Share

CHAPTER 04.

Kieffer.

Habang kinakausap ko ang Manager about sa shop ay sumulpot ang Assistant Manager sa tabi n’ya. Nangunot ang noo ko nang bumulong ito kay Lily, mismo sa harapan ko. Nakita ko namang halukipkip na tumango si Lily rito.

Kapag tapos ay umalis na ang Assistant Manager at ginawa ang gawain n’ya. ”What was that?” wala sa sariling tanong ko.

“Hmm? Sumama raw po kasi ang pakiramdam ni Amanda kaya umuwi po ng maaga,” sagot n’ya.

Ano na naman kayang binabalak ng babaeng 'yon, hanggang dito ay nasundan n’ya ako. Hindi ba s’ya napapagod? Limang taon na akong nawala hinahabol pa rin n’ya ako. Hindi ba't nakapagtapos s’ya ng medisina bakit kailangan n’ya pa akong sundan dito?

Iba talaga kamandag ng babaeng 'yon. Panigurado ako na dahilan n’ya lang ang pagsama ng pakiramdam n’ya at may binabalak na naman s’ya.

Hindi na ako magtataka kung iba ang binabalak n’ya. Knowing her? Gagawin n’ya ang lahat para habulin at guluhin ako. Hindi ko nga naiwasan na mapasinghal kanina nang malaman kong Amanda ang pangalan n’ya, akala n’ya ba ay hindi ko s’ya makikilala?

Kahit iba ang suot at pangalan n’ya makikilala at makikilala ko s’ya. Kanina lang na nakabangga ko s’ya nang pumasok ako rito. Bellona na Bellona, she's still clumsy anyway.

You are not Amanda Guerrero. You are Bellona Dawn Lewis-Warrior.

“Madalas ba s’yang gan’yan?” sunod na tanong ko.

“Ahm Sir, may inaasikaso po kasi si Amanda kaya minsan wala po s’ya,” may pag-aalinlangan na sabi ni Lily.

Kahit kailan s’ya pa rin ang nasusunod kahit na waitress at cashier handler lang naman s’ya. At saka delivery girl? Gusto n’ya bang pabilibin ako, dahil kinakaya n’ya ang ganoong gawain? Kung gano'n makikita natin.

“Really? I want to talk to her tomorrow,” nakapamulsang sabi ko.

“Bakit po Sir?” tanong ni Lily.

“Dapat hindi pinapalagpas ang gan’yang kaso,” mahinang sabi ko “And wait, gusto kong makita ang resume n’ya,” sabi ko bago umalis sa pwesto ko.

Hindi na ako nakakuha ng sagot sa kan’ya kaya dumiretso na ako sa Opisina ko. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko.

Sinusubukan mo talaga ako, Bellona. Hindi ka na natuto. Huli na ‘to, kapag hindi ka pa rin tumigil mapipilitan na akong sabihin sa buong bansa kung ano’ng meron tayong dalawa.

Ayoko nang makita ka pero mukhang sinusubukan mo talaga ang pasensya ko.

--

Kasalukuyan kong binabasa ang resume ni Bellona. Na-curious lang ako kung Ano’ng klasing fake resume ang ginawa n’ya. Matalino si Bellona kaya alam kong maayos at malinis ang bawat plano na gagawin n’ya. Kung kumilos s’ya malalaman mo na agad na professional s’ya.

Amanda Guerrero

27 years old

July 3,19**

Seeking to obtain a position where I can afford and develop my skills and abilities to better provide for my Family, grow my career and become a valuable asset to the company.

Napasinghal ako sa kawalan. Pati objective ng resume n’ya may laman na kasinungalingan. Provide for her family? Really? Mayaman s’ya, so bakit kailangan n’ya pang magtrabaho sa shop ko.

“Hindi naman po talaga s’ya qualified sa shop pero nangako s’ya na pagbubutihin n’ya. Sa nakikita ko kahit dalawang taon pa lang s’ya rito ay nagawa n’ya naman nang maayos ang trabaho ni-”

“Stop,” pinahinto ko na agad si Lily sa pagsasalita. Kanina pa n’yang pinupuri ang babaeng 'yon. “Sabihin mo lahat sa Delivery boy na mag-day off sila bukas except kay Be-Amanda,” utos ko.

