Share

CHAPTER 02.

Bellona.

I heaved a sigh as I enter to the Coffee shop. Napagod akong mag tatakbo kanina, sakto lang kasi ang 33k para maipang bayad sa hospital kaya hindi na ako nakapag jeep or taxi man lang.

"Amanda saan ka ba galing? Bakit pawis na pawis ka?" bungad sa akin ni Emma.

Mabuti na lang at mabait ang manager namin sa Coffee shop kung hindi baka natanggalan na ako ng trabaho.

"Tumakbo lang kasi ako." sinundan niya ako sa staff room habang ako ay itinatali ko nang maayos ang buhok ko.

Tinanggal ko ang leather jacket ko at isinuot ang cap na may naka-burdang "Koffer Shop"

"Sinangla mo na talaga 'yung motor mo?" tanong niya.

Tinignan ko siya nang walang emosyon at tumango. "Maiwan na kita, mukhang maraming customer." ni-tap ko ang balikat niya bago ako tuluyang umalis sa harapan niya.

Sa lahat ng ka-trabaho ko rito si Emma at si Tj lang ang pinag ke-kwentuhan ko. Alam nilang nakapag tapos ako ng medisina pero hindi nila alam kung ano talagang nangyari sa 'kin five years ago. Bukod sa ayaw kong ikwento ang tungkol do'n, ayoko rin na maalala pa ang nangyari noon.

That was the biggest mistake that I've ever done in my life. Hindi ko na dapat pang ungkatin 'yon at wala naman mangyayari kung malalaman nila.

Wala rin na nakakaalam ng totoo kong pangalan.

"Welcome to Koffer Shop!" bati ko nang mag ring ang bell na nasa pinto.

Pumasok ang isang babae, kaya sinuot ko na ulit ang ngiti sa mga labi ko. Ayokong masermunan ng Manager namin dahil naka-simangot ako.

"Good morning Ma'am, may I know your order?" bungad ko rito nang pumunta siya sa harapan ko.

"Hmmm," lumabi ito habang nakatingin siya sa itaas kung saan nandoroon ang menu.

Tumingin ako sa ibang direksyon habang hinihintay ang order niya. Waitress at Cashier handler ako sa coffee shop minsan taga deliver na rin, lalo na kapag kulang sa trabahador ang shop.

"Ahm," lumabi siya muli. "Isa ngang order ng Mach-macch--- hayst ano bang best seller niyo?" singhal nito na parang naubusan ng pasensya sa pag bigkas ng gusto niya.

"Dolce leche latte Ma'am," mahinahong sabi ko.

"Nile-leche mo ba ako?" biglang nanlaki ang mata niya.

Naningkit naman ang mata ko, at saka umiling. "No po, Ma'am. I'm just say----" loko 'to, tatanungin kung anong best seller ako pa lalakihan ng mata.

"Hindi eh! nile-leche mo ako! pinag tatawanan mo siguro ako dahil hindi ko mabigkas ang menu niyo! eh sa ang hirap e! asan ba manager niyo kakausapin ko," naka pamewang na aniya.

"Anong problema?" biglang lumabas sa staff room si Ma'am Lily.

"Ito kasing crew niyo minumura ako." dinuro pa ako ng babae.

"Tss." sinungaling, bobo ka lang talaga.

Lumingon sa 'kin si Ma'am, "Totoo ba?" tanong niya.

Lumapit ako sa kaniya, "Dolce leche latte," bulong ko.

Maraming nami-miss interpret ang dolce leche lalo na kapag ang pangalan ng customer ay Dolce. At kung titignan ang babaeng ito, mukhang first time niyang um-order sa isang mamahaling coffee shop.

Natawa siya nang maunawaan ang sinabi ko. "So, bakit tinatawanan niyo ako?!" sigaw na tanong ulit ng customer.

Humarap ulit si Ma'am Lily sa babae, "Ahm Miss, pag usapan na lang natin---"

"Hindi!! bastos 'yang babaeng 'yan! nasaan ang Boss niyo?! gusto kong makausap, gusto kong ipatanggal ang babaeng 'to!"

Napasinghal ako sa kawalan, ayoko sa lahat 'yung ma-attitude gusto ko ako lang.

