. Maliwanag?" tanong ng teacher sa unahan.

Sari-sari naman ang reklamo ng mga kaklase ko.

"Kainis, mamaya na agad?"

"Pwede bang bukas na lang ipasa, Ma'am?"

"Pa-extend po!"

Ikinagulat nang lahat nang paluin ng teacher sa unahan ang blackboard. Lahat kami ay napunta sa kaniya ang atensyon. "Wala tayo sa computer shop para magpa-extend kayo! Ang deadline ay deadline! Gusto niyo bang ang i-extend ko ay ang minimum word count ng gagawin ninyong kuwento?"

Nagsitahimikan lahat. Mga natakot siguro na madagdagan ang gawain. Tss.

"Ibibigay ko sa inyo ang buong oras ng klase natin para gawin iyon. Now, start doing it!"

Hindi na nakapag-reklamo pa ang mga kaklase ko. Kaniya-kaniya na silang kumuha ng mga gamit sa bag, ganun din naman ang ginawa ko.

At para hindi na mahirapan ay hinanap ko na lamang ang writer notes ko. Mas madali akong makakagawa ng stories sa tulong noon. Well, perks of being a writer.

"Nasaan na 'yun?" bulong ko sa sarili nang hindi mahanap ang kailangan. "Nasa bag ko lang 'yun lagi eh. Saan ko ba 'yun nailagay?"

Nang hindi talaga mahanap ay napagdesisyunan kong gumawa na lamang ng panibagong story. Quota ka na talaga sa akin ngayon kamalasan!

---

"Hala, anong nangyayari?!"

"Ang nag-iisang Angelo Francisco ay binibigyan ng bulaklak ang nag-iisang Queen Bee? OMG, imma faint!"

"Nililigawan ba niya si Queen? Ano ba iyan, crush ko pa naman si Angelo!"

"Huwag ka nang umepal, bagay naman sila. Ang isang queen ay sa isang king lamang nababagay."

Lumagok ako ng tubig habang pinagmamasdan si Sheena sa tabi ko. Kilig na kilig ito habang tinatanggap ang bulaklak na bigay ni Angelo.

"T-thank you. You're so sweet talaga."

Nginitian siya ni Angelo saka ito nag-snap ng daliri. Ikinagulat ng lahat nang bigla-bigla ay may pumasok na gitarista. Agad nitong kinalabit ang tangan na gitara.

Umusbong ang nakakairitang ingay dahil doon. Nang tingnan ko naman ang kapatid ko ay halos mapunit na ang bibig sa sobrang lawak ng pagkakangiti. Kung kami lang siguro ang nandito sa canteen ay baka nagtitili na ito.

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka 

Sino ba 'tong mukhang gago?

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Lalong umingay sa canteen nang magsimulang kumanta si Angelo. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi nito habang inaawit ang liriko ng kanta.

Meron pang dalang mga rosas

Suot nama'y 

Maong na kupas 

At nariyan pa ang barkada 

Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Hindi na nakapag-pigil pa si Sheena at bahagya na akong napisil sa braso. Kilig na kilig talaga ang kidot.

Puno ang langit ng bituin 

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito 

Sana'why maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko 

Sa isang munting harana para sayo

Natapos ang awitin na iyon nang hindi man lang sumasara ang bibig ng kapatid ko. Nakangiti lang siya sa buong pagkanta ni Angelo.

Iyon 'yung mga ngiting hindi ko lagi sa kaniya nakikita. Nanlambot ang puso ko nang makita iyon. Ang sarap lang sa pakiramdam na makitang masaya ang isa sa mga taong mahalaga sa'yo.

Ikinagulat ng lahat nang biglang may mga estudyanteng pumasok sa canteen na may dalang banner. Napatakip sa bibig niya si Sheena nang itaas ng mga ito ang dala.

LET'S TAKE IT TO ANOTHER LEVEL.

LET ME COURT YOU, MI AMOR.

Napatakip pa rin sa bibig niya si Sheena. Hindi makapaniwala ito, kahit din naman lahat ng narito sa canteen ay ganun din. Tumingin sa akin si Sheena na para bang humihingi ng permiso.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka tumango. Kung ang bagay na ito ang magpapanatili ng mga ngiti niya'y hindi ako tututol. Wala ako sa lugar para pigilan siyang sumaya.

Nginitian ako ni Sheena at saka niya binalingan si Angelo. Parehas silang hindi mawala ang ngiti sa mga labi. "Y-yes, Angelo. Pumapayag akong magpaligaw sa'yo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status