Share

Chapter 1 - Pinky Promise

Kung mayroon contest sa pinaka duwag na tao sa mundo, siguro ako ang makakakuha ng first place.

Duwag ako. Napakahina ko. Nang dahil sa kaduwagan ko, mas pinili ko na masaktan ang taong pinahalagahan ko ng mahigit apat na taon. Nang dahil sa takot ko na baka magkaiba kami ng nararamdaman para sa isa't isa, mas pinili ko na makita siyang lumakad palayo sa akin.

Nang dahil sa pinairal ko ang mga scenario sa utak ko na baka hindi niya rin ako gusto gaya ng pagkagusto ko sa kanya ay hinayaan ko ang sarili ko na maging tikom sa totoong pagtingin ko sa kanya.

Kaya heto at nangyari nga ang kinakatakot ko, pero ako ang may dahilan kung bakit nagkatotoo ang mga naiisip ko lang. I am the reason why my illusions turn into reality.

Heto ako ngayon puno ng pagsisi dahil hinayaan ko lang naman na masaktan physically, and worst emotionally ang babaeng lihim kong minahal.

At heto rin ako ngayon, pasulyap-sulyap na lang sa maganda niyang ngiti. Kung noon ako ang rason sa mga ngiti niya, ngayon ibang tao.

Dapat ako iyon.

Ako pa rin dapat ang dahilan ng mga ngiti at tawa mo. Pero dahil tanga at duwag ako... Ganito ba talaga? Mapagtatanto mo ang lahat kapag huli na? Kapag ubos na ang tyansa at oras na binigay sa'yo para masabi ang salitang "mahal kita".

Huli na nga ba talaga? Ito na ba talaga ang ending? Tapos na ba talaga? Hindi pa nga nagsisimula pero tinapos na agad ng tadhana ang lahat?

Pero sino ba ang niloloko ko? Bakit ko sinisisi ang tadhana? Kasalanan ko. Ako ang dahilan kung bakit umabot sa ganito. Ako mismo ang tumapos ng lovestory na hindi pa nagsisimula.

Kung sana hindi lang ako naging duwag. Kung sana noong una pa lang naging matapang din ako katulad mo... sana nagkaroon din ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo. Sana noong araw na iyon, sana umamin din ako na mahal din kita. Sana—

"Liam?"

"Huh?"

"Are you okay?"

"Huh? O-oo. Okay lang ako."

Sinungaling ka Liam, ang galing mo talaga mag-sinungaling. Okay? Kahit durog na durog ka na dahil sa nakikita mo ngayon, okay ka pa rin? Napakasinungaling mo.

"Really? Then bakit hindi mo kami kinakausap?"

Hindi kinakausap? Hindi ko naman sila naririnig na nagsasalita. Si Wendy nga pala 'tong kumakausap sa akin ngayon, girlfriend ko.

Oo. Girlfriend ko. Alam ko ang gulo, dahil kanina lang nagda-drama ako tungkol sa babaeng pinakamamahal ko pero may iba na pala akong karelasyon? Huwag kayo mag-alala, dahil ako rin naguluhan.

Ang abnormal ko, 'di ba?

Nandito kami ngayon sa hospital, bakit nga ba kami narito? Ah, dinadalaw pala namin iyong best friend slash pinakamamahal kong babae.

"Hey, Liam!" Ano ba naman ang babaeng 'to? Kalabit nang kalabit. Nag-mo-moment ako rito, eh. "Are you really fine? Bakit ba 'di mo ako pinapansin? Kanina pa ako salita nang salita rito."

"Wala ka naman sinasabi." Wala naman talaga akong naririnig, baka hindi ko lang talaga siya naririnig dahil focus ako sa pagtitig sa babaeng nakikipag-usap ngayon sa taong nagsasabi na mas "deserving" siya sa mahal ko.

"Anong wala? Kanina pa kaya ako nagtatanong kung may gusto ka i-suggest na gawin sa upcoming birthday ni Aerielle. And... why are you crying?"

Ah, oo nga pala. Birthday na pala next week ni Erie, birthday na ng mahal ko. Pero sandali, ako umiiyak? Umiiyak ba ako? Hinaplos ko ang pisngi ko...

Tama siya. Bakit ako umiiyak? Nababaliw na ba 'ko?

"Oo nga Liam, pansin ko kanina ka pa tahimik diyan. Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Lalo akong nawala sa sarili nang marinig ko ang himig ng babaeng iniibig ko.

Finally, kinausap niya na rin ako. Ang akala ko ay hindi niya ako kikibuin sa buong pananatili ko rito. Paano ko siya makakausap? Bantay sarado lang naman siya ng feeling boyfriend niya.

