Share

KABANATA 3

KATULAD ng sinabi na niya kanina, iba ang nangyayari kapag naglapat na ang kanilang mga labi. Nasasabi niya iyon dahil wala pa siyang natatandaan na pangyayaring nagawa siyang halikan ni Alvin at nasa pribadong lugar sila katulad ng condo nito o kaya naman ay dito sa apartment niya nang hindi nauuwi sa isang mainit na pagtatalik ang lahat.

Masyado siyang malambot at aminado siyang mahina siya. At ang binata naman ay likas na mapusok. Bagay na hindi niya nakita rito dahil sa matagal na panahon na pagiging magkaibigan nilang dalawa ay nanatiling gentleman ito sa kaniya.

"Please, tama na," bulong niya nang magkaroon siya ng pagkakataon.

Pero parang walang naririnig na itinaas lang siya ng binata saka siya mabilis na ipinasok sa loob ng kaniyang kwarto.

Sa kama niya siya inihiga nito, sa paanan niya mismo ay nagsimula itong maghubad sa mabibilis na kilos. Tila ba iniisip nito ba baka bigla siyang tumakbo at makatakas.

Oo nga, pwede naman niyang gawin iyon, pero bakit parang may magnet ang kama na humihigop sa kaniya at nagawa pa niyang pagsawain ang paningin niya sa kagandahang nakabilad nga sa kaniyang harapan.

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ni Tracy habang pinanonood niya ang ginagawa ng gwapong lalaki sa kaniyang harapan. Bakit nga hindi niya ito pagbigyan?

Sa bagay na iyon ay mabilis na umayaw ang isipan niya.

Si Alvin lang ba talaga ang may gusto niyon at kailangan niyang pagbigyan? O baka naman ang totoo ay ang sarili niya at ayaw lang niyang aminin iyon?

Noon huminga ng malalim si Patricia para pagluwagin ang kaniyang dibdib.

Kahit magsinungaling siya sa sarili niya alam naman ng puso niya ang totoo. Gusto rin niyang magpaalam ng maayos sa lalaking ito. At gusto niyang bigyan ito ng mainit na alaala sa huling sandali na pwede nitong balikan. At ganoon rin naman siya dito. Kaya naman tuluyan na niyang napagpasyahan na alisin nang tuluyan ang kaniyang maskara at aminin na ang totoo sa kaniyang sarili.

Maraming beses narin naman nilang ginawa ang ganito. Ano nalang ba ang minsan pa na nangangahulugan ng pamamaalam? At gagawin niya ang lahat para maging espesyal iyon. Bibigyan niya si Alvin ng isang uri ng karanasan na alam niyang kahit kailan ay hindi nito makakalimutan. Para palagi siya nitong maalala.

Muling uminit ang sulok ng kaniyang mga mata dahil sa kaisipang iyon.

Masakit mang isipin na sa mga ganitong pagkakataon lang siya kailangan ni Alvin pero wala siyang magagawa. Ang pakunswelo nalang sa kaniya ng lahat ng ito ay nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ang pagiging magkaibigan nilang dalawa. Anyway, aminin man niya o hindi ay nag-enjoy rin naman siya. Lalo na kapag nasa kainitan na sila ng kanilang kapusukan, humihingi pa nga siya ng mas marami pa na alam niyang kayang ibigay sa kaniya ng binata.

Buo na ang pasya niya nang muli siyang daluhan ng binata sa ibabaw ng kaniyang kama. Kaya naman nang halikan siya nito ay hindi lang basta halik ang ginawa niya. Naging palabas siya at nakipagsabayan siya ng husto rito.

Sa maraming pagkakataon tuwing may mangyayari sa kanilang dalawa palaging siya ang kung ilalarawan ay parang batang naghihintay na subuan ng pagkain. At dahil nga ito ang unang beses na gagawin niya ang ganito, hindi rin niya maikakaila ang excitement na nararamdaman ng kaniyang puso.

"Kung gusto mo kahit hanggang mamayang gabi gawin natin ang ganito, okay lang sa akin," anas niya nang bumitiw siya sa paghalik kay Alvin.

