Share

Chapter 10

NANG makitang may mga tao na sa classroom at nagsisimula na ang klase ay pumasok na rin ako. Bahala na sila kung anuman ang iisipin nila sa hitsura ko ngayon. Wala na akong pakialam kung mas lalo akong pumangit sa mga mata nila. Bulagin ko pa sila, eh.

"Tingnan mo, umiyak siguro iyan."

"Baka na-bully."

"Hindi naman na nakakagulat, ang pangit kaya niya. Nakakapagtaka naman kung walang mambubully sa kaniya, 'no."

Blangko lamang ang ekspresyon ko habang umuupo sa silya ko sa unahan ng klase. Lahat ay nasa akin ang atensyon.

"Ano?" salubong ang kilay at pasigaw kong tanong. Kaniya-kaniya naman silang nagsipag-balikan sa mga ginagawa. Nagpatuloy na rin sa pagtuturo ang teacher sa unahan.

"Ngayong kumpleto na kayong buong klase, ipapakilala ko na ang bago niyong magiging classmate. Transferee siya mula sa school kung saan din nag-aral ang kaklase niyong si Rose." Ngiting-ngiti na sabi ng teacher saka sinenyasan na pumasok ang kung sinuman na nasa labas ng classroom.

"OMG! Ang gwapo!"

"May bago na akong crush!"

"Since may nililigawan na si Angelo, siya na lang ang crush ko!"

"Tapakan mo ako, kuya!"

Hindi ko kita kung sino ang bagong transferee at wala akong interes na alamin pa. Isinandal ko ang noo sa desk, handa nang matulog.

"Why don't you introduce yourself with your new classmates?" malumanay na tanong ng guro.

"Onyx Villaverde." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Nawala ang antok ko at agad na naitaas ang noo sa pagkakasandal sa desk. Ano bang ginawa kong kasalanan noong past life ko at pinaparusahan ako ng ganito?

"Pwede ka nang maupo sa bandang likuran, you can seat on those vacant seats."

"I prefer to sit here," Ikinagulat ko nang biglang umupo si Onyx sa tabi ko, "beside my girlfriend." Inakbayan ako nito dahilan para magsipag-alma ang mga kaklase namin.

"OMG! Boyfriend pala siya ng pangit nating kaklase?"

"Nakaka-offend naman. Parang sinabi niyang mas pangit ako kesa diyan sa Rose na iyan dahil siya ang pinili kaysa sa akin!"

Sinamaan ko ng tingin si Onyx saka ko tinanggal ang braso niya sa balikat ko. "Correction, ex-girlfriend."

"Hindi tayo naghiwalay kaya technically girlfriend kita."

Sinamaan ko ng tingin si Onyx at saka siya pasimpleng siniko sa tagiliran. Mapagbanta ko siyang pinandilatan pero ang kumag ay mukhang ayaw magpaawat.

"Sorry girls, hindi na ako available. Baka awayin kayo ng girlfriend ko kapag nagpumilit pa kayo."

Lahat ay dinig ko ang pag-alma dahil doon. Kung nakakapatay lamang siguro ang masamang pagtitig ay malamang kanina pa ako pinaglalamayan. Pero ano bang pakialam ko sa kanila, baka sila ang ilibing ko, eh.

"Okay, lovebirds, tama na muna iyan dahil baka langgamin ang classroom na ito. Pakigawa na lamang ang activity na nasa powerpoint presentation. Make sure na bago mag-dismissal ay tapos niyo na ang ipinapagawa ko," utos ng teacher.

Sinamaan ko ulit ng tingin si Onyx saka ko kinuha ang mga kailangan sa loob ng bag.

---

NATAPOS ang klase sa hapon na iyon nang panay pa rin ang pambibwisit sa akin ni Onyx. Kung pwede ko lang sana sipain iyan palayo rito ginawa ko na.

"Saan mo gustong kumain, baby girl? May alam akong bagong bukas na milktea bar."

Sinamaan ko ng tingin si Onyx. Dahil sa sobrang lakas ng boses niya ay napunta na tuloy sa amin ang atensyon ng mga estudyanteng kasabay naming lumabas ng gate.

"Street foods na lang kaya? Paniguradong miss mo na 'yung mga street food dates natin!"