Well, iyon naman ang pinaniniwalaan ng lahat. Na boyfriend niya ang lalaking 'to.

"Wala 'to. Uh, it's just an a-allergy," pagsisinungaling ko, at mukha namang naniwala si Erie sa sagot ko dahil medyo umaliwalas ang reaksyon ng mala anghel nitong mukha.

Buti na lang naniwala siya dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa tanong niya, at hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko naman puwede sabihing nababaliw na ako.

Si Wendy ang mukhang nalito dahil kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. Alam niya kasi na wala naman akong allergy sa kahit anong bagay o pagkain. Lalo naman si Erie, alam na alam niya ang bagay na iyon.

Alam niya ang lahat tungkol sa 'kin, kahit nga siguro amoy ng utot ko ay alam niya. Pero hindi niya na maalala 'yon dahil sa katangahan ko.

"Ang lamig masyado rito. Napupuwing ako sa aircon ng kuwarto mo kaya 'yon," dagdag ko pa sa pagrarason. Huh, what a lame excuse, Liam.

Sumilay ang maamong ngiti ng babaeng mahal ko, dahilan para lalo akong maluha.

God, I miss her smile so much. Iyong kakaibang ngiti niya na ako lang ang may kakayahang magpalabas sa labi niya. "Gano'n ba? Kanina ka pa tinatanong ni Wendy kung ano'ng masu-suggest mo. Ang sabi niya kasi best friend kita, kaya alam mo raw ang mga iba kong hilig, totoo ba 'yon?"

Oo best friend mo ako Erie, pero kung hindi ako nagpakaistupido? I must be your other half now. Ako pa rin sana ang kasama mo ngayon, masaya pa rin sana tayong dalawa. Hindi sana mangyayari sa 'yo ang sinapit mo ngayon kung hindi ako duwag.

Ang mga bagay na iyan ang gusto kong isagot sa kanya pero bigla na naman akong napipi at natulala sa maganda niyang mukha. Pakiramdam ko'y hahagulgol ako dahil sa bigat na nararamdaman ko at pati na rin sa mga naiisip ko.

"Baka kasi naubusan na siya ng magiging pakulo sa birthday mo love, kaya naiyak na lang siya." Singit nitong lalaki na kanina pa nakahawak sa kamay ni Erie.

Tss, kung makahawak naman akala niya ay pagmamayari niya ang ang babaeng inagaw niya lang naman. Masyadong bantay sarado, ano ba'ng akala niya, aagawin ko si Erie? I won't do that. Hindi niya ako katulad na mahilig mang-agaw, and as if makalapit ako kay Erie?

Kaunting kibot ko nga lang dito eh, binibigyan niya ako ng tingin na subukan-mo-lumapit-bali-'yang-braso mo look.

And why he calling her "love"? Gross. Hindi man lang pinag-isipan ng mabuti iyong endearment niya kay Erie. Napaka-common. Baduy, tss.

Asarin mo pa ako Martin epal, mapanira ng relasyon. Kung ideas lang para sa gaganapin na birthday ni Erie, marami akong mai-su-suggest. Alam ko ang lahat ng gusto ni Erie. Kumpara naman sa kanya na basketball lang alam na gawin at puro pagyayabang. Favorite color nga ni Erie ay hindi niya pa alam. Asshole.

"Anong wala akong maisip? I have a lot of ideas compare to you, brainless shit," taas noo kong sagot kahit walang tigil sa pag-agos ng luha at uhog ko.

Nag-iba ang timpla ni Martin sa naging sagot ko, alam niya naman ang totoo. "If that's the case, anong iniiyak mo riyan?" nakangising sagot sa 'kin ni Martin.

I gritted my teeth, pinapadilim niya talaga ang paningin ko. Ano ba ang pakialam niya kung umiiyak ako? Bakit niya pa itinatanong? Alam ko na alam ng hambog na 'to ang iniiyak ko. Alam ko rin na tuwang-tuwa ang demonyo sa loob niya dahil nakikita niya akong luhaan at talunan dahil siya ang nagwagi sa puso ni Erie at hindi ako.

Ito ang gusto ni Martin. Ang makita akong lugmok, nahihirapan, nadudurog... This is what he wants, to destroy me using my beloved girl.

"Why are you crying, Liam?" Tanong muli ni Wendy na kanina pa nakakunot ang noo.

Bakit nga ba kasi ako umiiyak? Hindi ako dapat umiiyak lalo na at nasa harapan ko ang pinakasusuklaman ko sa lahat.