“Ha? Pero Saturday bukas. Maraming magpapa-deliver kaysa ang pumunta rito. Alam mo naman kung gaano karami ang buyer natin kapag Sabado,” nag-aalalang sabi n’ya.

“Exactly.” naibaba ko ang resume na hawak sa desk at tiningnan s’ya sa mata. ”Bukas na bukas hindi n’yo s’ya papayagan na makaalis ng shop nang hindi natatapos i-deliver lahat ng orders.”

“But Sir-”

“Out,” seryosong utos ko.

Bumagsak ang balikat n’ya at walang nagawa kundi ang lumabas. Napatingin ako sa bintana ko.

Ewan ko lang kung magtagal ka pa sa shop ko, Bellona.

Pinatunog ko ang leeg ko sa sobrang ngalay pero natuon ang atensyon ko sa resume na nasa lamesa ko.

Single.

Bigla na lang napunta ang mata ko sa status n’ya. Tumaas ang isang kilay ko sa nabasa.

“So wala na pala talaga akong asawa ngayon?” sambit ko.

--

Bellona.

Nakakrus ang mga braso ko habang nakatingin sa telepono ng shop. Sobrang init ngayon, hindi ko alam kung paano ko pagsasabay-sabayin ang pag-deliver ng orders nila.

Doble ang nagawa kong paglunok nang mag-ring ang phone at sagutin ni Tj ito.

“Yes po Ma'am, available pa naman po. One Espresso 100ml? Sure po Ma'am, ano pa po?---” nagkatinginan si Emma at Tj.

“Tanga, nagawa mo pa talagang magtanong ng ibang order. Mas dinamihan mo lang ide-deliver ni Amanda,” ngiwi na sabi ni Emma.

Hindi ko na napakinggan pa ang sinabi pinag-usapan nila. Mukhang maraming in-order ang kausap n’ya. Every Saturday na lang palaging ganito, kadalasan kasing naka-day off ang mga tao kaya mas gusto nila na ipa-deliver na lang kaysa ang pumunta rito.

At hindi ko magawang mainis sa mga katrabaho ko dahil una't sapul pakana 'to ni Kieffer. Sinusubukan talaga n’ya ang pasensya ko. Gusto ko s’yang sugurin sa opisina n’ya pero may mga nakaharang na guard sa pinto na mukhang nang galing pa sa Palasyo. Mabuti na lang at hindi nila ako namumukhaan. Sila lang naman ang iniiwasan ko na makabangga ko.

Pagkababa ni Tj ng tawag ay muli na namang nag-ring ang telepono. Tumango s’ya habang kausap ito.

“May tatlong rainbow cake na um-order, kaya mo ba?” tanong ni Emma nang lumapit sila ni Aki sa 'kin.

“Gusto ko sanang tumulong pero baka matanggalan ako ng trabaho kapag ginawa ko 'yon,” malungkot na ani Aki.

Ngumiti ako ng pilit. “Kaya ko, hindi n’yo kailangan na mag-alala,” pampalubag loob na sabi ko.

Ayokong nagiging pabigat sa kanila. Okay na sa 'kin na tinanggap nila ako kahit na wala akong experience sa ganitong trabaho.

Inayos ko na ang cake sa compartment ng motor kasama na rito ang kape na in-order nila. Wala na ang motor ko kaya magtitiis ako sa motor ng shop. Mas mabilis kasi akong nakakarating sa paroroonan ko kapag 'yong big bike ko ang gamit ko.

Napabuntong hininga ako nang sumakay ako at isuot ang helmet. ”Mag-iingat ka Amanda,” bilin ni Ma'am Lily.

Tiningnan ko sila isa-isa, halata mo pa rin sa mga mata nila ang pag-aalala.

“Ano ba kayo, hindi pa kayo nasanay sa akin? Makakabalik ako rito ng buhay. H’wag na kayong mag-alala,” natatawang sabi ko, para hindi na sila mag-alala.

