Share

KABANATA 4

KUNG tutuusin hindi naman kawalan sa kaniya ang lahat ng nangyari. Lalake siya at sanay siya na babae ang naghahabol sa kaniya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos nang lahat ng namagitan sa kanilang dalawa ni Patricia ay palaging ito parin ang laman ng isipan niya tuwing gabi.

At sinungaling siya kung hindi niya aaminin na ang lahat ng nangyari sa kanila ay paulit-ulit niyang binabalikan sa kaniyang gunito at may mga pagkakataon pang maging sa panaginip ay kasama niya ang mga iyon.

Hindi malinaw sa kaniya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman para sa kaniyang kababata pero aminado siya na galit siya rito dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya. At kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon at makakaharap niya ito, hindi niya maipapangako na hindi niya ito masusumbatan o mapagsasalitaan ng masakit, dahil narin sa lahat paghihirap ng kalooban at matinding kalungkutan na idinulot nito sa kaniya mula nang iwan siya nito.

*****

NAGISING si Patricia sa isang pribado at magandang silid.

Madaling araw nang itakbo siya doon ng kaniyang hipag na si Sandra kasama ang ina nito at kaniyang biyenan na si Olivia.

Mabilis niyang kinapa ang kaniyang tiyan nang magkamalay siya at iyon na lamang ang excitement na pumuno sa kaniyang dibdib nang makapa niyang impis na iyon. Noon naman tamang bumukas ang pintuan ng silid at saka iniluwa ang isang unipormadong babae. Nasa mga bisig nito ang alam niyang munting buhay na kanina lamang ay iniluwal niya sa mundo.

Agad na tumulo ang luha niya nang ibigay sa kaniya ng nurse ang kaniyang anak.

Napakagwapo nito, kamukhang-kamukha ng ama nito na isang taon narin mula nang pumanaw dahil sa isang vehicular accident. Tatlong taon rin silang nagsama ni Robert bilang mag-asawa at masasabi niyang naging masaya siya dahil sa loob ng mga panahong iyon ay nagawa nitong iparamdam sa kaniya na mahal siya nito, iyon ay sa kabila ng maraming hindi magandang gossips na

"Robert," bulong niya saka hinalikan ang maliit nitong noo. "kung nabubuhay lang ang Papa mo, sigurado ako na matutuwa siyang makita ka, lalo na at para kang maliit na version niya," aniya pa suminghot pagkatapos.

Katulad ng inaasahan ay excited rin ang mga in-laws niya na makita si Robert, lalo na ang biyenan niya na napaiyak pa nang makita nitong kamukhang-kamukha ng yumao nitong anak na panganay ang apo nito.

Sumapit ang araw ng araw ng paglabas niya sa ospital. Pero taliwas sa inaasahan niya ang totoong nangyari.

"Sandra kunin mo na ang bata," ang awtorisadong utos ni Olivia sa anak nito nang nasa parking lot na sila ng ospital.

Normal na kay Patricia ang ganoong tono ng pananalita ng kaniyang biyenan kaya hindi niya iyon binigyan ng ibang kahulugan at maayos na ibinigay kay Sandra ang anak niya. Iniisip kasi niya na baka ayaw lang ni Olivia ang mahirapan siya dahil nga kapapanganak pa lamang niya.

"Pumasok kana doon sa kotse," ang muling iniutos nito saka siya hinarap.

Nang makita niyang isinara na ni Sandra ang pintuan ng sasakyan kung saan ito pumasok ay agad na nabuhay ang takot sa puso ni Patricia. Noon niya nilingon ang kaniyang biyenan na ngayon lamang niyang napunang madilim ang aura ng mukha habang nakatitig sa kaniya.

"Kunin mo ito," anitong inilabas mula sa loob ng bag nito ang isang tseke.

Binasa niya iyon, dalawang milyon! Para saan ang dalawang milyon? Noon nagsimulang mabuhay ang paghihinala at takot sa puso niya.

"P-Para saan po ito, Mama?" tanong niyang sinikap na patatagin ang tinig.

Para sa iyo. Tapos na ang palabas hija, you served your purpose. Binigyan mo ng anak si Robert at ngayong wala na siya at nakapanganak kana rin wala nang dahilan pa para manatili ka sa buhay namin. Siguro naman hindi lingid sa iyo ang katotohanan na hindi talaga kita gusto para sa anak ko?"

Kahit nang mga sandaling iyon ay unti-unti nang nabubuo ang hindi magandang hinala sa puso at isipan ni Patricia ay sinikap parin niyang magpakahinahon.

"Kung ganoon pala, aalis ako, ibalik ninyo sa akin ang anak ko," aniyang tinangkang lapitan ang pintuan ng kotse kung saan naupo kanina si Sandra pero mabilis siyang itinulak at hinawi ni Olivia.