Sabi ko ay hindi na ako iiyak pero napakatraydor ng mga luha ko, ayaw makisama. Nakaka-badtrip!

"Sabi ko naman sa 'yo kung masama ang pakiramdam mo dapat hindi na tayo tumuloy sa pag-visit dito. She will understand it. Right, Aerielle?" Nakangiting sabi niya sabay tingin kay Erie.

Sumulyap sa 'kin si Erie na parang nagtatakha rin sa inaakto ko, pero tila may halong awa ang tingin nito sa 'kin.

Bakit siya naaawa sa akin? Wala naman rason para kaawaan ako. Deserve ko naman itong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pero naaawa nga ba siya sa 'kin? O pakiramdam ko lang 'to?

Ang tingin na iyon ni Erie ay hindi rin nagtagal. Naging maamo ang mukha niya at nginitian ako, ang mga ngiting iyan. Sa akin mo lang dapat iyan pinapakita pero dahil napakaestupido ko ay hinayaan ko na iba ang makinabang. "Oo naman. Wala naman problema sa 'kin kung hindi kayo makakadalaw palagi 'tsaka, balita ko final exam this week? Dapat nga mas focus kayo roon."

Exam week na rin pala. Hindi ko man lang namalayan. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko dahil kay Erie lang nakatuon ang atensyon ko simula nang mangyari ang hindi ko pinakaaasahan na bagay.

"At saka palagi mo naman ako dinadalaw, Liam. Dinaig mo pa ang boyfriend ko sa pagbisita sa'kin hahaha," pagpapatuloy niya.

I feel the throbbing pain in my heart. Hindi kayang tanggapin ng pandinig ko na sa first name niya lang ako tinatawag. I really miss her endearment for me. I miss those time when she calls me "my Benjamin"...

"Mas gusto kitang bantayan kaysa mag-review." Yes, it's true.

Totoong mas gusto ko siya makasama rito sa hospital araw-araw kaysa pagtuonan ko ng pansin ang academics ko. Kahit bumagsak na 'ko sa mga subjects ko, okay lang. Wala na akong pakialam kung hindi na ako maka-graduate this year, basta nakikita at naaalagaan ko siya palagi 'tsaka... "Ako naman talaga dapat ang nag-aalaga sa 'yo ngayon, hindi siya."

Biglang huminto sa pagtawa si Erie. Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? At saka bakit hindi na lalong maipinta ang mukha ni Martin?

Wala naman masama kung mas gusto ko bantayan si Erie, wala naman problema ro'n. Best friend niya ako kaya walang malisya sa bagay na 'yon. Kung umasta naman ang epal na 'to akala mo'y boyfriend talaga siya ni Erie. Mapagpanggap.

"A-anong ikaw naman dapat talaga ang nag-aalaga sa akin at hindi siya? Sinong siya ang tinutukoy mo, Liam?" Tanong ni Erie na puno ng pagtatakha.

May sinabi ba akong gano'n? Sandali, nasabi ko ba talaga ang iniisip ko lang?

"May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin 'yan sa kabila ng ginawa mo sa kanya?" Sabat ni Martin na ngayon ay pinanlilisikan ako ng tingin.

"Martin!" Pigil ni Wendy rito dahil panigurado'y magkakasagutan na naman kaming dalawa, or worse, magkapisikalan kami rito.

"Bakit Wendy? That's the truth, right? Hindi naman ma-co-confine si Aerielle kung hindi naman dahil sa BOYFRIEND mo?" He said while giving me a death glare.

Aba, in-emphasize pa talaga ang boyfriend? Sinasabi niya bang wala akong karapatan mag-alala kay Erie dahil may girlfriend na ako? Is he insane? Mag-aalala ako kay Erie sa ayaw at sa gusto niya. May girlfriend man ako o wala. That girl he's claiming his is my special person. Wala siyang magagawa kung mag-alala ako sa best friend ko.

Natahimik saglit si Wendy sa mga nasabi ni Martin. "Please Martin... not here," iyon na lamang ang naisagot niya dahil ayaw ni Wendy na magkasagutan kami nitong pinaka hambog na humihinga sa ibabaw ng lupa.

"Ikaw? Mag-aalaga sa kanya? Huwag mo 'ko patawanin, nerdy boy," nang-uuyam ang tono niya. Hindi siya natinag sa pakiusap ni Wendy at pinakatitigan niya ako. Sa mga tingin niyang iyon ay gusto niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatan kay Erie.