"Excuse me?!" tinanggal ko ang cap ko at naihagis ko ito sa monitor.

"Amanda.." hinawakan ako sa kamay ni Ma'am Lily upang pakalmahin.

Pero hindi na 'ko makapag timpi naiinis ako sa itsura ng babaeng 'to. "Kasalanan ko bang BOBO KA?!"

"Amanda, kumalma ka." lalong humigpit ang pagkaka hawak niya sa 'kin.

Umawang ang bibig ng babae at lalong namula. "Anong sabi mo? Bobo ako?"

"OO, spell ko pa ba sa 'yo para maintindihan mo?"

"Amanda, tama na." tinignan ako ng masama ni Ma'am pero isinawalang bahala ko iyon.

Bahala na kung mabulyawan mamaya.

"Asan ang boss niyo? gusto kong makita!" sigaw ng babae.

"Puntahan mo sa Amerika! nando'n ang Boss namin," sagot ko.

"Iniinis mo talaga ako!" papasok na sana siya sa loob ng counter pero agad siyang hinarang ni Tj na naka taas ang kilay.

"Saan ka pupunta teh?" usal ni Tj.

"Sino ka?! tuturuan ko ng leksyon ang babaeng 'yan." akma na sana siyang papasok ulit pero pinigilan siya ng kanang braso ni Tj. "Ano ba?! tabi nga!!"

"Hindi mo ba nakikita 'yon?" tinuro ni Tj ang pader kung saan may naka-paskil na "For staff's only."

"O gusto mong tagalugin ko pa para maintindihan mo?" pag tataray ni Tj.

"Ang pangit mo! tumabi ka nga!" pag pupumilit ng babae.

Natawa ng sarkastiko si Tj, "Huh, pangit? Are you referring to yourself, Miss?"

Umigting ang panga ng babae na wari mo'y naintindihan ang sinabi ni Tj. "excuse me?"

"Yes? what's your order Ma'am? Oh wait Macchiato isn't available for today's menu Ma'am. And by the way it's Maa-kee-aa-tow not Ma-cha-to. Ibalik kita sa school para malaman mo kung paano i-pronounce ang menu namin. At saka ka na lang bumalik dito kapag kaya mo nang banggitin lahat ng nandiyan at pag sisigawan ang kaibigan ko!" Unti unting tinulak ni Tj ang babae papalabas, hanggang sa umabot sila sa pinto. 

"Hindi na ako babalik dito," sabi nito bago tuluyang tumalikod.

"Talaga! hindi naman kami tumatanggap ng asong alam lang ay tumahol!" pahabol na sigaw ni Tj. "Nakakaloka, tahol nang tahol!" buryong sabi ni Tj nang humarap siya sa amin at lapitan kami.

Nawala na naman ako sa mood. Binagsak ni Tj ang tray sa counter at pinatong ang siko roon.

"Okay ka lang?" tanong ni Ma'am Lily.

Ang swerte swerte ko sa kanila. Kahit kailan hindi ko naramdaman na pag matratuhan. "Yes, Ma'am. Sorry po." napayuko ako sa hiya.

Naramdaman ko na isinuot niya sa 'kin ang sumbrelo kaya napa angat muli ako ng ulo. "Mag ayos na kayo. Darating ang Boss natin," nakangiting sabi niya.

Biglaan ata ang pag dating ng Boss namin. Pero simula kasi nang i-hire ako rito ay hindi ko pa siya nakikita. Kung makita ko man siya, hindi rin naman ako interesado. Interesado ako sa pera na kikitain ko.

"Ma'am Lily! gwapo raw 'yung Boss 'di ba?" tanong ni Tj.

"Oo, bakit?"

"Wala naman, baka kasi makita niya ako na hindi nakaayos ma-turn off pa siya sa 'kin," pag iinarte na sabi ni Tj.

"Hayst, hindi pumapatol sa bakla 'yon. At isa pa may asawa na rin ang Boss natin," natatawang sabi ni Ma'am Lily.

Pinapakinggan ko lang sila habang bumalik ako sa pag aayos ng mga baso.

"Weh? sayang naman." halata mo ang pag ka-dismaya sa boses ni Tj.