At dahil nga hindi siya naging handa para sa bagay na iyon bukod pa sa katotohanan na nanghihina pa siya ay nawalan siya ng balanse kaya siya natumba.

"Huwag ka nang mahiya, kunin mo ang dalawang milyon at lumayo ka na," si Olivia ulit iyon saka inihulog sa kaniya na parang bang isang napakaruming tissue ang tseke na kanina pa nito pinamimilit sa kaniya.

Noon tuluyang napaluha si Patricia. Dahil noon lang naging malinaw sa kaniya ang lahat. Kaya naman agad na nilamon ng matinding galit ang puso niya. Kinuha niya ang tseke saka iyon pinagpupunit sa harapan mismo ng matapobre niyang biyenan.

"Kung iniisip mo na mababayaran mo ng pera ang pagkatao ko, nagkakamali ka!" aniyang sinubukang tumayo pero muli siyang napaupo dahil sa ginawang pagsipa sa kaniya ng babae.

"Narinig mo, hindi ka namin kailangan sa buhay namin. Mabubuhay ang apo ko kahit wala ka, at kahit kailan hindi kita matatanggap sa pamilya namin bilang manugang ko. Akala mo ba minahal ka talaga ng anak ko? Baliw ka, sa tingin mo bakit sa kabila ng katotohanan na kasal siya sayo ay patuloy parin ang ginagawa niyang pakikipagrelasyon sa ibang babae? Sa tingin mo ba totoo niyang tinapos ang relasyon nila ni Jane? Marami kang hindi alam dahil tanga ka! Anak lang ang gusto ni Robert sa iyo at iyon ang totoo kaya ngayong nakuha na namin ang gusto namin, wala na kaming kailangan sa iyo, umalis ka na at huwag nang magpapakita pa," anitong umakma na para talikuran siya pero mabilis na niyakap ni Patricia ang binti nito kaya napigil ang dapat sana ay gagawin nitong pagsakay ng kotse.

"Please po, Ma, huwag ninyong gawin ito sakin ibalik ninyo sa akin ang anak ko. Kung gusto ninyo kahit alilain ninyo ako, basta makasama ko lang po ang anak ko," ang nagmamakaawa niyang iyak habang nanatiling nakayakap sa binti ni Olivia.

"Ilayo mo sa akin ang basurang ito!" ang mabilis na utos ni Olivia sa family driver na si Kanor. "Hindi ko nga maintindihan sa anak ko kung bakit nagawa niyang pumatol sa isang hampas lupa na katulad mo! Pwe!" anitong dinuraan pa siya bago ito tuluyang sumakay ng kotse.

Noon lalong naalarma si Patricia. Nanghihina siya pero pinilit niyang tumayo lalo nang makita niyang tumakbo na ang kotse palabas ng parking lot. "Ma! Sandra! Ibalik ninyo ang anak ko! Mga walang hiya kayo! Anak! Robert!" ang malakas niyang sigaw habang tumatakbong kinakalampag ang bintana ng kotse.

"Anak! Anak kooooo!!! Mga walang hiya kayo ibalik ninyo sa akin ang anak ko!" alam niyang nakatawag na sa pansin ng iba ang malakas niyang pagsigaw pero hindi na iyon importante.

Alam niyang kahit habulin pa niya ang sasakyan ay hindi niya iyon magagawa. At dahil narin sa magkakahalong sama ng loob at panghihina ng katawan na kaniyang naramdaman, mabilis siyang nakaramdaman ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na nang nilamon ng kadiliman ang kaniyang paligid.

PRESENT DAY...

“I’M sorry, pero pwede ko bang malaman kung ano ang ikinamatay ng asawa mo?”

Ayaw man ni Patricia na bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi at tanong na iyon ni Alvin pero hindi parin nakaligtas sa matalas niyang pandinig ang pagbibigay-diin nito sa salitang asawa na naging dahilan naman kaya mapait siyang napangiti.

“It’s okay,” sagot niya. “Vehicular accident, iyon ang ikinamatay ng asawa ko,” ang maikli niyang sagot.

Walang narinig na kahit anong salita o komento mula kay Alvin si Patricia sa sinabi niyang iyon. Hindi ito ang inaasahan niyang first encounter with her kung tawagin ng iba. Pero dahil nga sa ibang klaseng nakaraan nila ng lalaki na tinakasan niya, ganito ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya inuusig siya ng mga titig nito kahit wala naman itong sinasabing ganoon.ng iba. Pero dahil nga sa ibang klaseng nakaraan nila ng lalaki na tinakasan niya, ganito ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya inuusig siya ng mga titig nito kahit kung tutuusin ay wala naman itong sinasabing ganoon.

“Are you okay, Mrs. Sanchez?” iyon ang tanong na nagpakislot sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status