Oo alam ko iyon, hindi niya kailangan ipangalandakan sa mukha ko na wala na akong karapatan at kasalanan ko iyon. Pero iyong bagay na maalagaan ko si Erie? Iyon na nga lang ang magagawa ko para sa babaeng mahal ko, ipagkakait niya pa? Nasa kanya na si Erie. Siya na ang kinikilala nitong boyfriend, kaya ano pa ang pinuputok ng butse niya?

"Kaibigan ako ni Erie kaya walang mali kung gagawin ko ang bagay na iyon." Lalo siyang nanggalaiti sa sinabi ko, nagtangis ang panga niya at lalong nanlisik ang mga mata niyang sobrang tutok sa 'kin.

Iyong tipo ng titig niya ay gusto na akong sakalin hanggang sa maging kulay violet na 'ko. Hindi ako nagpatinag at sinabayan ko rin ang nanlilisik niyang mata dahil bakit ako matatakot sa kanya? Sino ba siya? Extra lang naman siya rito. Kung hindi rin naman siya umeksena sa amin ni Erie ay hindi aabot sa ganito ang lahat.

"Hindi mo na kailangan mag-abala dahil nandito naman akong boyfriend niya. Kung pag-aalaga lang ang usapan, kaya kong gawin iyon. Higit pa sa kaya mong gawin. At isa pa," he suddenly cuts what he's trying to utter and he gives me a devilish smirk.  "Ang ironic naman kung ang mag-aalaga sa girlfriend ko ang cause ng accident niya?"

I was suddenly stunned by what he spilled. My guilt and conscience slowly consuming me again.

Yes, he's right. It's ironic because... I'm the reason for her accident and I have the guts to show my face in front of her?

Bakit nga ba ako nagpupunta pa rito? Sa tuwing dumadalaw lang naman ako ay walang oras na hindi pinapamukha sa akin ni Martin na ako ang puno't dulo ng lahat. Well in fact, he is right.

Ako lang naman ang nagpipilit na ayusin ang lahat kahit alam ko na malabo pa sa tubig kanal ang chance na maayos ko pa ang mga gulong nangyari.

"G-guys? Anong pinag-uusapan niyo?" Punong pagtatakha ni Erie. "Nag-aaway ba kayo?" Sasagot pa sana si Martin nang biglang tumayo si Wendy at hinatak ako patayo sa kinauupuan ko.

"I think we should go, may tatapusin pa kasi akong assignment and tutulungan ako ni Liam. Right, Liam?" Paalam niya at tinignan ako na para bang um-oo na lang ako sa sinabi niya. "And about the plan for your birthday Aerielle, maybe we can continue it on my next visit?"

"Ah... Gano'n ba?" Nalungkot si Erie sa biglaang pagpaalam ni Wendy. "Sayang gusto ko pa sana kayo kakuwentuhan."

Me too, Erie. I badly want to talk with you, like we used before.

"Pero ayos lang basta balik kayo dito ah, mga bukas agad," she genuinely smiled.

Kahit ayaw ko pa umalis ay wala rin naman akong magawa dahil ayoko na makita ni Erie na nagtatalo kami ni Martin. Hindi iyon maganda lalo na sa kondisyon niya ngayon.

"Of course, no problem. Pagbalik ko ishe-share ko sa 'yo ang lahat ng ideas ko para sa birthday party mo," pilit kong ngiti sa kanya, tumango siya at nginitian din ako pabalik. Hinihintay ko na may sabihin pa siya pero tanging ngiti lang talaga ang tugon niya. Ang sakit.

Tuluyan na kaming lumabas ni Wendy ng kwarto at naiwan si Martin sa loob. Pinapanindigan niya talaga ang boyfriend duties niya, tss. Habang naglalakad kami palabas ng hospital ay biglang tumigil si Wendy sa paglalakad. Tinignan ko siya, diretso lang ang tinigin nito sa daan.

"Bakit ka huminto? May nakalimutan ka ba sa loob?"

"Tanging pag-iyak na lang ba talaga ang gagawin mo, Liam?"

"Huh?"

"Hahayaan mo na lang ba na maagaw ang dapat sa 'yo?"

Nauunawaan ko ang gusto niyang iparating sa 'kin, pero ano ba'ng laban ko? Nabakuran na ng iba ang matagal kong inalagaan at minahal. At bakit niya ba ino-open 'yan? Hindi ba "girlfriend" ko siya? Ano na naman kaya ang nakain nito at kung ano-ano na lang ang pinagtatanong niya?

Pinakatitigan ko lang siya, ayoko sagutin ang tanong niya dahil kahit nasasaktan ako, pinipilit kong tanggapin na hindi ako worth it para sa babaeng gusto ko at kahit kailan, hindi magiging kami sa huli.