"Oo, kaya ikaw bumalik ka na sa trabaho. Maiwan ko na muna kayo at ipapaayos ko ang kitchen dahil mag lilibot daw sa shop ang Boss natin."

Nag paalam ito at pumunta na sa kitchen. Napansin ko naman ang tingin ni Tj habang nag aayos ako, kaya tinignan ko rin siya.

"Mukhang wala kang tulog teh? hanggang ngayon ba kulang pa rin ang pang bayad mo sa ospital?" usisa niya sa 'kin.

Napabuntong hininga ako. Thirty three thousand is enough para sa bill sa ospital pero 'yung para sa maintenance ay hindi ko pa alam kung saan ko pupulutin.

"Paano kung mang---"

"Ayoko, ayokong mang hiram ng pera. Hindi pa ako tapos sa ten k na utang ko sa inyo ni Emma kaya ayoko nang dagdagan," paliwanag ko nang hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin.

Bumuntong hininga siya, "Basta kapag kailangan mo na talaga. Handa akong tumulong."

Pilit akong ngumiti, "Salamat."

"Nasaan ang hampas lupang nag wawala na 'yan?!"

Parehas kaming napalingon ni Tj sa gawi ni Emma nang lumabas siya sa C.R. May hawak hawak itong tabo na akala mo ay nag hahamon ng away.

"Tiih, huli ka na," sagot ni Tj.

"Really?" nakataas ang kilay na tanong ni Emma.

"Oo, ano bang ginawa mo?" tanong ni Tj.

Naibaba niya ang hawak na tabo at pinag pagan ang uniform. At ako naman walang reaksyon na bumalik sa ginagawa. "Tumae kasi ako."

"Alam mo tae ka nang tae, baka mag ka-almoranas ka niyan," paalala ni Tj sa kaniya.

"G*go, maayos pa naman ang lagay ng pwet ko."

"Maganda sana kung pera ang nilalabas niyang pwet mo edi sana natulungan na natin 'tong si Amanda." Turo sa akin ni Tj.

Naibaba ko ang pamunas na hawak at blanko ko silang tinignan. "Pwede ba? bumalik na kayo sa trabaho."

"Ay sorry." Parehas silang walang nagawa kundi ang tumalikod at pumunta sa kaniya kaniya nilang pwesto.

Medisina ang inaral ko, bumagsak ako sa ganitong klasing trabaho. Pero kasalanan ko naman, kasalanan ko naman kung bakit ako nasa ganitong estado.

Nag kamali ako. Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito, na magagawa kong sirain ang pangako ko kay Papa at kay Nanang.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko lahat ng sakit limang taon na ang nakakaraan.

Flashback.

"Ipapalaglag mo ang batang 'yan o papalayasin kita sa palasyo?!"

Nanatiling nakatuon ang paningin ko sa lapag habang pinapakinggan ko ang seryosong boses ni Papa. Nahawakan ko ang tiyan ko habang pinipigilan ko ang pag hikbi.

"Ayoko." umiling ako.

"Pwes umalis ka sa puder ko!! Puro na lang kahihiyan ang dinala mo sa Pamilyang 'to!" galit na galit na sabi niya. "Tinulungan kita para mapangasawa ang Kieffer na 'yan, tapos papayag kang makipag hiwalay?! Anong klasing katangahan 'yan Bellona! Kapag nalaman ng buong bansa ang ginawa mo. Anong sa tingin mo ang sasabihin nila? Iniwan ka ng asawa mong nabuntis ka?! Ha!"

Napapikit ako, sumasakit lang lalo ang puso ko sa tuwing sinasabi niyang nakipag hiwalay ako. "Pa.."

"Sasabihin mo 'yan sa asawa mo at makikipag balikan ka o ipapalaglag mo ang bata? mamili ka," seryosong sabi niya.

Ayokong biguin si Kieffer sa naging desisyon ko. Ayoko nang bumalik pa sa kaniya at baka hindi lang niya ituring na anak ang nasa sinapupunan ko. Kahit na mahal ko pa rin siya ayokong ipa-alam sa kaniya na may anak kaming dalawa.