Noon umangat ang sulok ng labi ni Alvin saka siya muling siniil ng halik.

Totoo iyon, payag siya kahit ilang beses pa. Para matiyak lang niya na sa pag-alis niya tulog ang binata. Sa ganoong paraan kasi alam niyang wala nang pwedeng pumigil sa kaniya. Hindi katulad ng plano niyang pag-alis ngayon, isang halik lang mula kay Alvin at nagbago ang lahat. Lumambot at bumigay na naman siya.

Nang makahanap siya ng tiyempo ay noon niya itinulak ang binata paupo. Pagkatapos noon ay kinuha niya ang pwesto sa kandungan nito. Iyon ang pagkakataon na parang walang anuman niyang hinubad ang suot niyang bestida saka iyon inihagis sa kung saan mang bahagi ng silid.

"Patricia, ang ganda mo, napakaganda mo," anas ni Alvin na kinabig siya sa batok saka siya muling mariin na hinalikan.

Nagsimula naring maglikot ang mga kamay ni Alvin sa pagkakataong iyon. Mabilis nitong nagawang tanggalin ang pagkaka-hook ng kaniyang strapless na bra at nang tuluyan na ngang maging exposed sa rito ang magkabila niya dibdib ay masuyo nitong dinama ng bihasa nitong mga kamay ang mga iyon.

Umungol si Patricia sa pagitan ng maiinit paring pagsasagupa ng kanilang mga bibig. Wala sa plano niya ang tumigil dahil katulad ng binata ay mainit narin ang pakiramdam niya. At siguro nga dahil sa kaniya narin nanggaling na willing siyang gawin ang ganoon hanggang gabi ay ramdam na ramdam niya ang feeling na parang nasa gitna siya ng isang mainit na laban at kailanga niyang galingan.

Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito kasidhing damdamin at alam naman niya kung bakit. Kasi magkakahiwalay na sila ni Alvin at wala na sa plano niya ang baguhin ang o kahit bawiin ang tungkol doon.

*****

"HINDI ba siya iyong ipinakilala mo sa akin noong college ka na bestfriend mo? Tingnan mo, ikinasal na pala siya at talagang napakayaman ng napangasawa niya," isang umaga na magkakaharap sila sa almusal ay iyon ang narinig ni Alvin na tinuran sa kaniya ng kaniyang ina na si Daisy sabay abot sa kaniya ng hawak nitong pahayagan.

Mabilis na nilamon ng matinding panibugho ang dibdib ni Alvin nang makita kung sino ang tinutukoy ng kaniyang ina. Walang iba kundi si Patricia Solomon. At tama ang sinabi ng Mama niya, ipinakilala niya ito dito noong college pa lamang sila.

Best friend niya si Patricia pero alam niyang two years ago ay hindi nalang pagiging matalik na magkaibigan ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Mabilis niyang ibinaba sa mesa ang pahayagan saka tahimik na ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain.

Hindi niya makakalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa noon. At lahat iyon para sa kaniya ay magaganda. Pero hindi niya inakala na mali ala ang naging pagkilala niya sa dalaga. Dahil pagkatapos ng lahat ng iyon ay bigla nalang siya nitong iniwan na parang walang anumang nangyari.

Tama.

Babae ito at kung tutuusin ay siya pa ang nakauna rito. Pero hindi niya maintindihan kung ano ang mabigat na dahilan nito para iwan siya nito ng ganoon nalang?

Nagising siya sa mismong apartment ni Patricia kinabukasan nang mag-isa, wala na ang dalaga at hindi na ito muling nagpakita pa sa kaniya. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi niya ito makontak sa number na naka-save sa cellphone niya.

At ngayon, makalipas ang isang taon, heto at nakabandera sa isang kilalang pahayagan ang tungkol sa pagpapakasal nito at ng isang kilalang anak ng negosyante. Noon pilit na inignora ni Alvin ang matinding selos na nararamdaman niyang unti-unting kumakain sa kaniyang puso.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
akala ko ba patricia o nickname nia ang tracy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status