Binigyan ko sila ng malaking ngiti sa labi at saka sumenyas para tuluyang umalis.

Nakaya ko noon, kaya wala akong dahilan para hindi ko kayanin ngayon. Hindi ko muna iisipin ang pagod, kailangan ko ng pera. Kaya kailangan kong tatagan ang sarili ko.

Mabilis kong nahanap ang address ng buyer. Nang labasin ako nito ay nakangiti kong inabot ang order n’ya pati na ang bayad nito.

“One down,” sambit ko nang makatalikod ako sa kan’ya.

Tiningnan ko ang cellphone ko at may fifteen buyers pang natitira. Nakakapagod man ay pinilit kong gawin lahat ng makakaya ko para matapos 'to.

Nagpabalik-balik ako sa shop para kuhanin ang mga orders nila. Panay ang takbo, sakay, bigay, kuha ng orders, at punas ko sa pawis ko. Ramdam na ramdam ko ang init na tumatagos sa katawan ko. Sobrang alinsangan ngayon sana hindi umulan.

“Amanda, mag-lunch ka muna.” alok ni Tj nang makarating ako ulit sa shop.

Kinuha ko ang kape na nasa counter at hinihingal na tiningnan s’ya. ”Busog pa ako,” tipid na sabi ko at saka dali-dali akong lumabas ulit.

Sa katunayan wala pang laman ang tiyan ko simula kaninang umaga pero kailangan kong tapusin 'to bago mag-alas otso dahil kailangan ako ng anak ko.

Napunasan ko ang sariling pawis nang makita ko ang bagong resibo. Sa sixteen na order kanina lima ang dumagdag.

Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga bago ko simulan ulit ang engine. Pero bago ako tuluyang makaalis ay nasilayan ko si Kieffer sa loob habang halukipkip na nakatingin sa pwesto ko.

Akala ko ba ay may aasikasuhin s’ya sa hospital n’ya? Tuwang-tuwa ba s’ya na napapagod ako? P’wes napapagod naman na talaga ako pero kung sinusubukan n’ya ako, do'n s’ya hindi magwawagi. Lalaban ako, wala akong inatrasan at hindi naipanalo na laban.

Binigyan ko s’ya ng blankong tingin at tuluyan na akong umalis sa shop. Tulad ng nakagawian ay panay ang abot at pasalamat ko sa mga buyer.

Inabot ako ng traffic nang maggagabi na. Panay tingin ang ginawa ko sa relos ko habang nakakapit sa manibela.

Ililipat na si Ally bukas sa main hospital para doon magpagaling. Sana ay maging maayos ang lagay n’ya. Alam ko namang hindi s’ya pababayaan ni Cyrus pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala lalo pa't may trabaho rin s’ya.

Kahit na alam n’ya ang tungkol sa 'min ng kuya n’ya hindi n’ya ako nilubayan, hindi n’ya ako iniwan. Noong una ay nag-o-offer s’ya sa 'kin ng pera pero panay ang tanggi ko.

Ayokong humingi ng pera lalo na kapag hindi ko ito pinaghirapan. Gusto ko lahat ng ipangbabayad ko sa bills ni Ally ay pinaghirapan ko. Nagkaroon nga lang ako ng utang kanila Emma dahil noong panahon na 'yon ay gipit na gipit na talaga ako.

Nagsimula ulit akong magmaneho nang mag-green light na. Isa na lang ang ide-deliver at kapag tapos nito pwede na akong umuwi sa anak ko.

Maingat akong nag-doorbell nang makababa ako sa tapat ng malaking bahay. Isang rainbow cake at tatlong kape ang in-order nila.

Nang walang nag-re-response ay nag-doorbell ulit ako. Paulit-ulit kong ginawa ito hanggang sa may magbukas na ng gate at may lumabas na dalawang babae.

“Hi, Ma'am!! Here's your order,” nakangiting sabi ko.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang bigla silang tumawa, may isa pang babae na lumabas na may dalang camera.

“It's a prank,” sabi ng babaeng matangkad na naka-crop top.

“Ha?” naguguluhan na tanong ko.

