Share

CHAPTER 05.

Bellona.

“Dito ka muna hangga't hindi pa maayos ang lagay ni Ally.” Binuksan ni Cyrus ang ilaw ng condo n’ya.

Pinalayas ako ng landlady kanina sa inuupahan ko dahil nasuntok ko ‘yong anak n’yang lalaki kanina. Partida nakatago na ang katawan ko nagawa pa akong bosohan what more pa kaya kung may nakalabas ng balat sa 'kin.

Hindi n’ya matanggap na manyak 'yong anak n’ya. Wala sa pananamit ng babae 'yan kapag sinapian ng kamanyakan ang isang lalaki gagawin at gagawin n’ya ang kagustuhan ng katawan n’ya. Hindi lang dapat suntok ang aabutin n’ya sa 'kin kung hindi lang sumulpot 'tong si Cyrus.

“Salamat. Kapag nakahanap ako agad ng malilipatan aalis din ako ri-”

“Huwag ka na palang umalis. Dito ka na lang, you owe me one remember? At dito ka na mag-ii-stay for good,” seryosong sabi n’ya. ”I mean kayo ni Ally.”

Naalala ko tuloy ‘yong sinabi ko sa kan’ya noong isang araw kung pwede ba s’yang tumayong Ama ni Ally Sean.

Napabuntong hininga ako. ”Salamat ng sobra sa 'yo, Cy, kung wala ka baka kung saan na kami pulutin ni Ally ngayon,” malumanay na sabi ko.

Binigyan n’ya lang ako ng tipid na ngiti.

Mukhang wala pang alam ang pamilya n’ya sa ginagawa n’yang pagbantay sa anak ko. Si Cyrus at Dwight lang ang pinagkakatiwalaan ko pagdating kay Ally.

“Minsan nasa Hospital si Kuya mag-iingat ka, huwag kang magpapahuli sa kaniya,” bilin n’ya.

Mariin akong tumango. “Sige na, may pasok ka pa.” ni-tap ko ang balikat n’ya at tumalikod na.

“I love you.”

Natigilan ako sa sinabi n’ya, Hindi ko nagawang lumingon ulit sa kan’ya nang maramdaman ko ang paghawak n’ya sa kamay ko. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin na naman n’ya ulit ‘yon.

Alam ko na may nararamdaman s’ya para sa 'kin pero hindi ko ginagamit 'yon na dahilan para gamitin ko s’ya. Napag-usapan na namin ang tungkol dito. Noon pa man na nasa college kami, parehas kaming nag-aral ng medisina. Naging kaklase ko s’ya sa college before, s’ya nga ang nagpakilala sa 'kin sa kuya n’ya noon.

Minsan na rin akong nahulog sa kan’ya pero hanggang paghanga lang 'yon mas matimbang pa rin ang pagmamahal na naibigay ko kay Kieffer na hindi naman nasuklian. Ang bobo ko sa part na 'yon nagpakatanga ako sa lalaking hindi naman ako gusto nasayang lang ang oras at panahon ko.

“Hmm... 'di ba may pasok ka pa?” naiilang na pag-iiba ko nang lumingon ako sa kan’ya.

Tumawa s’ya nang bahagya. “Magpahinga ka na.” He smiled bitterly and patted my head after.

Umalis s’ya habang nakatulala ako sa ginawa n’ya. Nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko nang gawin n’ya 'yon.

Mabilis akong umiling at napasinghap.

Flashback.

“Ally? Gusto mo kwentuhan kita after kong magluto?” tanong ko sa anak ko na nakatalikod sa 'kin habang naglalaro sa lapag.

Hindi ako nakakuha ng sagot dito kaya pinabayaan ko na muna. Nagtaka ako nang bumalik ulit ako sa sala at nasa gano'n pa rin s’yang posisyon.

“Ally, gusto mo na bang kumain?”

Lumapit ako unti-unti sa pwesto n’ya at nabitawan ko ang sandok na hawak ko nang may makita akong suka sa tapat n’ya. Dali-dali akong pumunta sa pwesto n’ya at doon ko nakita ang nakapikit n’yang mga mata.

Agad ko s’yang binuhat sa mga bisig ko at ginising. “Ally, Ally, Ally!” hindi ko alam ang gagawin.

