Share

KABANATA 8

GAYA ng gustong mangyari ni Caleb ay nagpunta siya sa birthday party ni Jane. At katulad rin ng sinabi nito ay sinundo siya ng binata gamit ang sasakyan nito.

"Nakakahiya naman wala akong regalo. Baka magalit siya sa akin," ang nag-aalala niyang sabi saka nilingon si Caleb na busya sa harapan ng manibela.

"Hindi na mapapansin ni Jane iyon kasi busy siya sa mga kaibigan niya. At isa pa, hindi ba napag-usapan na natin ang tungkol diyan? Bakit inaalala mo na naman?" tanong sa kanya ng binata saka siya sandaling nilingon.

Napabuntong hininga doon si Patricia at sa huli ay piniling huwag nalang magsalita. Alam naman kasi niya na kapag nangatwiran pa siya ay sermon lang ang aabutin niya kay Caleb.

*****

"ANO bang gusto mo, ikuha kita ng pagkain o ikaw na?" tanong sa kanya ni Caleb nang marating nila ang mansyon.

Hindi pa man debut ni Jane pero talagang engr

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status