Share

Chapter 9

"Y-YES, ANGELO. Pumapayag akong magpaligaw sa'yo."

Matapos iyong sabihin ng kapatid ko ay saka nagsitilian ang mga estudyante sa loob ng canteen. Irita na lamang akong napairap dahil sa kaingayan nilang lahat.

"OMG! Kinikilig ako!"

"Sana hindi na pahirapan ni Queen manligaw si Angelo. Bagay naman silang dalawa eh!"

"Knowing our Queen, hindi iyan basta-basta pumapatol sa kahit na sino. And I get her, masiyado siyang maganda to let her standards fall."

"Yieee!"

Hindi pa rin nawala ang nakakairitang ingay kahit ilang minuto na simula nang payagan ni Sheena na manligaw si Angelo.

Lumabas na lamang ako ng canteen para hindi na marinig pa ang tilian nilang para bang kinakatay ng baboy.

"Rose!"

Agad akong napalingon nang biglang may tumawag sa akin sa loob ng canteen. Nang makitang si Angelo iyon ay saka nagsalubong ang mga kilay ko. Ano bang kailangan ng hunghang na 'to?

Nawala ang nakakabinging sigawan at lahat ay napunta ang atensyon sa amin ni Angelo. Bakit nga naman niya ako tatawagin?

"W-wala."

Napangiwi ako sa sagot niyang iyon. Pampasayang ng oras, tss. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng canteen na iyon at pagpunta sa classroom naming walang tao. Lahat ay nasa canteen pa at mukhang nakiki-intriga pa sa buhay pag-ibig ni Sheena.

Dahil sa kawalan ng tao at katahimikan ay naisipan kong magbasa na lamang. Tutal ay hindi ko pa naman tapos basahin 'yung second volume ng libro ni JelayAce. Binunot ko ang libro sa aking bag saka ako pasalampak na umupo sa silya.

"Salamat."

Gulat akong napaayos ng upo nang makarinig ng boses sa bandang likuran. Sa sobrang pagkalibang sa pagbabasa ay hindi ko na namalayang may tao pala akong kasama.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi maitago sa boses ko ang pagkairita.

"I just want to thank you." Tumabi sa akin si Angelo.

"Para saan? At saka nasaan 'yung kapatid ko?" Nagpalinga-linga ako para hanapin ang kinaroroonan ni Sheena.

"Pumunta na siya sa classroom nila. May gagawin pa raw siya, eh."

Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nakailang pahina na ako nang bigla na namang umimik ang hunghang.

"Ganiyan ka ba talaga?"

Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan, naghihintay sa kung anuman ang gusto niyang sabihin. Kung pwede lang sanang itaboy siya ay kanina ko pa ginawa.

"You put up a strong front just to push people away."

Nginisian ko siya. "Ikaw, ganiyan ka ba talaga?"

"What am I?"

"Judgemental ka ba talaga?"

"Saang parte kita hinusgahan?" tanong ng lalaki sa akin na para bang na-offend pa siya.

"Hulaan mo." Hindi na ako nag-atubiling pakinggan pa kung anuman ang sasabihin pa niya. Mabilis akong tumayo at saka lumabas ng kwartong iyon. Wala pa namang klase kaya tatambay muna ako kahit saan, basta hindi kasama ang hunghang na lalaking iyon.

At saka pinasalamatan niya ako. Para saan naman? O baka naman trip lang niya magpasalamat. Ewan ko ba, bakit ko pa ba iniisip ang hunghang na iyon? Naiisip ko pa lang ang mukha niya naiirita na ako sa hindi ko malamang dahilan.

Pero gwapo siya, hindi ba?

Di hamak na gwapo siya kaya nga crush siya ng mga estudyante dito, eh. Pero hindi siya 'yung gwapong kahuhumalingan ko. Tss, hindi siya 'yung mga tipo ko. Oo na, masiyado na akong choosy para sa isang pangit na tulad ko. Tss. Basta naiinis ako sa mukha ng lalaking iyon kapag nakikita ko!