Lalo akong kinabahan nang maramdaman kong mainit s’ya. “Ally,” sinubukan ko s’yang sampalin ng mahina para magising s’ya pero wala pa rin akong nakuhang response.

Ni-check ko ang pulsuhan n’ya pero maayos naman ito. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko nang may makita akong pasa sa braso n’ya nang iangat ko ang suot n’ya.

“Ally! Huwag mong iwan si Mama! Ally, gumising ka.” Nanginginig kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at ni-contact ang kapatid ko.

Hindi ko pa mapindot ng maayos ang number n’ya dahil sa sobrang kaba. Binuhat ko ang anak ko at inihiga 'to sa sofa.

“Dwight, please answer your phone!” Hindi na ako mapakali.

Nanginginig at kinakabahan ako. Nakikita ko pa lang na lupaypay ang katawan ng Anak ko naiiyak na ako. Hindi ko s’ya maitatakbo sa Hospital dahil ang layo ng Ospital dito. Kailangan ko si Dwight at ang sasakyan n’ya.

[“Hello?”]

“Dwight!!” nakahinga ako kahit papaano nang maluwag.

[“Kamahalan...”]

Mukhang natunohan n’ya ang boses ko. ”Dwight si Ally...”

[“What happened?”] may pag-aalalang tanong n’ya.

“Ang taas ng lagnat n’ya, hindi rin s’ya gumigising. Dwight, hindi ko na alam 'yong gagawin,” nanginginig na sabi ko.

[“Hey, Hey... pakalmahin mo ‘yong sarili mo,”] pagpapakalma n’ya. [“Parating na ako riyan, kasama ko si Kuya Cy.”]

Hindi ko pa man naitatanong kung bakit kasama n’ya si Cy ay binaba n’ya na ang tawag. Tiningnan ko pa muna ang cellphone ko bago ko ibalik ang tingin kay Ally.

“Mama...”

Bumilis ang tibok ng puso ko nang umungol s’ya. Nangingilid na naman ang mga luha ko nang hawakan ko s’ya.

“Ally... nandito si Mama. Ano’ng masakit anak?” pag-aalo ko.

Hindi pa gano'n na nakakapagsalita si Ally minsan ay hihilahin n’ya lang ang laylayan ng damit ko kapag may gusto s’ya. Hindi rin s’ya iyakin kaya palaging payapa ang tulog ko. Pero kapag ganitong may sakit s’ya hindi n’ya nagagawang tawagin ako.

Kung pagbabasihan ang lagay n’ya ngayon, hindi lang basta lagnat o pasa ang meron s’ya pero sana mali ang iniisip ko.

“Kamahalan!” agad na bumukas ang pinto ng bahay at niluwa n’yon sila Dwight at Cyrus.

Agad na tumakbo si Dwight sa akin at si Cy naman ay kay Ally. Pinanood ko s’yang i-check ang lagay ni Ally hanggang sa binuhat n’ya ito.

“Kailangan n’yang madala sa hospital,” an’ya nang lumingon sa 'kin.

Sa sobrang takot ko ay tumango na lamang ako. Nakatingin ako kay Ally na nakapatong ang ulo sa balikat ni Cy habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Dwight.

Parang mahimbing lang ang tulog n’ya pero ang totoo ang init-init na ng pakiramdam n’ya.

Sumakay kami sa kotse at mabilis kaming nakarating sa hospital. Mabuti na lang at kakilala ni Cy ang Doctor at nauna nang i-check si Ally.

Kasalukuyan namin kaharap ang Doctor, hinihintay ko kung ano’ng resulta ng blood test ni Ally. Sa itsura pa lang ng Doctor ay alam ko nang hindi maganda ang resulta n’yon.

Pero kahit na gano'n ay hinihiling ko pa rin na sana hindi gano'n kalala ang sakit ng Anak ko.

“I'm sorry but the patient has acute lymphocytic leukemia,” malumanay na sabi ng doctor, parang nabingi naman ako sa sinabi nito.

Hindi ko na namalayan na inalalayan na ako ni Cy dahil sa panghihina ng tuhod ko.

“Pwede pa naman kayo mag pa-second opinion.”