Ayoko rin na madamay ang pamilyang 'to dahil binantaan ako ni Kieffer. Ayaw kong umabot sa iba na naging asawa ko lang siya dahil inipit ko siya. Hindi ko lang ikasisira iyon pati na ang palasyo.

Naguguluhan ako, ganito ba ang kapalit ng kasiyahan na naramdaman ko ng gabing 'yon? Inipit ko sa isang fix marriage si Kieffer dahil sa kagustuhan ko pero hindi ko akalain na maiipit din ako sa ganitong klasing sitwasyon.

"Mamili ka!!" sigaw ni Papa.

Hindi ko na nakayanan at lumakas na ang pag hikbi ko habang umiiling. "Pa.. please."

"Dalawang beses kitang pinag bigyan pero anong ginawa mo?!"

"Tama na, Pa!!" lalo akong napapikit nang isigaw ko ito. "Ayoko nang masaktan! napapagod na ako! Hindi ko babalikan si Kieffer at bubuhayin ko ang anak ko."

"Anong sabi mo?!"

Tumingala ako sa kaniya at tinignan siya ng may paninindigan habang naka-upo siya sa trono niya. "I don't care about your ambition, your fame, your money, and even your throne! Hindi ko ipapalaglag ang anak ko! bubuhayin ko siya nang mag isa." nanginginig na ako pero iniwasan kong ipakita 'yon. "Kung ipapalaglag ko ang nasa sinapupunan ko parang tinanggalan mo na rin ako ng karapatan na maging Ina. Kaya kung hindi mo 'to matatanggap, isipin mo na lang na hindi mo ako naging anak."

Mag sasalita pa sana siya pero agad ko siyang tinalikuran. Nakuha ng atensyon ko si Dwight at Brianna na nasa gilid kaya pinunasan ko ang luha ko at tinignan sila ng masama.

Papanindigan ko 'to, hindi na ako tatapak pa sa kulungan na lugar na 'to.

End of Flashback.

Napa-tingala ako nang mag simulang mangilid ang luha ko. Ayokong umiyak, ang pag iyak ay para lang sa mahihina at hindi na ako gano'ng klasing tao.

Hindi ko naman kasalanan na may mabuo.

"Amanda.. tulungan mo naman ako." bumalik lang ako sa wisyo nang tawagin ako ni Aki.

Napalingon ako sa kaniya, may dala dala itong tatlong box ng cake habang nahihirapan na pumasok sa loob.

"Sige," sagot ko at saka ako dali daling lumabas sa counter.

Pero nang papunta na ako sa pinto ay hindi ko inaasahan na may makakabangga ako. Kaya agad akong nang hingi ng paumanhin dito.

"I'm sorry, Sir," nag mamadaling sabi ko.

Wala naman akong natanggap na sorry mula sa kaniya dahil nanatili siyang nakatayo kaya napag pasyahan kong umalis na. Hindi ko na nagawang tingalain pa siya dahil sa pag mamadali, baka kasi mahulog ang mga box na hawak ni Aki.

Tumingin pa muna ako sa likod ng lalaki bago ko tuluyang kuhanin kay Aki ang dalawang box na hawak. Ang tindig niyon, parang pamilyar sa 'kin. Nag taka naman ako na hindi siya gumagalaw sa pwesto niya.

"Salamat," Ani Aki nang mag simula akong mag lakad.

Lalo akong nag taka nang lapitan ni Ma'am Lily ang lalaking nasangga ko sa balikat at pumunta sila sa Office. Sino naman kaya ang lalaking 'yon?

"Uy." sinangga ako ni Aki nang huminto ako.

"Hmm?"

"Sinong tinitignan mo?" tanong nito.

"'Yong lalaki.."

"Ah si Boss ba? He is our boss," maangas na sabi niya.

Napalunok ako dahil sa narinig, nakakahiya, nakabunggo ko 'yong boss namin tapos sorry lang ang sinabi ko.

"Huwag kang mag alala mabait naman siya." ni-tap pa ako nito sa balikat bago umalis sa tabi ko.

Kahit na gano'n ay hindi ko pa rin naiwasang mahiya.

I haven't told you yet that first impression is very important.

I don't want to lose my job.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
si keiffer ba ang boss nila
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status