Share

KABANATA 2

FIVE YEARS AGO...

MALUNGKOT na pinahid ni Patricia ang mga luha niyang parang wala na yatang katupusan dahil hanggang ngayon ay patuloy parin iyon sa masaganang pagdaloy. Ilang sandali niyang tinitigan muna ang natutulog na si Alvin bago niya kinuha ang kaniyang shoulder bag.

Ngayon aware na siya kung ano ba ang totoong nararamdaman niya para sa lalaki. At kahit hindi niya aminin dito alam niya sa sarili niya mismo na ang dati pagtingin niya kay Alvin noon nasa kolehiyo pa lamang sila ay muling nagbalik. At dahil iyon sa kahinaan niya dahil sa mga kapusukan naman nito sa kaniya.

Lumabas siya ng kwarto saka maingat na inilapat ang pinto pasara. Pagkatapos noon ay nagmamadali ang mga hakbang niyang tuluyang nilisan ang mataas na gusali kung nasaan ang condominium unit ng binata.

Bakit ba siya pumayag na maging ganito? To think na ibinigay niya ang virginity niya sa lalaking alam naman niyang walang pagtingin sa kaniya? At hindi lang iyon, ang unang beses na iyon ay nasundan pa ng maraming ulit hanggang sa tuluyan na nga siyang nagsimulang humabi ng maraming magaganda at positibong pangarap kasama ito.

Mahal niya si Alvin.

At iyon ang totoo na hindi niya maikakaila kahit sa sarili niya.

Pero walang future ang damdamin na iyon. At hindi rin tama na patuloy siyang pumayag at paulit-ulit niyang ipagamit ang sarili niya sa lalaking ito kahit gaano pa niya ito kamahal. Isang malaking katangahan iyon. Ang ipinagdarasal lang niya, sana ay hindi magbunga ang lahat ng kapusukan nila at ng maraming beses na pagiging mahina niya.

Nang makauwi siya sa kaniyang apartment ay saka na sinimulan ni Patricia ang paghahanda para sa plano niyang pag-alis doon. Nakausap narin niya ang kaniyang landlady, sinabi niya na kapag nakahanap na siya ng maghahakot ay saka na lamang niya ipakukuha ang mga gamit niya doon.

Uuwi nalang siya ng probinsya. Hindi niya alam kung immature bang matatawag ang lahat ng mabilisan niyang desisyon pero hindi na iyon mahalaga. Last week pa siya nakapag-file ng resignation sa bangko kung saan siya nagtatrabaho at hindi alam ni Alvin ang tungkol doon kaya sigurado siyang magagalit ito oras na malaman nito ang totoo.

Pero iba kaysa inasahan niya ang nangyari. Palabas pa lamang siya ng kaniyang kwarto ay narinig pa niyang bumukas ang pintuan sa may entrada ng kaniyang apartment. Alam niyang si Alvin iyon dahil bukod sa kaniya ay ito lamang at ang landlady niya ang may kopya ng susi sa kaniyang tinutuluyan.

"Saan ka pupunta?" ang bungad nitong tanong sa kaniya saka pinaglipat-lipat ang paningin sa kaniyang mukha at dala niyang mga maleta.

Napalunok si Patricia sa tanong na iyon at pagkatapos ay mabilis na umiwas ng tingin sa lalaki. "M-Magbabakasyon sa probinsya!" pagsisinungaling niya habang nanatiling nakayuko.

Alam niyang hindi niya mapapaniwala si Alvin sa mga ganoong klase ng pagdadahilan kaya naman sa huli ay minabuti niyang mag-angat ng tingin upang salubungin ang mga titig nito sa kaniya.

"Okay, fine!" ang galit niyang simula.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ng binata habang nasa mukha nito ang matinding pagtataka kung para saan marahil ang galit na ipinakikita niya rito ngayon.

"May problema ba tayo?" ang mabait nitong tanong sa karaniwan na nitong tono.