Hindi ko na narinig ang sinabi n’ya hanggang sa umalis s’ya sa harapan namin. Tuluyan na akong napaupo sa waiting area at doon umiyak. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko tanging paghikbi lang ang ginawa ko.

Si Ally na lang ang meron ako, ayokong pati s’ya mawala.

End of Flashback.

Suminghap ako habang nakatingin sa mukha ng anak ko. Ang mga labi n’ya ay namumutla na, ang kan’yang buhok ay nagsisimula ng maglagas.

“Sana ako na lang,” bulaslas ko, muling nangilid ang luha ko. ”Sana ako na lang ang nakahiga riyan at hindi ikaw.”

Naitaas ko ang ulo ko para mapigilan ang luha ko habang hawak-hawak ko ang maliit na kamay nito.

Suminghot ako at saka bumalik ang paningin ko sa kan’ya. ”Lalaban tayo... lalaban si Mama para sa 'yo. Ikaw na lang ang meron ako... Hindi ako papayag na pati ikaw mawala.”

--

Simula nang komprontahin ako ni Kieffer sa opisina n’ya ay palagi na akong nag-iiwas ng tingin. Lalo na kapag dadaan s’ya sa harapan ko.

“Are you stalking me?”

“Maghilod ka nga baka masyado nang kumakapal 'yang libag mo sa mukha.”

Buti hindi ako tinanggal sa trabaho n’yon dahil sa ginawa ko. Halata ko pa rin ang inis sa itsura n’ya kapag nagkakasalubong kami.

Kasalanan ko ba na nakapalan talaga ako sa kan’ya? Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi naman ako magtatagal dito.

Hindi nga n’ya ako tinanggal sa trabaho lalo naman n’ya akong pinahirapan. Feeling ko nga ay hindi na s’ya pumupunta sa hospital dahil palagi s’yang nandito para bantayan ang galaw ko. Ano bang akala n’ya sa 'kin hindi ko magagawa lahat ng ipag-uutos n’ya? Na susuko ako agad?

Wala pang hirap ang pinapagawa n’ya sa 'kin dito, kaysa noong magpasya ako na pakasalan s’ya. Mas nakakapagod na pagbuhatan n’ya ako ng kamay noon at ipamukha sa 'kin na hindi ako kamahal-mahal.

Mabuti na lang din at palagi s’yang nandito dahil kung palagi s’yang nasa Hospital hindi impossible na makita n’ya si Ally roon.

“Kupal 'to, ako pa lolokohin mo eh mas maganda ako sa 'yo,” ani Tj.

“Binudburan lang naman ng harina 'yang mukha mo akala mo kung sinong maganda,” patol ni Emma. “Sabihin mo salamat baby powder.”

“At least baby.”

Mabuti na lang at wala masyadong customer kung hindi baka pinagtitinginan na sila ngayon. Pinag-aawayan nila kanina pa ‘yong product na nabili nila sa online shop. Panay lang ang tawa ko habang pinapanood silang dalawa.

“Emma, Table ten,” ani Aki nang ilagay n’ya ang dalawang kape sa tray.

“Maiwan muna kita chaka doll,” bungisngis na sabi ni Emma at saka n’ya kinuha ang tray at pumunta sa dulo ng shop.

“T*ngina talaga ng babaeng 'yon masyadong hipokrita,” gigil na sabi ni Tj.

Tinawanan ko na lang s’ya at tinuon na lang ang pansin sa nililista. Mamimili kasi si Aki mamaya ng mga ingredient. Bukod kasi sa pag-sideline ni Aki sa pag-de-deliver ay s’ya ang barista rito sa coffee shop may mga cakes din kami rito para sa dessert ng mga customer at ang gumagawa ng mga 'yon ay si Ate Linzy, kapatid n’ya si Ma'am Lily pero minsan ay hindi naman s’ya nakikipag-usap sa 'min dahil tahimik lang 'yon.

“Ahh!!”

Sabay kaming napalingon ni Tj sa direksyon na pinuntahan ni Emma nang may marinig kaming sigaw at nahulog na baso. Nagkatinginan pa kami nito at saka kami dali-daling pumunta sa gawi n’yon.

“Bitawan n’yo ako!!”

Nagulat ako nang makita si Emma na hawak-hawak na ng dalawang lalaki. May hawak na kutsilyo ang isang lalaki habang nakatutok ito sa leeg ni Emma.