Hindi pa rin mawala ang pagkakasalubong ng kilay ko. "Tigilan mo na 'to."

"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama, ah."

"Tigilan mo na ako, Onyx. Ayoko na, please." Nagmadali ako sa paglalakad at panay naman ang sunod ng kumag.

"Ibibili na lang kita ng libro! Ano bang libro ang gusto mo?!"

Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan. "Alam mo kung anong gusto ko?"

"Ano?"

"Gusto kong umalis ka na. Gusto kong mawala ka na sa paningin ko. Hindi ka ba nakakaintindi?"

Hindi pa rin nakinig ang kumag at panay pa rin ang pagsunod sa akin. Akala niya siguro natutuwa ako sa mga pinaggagawa niya. Mamaya sisilaban ko siya pag tuluyang nabwisit ako sa kaniya.

"Ano bang dapat kong gawin para bumalik tayo sa dati?" Bigla itong naging seryoso.

Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. "Wala kang kailangang gawin. Mapapagod ka lang dahil hindi na tayo babalik sa dati."

"Why naman ganun?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Umalis ka na bago pa ako may gawing hindi mo magugustuhan."

"Aalis ako kapag pinatawad mo na ako sa kung anuman ang nagawa ko sa'yo."

"Aalis ka o hindi?" irita kong tanong.

Umiling ito na siyang nagpainit sa ulo ko. Hinimas ko ang kamao ko at saka siya inis na tiningnan. Dahil mukhang walang balak makinig ang isang 'to ay mukhang magagamit ko na ang ipinagbabawal na teknik.

Bumwelo ako at nang makakuha ng tiyempo ay buong pwersa ko siyang sinuntok sa mukha. Dahil hindi inaasahan ay hindi na nakailag pa si Onyx at mabilis na natumba sa sahig.

Agad na akong naglakad palayo matapos iyon. Bahala na siya sa buhay niya. Napakakulit, parehong pareho ni Sheena.

Habang naglalakad ay napabunot ako ng cellphone sa bulsa. May biglang tumawag na unknown number. Nakailang segundo pa ako bago nagdesisyong sagutin iyon.

"Sino 'to?" tanong ko kaagad sa kabilang linya.

"Si Angelo 'to."

"Oh? Saan mo nakuha ang number ko?"

"Kay Sheena."

Tumigil muna ako sa daan para makausap ng maayos ang hunghang. "May nangyari ba sa kapatid ko?"

"Pwede ba kitang makausap?"

"Kausap mo na ako, ah."

"Ang ibig kong sabihin, personal. Pwede ba tayong magkita?"

Napasinghal ako. "Ano naman ang kailangan mo sa akin?"

"Basta. Just go to the address I sent you." Binabaan ako nito matapos iyon.

Nang tingnan ko ang address na sinasabi niya ay agad ko naman iyong puntahan para matapos na kung anuman ang pag-uusap na sinasabi niya. Sumakay na ako ng taxi para mapabilis.

Nang sumakay ako ng taxi ay talaga namang nakakapang-init ng ulo ang traffic. Napakatanga pang magmaneho ng ibang drayber, bwisit!

"Manong, pwedeng pakibilisan po? Alas-sais na oh."

"Ikaw na lang kaya mag-drive, Miss," pambabara sa akin ng driver.

Out of respect ay hindi na lang ako nagsalita. Pero kung kasing-edad ko lamang ang drayber na ito ay baka nasungalngal ko na siya ng manibela. Argh!

After 123456789 years ay nakarating na rin ako sa address na sinasabi ni Angelo. Kung hindi lang sana ako naku-curious sa gusto niyang pag-usapan namin ay hindi na ako pupunta.

Nang makita ko siya ay ang magkasalubong na mga kilay niya agad ang napansin ko. Para bang magdudugsong na ang mga iyon sa sobrang pagkakasalubong.

Galit ba siya? Tss.

Nang idako ko naman ang paningin sa hawak niya'y saka ako biglang pinagpawisan.

A-ang writer notes ko? Bakit nasa kaniya ang notebook na iyon?!

Napapalunok akong napatitig sa mukha niya at sa animo'y umuusok niyang ilong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status