"Punyeta Alvin, ang manhid mo naman!" ang galit niyan simula.

"Ano? Bakit naman ako naging punyeta at manhid?" ang naguguluhang tanong sa kaniya ng lalaki.

Mapait ang ngiti na pumunit sa mga labi ng dalaga. Sa tono ng pananalita nito ay halatang wala nga iton idea sa kung ano man ang totoong nararamdaman niya. Kailangan ba niyang sabihin dito ang totoo? Eh samantalang lahat nalang ng tagong parte ng katawan niya ay nagawa na nitong papakin at halikan? At ibinigay niya ang lahat ng iyon dito nang walang pagdadalawang isip? Dahil sa labi na pagmamahal na ngayon palang obvious naman na hinding-hindi nito masusuklian?

"Aalis ako at hindi na babalik pa. Ayoko na ring makita ka kasi demonyo at animal ka!" ang prangkang sagot niya at dahil iyon sa matinding sama ng loob na nararamdaman niya para rito.

Sinong babae ba naman ang hindi sasama ang loob? Lahat nalang yata ng posisyon sa kama ay nagawa na nila pero bakit parang hindi parin nito alam ang totoo? Bakit hindi parin nito maramdaman na mahal na mahal niya ito?

Noon napangiti ang binata saka siya amuse na nilapitan. Halata namang hindi ito naaapektuhan sa pinagsasasabi niya at sa pagmamaldita niya kaya siguro pati mga mata nito ay kinakikitaan rin niya ang masidhing amusement.

"Huwag mo nga akong pagtawanan!" ang mataray niyang singhal sa dito.

Umangat ang makakapal na kilay ni Alvin kasabay ng muli nitong pangiti. At ang kasunod niyon ay ang tuluyan na nga nitong pagtawid sa maliit na distansya na nasa pagitan nilang dalawa.

Alam ng binata ang kahinaan niya at iyon ang nangyari nang halikan siya nito.

Kagabi bilang pamamaalam ay wala yata silang ibang ginawa sa condo nito kundi ang magtalik at late narin nang payagan siya nitong matulog. Okay lang iyon sa kaniya dahil nga mahal naman niya ito. Dahil ang totoong plano niya iyon na ang huli nilang pagkikita at iyon narin ang huling beses na may mangyayari sa kanila.

Pero mukhang iba ang mangyayari sa pagkakataon na iyo. Sa tingin niya ang nangyari kagabi ay unang bahagi pa lamang ng plano niyang pamamaalam rito. Dahil ngayon, sa paraan ng paghalik nito sa kaniya, mukhang alam na niya kung saan patungo ang lahat ng ito. At hindi nga siya nangkamali.

Bawat sulok ng apartment na iyon ay puno ng maiinit na sandali nilang dalawa ng binata.

Sa kusina, sa banyo, sa kanyang kwarto, pati narin sa laundry area at sa sala. Wala silang pinalampas. Ganoon sila kainit. Kapag may pagkakataon ay nakakasimple silang dalawa.

Alam naman niya na bilang isang lalaki ay normal kay Alvin ang maging mapusok. Ang kanilang dalawa ay parang may kakaiba at hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya sa tuwing magsisimula ang binata ng apoy sa pagitan nilang dalawa katulad na lamang ng ginagawa nito ngayon.

At katulad ng sinabi niya kanina, bawat tagong bahagi ng katawan niya ay totoong natikman na ng binata. Kaya wala na siyang maitatago pa rito. Wala na siyang pwedeng ipagmalaki, tanging pride na lamang niya ang mayroon siya at iyon na nag-iisa at alam niya na pwede niyang panghawakan.

"Hindi ka pwedeng umalis, hindi mo ako pwedeng iwan," iyon ang narinig niyang ibinulong sa kaniya ng binata habang unti-unti siya nitong hinuhubaran.

Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil ang lahat ng iyon nang muling inangkin ng binata ang kaniyang mga labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status