“Please, h’wag n’yo akong patayin,” pagmamakaawa ni Emma sa kanila.

“Sir, pag-usapan po natin 'to,” pagpapakalma ni Tj.

Biglang tinapat ng isa pang lalaki ang kutsilyo kay Tj na tinangkang lumapit. ”Bigyan n’yo kami ng pera papakawalan namin ang babaeng 'to,” namumula na sabi ng may hawak kay Emma.

Pinanood ko ang bawat galaw nila. Halata mo sa may hawak kay Emma na first time lang n’yang gawin 'to dahil sa panginginig at pagkabalisa n’ya. At ang isa naman na lalaki ay halata mong sanay na sanay na s’ya sa ganitong set-up pero base sa galaw ng kamay n’ya walang ka-effort effort ang mga ito, para bang hindi rin s’ya handang lumaban.

“Magkano ba ang kailangan n’yo?” takot na sabi ni Tj. “Bitawan n’yo na ang kaibigan ko,” pagmamakaawa nito.

“Thirty thousand,” sagot ng lalaking may hawak kay Emma.

Bahagya akong napanguso at napairap sa kawalan nang marinig ito. Gagawa sila ng ganitong klasing krimen para lang sa pera. Iba talaga nagagawa ng bagay na ‘yon. 

It's a no, no for me.

“Ibibigay ko ang gusto n’yo basta bitiwan n’yo na s’ya,” naiiyak na sabi ni Tj.

“Ano kami Bobo? Pera muna bago namin pakawalan 'to.”

“Si-sige.” tumalikod si Tj sa kanila para pumunta sa counter pero agad ko s’yang binalik sa pwesto n’ya na ikinalaki ng mata n’ya. ”Amanda...”

Hindi na ‘to 'yong una na may nagtangkang mang-harass sa mga katrabaho ko kaya alam ko na ang iniisip nila.

Hindi ko s’ya pinansin at tumingin sa dalawa na hawak-hawak pa rin si Emma. Lumapit ako nang bahagya rito. “Simulan mo ng isaksak sa kan’ya habang wala pa ang boss namin,” seryosong utos ko rito.

“Amanda ano bang sinasabi mo? Gusto mo bang mamatay si Emma?” bulong ni Tj na nasa likod ko na.

“Gagawin ko talaga!” diniin n’ya ang kutsilyo sa leeg ni Emma na nagkaroon ng kaunting hiwa rito.

Napangisi ako. “Nakakatakot naman, rawr!” natatawang sabi ko.

“Baliw ka ba?!” sabi ng lalaking may hawak ng kutsilyo na nakatapat sa akin.

Tumigil ako sa pagtawa at ngumiwi. ”Dali sayang ang oras,” naghihintay na sabi ko.

Nagkatinginan pa sila sa isa't-isa at doon ko na kinuha ang pagkakataon para sipain ang kamay ng lalaking hawak-hawak ang kutsilyo na nakatutok sa gawi ko. Naibagsak n’ya ang kutsilyo na hawak dahil sa pamamanhid ng kamay. Susubukan sana nitong lumaban pero nahigit ko na ang kamay n’ya at natuhod ang tiyan nito.

“Lenard!” sigaw ng kasama nito na hawak-hawak si Emma.

Namilipit ang lalaki na tinawag n’yang Lenard sa sobrang sakit na natamo n’ya. Sinikmuraan ko lang s’ya namilipit agad.

Nang tingnan ko ito ay lumipat ang paningin ko sa isa pang lalaki. Nakapulupot na ang braso nito sa leeg ni Emma at tinutok ang kutsilyo sa 'kin.

Binigyan ko ng, ”Okay lang, ililigtas kita.” look si Emma. Dahil namumutla na s’ya sa mga bisig ng lalaki.

“Sige lumapit ka papatayin ko 'to!” babala n’ya.

“What the fudge! Aki tawagin mo si Sir Kieffer at Ma'am Lily,” rinig kong sigaw ni Tj.

Natawa na naman ako nang lumunok s’ya ng dalawang beses. “Papatay ka para magkaroon ng laman ang tiyan mo? Ayusin mo desisyon mo.”

“Amanda, sa likod!”