“Hello, it's a prank. Sa tingin mo ba bibili kami n’yan? Meron na kaming in-order na pizza. Oh wait, nandito na pala s’ya,” pagkasabi n’ya n'yon ay tinabig n’ya ako para makadaan pati na ng mga kasama n’ya.

Napatiim bagang ako kasabay ng pagsinghap sa kawalan nang makita ko silang pinag-fiestahan ang pizza na nakuha nila sa delivery boy. Nang magbayad sila rito ay nagpaalam sila kay kuya kapag tapos ay humarap na ulit sa 'kin.

Akma na sana silang papasok pero agad ko silang hinarang. ”Bayaran n’yo 'to, Miss,” seryosong sabi ko.

Tiningnan ako nito at ngumisi. Ngayon ko lang napansin na s’ya 'yong babaeng pumunta sa shop kahapon at hindi marunong magbasa ng menu.

“Grabe hanggang dito ang lakas ng loob mo na pagtaasan ako ng boses,” nakataas ang kilay na sabi n’ya.

Kailan tumaas ang boses ko? Bobita talaga 'to. “Miss, bayaran mo na 'tong order n’yo dahil malalagot ako sa boss ko.” Ayokong makipagtalo, pagod na ako wala akong oras para ro'n.

Lalong tumaas ang kilay n’ya. “Akala ko ba nasa Amerika ang boss mo?”

Akala ko rin eh, nakauwi na pala. “Ma'am ayoko po ng gulo. Bayaran n’yo na lang po 'tong order n’yo para makaalis na ako,” mahinahong sabi ko.

“Paano kung ayoko?”

Sinusubukan talaga ako nito. ”Wala akong pakialam, basta bayaran mo ang in-order mo. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap na prinepare ang mga 'to para lang sa inyo. Ang laki-laki ng bahay n’yo wala kayong pang bayad? Ano 'yan, display?” singhal ko sa kanila.

“So akala mo magi-guilty ako? Sisihin mo 'yang sarili mo kung hindi ka ba naman na-late edi sana hindi kami um-order ng pizza,” paliwanag n’ya.

“Nauna akong mag-deliver pero ‘yong pizza ang binayaran n’yo. Bobo ka ba talaga?” Hindi na talaga ako makapagtimpi. ”Bayaran n’yo 'to o ako ang kukuha ng pera riyan sa wallet mo?”

Nakita kong nag-video ulit ang isang babae na nasa gilid n’ya kaya napasinghap ako sa kawalan. ”Sige gawin mo. I-e-expose namin na magnanakaw ka,” pananakot n’ya.

Nangunot ang noo ko. “Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?”

“Ayaw na nga namin n’yan. Ano pa bang gusto mo?” sabi ng matangkad sa kanila.

Napapikit ako sa inis. ”Bayad mo ang hinihingi ko! Wala akong pang-abono para rito,” diin na sabi ko.

“Ayon! Ayon ang sabihin mo wala kang pangbayad. Ang lakas mong magyabang pero wala ka namang pera,” nakangiwing sabi n’ya.

Naglabas s’ya ng pera sa wallet n’ya. ”Magkano nga ulit?” may pang-aasar na tanong n’ya.

“Three hundred.” kumalma na ako nang bigla n’yang inabot ang five hundred pesos mula sa wallet n’ya.

“Keep the change para may pangkain ka,” sabi n’ya nang abutin ko ito.

Sunod kong inabot ang cake at drinks nila pero nagulat ako sa sunod na ginawa nila. Tinapon nila ang drinks sa suot ko at ang cake na binigay ko.

“Hindi na namin kailangan n’yan,” nakataas ang kilay na sabi n’ya. ”Baka hindi ka pa nakakakain ng mga ganiyan kaya sa 'yo na lang. May tira pa naman sa b-”

Hindi ko na s’ya pinatapos pa at hinablot ko na ang buhok n’ya sa sobrang galit. ”Kanina pa akong nagtitimpi sa 'yo! Gusto mo talagang makatikim ng sumasabog na bulkan!”

“Aray! Stay away from me!”

