NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.
Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.
Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.
Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.
Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"IYAN 'yung transferee, right?""Oo, sabi nila kapatid daw iyan ni Queen Bee. Pero hindi ako naniniwalang magkapatid sila. I mean, look at her, she looks awful as hell compared to our Queen.""Agree. Kung sinabi nilang yaya iyan ni Queen baka naniwala pa ako."Kahit may mga naririnig na kung anu-ano mula sa mga estudyanteng kasalubong ay panay lamang ang lakad ko. Hindi ko ugaling pumatol sa mga tulad nila. Mabuti nang mag-aral nang tahimik, 'yun naman talaga ang dahilan kung ba't nandito ako.Natalapid ako nang bigla-bigla ay may humarang na binti sa aking harapan. Agad akong padapang bumagsak. Ang sementadong daan ay halos mahalikan ko dahil sa nangyari. Gayunpaman ay na
NANG mag-uwian kinahapunan ay sabay kami ni Sheena na sumakay sa traysikel. Panay pa nga ang tingin ng ibang kasakay sa kapatid ko. Hindi ko rin naman sila masisisi. Ang kagandahan ni Sheena ay talagang kapansin-pansin lalo at may kaputian siyang parang nagliliwanag sa dilim."Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Sheena."Oo naman, may iniisip lang.""Hulaan ko, libro na naman iyang iniisip mo 'no?" Bahagyang tumawa ito sa tanong niyang iyon.Tumango na lamang ako. Kanina pa kasi paikot-ikot sa isip ko 'yung libro kong binasa. Tapos ko na siya basahin kanina at nabitin ako. Gusto ko pang basahin 'yung second volume ang kaso ay sold out na raw ito! Nakakainis
"ICHA-CHAT mo 'yung crush ko o hindi ko ibibigay sa'yo ang nag-iisang kopya ng paborito mong libro?"Naipikit ko ng saglit ang aking mga mata kasabay ng matunog na pagbuntong-hininga. Animo'y napakalaking desisyon ng bagay na iyon para pag-isipan ko pa ng matagal. Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig matapos ang halos isang minutong pag-iisip. "Ayoko."Lumaylay ang mga balikat ni Sheena matapos ko iyong sabihin. "H-ha?""Hakdog.""P-pero... paborito mong libro 'yun. Ano bang meron kay Angelo at ayaw mo siyang i-chat?" Inilagay ni Sheena ang mga kamay sa tigkabilang gilid. Pinamewangan niya ako habang nakataas ang isang kilay."Tss. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gagamitin mo pa 'yung writer account ko para sa kalandian mo," pamamrangka ko sa kaniya."Aray naman, foul 'yun ah. Pero dahil may k
"OH MY GULAY! Dali, mag-search ka ng mga wedding songs! Gusto ko nang ikasal kami sa lalo't madaling panahon!"Sa inis ko ay tinampal ko ang noo niya. "Ikalma mo iyang kaluban mong babae ka. Kapag ako nainis isusumbong kita sa mama mo.""Edi isumbong mo! Gusto mo samahan pa kita eh! Tsaka hindi nga kita sinumbong sa nanay mo na nakipag-away ka kanina!""Anong nakipag-away? Sila nga 'tong basta-basta na lamang akong hinarangan at tinalapid.""Charot! Ikaw naman, sister girl. Hindi kita isusumbong sa nanay mo basta ba hindi mo sa akin aagawin si Angelo!" Pinalo nito ang braso ko sa kilig dahilan para tingnan ko siya ng masama."Bakit ko naman aagawin iyang lalaking iyan? Tss, gaya mo 'ko sa'yo.""Aray naman! Ikaw ah, kanina ka pa foul sa akin, ah. Ang sakit nito magsalita kanina pa." Ngumuso ito na akala mo ay batang nagmamaktol."Para matauhan ka."
HUMINGA ng malalim si Sheena habang hawak ang dibdib. Animo'y bumagal ang oras alinsabay ng pagbuka ng kaniyang bibig. "S-sige. Let's meet up."Natulala na lamang ako. Hindi ko na nga napansing tapos na pala silang dalawa mag-usap.Nagtatalon sa kama si Sheena habang panay ang tili. "OMG! We're going on a date! Nagbunga rin ang tatlong taon kong pagpapapansin sa kaniya!"Bumalik lamang ako sa reyalidad nang kinikilig niya akong pinalo sa braso. "Pangangatawanan mo na nga talaga ang kahibangan mo. Talagang gagamitin mo na ang identity ko as a writer para sa lalaking iyon," halos tulala kong pagsasalita.Niyakap ako ni Sheena. "Ikaw naman, okay na rin 'yun. At least may bago kang libro mula sa akin. Kukunin ko na mamaya 'yung second volume ng paborito mong libro kaya huwag ka nang mag-inarte riyan!""Kung ang kapalit ng librong iyon ay ang panloloko mo sa is