Dumiretso ako papunta sa sementadong bench. Ito 'yung lugar kung saan ako nagbasa noong unang araw ko rito sa PNHS. Sinilip ko pa muna ang classroom namin kung may teacher na pero mukhang wala pa.

Binuklat ko ulit ang libro at saka pinagpatuloy ang pagbabasa. Bwisit kasing Angelo iyan, eh! Imbis na maganda na ang pagkakaupo ko sa classrom nanggulo pa!

Nasa gitna ako ng pagbabasa nang may masipat akong isang taong pamilyar. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka kamukha lang. Ipinagpatuloy ko na lamang ang naudlot na pagbabasa.

"Rosanne!"

Ikinagulat ko nang marinig iyon. Napatingin ako sa tumatawag at napamura ng malutong sa isip. Anong ginagawa ng taong iyan dito?

"Rosanne! Talk to me, please."

Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa amin na ang atensyon. Agad ko naman siyang hinila papunta sa lugar kung saan kami lamang ang naroroon.

"Mag-usap tayo, Rosanne. Pakiusap."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Tumigil ka na, Onyx."

"Bakit ba hindi mo ako kausapin ng maayos? Bakit hindi natin pag-usapan ang tungkol sa atin? Umalis ka na lang ng walang pamamaalam, kahit naman sino gan'to rin ang gagawin kung sila ang nasa katayuan ko."

Gusto ko sanang magsalita pero pinanatili kong tikom ang bibig. Napakuyom ang kamao ko at nagsimulang manginig.

"Let's talk about this, Rosanne. Hindi maaayos ang relasyon natin kung puro ka ganiyan."

Napakapit ako sa sariling palda. Baka sakaling matanggal ang panginginig ko dahil doon. Nangilid ang mga luha ko nang biglang may pumasok sa aking mga alaala.

"Akala mo ba mahal ka niya? Pucha, sinong magmamahal sa'yong pangit ka?!"

"Niloloko ka lang niya! Gusto mo ng patunay?"

"Ayan oh, may kaakbay pang babae. Hindi ka pa rin ba nanininiwalang niloloko ka lang niya?"

"At saka hindi mo ba naiisip, ginagamit ka lang niya?! Lagi nga siyang nagpapagawa ng assignment sa'yo, eh."

"Ayaw mo pang maniwala? Ayan! Picture nila nung babae habang naghahalikan sila!"

Bago pa pumatak ang mga luha ay tinalikuran ko na siya. Pero napatigil din ako paglalakad nang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha na marahas ko na lamang pinunas sa aking pisngi.

"Aalis ka na naman? Tatakbuhan mo na naman ako? Pucha naman, Rosanne! Pagod na akong maghabol sa'yo!"

Nagsalubong ang mga kilay ko saka siya diretsong tiningnan. "May sinabi ba akong maghabol ka? May sinabi ba akong bumuntot ka sa akin?"

"Dahil hindi mo naman kailangang sabihin! Nasa isang relasyon tayo, Rosanne! Kahit sinong tao maghahabol kapag mahal nila 'yung tao! Ang relasyon natin ay hindi isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo!"

"Tss. Bakit mo ikukumpara ang relasyon natin sa isang kanin? Tanga ka ba? Kung ako sa'yo, isipin mo kung anong maling ginawa mo. Baka sakaling malinawan ka at masagot na lahat ng mga walang kwenta mong tanong." Hinila ko ang braso kong hawak niya saka ko siya iniwanan. Nang magsipatakan ang mga luha ay marahas kong pinunasan ang mga iyon. Bwisit na araw 'to puro na lang kamalasan ang ibinibigay sa akin!

Gray

You can follow me on my social media account! ***: Gray Lozano https://www.***.com/gray.writes.144 If you have messages or inquiries, here is my email! gray.goodnovel@***.com Thank you for reading and always stay safe!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status