Hinarap niya ako at seryoso akong tinitigan, "I'll help you."

What? Tutulungan niya ako saan? Bakit niya ako tutulungan?

Buong pagtataka ko siyang tinignan. "Baliw ka ba? Anong tutulungan ang pinagsasabi mo?"

Mas naging seryoso ang mukha niya. "Hindi ako baliw, Liam. Kung may baliw rito, it is you."

Bakit ako? Dahil ba umiiyak na lang ako bigla? Oo nga naman. Sino ba iyong bigla na lang iiyak nang walang dahilan?

"You're crazy because you just letting her not to remember you."

Bigla akong natigalan sa sinabi niya. Totoong hinahayaan kong hindi ako maalala ng babaeng mahal ko dahil nandiyan naman si Martin. Si Martin ang alam niyang kasa-kasama niya simula pa umpisa at ako? Ako ang extra.

"Iyang iniyak-iyak mo kung sana gumagawa ka ng paraan para maalala ka niya, eh 'di sana happy together na kayo at hindi nagmumukhang kinagat ng ipis 'yang mata mo kakaiyak diyan!" Bulyaw niya. Halata sa mukha nito ang inis at panghihinayang.

"Bakit pa? Hindi na nga niya ako maalala, anong gagawin ko? At saka... Nandiyan naman si Martin, hindi niya naman siguro papabayaan si Erie," pagdadahilan ko at napayuko na lang, dahil totoo na wala na akong magagawa—

"Aw! Ano ba?!" Bigla na lang niya ako kinotongan ng pagkalakas-lakas. Ano ba'ng problema niya at nananakit na lang bigla!?

"Napakawalang kuwenta ng excuse mo, Liam. You know that you can do something, you just scared to make a move."

May magagawa pa nga ba ako? Baka nga mayroon, natatakot lang ako gumawa ng paraan dahil walang kasiguraduhan kung maaalala niya pa ako, at si Martin? Alam kong gagawin niya ang lahat para hindi na ako maalala ni Erie.

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung lalaban ako o hahayaan ko na lang sila na maging masaya.

Muli akong hinampas ni Wendy sa braso, mahina na lang this time. "Huwag ka na nga magmuni-muni, Liam! Tanggapin mo na lang 'yong ino-offer ko na tulong."

I looked at her with skepticism. Even though I was hesitating about what this midget was planning, I still asked what help she would do. Maybe there's nothing wrong if I lift my hopes again, right?

"Anong tulong ba ang sinasabi mo?"

"I will help you with her to remember you... And to win her this time," she smiled and gives me a look that it's not too late for me to fight for my love.

Hindi ako agad nakasagot sa ino-offer niya, dahil natatakot ako. I want her to remember me and not to forget our good memories, but how? If she doesn't seem want to remember me, and as if she has never been with me for a long time.

How do I say that? Because I saw it in her eyes since the accident happen. Pakiramdam ko ay napakalayo na niya sa akin, lalo na at mayroon ng Martin sa buhay niya. Paano ako lalaban pa?

"So, will you accept my help? Or not?"

Tatanggapin ko ba? Kakayanin ko bang makita si Erie na masaya sa iba habang buhay? Kaya ko bang kalimutan ang pangako ko sa kanya... our promise to each other. Sandali akong natigilan sa mga iniisip dahil may naalala ako.

I suddenly remembered my promise to her years ago. Yes that's it. Why did I forget that?!

Iyong pangako ko sa kanya na hahawakan ko ang mga kamay niya kahit dumating na ang araw ng pagputi ng mga buhok namin. And she said... She promised that she will never leave me. We will never let go of each other even we are walking in different paths...

At kahit hindi man kami magkatuluyan ay hindi namin kakalimutan ang isa't isa.

Yes... That pinky promise we made!

Biglang sumiklab ang pag-asa sa loob ko at hindi mali ang kutob kong may paraan pa. At mali ang tadhana na huli na ang lahat para maamin ko ang totoo kong nararamdaman para kay Erie.

"Heeeeey, Liam? What? Hanggang kailan ka mag-de-decide? Kapag kasal na silang dalawa?" Wendy said with a bored tone in her voice.

No way! Hindi ako papayag na maikasal si Erie sa lalaking iyon. Kahit kanino na maitali si Erie, huwag lang sa lalaking iyon! But it would be better if I'm the one who's going to be her groom, right?

I wiped the remaining tears from my eyes and looked at her full of determination. I smile and said,  "yes. Please help me."

                               -AndyThoughts-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status