Sinubukan akong hablutin ng dalawa pero agad ko silang sinipa sa tagiliran nang nakatalikod. Napalakas ang pagsipa ko kaya namilipit sila sa sakit. Hila-hila ko pa rin ang buhok ng bobitang ‘to.

“They say 'Customer is always right' but you're not a customer! You're an assh*le!” napahiga kami at pumatong ako sa kan’ya para bigyan s’ya ng malakas na sampal. ”Pinilit kong hindi pansinin lahat ng sinabi mo pero p*tng*n*!! Wala ka pa sa kalingkingan na naranasan ko sa mundo!”

“Please stop!” pigil n’ya.

Nang makuntento ako sa pagsampal sa kan’ya ay hinihingal akong tumayo. Hindi ako napuruhan dahil hindi ko hinayaan na sumampi ang kamay nila sa akin.

“Sa susunod na o-order ka, isipin mo kung sinong tao ang mapopurwisyo mo,” inis na sabi ko.

Hinipan ko ang hibla ng buhok ko at saka ako sumakay sa motor. Iniwan ko silang tatlo na nakahandusay. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil sabi ko nga ayoko nang umiyak. Hindi ako mahina, hindi ko kailangan umiyak.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay bigla namang umulan. Hindi ko na nagawang sumilong dahil malapit naman na ako sa shop. Sakto rin na alas otso ako natapos.

Malas ako ngayong araw na ito pero ang tanging iniisip ko lang ay si Ally.

“Amanda bakit basing-basa ka?” bungad ni Emma nang makapasok ako sa shop.

“Okay ka lang?” tanong ni Tj.

Hindi ko sila pinansin dire-diretso ako sa staff room dahil male-late na ako. Nakita ko pa si Kieffer na seryoso ang itsura bago ko tuluyan na isara ang pinto.

Napasandal ako sa locker nang manghina ako. I feel exhausted, parang isang tulak mo na lang sa akin ay hindi ko na magagawang tumayo. Huminga ako nang malalim para buksan ang locker ko. Kumuha ako ng towel para ipangpunas ito sa basa kong buhok.

Hindi pa man ako nakakapagbihis ay may kumatok na sa pinto. ”Amanda pinapatawag ka sa office ni Sir,” rinig kong sabi ni Ma'am Lily sa labas. ”Dalian mo raw.”

Ano na naman bang kailangan n’ya? Natapos ko naman lahat ng pinagawa n’ya. 

Hindi na ako nagbihis pa at lumabas na ako ng staff room.

Natigilan naman ako nang apat silang makita ko na naghintay sa 'kin na lumabas. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko sa mga mata nila ang awa at pag-aalala. Umalis ako sa harapan nila pero naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa 'kin.

“Okay ka lang ba? Kumain ka na ba?” tanong ni Aki.

“Oo nga, gusto mo sabihin ko na lang kay Sir na kailangan mo nang umuwi?” alok ni Tj.

“Prend, may nangyari ba? Bakit may galos ka sa kamay?” tanong ni Emma.

Nakita ko ang kamay ko na may kaunting gasgas. Ito yata 'yong nakuha ko nang sumayad ang kamay ko sa paghila sa babaeng nakaaway ko kanina.

“Gusto mo bang magpahinga?”

Napahinto ako sa paglalakad at gano'n din sila kaya hinarap ko sila na blanko ang mukha. ”Please! I know you guys are just worried pero… wag n’yo naman akong tadtarin ng tanong.”

“I'm sorry.”

“Ako na lang papasok sa office ni Boss, huwag n’yo na akong sundan,” seryosong sabi ko.

Tiningnan ko sila at saka ako tumalikod ulit para pumunta sa office ni Kieffer. Bumuntong hininga pa muna ako bago ko pihitin ang doorknob.

Nakita ko si Kieffer na nakaupo sa swivel chair n’ya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Alam kong hindi ako tatagal sa presensya n’ya pero boss ko pa rin s’ya kailangan kong magtiis.

“May kailangan pa po kayo?” formal na tanong ko.

“Are you stalking me?”

Naiangat ko ang ulo ko sa tanong n’ya.

What the f*ck?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chris Tian
So rang pangit ng libro na to shit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status