Bigla akong napaharap sa likuran ko nang sumigaw si Tj. May upuan na sanang aamba sa 'kin pero buti na lang ay nakailag ako. Agad akong pumunta sa tagiliran ng lalaking sinikmuraan ko kanina at siniko ko naman ang likod n’ya dahilan para mapaluhod s’ya at mabitawan ang upuan. Kinuha ko ang dalawang kamay n’ya at nilagay ito sa likod. Nang mapadapa s’ya ay dumagan ako sa kan’ya.

Sinubukan pumiglas nito pero habang hawak ko s’ya sa likod ay dumapa pa ako at nilapit ang bibig sa tainga n’ya. “Alam mo kung paano magalit ang baliw? Bukod sa pumapatay kami ng puso, nakakabali rin kami ng buto,” bulong ko.

Dahan-dahan ko s’yang tinalian sa kamay gamit ang straw na nakuha ko pa sa apron ko. Pagkatapos kong gawin 'yon ay lumingon naman ako sa isa pang lalaki na lalong nanginig.

Tumayo ako sa pagkakatuhod sa lalaki at tiningnan s’ya kasabay ng pagngiti ko ng nakakaloko. Nang manginig ang kamay n’ya ay agad kong kinuha ang kutsilyo na hawak n’ya. Ngunit hindi pa rin n’ya binibitawan si Emma.

Tinaas ko ang kutsilyo na ngayon ay hawak ko na at sinubukang hawakan ang tip nito, sinadya kong laslasan ang daliri ko.

“Amanda!” alam ko kung kaninong boses 'yon pero wala akong pakialam.

“Aww, this is really too sharp, huh?” kunwari'y nasaktan na sabi ko. “Ito yata ‘yong bagong hasa na nakuha n’yo pa sa kusina ng Nanay n’yo,” pang-aasar ko.

“Baliw ka!!” sigaw ng lalaki.

Naituro ko ang sarili ko. ”Ngayon mo lang alam? Ako kasi matagal na.” Ngumiti ulit ako nang nakakaloko. ”Bitawan mo na si Emma.” bigla kong inapakan ulit ang lalaking nakadapa at umungol 'to sa sakit. ”O gusto mong umuwi mag-isa?” pananakot ko.

Tumingin s’ya kay Emma na nakapikit na sa pamumutla. Nagpalipat-lipat ang paningin n’ya rito at saka n’ya dahan-dahan na pinakawalan si Emma.

Nahimatay si Emma nang makawala s’ya dahil siguro sa takot. ”Emma!” sigaw ni Tj at Aki.

Habang ang lalaki naman na 'to ay lumuhod sa harapan ko. ”Patawarin n’yo ako! Patawarin n’yo kami ng kapatid ko. Huwag n’yo kaming ipakulong, may sakit kasi si Lola kaya kailangan namin ng pera.”

Napangiwi ako, bumaba ako para matapatan s’ya. ”Wala kang pera? Bakit hindi ka magtrabaho? Mangarap ka, at bumangon ka. Mas masarap mamahagi ng tulong kapag alam mong pinaghirapan mo. At hindi sa pagnanakaw at pananakot nanggaling,” pangaral ko. ”Life is like a stone, it's really hard kaya dapat masanay ka na. Naintindihan mo? O gusto mo tagalugin ko pa sa 'yo?”

Umiling-iling s’ya. “Sino ka ba?” takot na tanong n’ya.

“Ako?” naituro ko pa ang sarili ko, tumango s’ya sa 'kin kaya nilapit ko ang bibig ko sa tainga n’ya. ”Ako si Empress Bellona,” bulong ko.

Kinilabutan s’ya sa sinabi ko dahil nakita ko ang panlalaki ng mata n’ya. Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko para patahimikin s’ya kasabay n’yon ang pagtaas ng dalawang kilay ko sa kan’ya.

Tumayo na ako at saka iniwan silang magkapatid sa pwesto nila. Pero pagkalingon ko ay nakita ko sila Kieffer na may pag-aalala sa mukha.

Diretso ang tingin ko sa kan’ya habang naglalakad ako papunta sa kanila. Blanko ang mukha ko nang lingunin ko s’ya.

“Pasensya na sa gulo, hindi na muulit.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status